share ko lang experience ko.
dati talaga, ok lang sa akin tumira sa family ni husband. i mean, i know myself. alam ko kaya ko makisama. so hindi yun issue sa akin.
kaso when we got married, nung nag start nako tumira sa kanila, thats when my nightmare began. mabait naman MIL ko, in fairness. kaya lang, may SIL kasi ako na medyo masungit. nakaka-stress baga. she's like a queen who rules her kingdom with an iron hand. hehe. ako, tahimik lang. alam ko hindi ko teritoryo kaya minsan kahit iba yung atmosphere, quiet lang ako. pag may ginawa sya sa asawa ko na di ko gusto (my husband is older than her, btw) like yung mga pabalang na utos at sagot, wa ako say. kung
[textspeak!] man grievances ko sa ugali ni SIL, kay hubby ko sinasabi para pagsabihan nya kapatid nya. kaso mukhang hindi nya sinasabihan. sa bahay kasi nila, lahat tumitiklop dun. even my MIL ha. kaya i doubt it kung mapagsasabihan ni hubby kapatid nya.
and then, just before the school year opened, my father offered to send me back to school. graduate na ako ng BSBA mga sis, pero I always dreamed of becoming a teacher kaya yung papa ko, sabi nya, mag take ako ng 18 units of educ para makakuha ako ng Certificate in Professional Education at makapagturo. it was good news for me. kasi yung school kung saan ako pinag e-enroll e sa novaliches. masyadong malayo sa lugar ni husband wc is bulacan kaya dun muna kami titira sa bahay ng family ko.. so akala ko makakabangon na ako sa bangungot. kasi mabait si husband. alam ko wala sya magiging problem sa pakikisama.
yun ang akala ko.
wala naman ako problema sa mga kapatid ko. mabait naman sila kay hubby. kaso si mama, numero unong pakialamera.. syempre, di naman maaalis sa mag-asawa yung nagkakaron ng petty quarrels db? yung mga ganun, pinapakialaman ni mama. tsk tsk.. tapos, kasi kami ni hubby, mahilig mag-asaran. parang lambing na namin yun sa isa't isa. pati yun pinapakialaman din. hay naku. stressful talaga.
sa ngayon, di pa namin kaya bumukod kasi di pa kami stable financially. pero by next year, bubukod na talaga kami. sa true lang, ayaw ni hubby mangupahan kasi sayang daw pero sabi ko, kahit maghalo balat sa tinalupan, hindi na ako titira sa kanila. ok lang bakasyon pero yung permanent? never would, never will! tsaka, sabi ko kay hubby di kami matututo kung lage kami nakapisan lang. so, with that in mind, napahinudhod ko din sya.
ayan napahaba na post ko. hehe. tnx for reading.
