watch now

Author Topic: Re: DMCI property owners and residents: Thread 3  (Read 157707 times)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« on: September 18, 2013, 07:17:56 pm »
malas lang pag yung nakatira sa itaas niyo o katabi eh ubod ng ingay,kami dito lagi napipikon sa kapitbahay:

1. yung nakatira sa itaas,masyado yata mabibigat yung mga gamit.pag naghila kasi,nakaka “bulabog” talaga

2. dati 6AM naghihila na sa tapat ng br,hanggang sa nilista ko na,umabot ng 2 weeks straight yun,ni-report ko sa PMO.Nag lie-low pero ngayon balik sa dati,hila dito-hila doon

3. may nakatirang bata sa itaas,talon ng talon nakakapikon,pati sa tapat ng kusina tumatalon.hila na nga ng hila,may talon pa ng talon,parang di nadala sa 2x na pag report namin o baka sinasadya

4. sa hapon hindi ko alam kung may nag a-aerobics sa nasa itaas,parang tunog ng subwoofer,abot sa amin,tapos may talon ng talon sa sala.

problema naman sa katabing unit namin:

1.pamilya ng malalakas ang bibig  as in loud mouthed talaga,naka screen door rin kasi kaya marinig mo at makikita sila.laging nag aaway,lalo na yun nanay nila,sermon ng sermon sa mga anak na matatanda na,nagmumura pa

2. yung aso nila,kasing ingay nila,baka naguguluhan sa kanila kaya nakisabay na ng tahol tapos sinisigawan rin nila yung aso

3. may binata sa unit na katabi namin,dun sa pamilya ng maiingay,naku ka-lalaking tao super daldal,pirmi rin nakasigaw,ang gulo talaga nila.kundi nga lang malalaman sarap isumbong sa PMO kaso medyo nag dalawang isip ako..

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #1 on: September 18, 2013, 07:34:50 pm »
Minsan kasi attitude na talaga ng tao yan sis e. Wala naman yata talagang condo na sound-proof. Kasi even other condos like mga high-class like dati Essensa sa Fort, etc, kapag may nagbangayan talaga sa ibang unit, you will know. Cons yan ng dikit-dikit na unit. Unless you will get house na super big pati bakuran so malayo ang distance between houses  ;) IMHO lang naman hehe

Dapat talaga nirereport sa PMO mga ganyang tao. Walang consideration e. Ok lang kung minsang di pagkakaintindihan nila, tipong isolated case na nagaway ng matindi. Pero kung frequent na, they have to be sensitive also that there are other residents that prefer a serene place to live-in.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #2 on: September 18, 2013, 07:38:37 pm »
kami kasi umuupa lang.pero kung ako po sa inyo,kung afford niyo naman bumili ng house and lot sa matinong subdv.why not?kaysa sa condo,dami problema,dati nung bagong lipat kami tuwang tuwa kami sa condo living na ito,pero ngayon naisip namin mas ok sa subdv.ka na lang mag settle,kung mayaman ka,yung condo ok lang yun pang bakasyonan lang..pero choice niyo po yan  :)

hindi pwede maging sentimental ang taong nakatira sa condo,wala kang paglalagyan ng “abubot” mo..nanghinayang ako dun sa walker ng anak ko na slightly used lang,as in 1 month lang nagamit dahil masikip rin dun sa dati namin inupahan,ayun binenta na,pati yung billiard table namin na malaki lang ng konti sa 4 seater dining table,nabenta na sobrang bago pa,yun mga stuff toys kong regalo ng asawa ko nung niligawan pa lang niya ako,nandun sa deck,kasama ng ibang gamit,puro alikabok na :( labahan yun space para sa deck kaya ayun siksikan na,halo-halo,nanghinayang rin ako kasi yun mga gamit namin na nasa itaas baka “inanay” na o may pinasok na ng insekto yung mga kahon,kaso wala talaga lalagyan..dito na nga lang ako nagsasampay sa balcony,patago pa dahil bawal magsampay dito,kailangan sa deck,hassle yun akyat baba ka,pero yun iba may helper sila.
« Last Edit: September 18, 2013, 07:51:11 pm by fairywinkle79122 »

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #3 on: September 18, 2013, 07:48:10 pm »
@fairywinkle79122 - may point. hehe. Yun nga lang, nako.. ang mahal. Yung mga house and lot (actually townhouse type lang e) na nasa mga bahaing lugar din within Pasig nga lang nasa 4M na atleast tapos ang dp kahit preselling grabe atleast 30%. Hay...

Anyway, I was just in East Raya kanina at sa DMCI office dun. hehe. Ganda din ng ERG in fairness. yun nga lang, during the time that I was infront of the model unit ng Levina sa Rama bldg , may mag-iinang galing sa elevator, at oh my, napakalakas ng boses habang naguusap papunta ng unit nila. Tsk..

fairywinkle79122

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #4 on: September 18, 2013, 07:52:50 pm »
haha sis sa RAMA kami,ano yung mag ina,yung nanay nasa 50’s na ba?  3rd floor kami nakatira nga pala :-)
« Last Edit: September 18, 2013, 08:02:19 pm by fairywinkle79122 »

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #5 on: September 18, 2013, 08:08:26 pm »
Sa 4th floor yung model unit e. Isang matandang chubby na nanay, isang lalaking di ko maintindihan kung binatilyo ba o binata na na napakalas din ng boses at may bata na babae na kasama. Going sila sa 3BR unit ata yun sa dulo from the elevator, side ng Rama papuntang clubhouse.. Haha. E hinihintay ko yun agent ko kasi kinuha niya yun key nung model unit, yun nga kaiingay habang naglalakad. Nagpapagalitan pa sa isa't isa ata.. Haha.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #6 on: September 18, 2013, 08:18:06 pm »
pansin ko yung unit na madami nakatira sila yung maingay,syempre madami kasi sila..swertehan na lang rin sa magiging kapitbahay..ako naman may anak rin na mag 3 taon na,yung tinutulak niyang monoblock chair nilagyan namin ng maliliit na basahan yung mga paa,tapos ako naman pag naglinis dahan-dahan talaga.syempre ayoko naman maingayan sa akin yung nakatira sa ilalim namin :-) goodluck sis sayo,sana kung makakuha ka sa Levina hindi pasaway  kapitbahay mo :-)

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #7 on: September 18, 2013, 08:29:52 pm »
Nagreserve na ako sis.. Ito yung mga pinagpilian ko..

Back-Unit - although may pagitan pa din at wall ng DMCI, fronting ito sa mga "common residential area" and not the exclusive villages na side ng area around Levina.. mura ang TCP niya pero worried ako sa ingay that it might cause me or worse, risk sa security.

Facing Amenities - isang katabi ng 3BR unit, isang halos tapat ng elevator, isang nasa kabilang dulo, with  one more unit before the other end's 3BR unit. The latter is what I chose. Kasi, naisip ko, yun isa sa kabilang dulo na katabi ng 3BR, malamang big family sila, so maingay yan for sure.. Yung isa na halos tapat ng elevator, human traffic and ingay ang kalaban mo.. So I chose the unit near the other end of the building, near the stairs na hindi ganong daanan, with another 2BR unit after me before the 3BR unit. Chambahan din lang talaga ata pagdating sa kapitbahay ano? Haha..

Isa pa, the unit that I chose is fronting the Basketball court and kiddie pool. But unlike sa East Raya, ang basketball court sa Levina is around 8 meters away pa from the building because there's a road separating them as a driveway for the vehicles and allotted for future outside parking slots. Naisip ko kung yung isang 2BR unit facing right infront of the clubhouse baka mas maingay pagdating sa mga celebrations there like weddings, baptism, birthday, etc.. Sa court baka matolerate ko pa kasi bukod nga sa road na nagseseparate sa building and sa court, not naman all the time may naglalaro especially during weekdays. Summer malamang maingay hehe.

Kady_14

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #8 on: September 19, 2013, 01:26:31 pm »
Sali ako ha, kahit na di ako DMCI owner. Naging lurker na kasi ako ng thread na to for almost or two years na kakahanap ng condo for us.

I'd suggest na kapag nakakapinsala ang neighbors. I reklamo nyo, take note of all instances. Ano sila sinuswerte? Saka para alam din nila na nakakapinsala sila ng iba. We rent a condo too (not DMCI)  pero asawa ko lang gumagamit. Transient place nya lang pag matraffic or me maagang pasok the next day. Ilang beses na din ako ngstay dun pero di lalampas sa since January ng 10 days.. Swerte naman at walang prob sa ingay ng neighbors.

Mga na experience lang namin. Yung anak ng kapitbahay kumatok. Wala trip lang nun bata. Ng sorry yung Mommy. Hiyang hiya. Me one time umuwi kami dun after mamasyal kesa umuwi sa bahay (Novaliches) Sakto yung isang unit sa tapat me friends over and videoke galore. Pag pasok namin parang hininaan naman and eventually pinatay na. Nahiya siguro kasi minsan nga lang kami dun maingay pa sila. Hahaha. Ang napansin ko lang na issue nila dun yung me nagkakalat ng basura.

Meron na post ng sulat sa wall na itapon maigi ang basura at wag ilagay sa pinto ng unit ng me unit. Hahaha ha... True enough one time nakita ko me tamad na iniwan lang ang basura nya sa hallway.

« Last Edit: September 19, 2013, 02:16:40 pm by Kady_14 »

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #9 on: September 19, 2013, 01:33:41 pm »
I agree sis Kady_14

Kahit gano pa kaganda ang developer mo, kahit gano ka-class ang property that your living in, especially if it's a condo, kahit gano pa ka-OK ang service ng PMO ng project, basta sablay ang kapitbahay in terms of "sensitivity" walang mangyayari.

Even if you impose rules as a PMO siguro kung talagang pasaway ang kapitbahay aabot talaga kayo sa pagkikita sa opisina or sa barangay. Insensitive din talaga ang ilan. Akala nila sila lang nakatira. Now nga lang sa apartment na I am renting kung makapagbalibag ng screen door yung neighbor akala mo galit na galit.

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #10 on: September 19, 2013, 06:17:33 pm »
Depende din sis if mag-videoke ka and you also watch tv using a home theatre, nasa volume talaga. Kung minimal lang, hindi naman, sa unit mo lang actually. We tried na maging super maingay before sa Cedar Crest while nasa unit kami ng friend ko, wala naman sumita (or baka wala nagsumbong). Pero, if ang level ng videoke at home theatre mo e parang pang-300 sq. mtrs. na bahay, malamang, dinig kahit sa labas ng bldg? Heheh..

Siguro dapat kasi ibagay ang level ng ingay sa laki ng unit din. Kahit gano pa ka-sealed ang door at windows niyo, puputok din ang ingay.

jeune

  • Guest
Re: Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #11 on: September 20, 2013, 05:47:43 am »
Hindi din ako owner nor resident pero pag umuuwi ako ng Pinas binibisita ko lagi Ate ko, sa Rosewood Pointe naman sila. Never kong nagustuhan ang tumira sa condo, ang liit ng space ng 3br tapos maingay nga. Tapos tinanong ko Ate ko kung saan natutulog yung mga yaya ng kapitbahay nila eh maliit nga ang space, sabi sa sahig daw :-\


Kady_14

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #12 on: September 20, 2013, 06:34:12 am »
^ Oo ganun nga, me alam pa nga ako na umalis kasi minsan katabi daw nya yung aso. Lol.

Mahal ang condos for me and hindi ideal na tumira dun lalo kung pamilyado, eto POV ko lang. Dun sa nirerent ni husband,  may family of four na nakatira sa studio unit sa ground floor. Malalaki na din kids nila merong teen and preteen boys na. Dun sila sa hallway nglalaro ng cards or minsan takbuhan. Buti nasa mas mataas kaming floor. Di ko alam if nareklamo na sila dun. Pero mababait naman mga bata,  bumabati.  Kaso kids will always be kids. Maglalaro at maglalaro yan.

I don't mean to discourage those who'd want to buy a condo from DMCI pero those who are not pro pets baka di kayo matuwa. My friend who's from Pasig said na isang lift lang ang pwede gamitin for dogs. Me dog din naman siya kaso siyempre alaga nya yun. Ayaw daw nya minsan sumakay sa lift na yun kasi me foreigner na me asong mabaho. Ayaw daw nya makasabay. E minsan daw nagmamadali na siya kasi papasok na siya sa work ayaw mo siyempre mag amoy aso. Lol.

Yung auntie ko naman sa Eastwood (not DMCI) Papunta ka pa lang sa unit nya,  me madadaanan kang unit na amoy aso talaga. True enough pag na tapat ka dun daming magtatahulan. Siguro yun na kasi ang ''highlight'' ng buhay nun mga dogs dun. hehe... Depende din kasi talaga sa owners. Eh pano kung di maalaga baka mamaya me ticks pa mga aso naku mgtravel to your unit. Swertehan din sa kapitbahay.

Dog lover ako ha! Don't get me wrong. In fact lima ang aso ko and big dogs. Pero as an owner kasi alam ko na yung iba kasi doesn't follow responsible pet ownership.
« Last Edit: September 20, 2013, 06:52:35 am by Kady_14 »

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #13 on: September 20, 2013, 07:07:26 pm »
Tama sis, lalo na if dog lover ka. Pero I have a friend na nagbe-bed space for how many years na here sa Boni Heights sa Taguig, ground floor sila, DMCI din sya, and madalas inuuwi niya dito yung dog niya from Cavite. Hehe. siguro depende na lang din sa nagaalaga.

Question for those who have already applied for their loan for DMCI: Pwede ba na while you are applying for a bank loan, mag-self application ka din sa Pag-ibig? Or ayaw talaga ni DMCI yun?

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #14 on: September 22, 2013, 02:09:52 pm »
I heard from a friend who owns a unit in Tivoli wala palang dry cage ang mga high-rise and usually sa balcony sila nagsasampay pero mababa lang dapat kasi bawal.. Their usual 2BR unit is 52 sq meters na kasama na pala balcony dun..

Always check din daw and monitor yung mga checke niyo sissies. They have a friend who got a unit in DMCI din and lumabas ba delinquent payer siya kasi hindi naeencash yung checke.. Pero naayos na naman daw.

clueless

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #15 on: September 22, 2013, 07:17:39 pm »
I'm a dmci property owener and redisent. Ours is one of the first few developments, 2006 pa kami dito.

Fortunately, yung mga nadidinig na ingay ni fairywinkle di ko naririnig dito sa amin. Not sure if mas ok nga ang quality dito sa amin kasi mas  nauna.

Pag nasa sala ako at sumisgaw ang kapitbahay ko, as in next door neighbor, nadidinig ko. Pero malakas na sigaw. Normal conversation volume di ko nadidinig.

Pag nasa corridor ako at naglalakakd sa labas, nadidinig ko from the corridor ang normal conversation volume sa loob ng unit pag nandon na ako sa tapat ng unit at nakabukas ang door at windows.

From inside my bedroom, i have never heard the neighbor, as in never. I have never heard any sound coming from next door.

Mahilig kami manood ng dvd sa master bedroom na medyo malakas, the bedroom door and windows are always closed. We tried one time setting the home theater at our normal watching volume, i went outside of my unit, tumapat ako sa window na katapat ng bedroom door. I couldnt hear the sound from outside the unit. Pero pag nandon ako sa dining room ko, right outside the bedroom door, nadidinig ko with vibration pa. But not when i am outside of the unit.

I have a child, tumatakbo sya inside the unit. Sometimes she bounces balls, may wooden toys na pinupukpok sa floor. Baka mabait lang yung unit owenr sa baba namin but not once in 7 years of living here that we got any complaints that the unit directly below us can hear sounds coming from our unit.

I was actually surprised na for a property of this cost, the walls and floor are ok kasi nga never ako na-istorbo from sounds coming from my neighbors.

Now the kids who play sa ground floor. That's another story. There are 2 buildings parallel to each ther. When the kids play on the ground floor between the 2 buildings, the sound reverberates (?) so from our unit sa 4/f ang lakas ng volume na parang nandyan sila right outside the unit. This is ok as long as it isnt too late. May curfew ang kids, 7pm.

But again, yon nga. I am not sure if ours is of better quality compared to the others kasi luma na ang sa amin. The units here have bigger floor areas compared to the new developments, baka the constructionw was better also. I dont know. But overall, with the price we paid (only 2.6m for a tandem unit back in 2006, 84sqm plus 2 8sqm drying cages), we are very happy.
« Last Edit: September 22, 2013, 09:27:41 pm by clueless »

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #16 on: September 22, 2013, 09:15:56 pm »
Wow sis clueless that's a good buy for a tandem unit  ;)

tamarind26

  • Guest
Re: Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #17 on: September 23, 2013, 12:48:10 am »
^^ am happy reading your feedback sis clueless. Di pa rin natuturn over unit namin, wait pa namin tawag ng turn over team. Naiinis na nga ako kasi dami nang nag inquire na gustong mag rent. Gusto ko sanang macheck na yung unit before October.

missroitee

  • Guest
Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #18 on: September 23, 2013, 01:04:59 am »
@tamarind26 - sis would you mind if I ask which project is it? I thought hindi nahuhuli ang DMCI sa pagdeliver ng projects nila  :(

tamarind26

  • Guest
Re: Re: DMCI property owners and residents: Thread 3
« Reply #19 on: September 23, 2013, 01:28:59 am »
^ it's an old project in Paranaque. Bought it when it was reopened.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close