Author Topic: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?  (Read 92619 times)

Angelite

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #300 on: October 14, 2014, 06:07:51 pm »
To be fair, in my in laws are very nice. Ayoko lang ng maraming kailangang pakisamahan sa house. I want to run the house my way (well me + hubby). Ayoko ng marami akong kailangang iconsider for simple things at home.

BDJ

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #301 on: October 14, 2014, 06:22:32 pm »
^Totoo yan, yung tipong hindi mo mabili ang ganito kasi may magagalit whereas yun ang kailangan mo. How I wish na wala rin akong pakikisamahan.

j.adore

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #302 on: October 14, 2014, 09:18:43 pm »
Nakaka-aliw yung mga parents na sila mismo nagsasabi dapat nakabukod mga anak nila pag kinasal.

Kahit gaano kayo ka-ok, there will always be misunderstandings. Kung ang family members nga mismo, nag-aaway o may mga tampuhan, what more ang in-laws di ba?

Masarap ang kayong 2 lang. Feels so free and you can decide on anything together :-*

outandaboutph

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #303 on: October 17, 2014, 10:43:52 am »
Isa pang problem ko ngayon, dahil sa house ng in laws kami nakatira, wala kaming say kung sino pa ang gusto nila patirahin sa house. Few months ago dumating cousin na lalaki ni hubby, at first doon siya natutulog sa house ng MIL ko, hindi mismo sa house na tinutulugan namin. But napansin ko, last month doon na siya natutulog sa amin. Napaka uncomfortable ng feeling, lalo na kapag nagpupunta or galing ako ng CR tapos nakakasalubong ko siya. And dahil may history siya ng drug addiction, sobrang worried mom ko for me and my baby. Sabi ko na lang sa mom, hindi naman na siguro uulit iyon pero actually, may kaba din ako. Inopen ko kay hubby na hindi ako comfortable na may lalaki kakalat kalat sa bahay, sabi lang sa akin ang babaw ko.

mrs_mcta

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #304 on: October 24, 2014, 05:46:05 am »
We're actually living with hubby's parents now (we're celebrating our 1st wedding anniversary in less than a month - so almost 1 year nako in their house).

As a wife, gusto mo talaga na ikaw magpatakbo ng 'househould' niyong mag asawa pero we have to be practical din na we can't afford to have our own place now. My in laws are very nice and wala talaga akong nadidinig from them - kahit singil sa tubig, kuryente, or internet, wala. Yung food, minsan nag g-grocery kame ni hubby for us pero in essence for everyone din ang binibili namen. Generous talaga si MIL, may mga pinapaaral pa nga siyang mga anak ng pinsan (iba graduate & working na), ganyan. Minsan bibilan pa ako ng mga random stuff - blouses, bag, etc.

Pero dream talaga namen to have our own house - sooner rather than later sana. :) Saka ayoko din umabot sa point na paaalisin na kame.

loveleah

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #305 on: October 26, 2014, 01:56:29 pm »
Ironically, we wil be living again with my MIL next week. Umuwi ng province nila ang yaya ng baby namin, MIL lives alone, everytime we visit herwith the kids she seems very happy, napag decide ni hubby na dun na kami titira ulit and have our current house rented. I feel like kaya ko na siya pakisamahan, though we may not agree on a lot of things, alam ko naman na I just nod my head and agree , she's happy na though I don't usually follow. Well, hope things will be better this time.








crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #306 on: October 27, 2014, 09:21:20 pm »
^goodluck sis. sana maging ok ang relationship nyo ni MIL mo pagbalik nyo doon.

May nabanggit dati si MIL or SIL na pag may baby na kami babalik kami doon sa kanila. Pero wala kaming ganong usapan ni hubby. Para sa akin, hindi ko na kayang bumalik at makisama pa sa kanya. Sobrang damage na nagawa nila sa akin. Oo yung pagbubunganga nila at yung pag-a-attitude nila sa akin kaya kong palampasin, pero yung siraan nila ako sa lahat ng kamag anak at kakilala nila, ano pang laban ko? Para namang pwede ko i-explain sa kanila kung ano talaga ang totoo and besides, para saan pa. I know babalik din sa mga pagmumukha nila yang ginawa nila sa akin. Ang sasama ng ugali, ayaw kong magpalaki ng mga magiging anak ko doon at baka mahawa pa sa nakakasukang ugali nila. Even now na nakabukod na kami, dumalaw kami minsan doon.. Nako, sikat na sikat ako! Lahat ng makasalubong namin nagtatanong kung bakit kami umalis at kung saan kami lumipat. Akala mo naman mga walang alam, eh pag sinagot mo sasabihin sayo "Ah eh di wala ng kasama mother mo". Gusto kong sagutin na "Hello, t*nga ka ba? Hindi ba iniwan ko rin naman ang nanay ko? At walang aalis sa bahay na yan kung may nakakasundong manugang yan!".

aranses

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #307 on: October 29, 2014, 09:29:13 am »
on my part kahit super bait ng in-laws ko, NO NO No talaga sa akin na tumira kami ni hubby kasama parents niya or kasama parents ko. Kasi there's no such a thing as two queens ruling the house, magulo! Lalo na iba kultura ni hubby dahil chinese sila for sure hindi kami magkakasundo ng inlaws ko.

FayeP

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #308 on: October 29, 2014, 10:43:59 am »
saka mahirap talaga kasama mga in laws sa bahay, kunyari nakikitira kayo di ba, ultimo kurtina di mo mapapalitan...

pag sila naman ang nakikitira sa inyo, cyempre hirap pa din kumilos dahil since si MIL un mas matanda, cya un gusto nya na masunod kahit na bahay mo pa ito...mahirap pag 2 ang reyna sa isang palasyo...

traxxex21

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #309 on: October 29, 2014, 10:51:05 am »
BIG NO. I still want my privacy. Kahit wala naman akong issue sa future in laws ko (masinop pa nga siya compared to me), gusto ko bukod pa din kami. Mahigpit kasi ako sa pera kaya ayokong mag cocomment siya sa mga expenses at income ko :)

outandaboutph

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #310 on: October 29, 2014, 03:32:42 pm »
Biggest regret ko na tumira kami sa in laws ko. I am so hurt....

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #311 on: October 30, 2014, 11:07:07 am »
^*hugs* sis. :( nabasa ko post mo sa kabilang thread.. nakakainis yung mga inlaws na hindi marunong umintindi. mas magiging masaya ba sila pag napag hiwalay nila kayo, whereas sila dapat ang umuunawa at sumusuporta sa inyo. yan din kasi ang dilemma ko, parang kulang nalang hiwalayan ko asawa ko para tantanan nila ako, sorry sila dahil ilalaban ko ito.

shopaholic18

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #312 on: October 30, 2014, 03:48:31 pm »
we are still and were all doing okay, isa ko sa mga rare na kasundo ang inlaws, pinapagdrive pa ko ng dad in law ko, parang anak nadin nila ko, waiting for retirement nalang sila uwi na sila ng Pinas kaya we all are living together here in US kasi di naman biro mortgage dito pero hopefully pag retire nila saka naman punta ng parents ko dito para may magbbabysit ng soon to be babies namin.

mama7

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #313 on: October 30, 2014, 07:29:37 pm »
Bakit ako titira don yun nga bilas ko lumayas don.sabhan ba naman na sampid lang siya.katulong nga wala tumagal yun pang taon o forever ka don kasama niya.ang tanda tanda na ang sama pa ng ugali.ginagawa niyang lisensya yung pagiging matanda niya para pagpasensyahan sa ginagawang panglalait.

Nakakatawa lang kung makapanglait akala mo nga mayaman noon pa eh pare-pareho lang naman kaming mga galing sa hirap.nakatikim ng kaunting yaman galing sa anak akala mo kung sino ng mga matapobre. Pwe! Mas gusto ko na mangupahan kami kasi mabait naman ang asawa ko,kaya namin mabuhay ng di umasa sa kanila kesa sumabit sa pamamahay nila ni lumapit ng tirahan sa kanila wala kaming plano lalo na anak niya. Malaya kaming gawin gusto namin,masaya kami at tahimik, walang pakialamerang MIL na matapobre

juana_antonia

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #314 on: October 30, 2014, 07:45:22 pm »
I have no problems with my inlaws, they are very nice people. Still, I wouldn't want to live with them. Sariling parents ko nga pag nagbabakasyon sa amin, ang daming adjustments na kailangan gawin, what more if in laws pa. There can only be one queen in a castle.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #315 on: November 02, 2014, 02:08:07 am »
Over my dead body haha!

outandaboutph

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #316 on: November 03, 2014, 11:55:19 am »
^*hugs* sis. :( nabasa ko post mo sa kabilang thread.. nakakainis yung mga inlaws na hindi marunong umintindi. mas magiging masaya ba sila pag napag hiwalay nila kayo, whereas sila dapat ang umuunawa at sumusuporta sa inyo. yan din kasi ang dilemma ko, parang kulang nalang hiwalayan ko asawa ko para tantanan nila ako, sorry sila dahil ilalaban ko ito.

Thanks sis, noong una ayoko pa sana umalis, kaya lang hubby ko narin ang problema. Okay lang sana sa akin kahit ganyan ang in laws ko if supportive naman si hubby and ipagtatanggol naman ako kaso laging nanahimik lang. Pag alis ko pinahabulan pa ako ng father in law ko ng mga pasaring na message sa fb, pinatulan ko nga sinagot ko lahat ng mga sumbong ng MIL ko kasi laging ang kwento niya iyong version niya lang ng kwento hindi niya ikukwento kung bakit nagkaganon. Sabi ko umalis nga ako para naman makapagfull time hubby ko sa nanay niya para walang isinusumbat at ibinibintang sa amin at para ma-stop ng drama. So far, hindi na sumagot. Kaninang morning may sinabi pa sa akin mother ko na mga sinabi ni MIL na amazed talaga ako. Ngayon ko talaga narealized na hindi niya talaga kaya pakawalan anak niya kaya galit na galit siya sa akin noong magkasama pa kami ni hubby. Ang dami niya inimbentong kwento para siraan ako sa mom ko, good thing tumira mother ko with us for 4 months kaya nalaman niya anong klaseng mga tao pinakikisamahan ko.

crzysxycl

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #317 on: November 03, 2014, 12:39:54 pm »
^Aww, ibang klase MIL mo, parang MIL ko rin. Hindi ko nga rin alam kung bakit galit na galit sya sa akin. Lalo na ngayon na bumukod na kami, feeling ata nya inagaw ko anak nya sa kanya. Paano sila tumanda ng ganyan? Pati father in law mo pala, tsk tsk. Kaloka yung mga MIL na mahilig manira, yung palalabasin na masama ka, grrrr!

princessyuri

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #318 on: November 07, 2014, 09:08:50 am »
^Tingin ko selos tlaga ang dahilan.. alam mo na ang daming tao ang nasisira ang sarili nila dahil sa sobrang selos.. Father ko naman tahimik lang, mas inaalala nga niya husband ko kasi sabi niya, may ganoong case na daw siyang alam nabaliw iyong guy, sinisaraan kasi ng in laws niya iyong girl while nasa abroad ang guy. Noong umuwi ang guy sa magulang na tumuloy kaso nababaliw na pala that time kakaisip doon sa mga ginawang paninira ng parents niya mismo. Natuluyan iyong guy pero napuntahan pa iyong wife niya and mga anak. Kaso hindi na tinanggap noong girl, isinaoli sa magulang niya ang sabi, kasalanan nila kung bakit nagkaganon ang anak nila.

Feeling ko ganyan din ang situation ng husband ko ngayon kasi lagi niya ako tinatanong if naghahanap na ako ng iba, or wag ko daw siya ipagpapalit, etc. Before naman kasi hindi niya naiisip iyong mga ganoon so tingin ko may nagsasaksak sa isip niya ng mga iyon. My MIL gusto niya ipakita sa lahat na walang magmamahal sa husband ko ng MAS sa kaya niya. Pero may times na kung magsalita siya kay hubby, para lang paringgan ako, sobrang nakakadegrade. Hubby ko hindi kasi sumasagot. Never sumagot kaya mas lalo ako kinakabahan.

super bratinella

  • Guest
Re: To all married wives: Will you consider living in with your in-laws?
« Reply #319 on: November 07, 2014, 10:25:00 am »
no, there can only be 1 Queen in the castle..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close