Author Topic: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?  (Read 14203 times)

iluvmysoldier

  • army wife and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 403
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #20 on: October 27, 2013, 02:49:28 am »
1.Yung pagiging sobrang mahiyain nya. Nung nagsabog ata ng kahihiyan kumuha pa sya ng batya. Lol
2. Yung inaasa nya lahat sakin because he knows i can do it kahit na ang ending eh ngarag na ngarag ako.
3. Yung pagiging insensitive nya.
4. Sometimes pag may inutos ako at di nya ginawa nang maayos sobrang naasar ako.
The army has my soldier but I have his heart.

hedonista

  • mastering law of attraction
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 844
  • extremely grateful. thank you thank you thank you
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #21 on: December 28, 2013, 07:23:57 am »
BABAE
Nothing can come into your experience unless you summon it through persistent thoughts.

Crazylabel

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 129
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #22 on: December 28, 2013, 02:14:56 pm »
Pera
In-laws

binlaten

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 2047
  • Call me Mr. Bin
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #23 on: December 28, 2013, 04:40:04 pm »
^^ very chronic indeed...
I'm a wolf in sheep's clothing!

GMGravity

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 193
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #24 on: January 15, 2014, 03:37:58 pm »
Actually, kagabi ko lang di narealized ito noong kakauwi ko lang from work then sinalubong ako ni hubby pagpasok ko ng house. May lagnat siya since Monday so sabi ko bakit siya bumaba malamig ang tiles ako ng gagawa kung ano man gagawin niya sa baba. Then yakap niya ako sabi niya "ang asawa ko love parin ako kahit wala akong silbi.." Then sabi ko, sino naman nagsabi non sa kaniya kasi never naman ako nagalit sa kaniya dahil hindi sapat kinikita niya. Nagagalit lang naman ako kapag pakiramdam ko mas binibigyan niya ng time at mas priority niya ang biological family niya to the point na ako ang laging alone at napapabayaan niya.

desolate_cat

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #25 on: January 25, 2014, 12:20:43 am »
1. My total lack of fashion sense ( I am a very sloppy dresser ) to the point that he gave most of my clothes away.

2. My lack of time management and scheduling. Sometimes I underestimate the travel time it takes to get someplace.

3. Temperature wars (aircon)

-yung may problema sa TV(problema din namin yan dati )... best solution is to buy a good pair of headphones and an extension wire. Para wala talagang noise. Then cover your eyes.

rhamneroj16

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 66
  • HappyLDRWifey
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #26 on: January 29, 2014, 10:53:42 am »
Kapag nagsusuot ako ng dress gusto nya lagi ako naka - pants. Kapag nagmemake up ako pero light lang naman. Gusto na nya yata ako maging manang! HAHA. but i understand kasi LDR kami. :))

k_fine

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 194
  • Mrs. O
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #27 on: February 12, 2014, 05:15:44 pm »
pag nababanggit ng friends ko yung ex ko, verbal man o comment sa fb. napipikon siya at inaaway ako pero pa-cuet lang. seloso pa din after five years. hehe

yung serious na away talaga, wala naman. thank God  :)
Go lang ng go ♥

kiminsan

  • Newbie
  • *
  • Posts: 22
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #28 on: February 14, 2014, 06:56:59 pm »
kakalaro nya ng PS3 hehe

k_fine

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 194
  • Mrs. O
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #29 on: February 16, 2014, 04:51:44 pm »
kakalaro nya ng PS3 hehe

adik din si hubby ko sa xbox360 niya sis pero hinahayaan ko na lang. nood na lang din ako ng mga series ko hehe
Go lang ng go ♥

purpleiacious

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 64
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #30 on: February 18, 2014, 03:35:41 pm »
Naku halos pareho din ng mga answers ng mga sis natin dito ang kinabwibwisitan ko.

1. Panay laro ng playstation walang pakialam kahit matutulog na.

2. Mga barkada pag ako nag yaya napaka tamad pag barkada mabilis pa sa alas kwatro.
3. Makalat sa gamit,ako ligpit ngligpit

4. May mannerism sya na mahilig magbasa ng paa bago matulog tapos ikikiskis sa bed..

5. Hindi marunong mag reply sa text..sabi ko babasagin ko na yung cellphone nya walang silbi,pano pag emergency wala pa siya alam.

6. Masyado mabait sa barkada,hindi ko alam kung mabait o uto uto na siya.

7. Yung pag dumating siya ng madaling araw gigisingin ka mag kwekwento ng walang katuturan,eh ang hirap ko kumuha ng tulog.

8. Mahilig din mang asar sa anak namin..

Sinasabi ko naman sa kanya yan oo lang ng oo paulit ulit naman ginagawa..haysss talaga
 



wanderlusting

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #31 on: February 19, 2014, 12:41:16 am »
Hahaha. Nakakatawa yung mga posts.

Anyway, ito yung samin.

1. Minsan matutulog nang hindi naghuhugas ng paa
2. Hindi inaangat yung toilet seat pag iihi
3. Sobrang kalat sa gamit
4. Ginagawa akong walking locator ng mga nawawalang gamit nya
5. Yung damit na marumi minsan hinahalo sa damit na malinis
6. Sobrang sipag magbasketball pero paguwi sa bahay akala mo lumpo sa katamaran
7. Pag may pinapagawa ako sa kanya like tawagan yung credit card company na sya ang primary, mga 2 weeks or more bago magawa. Partida pa everyday ang follow up ko.
8. Mukhang basketball shoes
9. Car parts na mamahalin. Lalo na yung mags tapos pag ako nagdrive at nagasgas ko, galit na galit sakin hahaha
10. Sports accessories na laging naminisplace tapos bibili nanaman ng bago.


so far iyan lang naman. Pero kaya ko na tiisin kesa ang issue eh babae or bisyo :)

Queserasera

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 60
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #32 on: June 13, 2018, 03:02:28 pm »
Up for this thread 😉

few questions lang mga sis,

1. kung pinag aawayan siya you mean pinapagsabihan niyo ba si hubby o nilalambing pa pag may hindi kayo nagustuhan gaya ng nasa lists ninyo?

2.Does it mean Perfectionist wife ba tayo kung ayaw natin na may kalat si hubby sa bahay at naaasar tayo dahil tayo ang ligpit ng ligpit?

3. Ano ba ang take ni hubby sa pagkakalat minsan sa bahay nag reason out ba siya na talagang ganon siya minsan "burara"?.

Tanong ko lang naman kasi ang pinag aawayan rin namin is yung sa bahay, small things lang pero yung feeling na parang Housemaid ka hindi asawa 😉😁
« Last Edit: June 13, 2018, 03:17:50 pm by Queserasera »

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #33 on: June 13, 2018, 04:55:40 pm »
Lately ang pinagtatalunan namin ng asawa ko kapag tamad syang maging tatay, as in parenting method. Like iniispoil nya or hinahayaan lang syang idisrespect ng mga bata. Like pag may dinedemand at di nya mabigay, sasabihan sya ng "ang sama mo!" Hinahayaan lang nya eh. Hindi nagkocomment. Sakin yun papagalitan ko yun at baka paluin ko pa.
Never nila ako sinabihan ng ganun.

Tapos magrereklamo bakit sya nahihirapan pag sya nag-aalaga sa mga bata. 😓

super bratinella

  • I am officially a HomeOwner;queen of the house; a non stop
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2480
  • To God be the Glory!!!
    • Blog
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #34 on: August 18, 2018, 10:31:58 pm »
Before pagiging OC lahat ng bagay sa house namin may department at may naka assign na committee then I always take care sa mga napundar naming gamit sa bahay ang sofa dapat balance ang pagamit stuff like that, so talagang pikon si hubby sobrang organized ko daw at ng house namin..

One day pumunta siya sa house ng sis in law ko, sobrang naging uncomfortable siya dahil sa dumi at kalat ng house as in walang maupan kasi ultimo sofa may nakapatong na mga damit, then may mga poops ng dog nagkalat sa ilalim ng dining table at bandang sink ng kitchen.

Then hubby opened up to me na ngayon na appreciate nya ang pagiging organize ko sa house with how strict I manage our household.
I am nobody.

Nobody is PERFECT.

Therefore, I am PERFECT!.

http://superbratinella.blogspot.com/

kaythrielle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 542
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #35 on: August 24, 2018, 11:24:26 pm »
Wala akong maisip na madalas naming pinag-aawayan.
Sa tagal na namin magkasama, andun na kami sa point na may mga bagay na pwedeng palagpasin lang, kung hindi pwede, saglit lang magtatawanan na ulit kami. Kasi parang ang ridiculous ng pinagtatalunan nakakatawa talaga.

Mga issues na mas malalim at paulit ulit, ibig sabihin ganun na talaga at part na ng personality nya or ko, so may acceptance na dapat on both our part. Accept nya na ganun talaga ako, or ganun talaga sya at magkaiba kami pagdating sa mga ganung bagay. OR compromise.

thebratinella

  • shopaholic, obsessed mummy, happy wifey and
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1460
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #36 on: September 01, 2018, 08:45:09 pm »
1. kabagalan ko gumalaw saka late makaalis ng house pag may lakad kami kasi nga haba daw ng seremonyas ko.

2. pagiging messy niya. minsan kung saan hinubad yung damit niya, dun na iiwan.

3. mga requests ni mother-in-law like hatid sundo siya sa bulacan (we live in the south) kapag may mga gala with her high school friends. pag pagod kasi si hubby, sa akin nagvevent out. siya yung oo nang oo sa nanay niya tapos sa akin mag-iinarte?!  ;D >:( pero ito nabawasan na rin lately kasi nasawa na si hubby.
Happiness is a choice.

JAZZIE_G

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 138
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #37 on: September 01, 2018, 09:55:29 pm »
Kapag pauwi na at hangang sa bahay panay business pa din pinag usapan and nag basa ako bigla nya sabihin nakikinig ka ba? Dun ako naiinis sabihan ko sya...PWEDE moment ko na man kapag nasa bahay na. Tama na puro negosyo. Dun nag start away namin...di ko masabayan pagka oa nya sa work hangang bahay dina dala nya. Dun lang daw kami sa bahay makapag usap, kasi sa office pareho kami busy di maka pag usap about business namin. Sabihin ko pwede ba ipahinga muna man isip ko...naka kapagod na din. Tatahimik na sya.

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5852
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #38 on: September 21, 2018, 05:48:04 pm »
Waze. Lol. Yun yata ang pinaka major away namin ng dahil sa waze.
...all adventurous women do.

sophiasoon

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 114
Re: ano ano ang madalas niyong pinag aawayan ni hubby?
« Reply #39 on: September 22, 2018, 09:48:19 am »
1.Yung pagiging sobrang mahiyain nya. Nung nagsabog ata ng kahihiyan kumuha pa sya ng batya. Lol
2. Yung inaasa nya lahat sakin because he knows i can do it kahit na ang ending eh ngarag na ngarag ako.
3. Yung pagiging insensitive nya.
4. Sometimes pag may inutos ako at di nya ginawa nang maayos sobrang naasar ako.

OMG!

Ganyan din kinaasar ko. LOL!

Maliban sa #4. Kasi masipag naman sya pag may mga paabot ako, pabukas ng a.c, tv mga ganon.

Pero grabe, di sya marunong makihalubilo, mahiyain.

Minsan din, suplado, lalo pag inaantok o gutom. Naiirita ako pag suminghal. Grrr!


 


Latest Stories

Load More Stories
Close