watch now

Author Topic: Matapobreng pamilya ni BF  (Read 12551 times)

chicafabulosa

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #20 on: September 26, 2013, 09:10:18 pm »
Tandaan mo sis they will only treat you like that if you will allow them. Like ng sinabi ko sayo, mahirap yan pag nagkatuluyan kayo. Di tatahimik buhay nyo. Kung si ex di rin pumasa ang tanong ko eto ha:

Eh papasa ba anak nila sa mga elitista na pinapangarap nila?

Di masama mangarap pero masama kung nakakasakit na ng iba. Dapat lumugar lang sila sa kung saan lang sila bagay. Kung umasta sila akala mo naman mayaman talaga hmp!

See ikaw na nagsabi nagpappicture sa halos lahat ng sulok ng hotel, tawag ko dun bakya! Aba baka gusto nila kumpletuhim pati sa parking lot at cr at kitchen na rin para nacover nila lahat ng area diba.

Dont let them treat you like that sis. You deserve to be respected. Everybody deserves to be respected regardless of their looks, social status etc. katakot yang family na yan sis seryoso.


donzski_doinks

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #21 on: September 26, 2013, 09:15:29 pm »
naku sis TS, mag isip isip ka na habang maaga. isipin mo,if ever magkatuluyan kayo ni bf, makakaya mo bang habambuhay pakisamahan ang mga tao na may ganyang mentalidad?

Purple_Power

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #22 on: September 26, 2013, 10:51:46 pm »
Sa totoo lang nakakaawa yang pamilya ni bf. Seems that ang angkan nila ay nabubuhay sa pataasan ng ihi. Napipicture ko na kasi ganyan rin ang pamilya ng tatay ko but good thing most of them are in USA so doon na lang sila magpataasan ng ihi. Both of his parents pa umaastang high school na kailangan maya maya magpost sa FB sabayan mo pa ng selfie. Ang dami talagang cases na ang lakas nilang magproject ng kayabangan lalo na yung may luxury involvement pero wag ka! Sila ang problemado sa finances. Baka nga marami silang mga utang kaya defense mechanism nila yang matapobre effect para hindi halata. Usually naman kasi mga matapobre yung mga social climbers eh! hindi talaga yung mismong mayayaman.

Ito naman mga itatanong ko sayo.

Again ano ang stand ni bf mo at kamusta naman yung mismong relasyon niyo? Sa tingin mo ba kaya ka niyang ipaglaban? Sige hindi na ipaglaban pero ano naman ang ugali niya tungkol dyan sa bagay na yan? Katulad rin ba siya ng mga magulang niya?

Willing ba kayo na balang araw kapag nagbukod na kayo as in kayo lang? Yung tipong hindi kayo titira sa magulang niyo? Kasi naandyan ang miserableng buhay eh! Sana makahanap kayo agad ng work saka yung magandang pagkakakitaan

Kaya niyo kaya yung fact na hindi papautangin ang magulang niya? Sounds harsh pero malamang yan pwede silang mamihasa sayo.

Ayoko talagang sabihin na iwanan mo ang bf mo nandahil lang sa magulang niya. Lalo na kung maayos ang stand ng bf mo sa relasyon niyo.  Kasi ang totoo bf mo naman talaga ang pakay mo rito hindi ang pamilya niya. As a girlfriend or future wife ang objective mo lang naman is to give respect to his family but nothing more like giving responsibility at ikaw ang magbabayad ng utang? Ano sila hilo?

Nakakalungkot lang ang magkaroon ng ganyang klaseng pamilya kaya hindi makapagtataka na hindi umuunlad ang bansa dahil isa na yan. Kaya maraming corrupt kasi siempre gusto lang rin nila ng yaman pero wala silang malasakit sa kapwa tao.

aquacharly

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #23 on: September 27, 2013, 12:13:16 am »
TIMETRAVELLER. My stand on being in a relationship is:  it should make you happy, guilt-free happy.
What is there for you or your BF to be guilty about?  Nothing.
It is just  unfortunate that his family has a lotta pretentious  crap.
But should that matter? Where you are now -- no,

See, you are still both  studying,  and should SAFELY enjoy your youth and love.
You are not dependent on that family, and you don't need to interact with them.
Really, you can take it or leave it -- that family and their pretentious.

Now, yes -- his family crappy.  --  but you should not take it against him & deprive both of yourselves this good relationship.
Just go with the flow between you 2,; and  avoid his family.  If you can't Deadmahin mo.  Step away from their collective petty minds.
 Do not criticize them, though they deserve criticism plus more --  because your BF will get hurt.  Family is family, even if they're oink-oinks.
There is also  no need to go into "me against your family" mode since the time is not appropriate for that yet.  Buti na lang!

So, just focus on doing your best with your studies & motivating each other.  Live out your love,  that's part of  your youth.  BUT hwag ka pasasabit ha! If you make that error -- you will very much narrow down your options.

Just let your love for each other develop. If it matures and becomes stronger --  you will both find a way to handle his  crappy family and relatives.  (I suggest you 2 live abroad -- far away & do not bring over to live with you anyone from his side).
However, if  this love should fizzle out, then it was not meant to last, really.  Do not despair -- you can always do better. :D

You are young, enjoy life. Stay away from people who will spoil your day. 

timetraveller

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #24 on: September 27, 2013, 08:13:25 am »
@chicafabulosa, minsan nga sis sa totoo lang gusto ko na sila sagutin and ipamukha sa kanila na wala sila karapatang magsalita at kumilos ng ganun. Hayy, kung wala lang talaga akong galang sa mas matanda sakin.

@donzki_doinks, oo nga sis eh... nalilito rin ako sa totoo lang. I love my boyfriend pero pag naiisip ko yung pamilya nya naku... gusto ko na sumuko.

@Purple_Power, sinasabihan nya yung dad and titos/titas nya na kung pwede sana wag naman daw ako ganunin. Pero sarado daw ang utak nila. Tsk. :-X

@aquacharly, ang kinakatakot ko naman sis, baka kasi kung sakaling bumukod and magsama na kami ni BF in the future, e asahan pa rin nila. Yun kasi ang ginagawa nila sa kuya ni BF e. Hinihingan ng hinihingan kahit alam naman nilang may sarili nang family si kuya ni BF


Si BF, sa totoo lang, masakit man aminin, pero may pagka-matapobre rin sa ibang tao. :( Sakin hindi sya matapobre, pero napapansin ko na may ugali rin syang ganun. Maluho kasi sya and gusto branded stuff, so parang minsan bine-belittle nya those who buy clothes/things at Divi or Quiapo. He also once said na ayaw nya magturo sa public school kasi squatters daw mostly nagaaral dun. (we are both future teachers BTW)

Thanks mga sis ha. :)

Purple_Power

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #25 on: September 27, 2013, 08:55:52 am »
^Hindi naman sa tinatakot kita ha! Sayo hindi niya gagawin yun kasi nga gf ka pa lang niya ang kinakatakot ko dyan is paano kung magtagal kayo baka ikaw naman ang kamuhian niya kapag naging practical ka na. Saka the nerve lang of saying na ayaw niya magturo sa public school because of students na galing squatters, samantalang mas malaki ang sweldo ng teachers sa public school compare to private. Nakakatakot na mentality yan, malakas lang ang loob niyang sabihin at confident siya kdahil wala pa siya sa process na hirap siyang maghanap ng trabaho hindi mo rin masasabi ang kapalaran ng isang tao. Not unless na lang kung alam niya sa sarili niya na magaling at highly competitive siya. I know you still have your feelings with your bf pero ito lang masasabi ko, seems that yung mentality ng magulang niya ay sobrang influence na siya. Ngayon pa lang sinasabi ko na kapag hindi siya talaga nagbago there is a big possibility na kahit magbukod nga kayo saka ganyan pa rin ang perspective niya in life then that is already the beginning of the misery. Anong gagawin niya kapag nahirapan kayo sa finances? Hindi biro ang responsibility lalo na pagdadaanan niyo ang monthly expenses. If he is that kind of person na minamaliit niya ang mga taong bumili ng things sa Divisoria well tingnan natin kung ano ang decision niya kapag nagplano na kayo magpakasal, at magpaparty sa future kid niyo  ;D Usually meron talagang manggagaling sa Divisoria.

nicola_juliano

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #26 on: September 27, 2013, 09:11:55 am »
^ Kaya nga sis natatakot din ako. Baka mamaya kung magkatuluyan man nga kami ni BF at ganun pa rin sila, maging magulo at miserable lang.

Regarding BF's ex, ayun, nag-break sila kasi ayaw ng parents ni BF dun sa girl. She's an average "somebody" lang daw kasi, and BF won't have a bright future daw with her (narinig ko 'to mismo sa kanila nung medyo mabait pa sila sakin)

Hayy sis natumbok mo. Ang yayabang nga nila, as in pag nagpupunta sa grocery todo post pa sa FB ng mga pinamili e canned goods lang naman. I like corned beef and liver spread, but I don't feel the need to let people know I can afford those stuff.

When my BF's cousin (anak ito ng tita nyang naka-condo) graduated from College and held a thanksgiving party at a 5-star hotel, the other titos/titas todo picture, bawa't sulok yata ng hotel na pinuntahan ay pinicturan at in-upload pa sa FB. I don't know, they went there for the cousin's graduation pero ang title nung album is something like "dinner at ____ hotel". ::)

AHAHAHA! Ayus 'to. :-D May pagkamahangin nga talaga!!! Buti na lang ang mom ko down to earth. Buti na lang sa kanya ako nagmana. lol!

Sa tingin ko ganyan ata mga karamihan (hindi lahat ha) sa mga OFW na nakahawak ng dollars. Yun yung nakakalungkot na part. :-(

Going back to your case, I think mag-isip isip ka na girl. It's for your own din. Mahal mo nga si BF pero kaya mo ba maatim ang case ng family nya. Kaya mo bang masikmura yung pwede nilang pinaggagawa sa iyo like paringgan ka. Sa culture kasi nating mga Pinoy, kapag kinasal kayo, parang kinasal na din kayo ng pamilya nya. At sa tingin ko, patuloy ka pa din nilang mamatahin kahit sa maliit na bagay lang. Baka eto pa maging dahilan sa matindi nyong pag-aaway kasi pwedeng kampihan ni bf ang pamilya nya at hindi ikaw. Feeling ko kasi, baka ikaw ay maging katulad ng mom ko. She has lots of horror stories with her biyenan (lola ko) nung pumipisan pa kami sa bahay nila Lola (Marami kasi bahay si lola, hindi sila mayaman, pero nagkaroon sya nun dahil sa pagbigay ng mga magkakapatid especially si Papa. Halos puro OFW kasi sila. 5 of them are OFW). Si Papa lang ang seaman. Let me give you some examples. Kapag kaharap ka, ang ok kayo. Pagnakatalikod, ichinichismis ka nya sa lahat ng kapit bahay, puro paninira. Nireremata din sya. She even told my mom na ipalaglag ako nung dinadala ako ni mama sa tiyan because di daw kaya nila mama at papa magbuhay ng 2 anak (ang bad noh). My mom's family is not that poor. Di sya nakapagtapos ng studies because she give way to her little sister. Namatay na si Lola, and yet, kargo pa rin ni mama ang sama ng loob nya. And about my dad, tahimik lang sya whenever inaaway ni lola. Kapag si mama at papa lang, kampi sya. Pero kapag kaharap si Lola, wala na. Oo lang ng Oo.

So that's it. Iniisip ko nga baka talagang ugali nila yon. Kasi si papa is acting like my lola now according to mom. Si lola kasi mukhang pera (Sorry lola). I'm seeing some signs too...

I guess, the reason why they're starting to act that way because they don't like you. Period. My lola is acting that way because she doesn't like my mom at mas like pa nya yung babaeng nagpapadala sa kanya ng pera nuon from HK. (Yun yung muntikan nang ipagpalit kay mama. They don't know that nagpakasal na ng lihim si Papadir at si Mamadir).

I wish nakatulong yung munting storya ni mamadir sa'yo sis.

evilwoman

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #27 on: September 27, 2013, 09:27:28 am »
Jackpot <insert sarcasm here> ka sa bf mo. Alam mo ba na madalas makikita ang tunay na ugali ng tao sa kung paano sya makitungo sa mga tao na inaakala nyang mas angat sya.konting pagkakampante pa sa inyo pati ikaw tatamaan ng pagkailusyonado nya.lakas ng loob umarte ng ganyan e kaunting pera hihiramin pa sa iyo.pweh!

solepurplelife

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #28 on: September 27, 2013, 10:01:22 am »
Nainis naman ako bigla sa BF mo. Akala ko naman okay sya. Kahit anak pa sya ni Bill Gates or kahit sinong Milyonaryo wala syang/silang karapatan mang mata ng tao. Ano bang pinagmamalaki nya? Branded clothes? Did he know na almost all of the local brands ee sa Divisoria kumukuha ng tela? I know someone na ganyan ang trabaho, taga-tawag sa mga supplier nila ng tela dun. Ako rin ayokong nagpupunta sa Divi hindi dahil I belittle their commodities kundi dahil sobrang hirap mamili at makipagsiksikan dun.

And anong problema ng BF mo sa public schools? Ako I'm proud to say na Iskolar ako ng Bayan. And I never thought na "squatter" kaming mga nag-aral sa public/state universities. If magkaroon ako ng kids, I'd rather enroll them sa public kesa sa private na sya naman ang magiging teacher. Maling values ang matutunan ng mga anak ko. Baka nga hindi sya makapasa kapag nag-apply sya sa Public schools, sabi mo nga diba hindi naman sya katalinuhan.  ::) OMG kainis huh. Pasensya kana sis. Least favorite people ko talaga yung mga taong mayabang pero wala namang sinabi.  ???

I'm just wondering, are you sure hindi ka rin minamata ng BF mo? Yung about sa pagtawag ng parents nya ng squatter sa place mo. How did they come up with such judgement? Nakapunta na ba sila sa area mo? Or your bf makes kwento about your place sa parents nya? Pinagtanggol ka na ba nya ng harap-harapan or sinasabi nya lang sa'yo na pinagtatanggol ka nya? Hindi mo naman ba nafefeel na ginagamit ka lang ng bf mo? Sabi mo kasi diba inuutangan ka nya tapos hindi ka naman binabayaran?

Sis, ask yourself and keep it real.  :)

Purple_Power

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #29 on: September 27, 2013, 10:50:28 am »
^Not to mention yung mga fashion designers na kilala o mga sikat talaga ang mga tela puro galing Divisoria yun. Example na lang si Edward Teng diba siya yung maganda at mamahalin na wedding gowns? May pwesto yun sa Divisoria mismo. Hindi kasi naiisip ng ibang tao eh! Sa Divisoria nanggagaling ang mga supply kaya nga maraming paninda na mumurahin dun eh! Isang bagay lang naman kung bakit ayaw ko sa Divi dahil sa siksikan tapos malayo pa sa place namin.

Mahirap talaga ang mabuhay sa ilusyon kadalasan sila yung bagsak ang buhay tapos umaasa na lang sa ibang tao. Baka mamaya magkaroon na naman ng another Mark Solis na mandaya para lang sa money and fame.

So hindi naman pala siya ganun katalinuhan tapos ganyan ang ugali niya? Mahirap rin yan. Wala naman pala siyang kasiguraduhan eh! Nakakatakot lang kapag andyan na siya sa situation ng responsibilities at nagkaproblema baka lang madamay ka sa hinanakit niya.

Just to share with you about my Aunt but she is already RIP.  Talagang sinabi ng mama ko na nabuhay sila ng Tito ko sa ilusyon (whereas biologically hindi naman namin sila kamag anak eh!) Yung Aunt ko kasi nung naging live in partner na niya Tito ko wagas rin ang pagmamalaki ng Aunt ko sa pamilya niya. Talagang ginagamit pa niya yung surname namin  ;D to show na angat ang buhay nila compare sa sarili niyang pamilya and the fact na she is living in Manila. Talagang pinilit niya ipag-aral yung mga anak niya sa private pero wag ka puro naman mga lakwatsero at nambabarkada. Wala naman akong narinig na nagsuffer grades nila pero yun nga hindi naman sila seryoso sa pag aaral. Tapos nung nasunugan sila tinutulungan na nga yung Aunt ko tapos nagrant pa siya sa Mama ko na hindi naman raw siya nahingi ng tulong tapos puro lumang gamit naman binibigay sa kanila. Tapos nung magcollege na anak nila ayaw pag aralin sa mga state universities as in gusto niya yung private. Eh kaso puro naman sila utang. Hanggang sa nagkasakit na siya yung pamilya niya which is yung Tito ko and our cousins puro yabang pa rin nasa isip. Habang kami natataranta na and willing to help them in finances just to save the life of their mother. Pinilit talaga nila na ang room na kunin is private para raw magkasama silang pamilya which is for all I know gusto pa rin nila magmayabang sa mga kapatid ng Aunt ko from Bulacan. Tapos tuloy nahirapan silang humingi ng tulong sa PCSO paano kasi hindi sila umastang indigent since nakaprivate sila. Namatay na ang Aunt ko pero yung cousin ko naman ang sumunod na nagmamayabang ngayon.  ::)

Yan ang example ng sinasabi kong mahirap ang mabuhay sa ilusyon at pagkukunwari worst case sa pamilya pa galing. Paano na ang buhay niyo kapag nasa emergency situation na kayo? Paiiralin pa rin ba niya ang yabang niya? Ang nakakatakot dyan kapag nagkaproblema kayo imbis na magtulungan kayo baka ikaw pa pagbalingan ng sise ng boyfriend mo at pati ng pamilya niya. As what solepurplelife said ask yourself and keep it real. I understand of how much you are in love with your bf pero kapag example iniwan ka niya or ikaw mismo nagdesisyon na iwanan siya then huwag kang manghinayang kasi you are doing the right decision.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #30 on: September 27, 2013, 11:00:32 am »
He also once said na ayaw nya magturo sa public school kasi squatters daw mostly nagaaral dun. (we are both future teachers BTW)
^nainis naman ako dito sis as in! i am a future teacher too and bilang isang guro, ang itinuturo sa amin e wag magmaliit ng mga estudyante. dapat pantay-pantay lang ang trato. parang si Confucius di b? wala sya pakialam sa estado sa buhay ng mga tinuturuan nya.
anim kami magkakapatid. 5 of us graduated elementary sa public school and yung 3 e sa public school din nakatapos ng HS.
ihaharap ko yang bf mo sa prof ko sa Educ 3 (The Teaching Profession) para magising sya.
o baka naman kaya ayaw nya magturo sa public school kase alam nya hindi sya makakapasa sa LET!?
hay naku. sorry sa mga nasabi ko sis ha. sobrang nag-init lang talaga ulo ko sa mindset ng bf mo. for me, he is not fit to be a teacher. tse nya! hmp!

chicafabulosa

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #31 on: September 27, 2013, 11:21:22 am »
Whats wrong with squatters na nag aaral sa public? What the f?! If ganyan sya mag isip aba sis he also have an issue. I dont want to be rude ha, pero mas mukha pang may modo ang mga squatter na sinasabi nya kesa sa kanila that includes your matapobreng boyfriend. Eh ano kung divi lang bumibili ng clothes. Sa nagdadala yan. Honestly i buy some clothes from tiangge eh sa maganda design eh paki ko sa ibang tao. I can afford expensive stuff my dear but i chose to live below my means kasi id rather use my money to invest than to spend it. Hay if ganyan mentality ng bf mo towards sa mas lower ang social status, paano na lang yan sis. Di porke branded clothes nya mas higit sya sa mga taong nilalait or minamaliit nya. Sorry ha but i dont have respect for people like that.

Mag isip ka na sis. Kung magkatuluyan kayo anong future ang kaya nyang ibigay sayo kung maluho sya pero he needs to sometimes borrow money from you sa mga necessity. Eh kunt matuto kaya syang mamuhay kung ano lang ang afford nila... Di mababago ng brand, lugar o anumang mamahaling damit ang ugali ng isang tao. Even if they wear expensive clothes one thing remains, fake sila and matapobre.

You dont have to insult his oldies, all you have to do is to live well and distance yourself from them. You dont need them. Btw saludo ako sayo how well you handle your bf's bad attitude as well. Grabe di ako tatagap sa ganun ka matapobre. Sya rin pala matapobre sis eh. Gusto mo ba ganun asawa mo in the future? Anong matutunan ng future anak mo rin? Ang maging matapobre? Think about it sis.

huggykaye

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #32 on: September 27, 2013, 11:58:33 am »
^tama.

kung sakaling magkatuluyan kayo at magka anak, gusto mo bang mabuhay sa ganyang environment at mamulat sa ganyang kabahong ugali ang magiging anak mo? o ikaw mismo, gusto mo ba talaga mapabilang sa ganyang pamilya? oo nga mahal mo sya. sana mas mahalin mo ang sarili mo at i save mo ang sarili sa mga taong tulad nila.

Purple_Power

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #33 on: September 27, 2013, 12:12:44 pm »
ihaharap ko yang bf mo sa prof ko sa Educ 3 (The Teaching Profession) para magising sya.
o baka naman kaya ayaw nya magturo sa public school kase alam nya hindi sya makakapasa sa LET!?
hay naku. sorry sa mga nasabi ko sis ha. sobrang nag-init lang talaga ulo ko sa mindset ng bf mo. for me, he is not fit to be a teacher. tse nya! hmp!

Yan pa pala hindi na pala basta basta ngayon ang pagiging guro. Kailangan mo pang pumasa ng LET bago ka humarap sa mga bata o students. Ano ba ang objective niya to be a teacher? Maging tormentor na magmamayabang sa students at magmamataas na kunwari smart siya? Or to help students in learning the lesson na itinuturo niya? Mahirap rin ang Teacher na walang malasakit sa students and unfortunately ito ang nakikita ko sa bf ni TS. Kung ganyan ang mindset ni bf then ang hinahanap niya ay kaaway hindi yung matutulungan niya.


Kapag ang pamilya mo ay walang moral values in which worst case both parents mo pa ang may ganitong mentality na money and fame after all yung tipong nagmamataas then I won't be surprised kapag ito ang naging future kid mo.

http://kickerdaily.com/plagiarized-photo-grabber-pleads-to-keep-cash-prize/

Tapos kapag napublicize na ang kahihiyan then sila mismo hiyang hiya sila sa anak nila then gagawa na sila ng mga excuses para matakpan yung pagkakamali nila. Kita mo umabot sa point na kailangan na niyang magnakaw para lang may maisalba siya kasama luho.

 


momentum

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #34 on: September 27, 2013, 02:51:33 pm »
Bukod sa sinabi mo TS na your bf had a tendency na mangmaliit ng public schools, squatter at divisoria, nabanggit mo din na Kung Di dahil sayo malamang influenced siya ng friends Nya na stuck for 4yrs sa 1st year college, that says a lot about him when you said na madali siyang ma influence ng barkada. Ngayon na mag bf/gf kayo napapasunod mo pa siya mag-aral and avoid his friends, 2yrs palang kayo, what if mas tumagal pa and nagsasama na kayo, iba na storya dun, paano Kung Di mo na siya mainfluence na huwag mambarkada? Bisyo? Or to stop asking money from you?


Speaking of asking money, talaga bang sure ka na it's his parents who is making "utang" from you sa pambayad ng Kung ano2x sa school? Did they really ask you personally or si bf Lang nagsasabi and you trust that what he is saying is true? Kasi pwedeng gumawa Lang siya ng storya para mapahiram mo siya para panggastos Lang pala niya sa luho niya.. Or worse eh nagastos na Nya pera na binigay ng parents niya to pay tapos ipapalabas niya na nangungutang sila ng pambayad..you also mentioned that "sinasadya" ng magulang niya na kulang yung pambaon ni bf kasi Baka magastos Lang para sayo, how sure are you that this is the truth? Sa kanila ba talaga nggaling or si bf Lang nagsabi sayo? What if din na si bf ay naghihingi pa ng extra pera sa magulang niya (kasi ngastos sa Kung ano2x) at ipapalabas niya na kasi binilhan ka niya ng meryenda, binayadnya bayarin mo sa school, etc?


True also namention ng isang sis natin, about sa sinabi daw ng magulang ng bf mo about how your place looks like , have they been to your place to make such judgment? Or si bf mismo ngsabi sa kanila na mukang squatter lugar nyo?kasi siya palang nakatapak sa lugar niyo..


Tsaka for me ha, if I were your bf at tutuo nga na masama tingin ng magulang ko sayo coz of their bad attitude, eh kelangan ko ba talagang sabihin lahat2x yun sayo?? Really now. Ano yun para you'll hate them? Or to make you feel bad? Kasi diba Kung Di naman maganda sinasabi ng magulang ko about you, I won't tell you this lalo nat napaka Rotten ng reasons nila .. I wouldn't want you to get hurt.. At iiwasan ko rin na makita ka nila just so that Hindi mo maririnig ang masasakit na salita..


Think about it sis. Observe your bf's behavior and what he is saying. Don't be blind coz you love him

solepurplelife

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #35 on: September 27, 2013, 03:47:13 pm »
^correct. Yan yung mga pumasok sa isip ko while reading yung mga post ni TS kaso nagdalawang isip ako kasi akala ko mabait yung bf hindi naman pala.  ???

Quote
you also mentioned that "sinasadya" ng magulang niya na kulang yung pambaon ni bf kasi Baka magastos Lang para sayo, how sure are you that this is the truth? Sa kanila ba talaga nggaling or si bf Lang nagsabi sayo? What if din na si bf ay naghihingi pa ng extra pera sa magulang niya (kasi ngastos sa Kung ano2x) at ipapalabas niya na kasi binilhan ka niya ng meryenda, binayadnya bayarin mo sa school, etc?

Couldn't agree more.



Napaisip din ako TS sabi mo sa 1styear ng relationship nyo okay naman sa'yo parents nya. Ee what went wrong? Hindi kaya si bf mo rin ang nagkkwento na kesyo ganyan or ganito ka sa parents nya? Maybe habang tumatagal relationship nyo mas nakikilala ka nya and nalalman nya na hindi ka ganun kayaman?  :-X Tamang hinala na'ko haha. Bad kasi ni bf mo ee.  >:(

timetraveller

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #36 on: September 27, 2013, 05:48:37 pm »
Nung sinabi nya na ayaw nya magturo sa public high school dahil nga daw sa mga batang "squatters", I immediately corrected him and told him mas marami pa ngang magagaling sa public kesa sa private. He graduated from a private high school by the way. I even told him frankly, "sina _______ and ________ (batchmates namin ngayong college na nage-excel talaga) galing ng public. Ikaw galing ng private. Ikumpara mo nga sarili mo sa kanila?" hehe, I'm so mean but I was too annoyed kaya nasabi ko rin.

Just recently, he has been telling me he wants to teach in public high school na daw kasi mas malaki sahod, madami benefits and 6am-12nn lang ang pasok. ::)

No, his parents have never gone to our place. Pero yun daw kasi ang perception ng parents nya pag narinig ang lugar na "Manila". My place is near Pureza LRT2 station kasi. One time, BF's dad told me "dun ka ba nakatira sa may Pureza? Yung mga bahay puro kalawang ang bubong at nilalagyan ng gulong para hindi matangay ng hangin kapag may bagyo? Yung madaming squatters?" Yun daw kasi ang nakikita nila pag sumasakay sila ng LRT2.

Quote
Speaking of asking money, talaga bang sure ka na it's his parents who is making "utang" from you sa pambayad ng Kung ano2x sa school? Did they really ask you personally or si bf Lang nagsasabi and you trust that what he is saying is true?

Sa kanila mismo nanggagaling, either through phone or in person. Minsan nga, wala silang pera pambili ng school uniform ni BF, they are making parinig like "Ano bang klaseng girlfriend yan? Hindi man lang mabilhan ng uniform si *BF's name*" Meron naman time na tumawag si BF sa bahay then pinakausap nya mom nya sakin, asking me to "lend" my BF muna some money para mabayaran yung certain fee sa school.

Quote
you also mentioned that "sinasadya" ng magulang niya na kulang yung pambaon ni bf kasi Baka magastos Lang para sayo, how sure are you that this is the truth? Sa kanila ba talaga nggaling or si bf Lang nagsabi sayo? What if din na si bf ay naghihingi pa ng extra pera sa magulang niya (kasi ngastos sa Kung ano2x) at ipapalabas niya na kasi binilhan ka niya ng meryenda, binayadnya bayarin mo sa school, etc?

Sis, as what I've said, super gipit and super wala na silang pera talaga dahil sa dami ng utang nila. Kaya kung manghihingi man si BF ng extra, wala rin silang maibibigay. Hindi ko nga sure kung dahilan lang ba yung "baka gastusin sakin" o walang wala na talaga sila kaya kulang na yung naibibigay kay BF. Yes, I've heard it myself, in person. They asked my BF, "kay *my name* mo ba ginagastos yung pera mo? Php200 na nga lang ibibigay ko sayo baka gastusin mo pa sa kanya!"

He tries to defend me naman, telling his parents and titos/titas to leave us alone and quit saying awful things to me. Pero ganun pa rin. :-X

Quote
Napaisip din ako TS sabi mo sa 1styear ng relationship nyo okay naman sa'yo parents nya. Ee what went wrong? Hindi kaya si bf mo rin ang nagkkwento na kesyo ganyan or ganito ka sa parents nya? Maybe habang tumatagal relationship nyo mas nakikilala ka nya and nalalman nya na hindi ka ganun kayaman?  :-X Tamang hinala na'ko haha. Bad kasi ni bf mo ee.  >:(

Magmula nung magipit sila and magkasakit si mommy ni BF, dun na nagbago pakikitungo nila sakin. Hayy. Hindi ko alam kung may nakkwento syang masama about sakin sa parents nya. Pero magmula kasi nung maghirap sila sa pera, naging ganun sila sakin.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #37 on: September 27, 2013, 06:17:17 pm »


Sa kanila mismo nanggagaling, either through phone or in person. Minsan nga, wala silang pera pambili ng school uniform ni BF, they are making parinig like "Ano bang klaseng girlfriend yan? Hindi man lang mabilhan ng uniform si *BF's name*" Meron naman time na tumawag si BF sa bahay then pinakausap nya mom nya sakin, asking me to "lend" my BF muna some money para mabayaran yung certain fee sa school.
 myself, in person.


^hala, sugar mommy ata ang tingin nila sayo e. hindi pa kayo mag asawa pero parang gusto na nila ipasa sayo responsibilidad nila sa anak nila. graveh ha!

akthung

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #38 on: September 27, 2013, 06:19:08 pm »
sis, ganyan din sa Family ko, isipin mo DECADES na ang nakalipas.

baliktad nga lang, DAD ko ang minamaliit ng family ng mom ko.
eto pa baliktad, DAD ko yung mayaman talaga. hehe

dad, quit the family business and started his own thing. noong yumaman na dad ko. minamaliit pa din. lol

ang yabang talaga, minsan wala sa pera.

but anyway, eto lang mabibigay ko sa iyong payo,

if you ever end up being together, as in kasal,

you'd have to agree with your partner na hindi makikialam ang family niya sa affairs ninyo, at lalo na sa mga anak ninyo. kasama na diyan ang kapatid, pinsan niya, or anak ng kapatid at pinsan niya. kasi nakakahawa yan! hindi pwede na sila ang BIDA sa buhay ninyo.

listen to aquacharly,

dapat, kayo ang bida sa buhay niyo. yung pagmamahalan niyo.

else, leave him for someone else.

hirap yung may pamilya na nagmamaliit sa iyo at anak niyo.


Purple_Power

  • Guest
Re: Matapobreng pamilya ni BF
« Reply #39 on: September 27, 2013, 08:16:12 pm »
Mahirap talaga kapag galing sa pamilya yung pagmamaliit kasi it will really suffer the self esteem of the children. Ang magiging pananaw niya tuloy bumababa ang tingin niya sa sarili niya kapag naging practical siya or lalo na kapag kinailangan na niyang magtipid. Na overlook na niya yung totoong values. Kasi ang mahirap dyan hanggang sa magkasakit at mamatay na dala pa rin ang kayabangan.

Of course nakaka inferior rin at the same time kasi kapag naka encounter ka ng mayayaman o high profile then aabot sa point na manliliit ka sa sarili mo to the extent na icocompare mo pa ang sarili mo hoping na sana katulad ka ni mayaman o high profile. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close