
Dadating pala ang father ni MR para ihatid siya sa altar. Malapit na ring matapos ang bago nilang bahay.
Hindi ako pinayagang gumastos ni Dingdong sa kasal namin – Marian
Posted by Nora V Calderon on Sep 12th, 2014
PATULOY na magsasayaw ang bride to be na si Marian Rivera. Pabirong sabi niya, hanggang kaya pa niyang sumayaw, kahit preggy na siya, sasayaw pa rin siya.
“Ganito po kasi ‘yon, sa Saturday (bukas) last episode na dapat ng Marian,” kuwento ni Marian sa pocket interview sa kanya para sa second season ng show. “Gusto sana ng GMA -7, gumawa na ako ng bagong soap, pero sa napaka-busy ng schedule ko ngayon, sa wedding preparations namin ni Dong (Dingdong Dantes), sinabi ko hindi ko kayang magsimula ng bagong soap. Kaya tanong nila, kung p’wedeng ituloy ko ang Marian, at pumayag naman ako.
“Once a week lang naman ang show, kaya may time ako sa rehearsal at taping. Kaya sa September 20, simula na ng second season at bago na ang concept namin, si Mark Reyes na ang director. Pero may mga buwis buhay pa rin akong opening number, magtuturo pa rin ako ng bagong dance steps at ako pa rin ang mag-i-interview sa guests ko. Isa sa mga pagbabago sa show ay magkakaroon kami ng dance showdown na maggi-guest kami ng mahuhusay sumayaw, magiging parang contest talaga. Marami naman tayong Kapusong mahuhusay sumayaw.”
Walang mababago sa schedules niya, tuloy ang mga nakaplano hanggang ganapin ang wedding nila ni Dingdong sa December 30. Ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang tuluy-tuloy na blessings na dumarating sa kanya.
Kapansin-pansinna napakasaya ni Marian, kahit inamin niya na bagamat mayroon silang wedding coordinators ay mahirap palang maghanda para sa kasal.
Lumabas na ang first batch ng kanilang wedding sponsors (inilabas naminkahapon), sinu-sino pa ang madaragdag sa wedding entourage?
“Personal naming pinuntahan at kinausap na kanina ni Dong sina Atty. Felipe L. Gozon at Mr. Gilberto Duavit Jr., ang mga tatay namin sa GMA na hindi p’wedeng mawala, at personal din naming pupuntahan sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Dr. Vicki Belo. Si Dingdong ang makikipag-usap nang personal kay President Benigno ‘Noynoy’ Aquino. Nahirapan kami talagang pumili ng mga sponsors, bukod sa may malalapit pa kaming kaibigang hindi naisama, may mga gusto pang makabilang sana sa wedding entourage, sana ay hindi sila magtampo sa amin, pero hindi na talaga p’wede.
“Hands-on kami ni Dingdong sa lahat ng detalye ng kasal, pero mas siya ang nakakaalam sa lahat,maliban sa pagpili ng flowers, ako iyon dahil may mga flowers akong gusto ko talagang orderin. Hindi rin ako pinayagang gumastos ni Dingdong sa kasal namin, pinaghandaan daw niya iyon kaya nga ilang beses na pala siyang nagtangkang mag-propose ng kasal, pero siniguro muna niyang kaya na niya lahat.
“Iyong isusuot ko lamang wedding shoes ang pinagkagastusan ko,” natatawang kuwento pa ni Marian. (Louboutin ang brand ng shoes at napakamahal nito.) “Two years ago ko pa iyon binili,
[textspeak!]’ ng nasa Macau kami at doon nga siya unang nagpropose ng kasal. Nakita ko ang shoes na iyon at binili ko na dahil iyon ang gusto ko. Alam ko kasing pakakasalan ako ni Dong dahil nga nag-propose na siya. Natawa siya nang makita niyang binili ko ang shoes, saan ko raw gagamitin. Sabi ko, sa kasal natin! Tsinek ko ang sapatos at hindi naman nagbago size ng paa ko, kasya pa rin sa akin.”
Masayang-masaya si Marian dahil uuwi sa bansa ang kanyang amang si Franco Gracia Alonzo para siyang maghatid sa kanya sa altar. Pinag-iisipan pa niya kung ano ang nararapat dahil gusto niyang kasama rin ang kanyang Mama Amalia at Lola Francisca sa wedding march.“Natawa nga ako kay Papa nang pumayag siyang umuwi rito, hindi raw niya alam kung paano siya sasagot sa press kapag in-interview siya. Pero hindi ninyo siya p’wedeng bolahin dahil matatas mag-Tagalog si Papa. Sabi nga niya, gusto niyang pumunta ng Boracay, sa Station 2 dahil nakikita raw niya sa Internet. Sabi ko marami pang lugar dito na magaganda pero kung doon niya gusto, bahala sila ni Dong na magusap. Hindi niya isasama ang family niya roon, gusto ko rin namang makapagpahinga siya rito dahil sa Madrid, puro siya trabaho dahil sa mga restaurants niya roon.”
Bongga ang bridal shower at stag party ng ikakasal, dahil sa abroad pareho ga** win. Kaya magkahiwalay silang aalis after ng “The Naked Truth” Bench fashion show sa September 19. Mga friends ni Dingdong ang magbibigay ng stag party at siya naman, isasama niya ang friends niya para sa bridal shower. Ayaw pang sabihin ni Marian kung saan sila pupunta, ayaw daw niyang pangunahan si Dingdong. So, saan naman ang one month honeymoon nila?
“One month lang? Wala pa rin kaming maisip kasi lahat ng gusto naming puntahan, winter sa kanila. A yaw ko noon, gusto ko ‘pag may pinuntahan kami, gala talaga, ayaw ko nang nasa hotel lang. Pero siguro mga two weeks lang kaming mawawala, kailangan naming bumalik agad dahil pareho kaming maraming commitments dito. Ang Marian, magkakaroon ako ng advanced tapings bago ang wedding.”
Wish ni Marian na mabuntis agad siya after the wedding, dahil iyon daw ang request ng Lola Francisca niya, who is 84 years old na. Gusto nitong makita ang magiging apo sa kanya. May nagbiro, paano kung magbuntis na siya before the wedding, ayaw niya, pero kung ibibigay sa kanya ng Diyos, matutuwa sila ni Dong.Hindi niya sinagot ang tanong kung sa bagong bahay na sila tutuloy after the wedding. Balita kasing finishing touches na lang ang kailangan sa naturang bahay kaya ready na ito pagkatapos ng kasal. Alam niya na hindi papayag si Dong na sa kanyang Rockwell condo tumuloy dahil may sarili rin namang bahay ang kanyang fiance sa Cubao.Hindi pa ini-reveal ni Marian kung sinu-sino ang magiging abay nila, bukod sa nasulat nang best friends niyang sina Ana Feleo at Roxanne Barcelo, kasama rin si Rita Avila at limang taga-ABS-CBN kabilang na si Ai Ai delas Alas na naging mabuting kaibigan niya kahit magkaiba sila ng network.
Hindi rin inihayag ni Marian ang wedding reception, pero may nakuha na raw sila that can accommodate 1,000 people.