watch now

Author Topic: Kapatid sa labas  (Read 16945 times)

sarah012

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #40 on: August 01, 2015, 12:21:21 pm »
it depends padin upon the situation. if they are not asking for too much naman walang problema. but there is a case na grabe na sila mang gulo. dapat they understand the situation and be thankful kung ano lang ibigay sakanila.

pol pretty lady

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #41 on: August 21, 2015, 03:31:23 am »
Kami wala thanks God iniiwasan din pala ni papa  ;D pero yung pinsan ko na girl meron kapatid sa labas... yung tita ko (kapatid ni papa) na teacher nakapag asawa ng marines... lagi sya nadedestino sa iba't ibang lugar...nung first umuuwi sya pag may vacation sila.. tapos katagalan wala na may nakapagsabi na nagkaasawa sya sa ibang lugar pero walang anak yata, then nadestino sya something Mindanao yata kinasal at nagkaanak.. pero hindi pinapaniwalaan ni tita

then after ilang years problemado na tita ko baka napaano na si tito
(that time hindi nya alam may asawa din sa ibang lugar si tito)..

Nagbyahe si tita ko by land 10 hourrs tapos,by air makarating lang sa Manila sa Head office para alamin kung napaano na yung asawa nya baka namatay na kasi may bakbakan sa Basilan that time.. at first nakausap nya yung kasamahan ng asawa nya at nagsabi wala daw sa Manila nadestino daw sa malayo sa Basilan.. nakahinga tita ko kasi kala nya namatay na pero at the same time sad sya kasi hindi nya nakita si tito, then palabas sya ng Head office na lulugo-lugo nakasalubong nya yung General yung pinakamataas at nagtanong:

"Misis okay ka lang? napaano ka?" sabi naman ni tita" Eh sir galing pa ako sa malayo nagbabakasakali makita asawa ko at malaman kung okay lang ba sya akala ko napaano na sya eh.." iiyak iyak tita ko.. then tinanong sya ng General anung pangalan ng mister nya then sinabi si Bong (insert Family name here) nagulat yung general tapos niyaya sa pumasok diritso sa office ng general.. while on the way nakita nya yung napagtanungan nya nung una iiwas iwas then nagsaludo sa Boss.. then ng nasa loob na ng office si tita pati yung general tinanong sya nito:

"Upo ka misis... totoo ba asawa mo si Bong?" sabi ni tita "Opo sir! dala ko lahat dito yung papeles namin pati marriage liscence /contract /certificate nilapag lahat ni tita sa table tapos pinatawag ng general yung secretary kunin files ni tito sa kanila, pagbuklat kasal si uncle sa iba at iba nakafile na asawa at anak..then pinagcompare papeles ni tita doon nakita na mas naunang nagpakasal si tita at si tito ng 12 years.. in short walang bisa yung kasal sa next na wife na may ilang kids.. then pinatawag yung tito ko that time sa Manila rin pala ito nung panahon na yun.. pinagtakpan lang ng mga kasama nito na nasa malayo sya kasi iba rin yung kilalang wife at pamilyo ni Tito Bong... grabi gulat ng tita ko tulala sya ng sinabi na general:

"Misis wag ka mabibigla ah pero may ibang wife at pamilya yung asawa mo at sila yung nasa record.. ngayon lang din namin nalaman may nauna pa pala syang asawa at legal kasi ikaw yun naunang nagpakasal.. " Hagulgol talaga si tita kasi ang gusto nya lang na unang malaman is if buhay pa si tito hindi nagpaparamdam... at hindi na nagsusuporta... grabing galit ng general sa tito ko pati sa kasamahan na nagtakpan at pinaasikaso ng general na sa bawat sweldo ng tito ko may kaltas kalahati diritso sa pinsan. Kasi mama nya yung legal na asawa at sya yung legal na anak... dati hindi pa pwede ipaapelyido yung bata sa Last name ng tatay pag hindi pa kasal at wala pang batas dati.. then pinaasikaso ng general pag nagretire tito ko kalahati ng retirement at benefits diritso sa account ng pinsan ko.. walang nagawa si tito at yung asawa na bago kasi hindi sila legal kasi until now yata wala pa silang legal seperation.. 10 years ago na yun.. tandang tanda ko pa kung gaano natrauma si tita.. buti na lang mismong general kusa tumulong at ng mungkahi na ganon mangyari sa magiging sustento ng pinsan ko..  :D

j.adore

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #42 on: August 21, 2015, 05:16:04 pm »
Good thing the general is a good man! I hope yung cousin at Tita mo keeps in touch with the general? Send greeting cards or what nots..

Nung bata ako, I thought that if this happened to us, I don't want to have anything to do with the other family kasi reminder ng kasalanan. Kahit kami pa yung second family.. Concern ko na lang siguro eh yung sustento lalo na sa parent ko.

My husband naman has elder half brothers that my MIL took care of until they had families of their own. Ok naman sila.
I guess it's because alam naman ng MIL ko past ng [textspeak!] ko and she is also the legal wife.

snowberry

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #43 on: August 21, 2015, 07:54:41 pm »
Enter your message here

snowberry

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #44 on: August 21, 2015, 08:24:51 pm »
After 25 years of marriage , I discovered that my husband had a previous marriage at may anak siyang isa. At the  time we were married hindi pa uso ang cenomar at talagang nagkutsaba silang pamilya na hindi ipaalam sa akin. One cousin even vouched na binata siya. I later found out thru a sis in law that at the time my husband and I met hiwalay na sila nung 1st wife nya ( but not legally or annulled) . My sis in law told me also that they were strictly warned by my husband not to tell me anything.   In fact , mga anak ko pa nauna makaalam na may kapatid sila or sila ba yung kapatid sa labas ( but we were married , 2X pa nga) because their Kuya introduced himself to them . Pinuntahan sila sa school ng half brod  nila who is 6 years older than my first born at ipinakita sa kanila ang birth certificate niya . According to them , hindi nila masabi sa akin kasi it was the time na nagka hypertension ako at natakot silang malaman ko.  But of course walang lihim na di nabubunyag gaano man katagal.

My husband and I were already separated . A few months before I discovered yung tungkol sa first marriage niya , I was already planning to separate from him because he even had the guts to get a kabit .The revelation makes it easier for me na ituloy ang pakikipaghiwalay.  Now , my kids and their kuya have a very good relationship. Close sila , may family na yung kapatid nila and lives overseas . Unfortunately, they all hate their dad because of what he did ( iniwan ang mom nung una at kumuha naman ng kabit during my time)  .  I would want to meet his son. If he was introduced to me earlier ,I would even treat him as my own kasi wala kaming anak na lalaki. By the way , 6 mos ago, his first wife died. As far as I know it doesn't make our marriage legal and I don't want it to be. In fact I'm contemplating  of filing for nullity.

I almost can't believe it, parang teleserye lang nangyari sa buhay ko. OOps,  sorry ang haba.

cupcakejane

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #45 on: November 19, 2016, 11:18:24 pm »
^ Long but interesting.  Ang galing lang that they were able to hide everything for a long time.

omneecka

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #46 on: November 20, 2016, 10:24:27 am »
^@ sis pol pretty lady -ang bait naman ni general, di pinagtakpan kabaro nya. Nakakatuwa may mga katulad pa nya na lalaki. Majority kasi sa mga lalaki ngayon, pinagtatakpan mga kalokohan ng kabaro nila. Hay...

😊😊

naihr0805

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #47 on: May 03, 2017, 03:27:08 pm »
Ako legal naman na anak pero marami akong kapatid sa labas. Dahila ng daddy ko ay sadyang nagkalat ng lahi niya sa kadahilanan na gusto niya ng anak na lalaki,

Eventually sa lahat ng kabit niya puro halos lalaki ang naging anak niya. My dad was a engineer kaya madami siyang nakuhang girls na thinking na madami siyang pera pero they were all wrong all the money was coming from my mom working as an OFW before.

I never had a chance na makilala ang mga kapatid ko sa labas and pag nagkataon di ko alam kung pano ko sila kakausapin and pakikiharapan.

My dad gave me so much heartache when I was growing up. Up until now sobrang heartache pa din ang binibigay nia sakin.

plumpolka

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #48 on: May 22, 2017, 04:15:48 pm »

I have 3 half siblings from my mom. widow sya nung nakilala nya dad ko. alam ko na iba dad nila kasi iba surname nila samin and ang daming mga nagtatanong sakin nung bata ako bakit iba surname nila sa mama ko. and people will give me the look.


pero kami, since wala naman silang ibang kinilalang dad kundi dad ko na, except sa first 2 na nakasama pa ng buhay papa nila. lahat kami parang full siblings lang ang turingan. awayan, kampihan, sumbungan. neutral lang din daddy ko although pinapadaan nya kay mama pag gusto nya pagalitan mga kapatid ko. pero parang ganon din naman talaga sya, laging sa mama namin pinapadaan kahit samin.


sobrang okay ng relationship naming magkakapatid. nakatulong din siguro kasi walang ibang family na involved. na patay na yung "other party" kung sakali. pero they still have contact sa side ng papa nila and kahit may mga asawa na sila, they never saw my dad as stepdad lang kaya mas minahal ko din sila dahil dun.

As for my *future* kid, may anak sa labas yung bf ko and come to think of it, ayoko din na makilala ng anak ko in the future yung anak nya sa labas. minsan kahit sabihin na wala naman kasalanan yung mga bata, iisipin mo parin kasi kung ano ba mas makakabuti e. wala naman dito yung anak nya, nasa ibang bansa na. And it's easier for me din kasi wala magiging contact yung magiging anak namin sa anak nya. Ayoko lang din kasi na magtanong yung mga bata bakit iba nanay nung kapatid nila or whatever. siguro kung ipagmeet sila ng tadhana pag matanda na sila at maiintindihan na nila yung mga bagay-bagay. at sila na ang bahala sa mga buhay nila kung gusto ba nilang kilalanin [textspeak!] kapatid nila sa labas o hindi na. kung ok na sila na alam lang nila or gusto nila magbuild ng relationship. pero to force them na magturingan na magkapatid. siguro kung yung situation e parang sakin, ok lang. pero kung tatalon-talon yung bata from one family to another, wag na lang. dun na sya sa nanay nya at sa magiging pamilya ng nanay nya. bahala na sila magdecide pag matanda na sila.

cupcakejane

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #49 on: June 09, 2017, 01:29:19 pm »
This is exactly what I don't want my kids to have kaya as early as now, iniisip ko to protect and secure our assets in case my husband gets someone pregnant.  Ang daming mga babae willing gawin ang kung ano ano, feeling naman nila kagandahan sila.

ArfMeow0101

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #50 on: November 15, 2017, 03:16:27 pm »
Ako i have 5 half siblings sa father side ko. Sobrang babaero kasi tas tinolerate pa nung mga kapait nya kaya lalong naghasik ng lagim. Nagkita-kita kaming lahat nung lamay na ng father ko. Same with one of our sis here, indifference rin naramdaman ko sa kanila. Civil lang ako sa kanila, minsan nakakasabay ko pa sila sa coffee shop or mall, wala lang talaga. Kahit pag bumebeso sila sakin, wala talaga akong maramdaman. I don't even see myself getting close with them.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #51 on: November 15, 2017, 04:15:12 pm »
I have half siblings din. Di ako sure kung 2 na. My dad remarried without telling me and my brother after my mom passed. Di nya pinaalam so wala din kaming balak alamin. Indifferent. Parang walang ganun na nageexist. Parang alternate universe. LOL

patchi2012

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #52 on: December 03, 2017, 07:40:35 pm »
Well i have 3 half sisters. Just found out a year ago. Imagine after 35 years of marriage ng parents ko dun na nagka alaman that yung tsismis before about my dad was all true. Though may duda na ko dati but what I?ve thought na isa lang is 3 pala sila (same mom) Haven?t meet them in person yet sa messenger lang nagka usap usap. They seemed nice naman mukhang takot pa nga sila sa kin. Coz alam daw nila kung san sila lulugar since kami ang legal. I just wanted to know them more nung umuwi ako sa pinas last summer siguro kase I?m just longing to have a sister since nag iisa lang akong babae but my mom forbid me. Di ko sya masisi. Funny thing lang is kahit anong hanap ko ng kahit kunting resemblance or facial features ng tatay ko sa kanila is wala akong makita.

deluxeshopper

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #53 on: December 10, 2017, 01:18:09 pm »
I have 3 half sibs, one sister.

Lahat kami anak sa labas. Interesting right?

Yung papa ko kinasal once pero null and void ang marriage. Di sila magkaanak nung wife nya then she met my mom. So, I am the first born. After a  year, nagka anak sila nung ''wife'' nya. Then, nabuntis uli mom ko (same year to).

Then my father, being a womanizer he is. Nagka roon ba ng ibang babae. Then had two kids. Sabi nya never daw sya nagpakasal kahit super pinepressure sya nung last stepmom ko, kasi pag nagpakasal sya, magiging illegitimate daw kami mga nauna. Buti naman at naisip nya yun noh (he's a lawyer btw).

Since lahat kami illegitimate therefore, pantay pantay kami in the eyes of the law.


quencher

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #54 on: March 06, 2018, 10:50:23 am »
One of the things I'm thankful for, hindi nagloko ang dad ko at wala kami half-siblings.  ;) hehe
Pero sa family ng dad ko meron (ito siguro ang reason kung bakit di niya nagawang mambabae at ayaw niya gawin sa sariling familiy niya).
Ang lolo ko had a mistress, nagka-anak ng tatlo. Pero BILIB na BILIB ako sa familiy ng dad ko especially sa lola ko how forgiving they were to the "other familiy" to the point na nung nagkasakit ang lolo ko, yung lola ko at yung mistress ang nag-alaga sakanya ng sabay na "parang wala lang". Amazing diba?  ;D
Matagal ng pumanaw ang lolo ko at yung mistress, pero ang family ng dad ko welcomed their half-siblings with open arms. Kapag may fiesta, reunion, birthday celebration, Christmas, new year etc., invited sila. Even nung may hatian sa mana, may share din sila. I'm still in awe kapag naaalala ko to.  :) Sobrang bait ng family ng dad ko, from my lola to my titos and tita, sobrang bait, napaka forgiving.
Pati narin yung uncle ko na nagka-anak sa labas, welcome na welcome din sa family namin yung naging anak niya.   :D :)

BicuriousGS

  • Guest
Re: Kapatid sa labas
« Reply #55 on: March 28, 2018, 09:38:22 pm »
Common sa mga dad ko may anak sa labas sila magkapatid na lalaki. Anak sa pagka binata and anak sa iba babae. Nadidinig ko lang na may anak sa labas dad ko pero di ko pa sila nakikita. War freak kasi ako haha since im the youngest di ko matangap mga anak sa labas...nabalitaan ko pa lang naasar na ako at napipikon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close