Author Topic: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?  (Read 17805 times)

sunako16

  • Guest
ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« on: August 30, 2013, 07:10:47 pm »
share naman mga sis..  :)
« Last Edit: August 30, 2013, 07:25:29 pm by sunako16 »

aquacharly

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #1 on: September 21, 2013, 09:09:23 am »
I don't like ginigising   ako before 6, unless it's for the kids.
I don't like the aircon shut off before I wake up.
I don't like him "searching for something" when he is actually going through my papers/stuff

bratty

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #2 on: September 21, 2013, 09:25:50 am »
1. Pagiging makalat (inuuwi sa bahay ang mga flyers na nakukuha nya sa mall, pati mga resibo ng mga small items, iniipon pa)

2. Mahilig bumili ng hindi pinag-iisipan (palibhasa may pera, gastador)

3. Pagiging makulit (making lambing daw, eh may dinaramdam nga ako, which leads to number 4)

4. Insenstive

Opposite talaga kami, hayyy!

princessrio

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #3 on: September 21, 2013, 12:37:54 pm »
pagiging makulit ko  ;D

donzski_doinks

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #4 on: September 22, 2013, 02:08:07 pm »
ang madalas ikinagagalit ni hubby sa akin e yung pagiging burara ko sa gamit. nakakatawa na ako yung babae pero mas masinop sya kesa sa akin. nagagalit yun kapag sa kanya ko hinahanap yung mga nawawala kong gamit sa school (kadalasan nami-misplace ko).
ang ikinakagalit ko naman sa kanya eh yung sa damit sya nagpupunas ng pawis nya sa mukha. ang hirap kasi maglaba. wala pa naman kami washing machine tapos kadamihan pa ng damit nya e puro puti.

gharz412

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #5 on: September 23, 2013, 03:52:18 pm »
pagiging makulit just like one of the sissies here...It's his way daw of making lambing but actually nakakairita na talaga... :/

reb_woods072683

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #6 on: September 23, 2013, 04:34:58 pm »
1. pag uwi niya ng late. super late.
2. hindi pag text o pag tawag as courtesy and respect for me.
3. pag iinom ng sobra. kairita

friendlyneighbor

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #7 on: September 23, 2013, 04:41:33 pm »
Mga inlaws- both parties. Hahaha.  ;D

nicoletta

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #8 on: September 24, 2013, 10:40:56 am »
I don't like it when I'm forced to like my sister in laws.

I don't like it when he defends the sister in law (not his actual sister)whenever I point things she does. She is too sipsip that my gut tells me she has hidden agenda so my in laws will favor her.

louiesmom

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #9 on: September 24, 2013, 12:10:53 pm »
1. Ang pagiging atat niya sa basketball na kahit malayo e dumadayo sya pero pag-uwi niya ng bahay ang dami niya nararamdaman. >:(
2. Hindi niya binabalik ng maayos yung mga damit sa cabinet kapag hindi niya naman pala isusuot.
3. Makalat siya.
4. He keeps on reminding me some things na routine ko na naman. Akala niya ata bata ako.
5. Ginigising niya ko kahit weekend naman. It's the only time I get to sleep well.  :'(

-on the brighter side, i think mas ok na ito na lang ang pinag-aawayan namin..  ;D

EllaBratin

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #10 on: September 24, 2013, 05:00:02 pm »
1. Kapatid, tatay at pamangkin niya
2. Malakas niyang boses, nakakainis talaga! Kala mo e isang kilometro ang layo ng kausap... ::)
3. Makalat na bahay, di man lang magwalis or magtiklop ng mga damit na nalabhan na. Pagkatapos niya magluto, di man lang mapunasan ang stove. >:(

Sa akin naman, mabagal daw ako mamili. Pag naggrocery, pabalik-balik pa daw ako, di makuntento sa isang item, kailangan ico-compare pa sa ibang brand.  ;D

Nikkanikz

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #11 on: September 26, 2013, 04:04:53 pm »
1. makalat sa mga gamit nya
2. mas priority pa nya car nya keysa mga anak namin.. pagka gising si car na agad ang unang pupuntahan.
3. kung minsan isip bata.. makikipagtalo pa sa mga 2 kids namin
4. super MAKULIT
5. parang it turnned out na ako na ang asawa nya at the same time nanay pa nya.. haaay!  :)

sunako16

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #12 on: October 03, 2013, 10:29:47 pm »
 ;D pasensya na mga sis ngayon lang po ako nakapagreply sa thread na to kasi nasira yung laptop sa bahay eto cellphone nalang munna gamit ko hehe!

Ang kukulit ng mga post niyo super nakakarelate ako.. Lalo na dun sa pagiging makalat ni hubby sa gamit, tas yung hindi tumutulong sa paglinis ng bahay at mag tiklop ng mga sinampay haha!!! Nakakatawa talaga...

Tapos yung pagpunas ng pawis sa damit nakakainis nga talaga yun kasi super hirap maglaba hayst!

Wistfulthinking

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #13 on: October 05, 2013, 12:25:40 am »
Isa lang naisip kong madalas namin pagtalunan. TV  >:(

6am nanonood na. Syempre nagigising din ako.
Then late na matapos, minsan up to 3am. Hindi naman ako makatulog.

sunako16

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #14 on: October 10, 2013, 11:46:42 pm »
 ??? Sis alam ko na solusyon mo bili ka nalang ng pantakip sa mata hehe tapos bili ka na din ng pantakip sa ears mo para di kana mairita sakanya.. Kung ayaw niya magbago, ikaw ang mag adjust sis wag mong hayaang ma stress ka dahil sa pagiging selfish niya.. Kung mahal ka niya dapat give and take kayo diba hehe opinion ko lang yun sis
 

swtgrl_bee

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #15 on: October 11, 2013, 12:21:00 am »
Ito kaka away lang namin, pero buti nagbati naman kami laging dahilan pagdidisiplina sa 3YO daughter namin.

thebratinella

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #16 on: October 13, 2013, 01:35:54 am »
1. car/car parts
2. in-laws
3. insensitivity
4. his barkada

rhomalicious

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #17 on: October 13, 2013, 08:46:47 am »
he is so super tamad
walang alam na gawaing bahay
no control sa paginum, though minsan lang siya uminom pero pag uminom wala ng bukas..

gracita13

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #18 on: October 13, 2013, 04:18:33 pm »
pag inom nya, every weekend may nagbibirthday sya na friend  ::) ngayon pang nakatira kambal nya samen wala ng pinipiling araw kagabe session na naman sila.haaay!

sunako16

  • Guest
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #19 on: October 14, 2013, 01:50:10 pm »
@sis switgirl_bee: bakit naman sis? inii spoil niya ba yung anak niyo or ikaw ang nag sspoil?

@sis mysterioza: oo nga bakit kaya ganyan ang mga lalaki karamihan tamad magtxt or tawag kahit na may load.. minsan ikaw pa nagmumukhang makulit dahil tayo ang nauunang magtxt sa kanila..
naalala ko last time na cinonfront ko si hubby ko about sa ganyang issue ko sa kanya, umamin siya na kaya daw siya ganun minsan kasi iniisip daw nila na paguwi niya ng bahay magkikta din naman daw kami.. at mapapagusapan daw namin mga dapat pag usapan... actually di ko alam ang i rereact or mararamdaman ko sa reason niya hehe! minsan sinubukan ko di talaga siya itext ayun! nagalit sa pag aalala niya sakin, until nagkaroon na siya ng kusa sa pag tetext sakin hehe! minsan kailangan talaga natin silang tiisin kahit masakit o mahirap para ma realize nila yung maling act nila satin... :D

@ sis thebratinella: natural na yata talaga sa mga boys ang pagiging insensitive nila e.. at pagiging adik nila sa material things.. para silang mga bata like my hubby na addict din siya sa laptop..
dumating sa point na puro laptop na lang niya ang naging main topic namin haha! kairita..

@ sis rhomalicious: ay naku sis.. ganyang din hubby ko dati.. wala siyang kusang palo,, kung hindi mo pa utusan ng malala hindi siya kikilos.. para bang maghuhugas lang ng pinggan or maglaba ng mga undergarments hirap na hirap siya ultimo pag sampay ng mga labada at pag wawalis e tamad na tamad.. pero i'm glad na nagbago na siya..
basta sis kausapin mo lang siyang mabuti at ipakita mo na seryoso ka sa matter na yun.. kung mahal ka talaga niya gagawa siya ng action after mo yun i open sakanya.. including na din sa pag inom niya ng walang control

@sis gracita: sis try mo siyang kausapin ng maigi.. at pray kayo together it really helps para lalo kayong magkaintindihan.. kailangan God is the center of a relationship po talaga kasi may mga problema na hindi kayang isolve ng magasawa kundi God alone pero dapat po meron tayong faith sa Kanya :) kaya mo yan sis tiyaga lang po
« Last Edit: October 14, 2013, 01:53:22 pm by sunako16 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close