watch now

Author Topic: Marian Rivera Thread 17  (Read 127003 times)

strawberry

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #560 on: September 12, 2014, 02:33:17 pm »
^naisip ko din na baka magtampo yung ibang hindi kasama sa entourage. andami kasing nagmamahal kina Marian & DingDong eh

alice_alice

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #561 on: September 12, 2014, 02:36:38 pm »
OMG! sobrang bongga naman nyan!  ;D

Skekinah

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #562 on: September 12, 2014, 09:37:46 pm »
Ayaw i reveal ni Marian ang motiff ng kasal nila. Baka nga naman magaya din

http://www.officialdongyanatics.com/marian-iwas-buntis-bago-pakasal-kay-dingdong/




strawberry

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #563 on: September 12, 2014, 11:13:01 pm »
^hahahaha! parang may idea ako kung sino ang gagaya.... hmmmm....  ;D

rain

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #564 on: September 13, 2014, 02:46:59 am »
^parang kilala ko ang tinutukoy mo sis strawberry. :)

miyam210

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #565 on: September 13, 2014, 03:32:46 am »
 :) Dadating  pala ang father ni MR para ihatid siya sa altar. Malapit na ring matapos ang bago nilang bahay.

Hindi ako pinayagang gumastos ni Dingdong sa kasal namin – Marian

Posted by Nora V Calderon on Sep 12th, 2014

PATULOY na magsasayaw ang bride to be na si Marian Rivera. Pabirong sabi niya, hanggang kaya pa niyang sumayaw, kahit preggy na siya, sasayaw pa rin siya.

“Ganito po kasi ‘yon, sa Saturday (bukas) last episode na dapat ng Marian,” kuwento ni Marian sa pocket interview sa kanya para sa second season ng show. “Gusto sana ng GMA -7, gumawa na ako ng bagong soap, pero sa napaka-busy ng schedule ko ngayon, sa wedding preparations namin ni Dong (Dingdong Dantes), sinabi ko hindi ko kayang magsimula ng bagong soap. Kaya tanong nila, kung p’wedeng ituloy ko ang Marian, at pumayag naman ako.

“Once a week lang naman ang show, kaya may time ako sa rehearsal at taping. Kaya sa September 20, simula na ng second season at bago na ang concept namin, si Mark Reyes na ang director. Pero may mga buwis buhay pa rin akong opening number, magtuturo pa rin ako ng bagong dance steps at ako pa rin ang mag-i-interview sa guests ko. Isa sa mga pagbabago sa show ay magkakaroon kami ng dance showdown na maggi-guest kami ng mahuhusay sumayaw, magiging parang contest talaga. Marami naman tayong Kapusong mahuhusay sumayaw.”

Walang mababago sa schedules niya, tuloy ang mga nakaplano hanggang ganapin ang wedding nila ni Dingdong sa December 30. Ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang tuluy-tuloy na blessings na dumarating sa kanya.

Kapansin-pansinna napakasaya ni Marian, kahit inamin niya na bagamat mayroon silang wedding coordinators ay mahirap palang maghanda para sa kasal.

Lumabas na ang first batch ng kanilang wedding sponsors (inilabas naminkahapon), sinu-sino pa ang madaragdag sa wedding entourage?

“Personal naming pinuntahan at kinausap na kanina ni Dong sina Atty. Felipe L. Gozon at Mr. Gilberto Duavit Jr., ang mga tatay namin sa GMA na hindi p’wedeng mawala, at personal din naming pupuntahan sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Dr. Vicki Belo. Si Dingdong ang makikipag-usap nang personal kay President Benigno ‘Noynoy’ Aquino. Nahirapan kami talagang pumili ng mga sponsors, bukod sa may malalapit pa kaming kaibigang hindi naisama, may mga gusto pang makabilang sana sa wedding entourage, sana ay hindi sila magtampo sa amin, pero hindi na talaga p’wede.

“Hands-on kami ni Dingdong sa lahat ng detalye ng kasal, pero mas siya ang nakakaalam sa lahat,maliban sa pagpili ng flowers, ako iyon dahil may mga flowers akong gusto ko talagang orderin. Hindi rin ako pinayagang gumastos ni Dingdong sa kasal namin, pinaghandaan daw niya iyon kaya nga ilang beses na pala siyang nagtangkang mag-propose ng kasal, pero siniguro muna niyang kaya na niya lahat.

“Iyong isusuot ko lamang wedding shoes ang pinagkagastusan ko,” natatawang kuwento pa ni Marian. (Louboutin ang brand ng shoes at napakamahal nito.) “Two years ago ko pa iyon binili, [textspeak!]’ ng nasa Macau kami at doon nga siya unang nagpropose ng kasal. Nakita ko ang shoes na iyon at binili ko na dahil iyon ang gusto ko. Alam ko kasing pakakasalan ako ni Dong dahil nga nag-propose na siya. Natawa siya nang makita niyang binili ko ang shoes, saan ko raw gagamitin. Sabi ko, sa kasal natin! Tsinek ko ang sapatos at hindi naman nagbago size ng paa ko, kasya pa rin sa akin.”

Masayang-masaya si Marian dahil uuwi sa bansa ang kanyang amang si Franco Gracia Alonzo para siyang maghatid sa kanya sa altar. Pinag-iisipan pa niya kung ano ang nararapat dahil gusto niyang kasama rin ang kanyang Mama Amalia at Lola Francisca sa wedding march.

“Natawa nga ako kay Papa nang pumayag siyang umuwi rito, hindi raw niya alam kung paano siya sasagot sa press kapag in-interview siya. Pero hindi ninyo siya p’wedeng bolahin dahil matatas mag-Tagalog si Papa. Sabi nga niya, gusto niyang pumunta ng Boracay, sa Station 2 dahil nakikita raw niya sa Internet. Sabi ko marami pang lugar dito na magaganda pero kung doon niya gusto, bahala sila ni Dong na magusap. Hindi niya isasama ang family niya roon, gusto ko rin namang makapagpahinga siya rito dahil sa Madrid, puro siya trabaho dahil sa mga restaurants niya roon.”

Bongga ang bridal shower at stag party ng ikakasal, dahil sa abroad pareho ga** win. Kaya magkahiwalay silang aalis after ng “The Naked Truth” Bench fashion show sa September 19. Mga friends ni Dingdong ang magbibigay ng stag party at siya naman, isasama niya ang friends niya para sa bridal shower. Ayaw pang sabihin ni Marian kung saan sila pupunta, ayaw daw niyang pangunahan si Dingdong. So, saan naman ang one month honeymoon nila?

“One month lang? Wala pa rin kaming maisip kasi lahat ng gusto naming puntahan, winter sa kanila. A yaw ko noon, gusto ko ‘pag may pinuntahan kami, gala talaga, ayaw ko nang nasa hotel lang. Pero siguro mga two weeks lang kaming mawawala, kailangan naming bumalik agad dahil pareho kaming maraming commitments dito. Ang Marian, magkakaroon ako ng advanced tapings bago ang wedding.”

Wish ni Marian na mabuntis agad siya after the wedding, dahil iyon daw ang request ng Lola Francisca niya, who is 84 years old na. Gusto nitong makita ang magiging apo sa kanya. May nagbiro, paano kung magbuntis na siya before the wedding, ayaw niya, pero kung ibibigay sa kanya ng Diyos, matutuwa sila ni Dong.

Hindi niya sinagot ang tanong kung sa bagong bahay na sila tutuloy after the wedding. Balita kasing finishing touches na lang ang kailangan sa naturang bahay kaya ready na ito pagkatapos ng kasal. Alam niya na hindi papayag si Dong na sa kanyang Rockwell condo tumuloy dahil may sarili rin namang bahay ang kanyang fiance sa Cubao.

Hindi pa ini-reveal ni Marian kung sinu-sino ang magiging abay nila, bukod sa nasulat nang best friends niyang sina Ana Feleo at Roxanne Barcelo, kasama rin si Rita Avila at limang taga-ABS-CBN kabilang na si Ai Ai delas Alas na naging mabuting kaibigan niya kahit magkaiba sila ng network. Hindi rin inihayag ni Marian ang wedding reception, pero may nakuha na raw sila that can accommodate 1,000 people.

mrscolunga

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #566 on: September 13, 2014, 02:38:55 pm »
Kakaiyak naman yung eat bulaga all for juan kanina! Yung nanalo, may alagang bata na may cerebral palsy. Natuwa si marian sa bata at naawa sya nung nalaman nyang wala na yung nanay at may ibang pamilya na yung tatay. Naiyak sya at bibigyan ng wheelchair yung bata.

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #567 on: September 13, 2014, 04:52:52 pm »
must admit na hindi talaga ako fan ni marian rivera, pero nun nakita ko sya sa all for juan na super bait sa mga lolo at lola, naappreciate ko sha. malapit din kasi sya sa lola nya kaya siguro ganun. :) convert na ko from apdo to marian. hahaha :)

rain

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #568 on: September 13, 2014, 07:01:54 pm »
^ natawa ako sau sis niki,  nakikiapdo ka na din ah. converted ka na nga talaga. :) welcome sa marian thread though ako di masyado active pero I really admire her from her marimar days pa.

miyam210

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #569 on: September 13, 2014, 09:19:08 pm »
 ;D Kanino talaga mapupunta si Mr. Anthony Real?  Watch ninyo starting at 1 min 20 seconds:

http://www.youtube.com/watch?v=lB1R6ipN5j4

Naawa at naiyak si MR sa batang maysakit sa EB.  Sana palagi siyang nasa J4ALL para laging masaya.

Skekinah

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #570 on: September 13, 2014, 09:29:07 pm »
Malapit talaga loob ni Marian sa mga elderlies at may handicaps. She also loves kids. Iba talaga ang laking lola. May kaya sila maski noong bata pa siya pero di siya sinanay ng lola nya na tamad at walang alam sa gawaing bahay. Nag iimis nga yan ng nilabhan :)

miyam210

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #571 on: September 14, 2014, 01:58:18 am »
 :-* Lambing lambing din pag may time. Ang liit pala ni yanyan pag walang heels. Kaya parang baby talaga siya ni daddy.
 
http://instagram.com/p/s4_i_HRCFm/

I heard DD will participate din pala sa Bench fashion show on September 19, then punta na sila abroad for their respective bridal shower and stag party with their friends.  Si DD sa Germany pero di ba sinasabi ni MR kung saan sila pupunta with her own set of friends. Pero wala daw male dancers. Ayaw siguro ni DD. 

http://instagram.com/p/s1YEKHRCCU/?modal=true

Aside from her father, gusto niya ihahatid pa rin siya sa altar ng lola niya and mommy niya.  Kudos to her lola Iska for raising her well.  Ideal housewife talaga, hindi mahilig gumimik and she apparently has no vices. Gusto pa niya magluto and mag-stay sa bahay pag walang trabaho.

http://instagram.com/p/sovn45xCBD/?modal=true

==========================

 :-* Latest updates on their wedding preparation. I just love it when DD tenderly kisses MR on her forehead. 

http://www.youtube.com/watch?v=PQtsnrhXqSM

 :-* https://fbcdn-sphotos-f-a.akamaihd.net/hphotos-ak-xpa1/v/t1.0-9/10660366_10152555582762550_5599613217850371798_n.png?oh=c389923651e989431f5913c8fe142573&oe=5495E405&__gda__=1419393555_96da370afd37c106393dc34a0b2952d1
« Last Edit: September 15, 2014, 12:59:31 pm by miyam210 »

miyam210

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #572 on: September 15, 2014, 07:09:48 pm »
 :) Bridal photoshoot. All I can say is DIYOSA!!! Modeling wedding gowns by different pinoy designers.

http://instagram.com/p/s9Sm1qRCNl/

http://instagram.com/p/s9mDtplBT4/?modal=true

http://instagram.com/p/s9fuzNlBeL/?modal=true


simplykristine08

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #573 on: September 15, 2014, 09:13:59 pm »
^ ang ganda ng gown at ni Marian sa second photo. Dyosa!

Skekinah

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #574 on: September 16, 2014, 04:58:28 pm »
Nagpunta na pala si Marian kay Jason, yung batang may cerebral palsy. Inabot na nya wheelchair. Ayaw nga nya ipasabi kaso ang daldal daw ni Jose.
Gorgeous na, mabait pa, homebody pa! Sabi nga ni jose, ang swerte daw ni DD kay Marian.

Friends pala sila ni Angelica P?
http://filipinasinshowbiz.com/2014/09/13/a-cute-ig-conversation-between-marian-rivera-angelica-panganiban/
« Last Edit: September 16, 2014, 05:16:53 pm by Skekinah »

cyber_princess

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #575 on: September 16, 2014, 05:54:04 pm »
^ oo nga, hindi ko alam na friends pala sila ni angelica.

strawberry

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #576 on: September 16, 2014, 06:02:36 pm »
^onga. napasigaw tuloy si Marian ng: "ang daldal mo!" kay Jose kanina ;D

tinupad lang daw nya ang promise nya kay Jason

alice_alice

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #577 on: September 16, 2014, 07:46:35 pm »
Hangkyot naman ng convo nila haha sana matuloy yung girls' night out nila.

miyam210

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #578 on: September 16, 2014, 07:56:35 pm »
^ oo nga, hindi ko alam na friends pala sila ni angelica.

Mas marami yata siyang friends sa kapamilya.  Pinagtutulungan kasi siya ng mga kapuso starlets. Gaya nitong si Lovie.  Hindi pala siya pumayag na mag-shooting ng Aswang Chronicles part 2 kasi 'uncomfortable' daw siya working with Dingdong kasi may away sila ni MR.  Siya kaya itong unang nambastos kay MR sa parking ng GMA sa harap pa ni DD. At kung totoo man eh bakit 3 times a week sila mag-taping ng Ang Dalawang Mrs. Real? Eh dito sa Aswang sequel eh 2 shooting days lang hinihingi sa kanya.  Ayon namura tuloy online si direk Erik Matti. Talk of unprofessionalism !!!

strawberry

  • Guest
Re: Marian Rivera Thread 17
« Reply #579 on: September 16, 2014, 10:43:20 pm »
^nakawwww. uminit bumbunan ko dyan sa palusot na yan. at first, nagpataas ng TF. tas nung nag negotiate na ang producers at napagka sunduan na ang TF, iba naman ang rason, and this time dinamay pa ang Marian. kaya ayun, napagsalitaan tuloy ni Direk Erik Matti. pati na din si Dondon Monteverde, nagcomment na din. kasi nga naman napaka unprofessional ng babaeng yan. isama mo na din ang moneyger nya :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close