Back to applying freelance jobs after long hiatus.
Natuto ako ng bagong programming skill, pero di ko pa rin magamit. Kailangan ko pa rin ng portfolio para i-backup ang skill ko doon. Plus additional working experience pa para pwede ko talaga magamit online. Siguro work ako sa local clients para makuha ang experience na ito.
Apply apply ako lately. Mukhang dagsaan ngayon sa skill na ginagamit ko, at pwede pa rin sa current rate ko (or pwedeng higher pa). Mukhang tapos na ang panahon ng tagtuyot sa freelancing. Mga 10 jobs lang ang inapplyan ko, naka-5 invitations to interviews ako. Not bad. Pero wala pa nga lang akong hire sa mga yun, haha!
I don't recommend applying to unverified clients, clients with short hire history (3 hires with feedback is short to me), clients who have still spent small amounts (less than $200 is small to me) unless you are quite experienced dealing with clients.
Reasons: 1) maraming manloloko sa mga ito, 2) pareho pa kayong nangagapa sa odesk system, 3) [for unverified clients] because their accounts are unverified, they have to usually pass the process of verifying their accounts. In my experience with new clients that verification takes a while - mga one week or so. May mga clients na hindi agad nakakapagverify so they arrange for payments outside odesk. Pwedeng magkalokohan dito.
It also doesn't mean walang manlolokong verified clients. Meron pa rin. Pero at least nafilter out na ang isang group ng mga manloloko. :p
Kahapon nga lang wala akong masyadong maapplyan kaya nagsubmit ako ng applications sa mga
unverified clients. Yung isa doon ininvite ako sa interview. Sa profile ng project, nakalagay taga-California ang client, pero naoverlook ko nga lang ang timezone nya na ang nakalagay pala ay GMT+08 (dapat GMT-08 sa mga nakatira sa timezone na yun). OK, binigay ni client Skype nya. Sa ID pa lang ng Skype nya, parang di pang professional ang dating (PM nyo na lang ako kung ano ang skype name nya) tapos noong inaccept nya ang "add" request ko sa Skype, puro pang jejemon ang mga characters na nakalagay sa skype name nya (LOLs).
Ang hirap nga naman seryosohin ang ganung clients. Anyway, tinandaan ko naman na
unverified sya.
Tingin ko nahirapan syang mag-english, kaya eventually in-admit nya filipino nya ('filifino' pa ang pagspell nya). In-admit rin nyang 'filifino' sya na nagtatrabaho sa Dubai.
Tagal pa nyang magreply sa chat ha! Ang medyo nakakainis lang, noong mukhang available na bigla ba namang tumawag sa Skype??? (yung iba kong mga potential clients nagtatanong muna kung pwede akong tawagan)
Tingin ko mukhang pinoy lang ito na gusto lang makita ang paraan kung paano ang interview process sa odesk.
Tingnan ko lang kung kaya nyang i-verify ang client account nya. Hindi rin pinoy ang dating ng full name nya. Bawal sa odesk pa naman ang gumamit ng bogus na pangalan. Hindi porket pinoy ok rin sila. Actually sila pa nga ang gustong mag-undercut ng rates natin (meaning, tumatawad sila

).
Mukhang di pa tapos ang interview ko sa kanya. May messages syang iniwan sa skype ko.
Ingat-ingat mga sis. Sana ok rin kayo!