malas lang pag yung nakatira sa itaas niyo o katabi eh ubod ng ingay,kami dito lagi napipikon sa kapitbahay:
1. yung nakatira sa itaas,masyado yata mabibigat yung mga gamit.pag naghila kasi,nakaka “bulabog” talaga
2. dati 6AM naghihila na sa tapat ng br,hanggang sa nilista ko na,umabot ng 2 weeks straight yun,ni-report ko sa PMO.Nag lie-low pero ngayon balik sa dati,hila dito-hila doon
3. may nakatirang bata sa itaas,talon ng talon nakakapikon,pati sa tapat ng kusina tumatalon.hila na nga ng hila,may talon pa ng talon,parang di nadala sa 2x na pag report namin o baka sinasadya
4. sa hapon hindi ko alam kung may nag a-aerobics sa nasa itaas,parang tunog ng subwoofer,abot sa amin,tapos may talon ng talon sa sala.
problema naman sa katabing unit namin:
1.pamilya ng malalakas ang bibig as in loud mouthed talaga,naka screen door rin kasi kaya marinig mo at makikita sila.laging nag aaway,lalo na yun nanay nila,sermon ng sermon sa mga anak na matatanda na,nagmumura pa
2. yung aso nila,kasing ingay nila,baka naguguluhan sa kanila kaya nakisabay na ng tahol tapos sinisigawan rin nila yung aso
3. may binata sa unit na katabi namin,dun sa pamilya ng maiingay,naku ka-lalaking tao super daldal,pirmi rin nakasigaw,ang gulo talaga nila.kundi nga lang malalaman sarap isumbong sa PMO kaso medyo nag dalawang isip ako..