watch now

Author Topic: Matapobreng pamilya ni BF  (Read 12572 times)

timetraveller

  • Guest
Matapobreng pamilya ni BF
« on: September 25, 2013, 05:15:34 pm »
Hi mga sis. I just wanna seek advice lang sana para matauhan ako sa kung anong dapat kong gawin.

My boyfriend's family belittle me in terms of social status. Hindi naman mayaman sila BF, average lang kumbaga and in fact madami silang pinagkakautangan. Here are some instances kaya ko nasabing minamata nila ako:

1. They call my place "squatters' area" just because it's in Manila. Our place naman is not pangsosyal na subdivision but at least it's not a squatters area. We own the land in which our house is located, we don't rent.

2. Me and BF go to the same college, and our tuition fee does not cost that much naman in comparison to really expensive schools, kaya nababayaran naman ng parents ko ng full. One time, magkasabay kami ni BF magbayad and kasama namin yung dad nya. When I paid, his dad told us, "sobrang mura naman pala ng tuition dito. maski mga mahihirap kayang bayaran ng buo" take note: they've been paying his tuition in installment since we were freshmen.

3. BF has a tita who lives in a condo. It so happened na yung isang first cousin ko dun din nakatira. So syempre kapag nagbabakasyon or dumadalaw sina BF dun sa condo na yun, sumasabay na ako para bisitahin na rin yung mga pamangkin ko and yung cousin ko. Nagulat na lang ako nung ayaw na akong isabay ni BF sa pagpunta dun, sabi pinaimbestigahan daw ako ng mga tito at tita nya and they found out nga daw na wala naman daw talaga akong kamaganak dun, gusto ko lang daw makiswimming sa condo nila. Like duh kung gusto ko magswimming lang maraming resorts na malapit sa Manila.

Sa totoo lang, minsan kapag may mga bayarin sa school pinapa-"utang" ko si BF dahil kahit ayaw man nilang aminin, obvious na obvious naman na gipit sila. Kahit hindi naman nila binabayaran , I just let it pass kasi maliit na amounts lang naman (100-500). pero napupuno na ako sa remarks nila about me and my family's social status.

Me and BF have been together for 2 years mahigit na, and I love him. Pero minsan naiisip ko na sumuko and find another.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #1 on: September 25, 2013, 05:35:47 pm »
^oh I feel for you sis. naranasan ko din yan with my ex's family pero di naman ganyan kagarapal.
.
.
.
.
ask ko lang, alam ba ni bf mo kung paano ka minamaliit ng family nya? anong sinasabi ni bf sau?

angeleigh

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #2 on: September 25, 2013, 06:03:45 pm »
Ano ang stand ni bf mo sa situation mo? napapansin rin ba niya?

chicafabulosa

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #3 on: September 25, 2013, 06:14:48 pm »
I know how you feel. But yabang naman ng pamilya ng bf mo sis sa totoo lang. Sarap nila tirisin. Mura pala tuition fee eh bakit installment? Naka condo lang tita nya ang yabang na nya. Naka condo ako sis ha but we do have houses too in exclusive subdivisions pero di ko naman minata yung ibang tao porke san sila nakatira. I have friends who lives in a place na ikaw eh matatakot ka puntahan pero i dont mind. Sana kasi mang mata sila if super duper yaman nila. Nakakainis mga ganyan na tao sis, nakatikim ng kaunting pera ang yayabang na.

My stand here if ganyan na sila paano na pag nagkatuluyan kayo? Kaya mo ba na mamatahin pati pamilya mo? If i were you think twice. Mahirap ganyan na kasama sis. Okay si bf mo pero si family di okay hay mai stress ka lang for sure.

mrsB

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #4 on: September 25, 2013, 06:24:38 pm »
Parang ang weird lang na mamatahin ka nila yet di naman sila ganun ka-well-off. Monetary lang ba ang inaayaw nila sa iyo o meron pa?

simang

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #5 on: September 25, 2013, 06:49:32 pm »
Anong stand ng jowa mo dyan? Have you told him about it?

angeleigh

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #6 on: September 25, 2013, 06:50:20 pm »
Matitiis ko pa siguro kung ganon ang family but bf does something about it. Like talk to them, or ipagtanggol ako.
Ang hindi ko matatanggap eh kung ganon yung family, tapos si bf dedma lang.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #7 on: September 25, 2013, 08:27:26 pm »
Ang hindi ko matatanggap eh kung ganon yung family, tapos si bf dedma lang.
^kung ganyan ang sitwasyon e good riddance na dapat. walang kwenta ang lalaking walang b@lls para ipagtanggol ang gf/wife nya.

timetraveller

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #8 on: September 25, 2013, 08:46:05 pm »
My BF naman mga sis, infairness to him, he defends me naman. Yes he is aware na ganun ang pamilya nya sakin and pinagsasabihan nya especially his dad and tito/tita pero syempre, dependent pa kasi si BF sa kanila.

Ang medyo weird nga dito mga sis, yung tita nyang naka-condo mabait naman sakin. Yung ibang mga tito/tita nya na jobless at umaasa dun sa tita nyang naka-condo ang nangmamaliit sakin and sila yung mga nag-imbestiga "DAW" sakin.

Wala naman akong alam na pwede nilang maging dahilan para magalit sakin, kasi with all honesty ha, sobrang lamang ako sa BF ko in terms of intellect. Hindi rin naman ako pangit, sila (pamilya ni BF) pa nga ang nagsasabi na sa ganda lang daw ako may masasabi. Never ko rin silang pinakitaan ng masama as far as I know.

Hindi lang sila sakin matapobre, maski mga kapitbahay nila minamata nila, knowing na yung iba sa mga minamaliit nila e stable ang buhay at may mga naipundar kahit papaano in comparison to them.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #9 on: September 25, 2013, 09:04:47 pm »
May mga ganung tao sis, in order to cover their own failure to support themselves (mga pal ng tita ng bf mo na nakacondo) they would belittle other people to make them feel good. Alam mo yan ang napapansin ko eh, kung sino pa yung di naman ganun ka well off ang yayabang.. Hay naku sis pasensya na ha, high blood ako sa mga ganun eh.

Well as long as dependent si bf hanggang dun lang ang kaya nyang gawin now unless kaya nyang totally na labanan sila for the sake of your relationship.

Sense ko sis baka yung mga pal insecure sayo. Hayaan mo na, the best revenge is to live well.. :) kahit anong pambabastos nila, smile.. Do it with grace. The more sila maiinis kasi no reaction ka. Kill them with kindness lalo yan maiinis..

So if I were you as long as di naman affected relationship nyo and masaya ka naman, go ka lang. But if pati relationship nyo nagsa suffer na, maybe its about time to think twice. So far I guess you're doing okay, so just take a deep breath and pray.

timetraveller

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #10 on: September 25, 2013, 09:16:42 pm »
^ kapag kaming dalawa lang ni BF, happy naman talaga kami. Yung pamilya nya lang talaga ang epal hehe. First time ko kasing maganito, may mga relatives kami na super duper rich pero never namin naramdaman na mas maliit ang worth namin kesa sa kanila. Kaya siguro medyo affected ako sa matapobreng pamilya ni BF hahaha.

Honestly mga sis minsan naaapektuhan na rin relationship namin ni BF, kasi minsan as in sinasadya nilang bigyan si BF ng kulang na allowance dahil iniisip nga nila na baka gastusin ni BF sakin. Duh, kung mangailangan man ako ng pera my dad is just a text away. As if naman may mahahabol akong pera sa BF ko kung yun man nga ang habol ko. Kakainis hahaha.

timetraveller

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #11 on: September 25, 2013, 10:21:32 pm »
^ siguro nga sis.  ::) pero sa totoo lang, kung hindi dahil sakin (kay BF mismo nanggaling ito), hindi pa rin graduating si BF ngayon. My boyfriend kasi is easily influenced ng mga kaibigan nya. Ayun, yung friends ni BF, maga-apat na taon na sa 1st year college. Kung hindi ko siguro pinush lang talaga si BF na magaral ng maayos malamang katulad din sya ng mga friends nya na yun.

Kung yun ang gusto nila, they could have simply talked to me. Hayy. Besides, I don't think they have the right to even think like that, wala ngang nakatapos sa kanila ng college eh. In my family, both of my parents are post-graduate degree holders. And my titos/titas are all professionals.

mrsB

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #12 on: September 25, 2013, 11:53:31 pm »
Hmm, actually naguguluhan ako kasi paano magiging matapobre ang di naman mayaman? Sa mga kwento mo, parang your family is better off pa nga than theirs. Baka nga iba ang ayaw nila sa iyo, ugali perhaps? (I am not saying na pangit ugali mo ha, baka lang hindi compatible sa ugali nila?) Or values? Or family background? Or looks? Or reputation?

Bottomline, wala naman kasing problema sa monetary status mo/ninyo. Nakakapag-aral ka, may bahay kayo, may itsura ka pa. Baka ayaw lang nila talaga sayo para sa anak nila? Ooops, sorry if it hurts.

Btw, have you tried to win their love? If you think that you already did everything you can para ma-accept ka nila, then there's nothing you can do anymore. If your bf have the balls to fight for you, good. Kung hindi naman, there are many other men out there whose families will wholeheartedly accept you.  :)


Purple_Power

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #13 on: September 26, 2013, 01:13:12 am »
Sad to say but your bf's family are just plain social climbers kaya nga sila matapobre eh! Kasi ang gusto nila is yung someone na mas angat sa kanila. O di kaya this is part of their defense mechanism na baka naman kasi mayaman sila dati tapos naging bagsak ang buhay nila. Or they can't accept the reality of their situation na hindi sila ang aristocratang mayaman. Nakakatakot lang kasi mga ambisyoso sila at ang mahirap dyan is pera lang ang kayang magvalue sa pagkatao nila.

Don't try to please them kasi madidisappoint ka lang. pero yeah ano nga ba stand ng bf mo sa situation na ito? Huwag kang susuko sa pagmamahal mo sa kanya nandahil lang sa mga social climbers. Ang pakikisamahan mo rito ay yung bf mo hindi ang pamilya niya.

timetraveller

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #14 on: September 26, 2013, 06:19:03 am »
^^ sis, obviously mas well off pa talaga ang family ko kesa sa kanila. Bukod sa kaya naming magluho paminsan minsan, wala rin kaming pinagkakautangan.  ;D

Matapobre sis kasi it's like they're making me feel that I'm inferior because I'm not rich.

^ yes, social climber is the term talaga sis. BF once had an ex na taga-Malabon and sa public naga-aral (high school pa kami nito) and inayawan din nila, wala daw future si BF dun.

A little background: Dati naman kasi okay ako sa family nya eh. Nung first year ng relationship namin, mabait sila sakin. Pero nagkaron ng instance na nagsimula silang magipit and dun na nila ako simulang tratuhin ng hindi maganda. Seaman yung dad ng BF ko for 30 years mahigit na. Super maluho sya and bili ng bili ng gadgets, bags, shoes basta maluho talaga daig pa ang babae lol. Unfortunately nagkasakit si mom ni BF and umabot yung hospital bill ng 500k. Since wala silang emergency fund or ipon man lang, ayun, may utang sila sa kung sino-sino.

Hayy ewan sa kanila.  ::)

Purple_Power

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #15 on: September 26, 2013, 01:07:23 pm »
^Ayan kasi ang hirap sa kanila eh! magkapera lang ubos biyaya bukas kawawa. Hindi siya marunong kung paano ihandle kasi ng maayos eh!

Saka nakakatawa lang ah! Anong gusto nilang klaseng gf yung magiging haligi ng tahanan?  :o So they are looking for future breadwinner. Grabe kadalasan sa kultura natin alam ko usually kapag ang anak nila babae ang gusto ng magulang yung bf niya well off kasi kadalasan sila tatanungin kung kaya ba buhayin nung lalake yung babae nilang anak.

Bakit hindi na lang nila tulungan yung anak nilang maging responsable sa buhay imbis na mag set ng expectations sa anak nila kung sino ang dapat nilang magiging karelasyon? Kasi kapag ganyan baka makarma sila. Mamaya yung mga inayawan nila maging successful balang araw tapos maging rich.

Meron nga akong Tita eh nakwento lang sa akin ng Mama ko. Inayawan rin ng family yung ex boyfriend niya kasi nga hindi well off. Pero ngayon sobrang mayaman na. Tapos yung tita ko naman sa USA siya naman ang breadwinner sa family niyang Americans. Baligtad diba? Yung American walang work pero itong tita kong pinay ang bumubuhay sa kanila.

Isipin mo na lang kaya sila nagmamatapobre dahil naghahanap sila ng taong sasalo sa kagipitan nila.

timetraveller

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #16 on: September 26, 2013, 01:28:24 pm »
^ yun na nga rin sis ang iniisip ko, baka ang gusto nila e yung easy money, biglang yaman ba. Ang samang isipin pero parang ang gusto nila mangyari e makapag-asawa ng rich si BF para mabayaran lahat ng utang nila.

Ngayon pa nga lang eh... kapag may mga bayarin sa school, sinasabi nila kay BF mangutang muna sakin (which is weird kasi ang tingin nga nila sakin "mahirap"). Tapos hindi rin naman babayaran. Ayoko rin namang maningil kasi kusa naman silang nanghiram, dapat kusa rin silang magbayad.

This coming Saturday may bayarin nanamang php300, sabi ko talaga sa sarili ko I'll really say "NO" para makaramdam naman na hindi ko pa responsibilidad ang anak nila.

nicola_juliano

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #17 on: September 26, 2013, 03:18:50 pm »
As I read "Seaman", naka-relate ako ng unti dun sa dad ng bf mo. Because inaamin ko na, napakayabang ng dad ko. He's a seaman ng almost 30 years like his. Wala naman kami utang or what pero somehow kaunti lang naisave nya because nagsara lahat yung mga Insurance na hinulugan nya. In-short, he was able to save up very little so he ended up working as a part time instructor sa office ng mga Seaman groups in Malate. At honestly, eto yung isa sa kinaiinisan ko sa kanya. Super Yabang! If may pumuntang tao sa bahay (na alam nyang di ganun kaganda ang bahay), akala mo kung sinong malaki naipundar sa house. E house lang namin is super simple lang and we na-renovate 2 years ago to have second floor. I also heard same story to my friends who also have a seaman dad. I guess eto ata epekto ng pagiging Seaman ng super mahabang taon! hehe.
   Going back sa story mo, mahirap yan sis kasi BF's family is using you for their advantage. Baka if mag-asawa na kayo, ganun pa din....  :-(

Purple_Power

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #18 on: September 26, 2013, 04:51:47 pm »
^Nakakatakot yang pamilya niya sa totoo lang. It reflects na gusto nilang umastang mayaman. Yaan kasi ang hirap kapag inuuna parati yung yabang eh! ika nga eh! hindi na bale mawala ang yaman huwag lang yung yabang. I think that is their objective in life at wala sila sa pagiging practical or in real world.

Hirap na pala sila sa situation ngayon nagmamataas pa rin sila? Sino ang tutulong sa kanila kapag nangailangan sila kapag ganyan ang ugali nila?

Bakit nga ba nagbreak sila nung ex at yung bf mo? Dahil ba dyan sa ugali ng pamilya niya or personal reason na lang nila?

timetraveller

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #19 on: September 26, 2013, 09:04:03 pm »
^ Kaya nga sis natatakot din ako. Baka mamaya kung magkatuluyan man nga kami ni BF at ganun pa rin sila, maging magulo at miserable lang.

Regarding BF's ex, ayun, nag-break sila kasi ayaw ng parents ni BF dun sa girl. She's an average "somebody" lang daw kasi, and BF won't have a bright future daw with her (narinig ko 'to mismo sa kanila nung medyo mabait pa sila sakin)

Hayy sis natumbok mo. Ang yayabang nga nila, as in pag nagpupunta sa grocery todo post pa sa FB ng mga pinamili e canned goods lang naman. I like corned beef and liver spread, but I don't feel the need to let people know I can afford those stuff.

When my BF's cousin (anak ito ng tita nyang naka-condo) graduated from College and held a thanksgiving party at a 5-star hotel, the other titos/titas todo picture, bawa't sulok yata ng hotel na pinuntahan ay pinicturan at in-upload pa sa FB. I don't know, they went there for the cousin's graduation pero ang title nung album is something like "dinner at ____ hotel". ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close