watch now

Author Topic: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting  (Read 6411 times)

bladewithaheart

  • Guest
My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« on: August 13, 2013, 12:22:36 am »
Naiimbyerna ako.

Grabe lang talaga.

Bear with me. This is kinda long.

Yung pinsan ko at ang asawa niya, feeling mga kabataan pa rin. Naiintindihan ko naman kasi nga biglaan yung pregnancy ni girl at medyo bitin yung experience ng pagiging kabataan, pero ngayon kasi talagang nakakainis na.

Simula nung nabuntis si girl, naghanap na ng trabaho si boy. E di okay naman. Nung manganganak na, ang akala namin ang magbabayad ng hospital bill e si boy, aba si tita ang pinagbayad nya, ang ina na niya na nagkakandakuba kuba sa pagtratrabaho. Widowed na kasi siya and tatlo anak niya. Public school teacher siya. Di sapat talaga yung kinikita nya so kelangan nyang rumaket pa.

Naiintindihan ko kasi di sapat kinikita ni guy sa pagiging crew sa isang fast food.

Aba, nung nanganak na si girl, nagstart na silang maglive in sa bahay ni boy. Ginawan pa ng facebook account ang anak. Okay lang din yun.

Aba, aba, aba.. ang nakakaloka, si boy gusto nya ang gagastos sa LAHAT ng pangangailangan ng bata e si tita. WTF?! Bakit si Tita e nahihirapan na ngang magtrabaho, walang wala na nga. Eto namang si tita, sige lang kasi naaawa siya.

PAGBIGYAN kasi nga hindi ang sapat ang kinikita sa fast food. Aba nung nagkatrabaho na si girl sa isang Ace Hardware, wala man lang support na binigay sa anak o kahit man lang kontribusyon sa bahay mula kinita niya.

WTF?! So ibig sabihin yung sweldo nilang magasawa sa kanila lang yun, while si tita ang gumagastos sa pangangailangan ni baby. Di na tama yun.

Eto pa, bumili ng old-fashioned, decrepit, cheap 2nd hand car si boy at bumili ng mga gadgets si girl. BWISIT talaga.

Sa mga lumipas ganun ang nangyari. Hanggang sa mabuntis ulit si girl. She had to resign.

Nung manganak, osige, si tita pa rin nagbayad ng bills.

Ang lalo kong kinagalit, binilhan ng magasawa si first baby na ngayon ay 3 or 4 years old na yata ng iPad. Inexpose nila agad sa ganun XD ang mahirap pa si baby napakatahimik.. actually di naturuan nung baby, ni hindi marunong magclose open, at napakadalang magsalita. tapos ngayon ang adik adik na sa iPad, alam pa nya kung ano yung mga pipindutin. nagwoworry ako kasi baka maging overly dependent sya mga gadgets at di nya mafocus ang education.


Eto pa ang pinakamalala.... last week nag1st bday si bunso, sa jollibee, pero di ko alam kung sino gumastos pero feeling ko si tita na naman. alam nyo ba kung iniregalo ng magasawa sa bata sa 1st birthday nya???? IPAD MINI!!!!!

I WAS LIKE WTF?!??!?!?!?!?!?!?!?!

Ano bang malay ng one year-old sa IPAD MINI.

Anong klaseng magulang yan? DYOSKO.

Actually, marami pa silang bad traits, finocus ko lang sa parenting nila na EPICFAIL.


Ano tingin nyo guys?

mslcgrey

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #1 on: August 13, 2013, 03:36:26 pm »
kawawa naman ang tita mo but in a way this is also her fault. bakit siya pumayag na ganyanin lang siya ng anak niya? for me, one obligation of our parents is to teach us how to be responsible. in this case, nagkulang din ang tita mo. dapat mas naging strict siya especially when it comes sa gastusin ng apo niya.

as for your cousin and his wife, unless close kayo at pwede mo silang kausapin to let them realize na mali ang ginagawa nila, wala ka naman talaga magagawa.

ganun siguro talaga. may mga tao talaga na hindi iniisip ang consequence ng mga ginagawa nila. sana dumating yung time that they will be more responsible. and i hope this happen sooner than later.

musta naman mga kapatid ng cousin mo? di ba nila pinagsasabihan ang kapatid nila or mom nila about their situation.


bladewithaheart

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #2 on: August 13, 2013, 10:47:10 pm »
^ sis tin, I salute you and your hubby for making those sacrifices and facing the responsibility. <333

Kung close ko lang siguro si insan, e di sana medyo napagsabihan kaso hindi e at tsaka may ugali, baka masapak pa ako nun.

Buti na nga lang may trabaho na yung pangalawa kasi grumaduate, ang sabi ko sa kanya, pag humingi yan ng pera, wag na wag mong bibigyan. sana nga wag. abuso na talaga sila e.

tapos sabi sa status sa fb nung wifey, siya pa daw ang nakikisama kahit nagtitimpi lang daw sya. hindi nya sinabi kung sino, pero alam ko sila yun.

tinsantos10

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #3 on: August 13, 2013, 10:55:44 pm »
^ Thanks you :)

Sino ba sa kanila pinsan mo? Yung girl or boy?

twelve5

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #4 on: August 14, 2013, 12:25:35 am »
bladewithaheart, I think there's not much you can do here. Kasi yung tita mo naman willingly gives/supports. Di naman sya coerced to do so. Tama, she is too generous to a fault. And she is not helping her son grow up and be a responsible parent.

But I think pwede mong bulungan ang tita mo or Baka yung ibang Anak Nya mag sabi sa kanya to keep something for herself. Mag set aside naman ng pera for her own future/retirement/medical Kasi nga sabi mo she is not earning big naman. So kelangan isipin din Nya sarili Nya maski paano.

twelve5

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #5 on: August 14, 2013, 12:28:57 am »
Ps: I think the ipad and ipad mini are really for them (the couple) and just makes the baby as an excuse to buy them.

If you can buy a couple of age-appropriate toys, please do so. Kawawa naman yung brain development ng bata. Hopefully the parents can take a hint from you.

bladewithaheart

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #6 on: August 14, 2013, 12:40:08 am »
^ Thanks you :)

Sino ba sa kanila pinsan mo? Yung girl or boy?

Technically yung boy pero sa akin di ko sya pinsan lol bitter lang hahaa

smoothie

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #7 on: August 14, 2013, 09:10:06 am »
I feel sorry for the kids.

IPAD pa talaga ah. hehe. Mahal.

mary_gee531

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #8 on: August 14, 2013, 09:25:49 am »
i can relate to your cousin's story kasi i have an elder brother na ganyan din, unico hijo.  nkabuntis sya nung 20 y/o sya at si girl naman 18 noon, kaedad ko.  ever since, ang parents ko ang nagpo-provide ng daily needs nila..until now.  yung first baby nila premature kaya na-incubator pa for several months.  and during that time na nagsasalitan kami sa pagbabantay sa baby in the hospital, di namin alam yung dalawa pala gumagawa ulit ng baby!!  hayun, buntis na naman agad yung girl!  kaya ang pamangkin ko 2 in a year, yung panganay january pinanganak, yung sunod november naman.

mula din nung nagsama sila ng brother ko sa bahay namin, nananakit na din yung brother ko.  kaya i swore talaga that time na pagkagraduate ko at nagkatrabaho ako dko sila tutulungan.  ang ending, yung parents ko ang hingi ng hingi sakin for them..kawawa daw mga pamangkin ko, etc.

at eto pa, nung kasal ng brother ko, i received a call galing sa kapatid ng girl..sinisingil ako sa baboy na kinatay daw nila panghanda sa kasal!! na-high blood talaga ako nun!  wala naman ako kinalaman sa kasal at handaan nila, ni wala nga ako dun taz ako pagbabayarin!  pero wala na naman ako nagawa, nakiusap na naman sakin parents ko at nkakahiya daw kasi samin yung lalake..hayst!

so wala nga matinong work ang brother ko at ang girl ayaw din pagtrabahuhin!  at dahil di nakatapos ng college ang brother ko, nakiusap sakin ang parents ko na tulungan ko daw na makapag-aral ulit.  so ayan na naman ako, mega support sa pag-aaral..taga-bayad ng tuition!!  after 2 semesters,  nalaman ko na wala halos pinapasang subjects ang kapatid ko at di rin religiously pumapasok sa school dahil nandun lagi sa sabungan!  since then, napuno na talaga ako sa kapatid ko.

now since nag-asawa na rin ako at magkaka-baby na rin, i stopped supporting my brother.  32 years old na sya ngayon pero dependent pa rin sa parents ko.  wala pa rin matinong work ang brother ko.  naaawa man ako sa mga pamangkin ko, i can only do so much.  hindi naman pwedeng sustentuhan ko sila noh, may pamilya na rin ako.  ang problema matatanda na rin parents ko at namumroblema pa rin sila kung pano ang family ni kuya pag nawala sila.  ganyan ang kahihinatnan ng tita mo sis pag patuloy nya sinuportahan ang family ng cousin mo.  di sila matututo to live by their own means.

sistah!

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #9 on: August 14, 2013, 09:26:16 am »
have you or anyone in your family expressed your views about this? Im not defending them ha, but calling their parenting EPICFAIL is a little harsh.

like the others here said, it's partially your tita's fault. if she's not complaining about the gastos that is being piled on her, kahit mainis ka sa mga ginagawa nila, wala ka rin magagawa. okay naman sa sa tita mo eh. the thing is, nabubuhay sila at nakaka-survive na ganyan sila. nakakabili pa nga ng gadgets at kotse. siguro you need to set aside your beliefs na epicfail sila. kausapin mo na lang ang take the practical approach. pano pag nag-aral na yung kids, maganda siguro mag-save kayo for that, mga ganun. at some point naman, siguro they will also learn.

evilwoman

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #10 on: August 14, 2013, 09:47:17 am »
@ts - kahit anong ngitngit pa gawin mo,wala ka na magagawa dahil ginusto nila yan esp ng tita mo.kung ikaw sana nagffinance sa kanila pwede pa,putulin mo sustento. :P mas concern ako sa mga kapatid ng pinsan mo na malalaki na e nasasaktan pa ng bugok na yun.sana naman e di sila matulad doon at magsumikap para sa sarili nila.

^^mahirap ang ganyan na susubo sa gastos tapos sa iyo pala nakaasa ang pambayad.tingin sa yo e savings account.nakaexperience na ko ng ganyan pero mas mild kasi pinsan ko lang yun.ako nagigipit kakahiram ng walang saulian tapos maluho pa sa akin.di naman nagtagal at natuto na ko humindi.di na din ako kinukulit ng parents ko na tulungan kasi nilinaw ko talaga ang di ko nagustuhan sa asal ng inissponsoran ko.

Nhetskii

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #11 on: August 14, 2013, 09:55:54 am »
Hi Sis!

First of all.... kainggit yung anak nila ha ipad at ipad mini... wow!

anyways, i think fault din nang tita mo kasi pinapabayaan nya lang na abusuhin sya ng cousin mo. Hanggat nagbibigay sya, aasa at aasa yung dalawa sa kanya... Siguro kung meron kang makakausap na ka close mo at ka close nila at elder sa inyo, mas magandang sya ang kumausap sa pinsan mo. Or better, kausapin mo yung tita mo... Ngayon kung talagang full support pa rin ang tita mo at ganun padin ang luho ng pinsan mo eh... wala ka nang magagawa kundi ipagdasal na lang sila... kawawa lang ang mga bata :(

bladewithaheart

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #12 on: August 14, 2013, 12:08:16 pm »
@smoothie

sana lang po wag silang lumaking kagaya ng parents nila.


mahal nga. wala din akong pambili lol

@mary_gee


awwww. i really feel sorry to your family. sana maging okey na ang family mo.

sana talaga hindi humantong sa ganyan.
if somebody can just put good sense back into their minds. D:


@sistah

i mean to be really harsh lol
kasi nakakaano na talaga sa nerves xD

mas nagwoworry talaga ako sa kids kasi baka magaya sila sa parents nila.

sana may concrete and practical educational plan sila for their children. nafeefeel ko pepestehin na naman nila si tita sa tuition kasi baka sa private nila papasukin.


@evilwoman

di ba? lalo na nung nabuntis yung pangalawa kong pinsan, pinapalayas nung kuya niya tapos sinusuntok, tama ba yun? (nakunan na sya pero di dahil suntok)
buti nga kampi sila nung bunso kapag may away e.

awww hirap maging super benefactor. buti na lang matapang kaaaaa. you're evil-ishly good lol


@nhetskii

nangongonsensya din kasi si pinsan e kaya lalong naaawa tita ko. aywan ko ba sumasakit ulo sa kanila hahaha
feeling ko dasal na lang na sana magbago na ang pamamaraan nila.

evilwoman

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #13 on: August 14, 2013, 01:37:26 pm »
^ang kapal naman nya manakit ng kapatid.galit ba sya dahil mahahati ang sustento sa kanila?alamin mo naman sis kung anong masama ba nagawa ng tita mo para makunsensya sya ng ganyan.ang labo..

Sis,pag umabot sa point na question mark if may pamasahe ka or pangkain sa lunch pagpasok sa opisina dahil may ibang sumahod sa sweldo mo then makikita mo pinautang mo na updated sa kung anong usong nokia nung panahong yun,matatauhan ka talaga.dati hiya pa ako tumanggi ngayon hindi na din talaga ako malapitan kasi inuunahan ko sila ng daing. :D

stormy_princess

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #14 on: August 14, 2013, 04:11:56 pm »
Ako sis ito ang take ko sa situation ha:

Bilang ina din, para sa akin ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak ay hindi kinukwestiyon yan. Pero nasa magulang kung papaano nila lalagyan ng limitasyon ang pagmamahal na yan dahil ang pagmamahal na yan ang gagabay sa kung anong klaseng buhay at pananaw magkakaroon ang mga anak.

Minsan nasa magulang din ang pagkakamali pero nga pagdating sa pagmamahal nabubulag talaga ang tao.

Sa sitwasyon nila, i am more praying for your cousin na magising sa katotohanan na ang nanay eh iisa lang at ngayong malaki na sya dapat sya naman mag-alaga sa nanay nya hindi yung pinapasan pa sya.  Sana bukas o makalawa ma-realize nya ang mga maling ginagawa nya sa nanay nya.

Para naman sa tita mo, she really shows what unconditional love is. Si God na bahala sa kanya:)

bladewithaheart

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #15 on: August 14, 2013, 08:19:35 pm »
^ Parang wala talagang perpektong bagay sa mundo no, kahit feelings and emotions. Ang dami talagang naidudulot ng love.

I agree. Dapat ang pagmamahal may limitasyon at naibabalanse sa ibang bagay.

Thank you, sis. Hope it gets better soon

thirtylicious

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #16 on: August 14, 2013, 08:46:56 pm »
Nakakagigil naman your story sis bladewithaheart!!! Sarap tirisin! Hahahaha kakagigil nga yang mga ganyan parasite tapos pag may blessing sila selfish naman! Hmmp relate ako! Nagpapulpitte ako sa kwento mo sis. Hahaha affected much!
Inis din ako sa mgavrelatives na anak ng anak. Wala naman pambayad pampaanak! Angvyayabangvpa. Walang konsensya... utang na loob!

Haaaayyy

aquacharly

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #17 on: August 14, 2013, 09:45:22 pm »
BLADEWITHAHEART --  sure, you see a lot of faults... But really, it is their life/lives.
You may know better and have only the best of intentions, but bottom-line: it's none of your business since you don't pay for/contribute to their expenses.   

Before anybody complains about any perceived exploitation of your hardworking aunt --  it's your aunt's business kung she allows them to live that way.  It's her business if  diskarte nya to add to her financial burden when it comes to her kids.

If the wife contributes zero, even when she's employed, that's the couple's business -- they both agree to have it that way.  IMO, nobody can judge her as being selfish --  nobody really  knows the whole truth about what transpires between the couple.

And yeah, some may deem their seemingly extravagant gadget gifts to their small toddlers as inappropriate  --  but that's their diskarte & well, just give them the benefit of the doubt...that the way they think, they must believe such gifts are good for  their kids' development. 

It's good you have this opportunity to vent your opinions & realize that others harbor similar opinions. 
This thread my give us the opportunity to expand our opinions on what constitute orderly living.
But  the bottom-line is:   it's their business, their life. 
Is there anything you can say to your aunt or the couple to give them an epiphany/realization that there is a better approach  to their financial lifestyle?  Most resent unsolicited advice, thy regard such as criticisms & tend to go defensive/resentful.

So, what can you do but internally criticize & keep quiet.
Mag malasakit ka man ng todo todo --  they are adults who will do what they want. 
But yeah, your post triggers some good discussion points we can all learn from.


nicoletta

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #18 on: August 18, 2013, 01:34:18 am »
Aquacharly

I was going to say exactly the same thing.  :-X

Bladewithaheart

I can understand how you feel for your aunt, but again, that's her choice, her life and her family. You really don't know what transpired between your cousin and the girl.  And truth be told, if something
like that happened to one of my sisters, the guy will have h**l to pay. Not only will we demand that the kid gets full financial back up, we will feel appalled if the guy expects her to work to support the family that he created with her in the first place.  But again, that's just me. 

Iba iba talaga. Vent out mo nalang asar mo, kaya lang at the end of the day, you really can't do anything about it.  And unfortunately wala talagang right to comment unless your aunt starts asking for help from you guys narin.


Purple_Power

  • Guest
Re: My Cousin and his Wife's EPICFAIL Parenting
« Reply #19 on: August 18, 2013, 10:33:22 pm »
I totally agree with aquacharly sa lahat ng sinabi niya. It is their business their life not yours. Better yet huwag ka talaga makialam basta basta. Alam mo bakit ko rin nasabi ito even if you are credible enough? Kapag nagsalita ka sa Tita mo o kahit sa mismong pinsan mo kahit na ba ang intention mo ay para sa kabutihan ng pamilya nila, magkakaroon pa rin ito ng trouble to the extent na mapapasama ka sa mata ng mismong pinsan mo at baka pag-initan ka niya. Huwag na huwag mo yang gagawin. Unless na lang kung ikaw na mismo inutangan niya para lang sa luho then I think it is time for you to speak. Unless na lang rin kung sa bahay niyo nakikitira at lahat then again you have the right to speak. Matanong ko lang how much are you related to your Aunt? Kaano ano siya ng isa sa parents mo? Kapatid o pinsan?

Ako nga I have a cousin here na natabangan na ako sa kanya and my treatment to her became different. Dati pinagkatiwalaan ko siya at close pa kami pero ngayon I really told my bf na maiiba na talaga ang pagtrato ko sa kanya and hindi na tulad before. Here's the reason why. There was a time na we talked about the problems of my parents, I also open up to her kung ano ang totoong ugali ng father namin kapag kaming pamilya niya kaharap niya compare kapag sila at ibang tao na ang kaharap ng tatay ko nagiging mabait na siya so that is opposite. She keep on pushing me and arguing with me that we must talk and explain kahit na non sense na yung Tatay ko. Long story pero nabadtrip ako sa kanya nang husto dahil during our conversation she is not a good listener, didn't analyze the situation well to the extent nagcomment pa siya na Nanay ko ang may problema dahil hindi raw kinakausap tatay ko. Tapos naghuhugas kamay siya na silang pamilya nag-uusap sila whereas as if naman naging maayos ang pamilya nila. Tapos there were times na nagiging dominante na siya na halos dinidiktahan niya ako kung ano ang dapat gawin, sabay ang hilig niyang makipagtalo na walang katuturan. Pinagkatiwalaan ko siya sa ibang conversation pero ang hilig niyang humirit ng sablay na walang basehan. When she give advises wala talaga siyang credibility dahil puro wala sa hulog mga pinagsasabi niya tapos hindi pa nagtutugma sa kung ano ang pinag-uusapan. Kahit nga Nanay ko asar sa kanya kasi mahilig siyang gumawa ng storya na yun ang paniniwalaan niya tapos yun ang ipagsasabi niya sa ibang tao. Mahilig siya sa mga mararangal na payo pero siya naman itong walang paninindigan run. Kapag may kaunting nasabi lang kami about our Dad na hindi naman siya kausap ko, nag react na siya agad na halos nakikialam siya sa problema namin. She has tendency to do that and to tell you the truth naging objective ko na talaga na kapag nakialam pa siya sa kung ano ang magiging problema ng pamilya namin baka may masasabi na akong katotohanan na hindi niya magugustuhan. To tell you the truth hindi namin siya kamag anak biologically dahil yung tatay niya is biological son ng Nanay niya sa unang asawa, pero yung pangalawang asawa yun ang Lolo namin biologically kasi magkapatid ng Tatay ng Tatay ko at saka yung pangalawang asawa so biologically related kami sa pangalawang asawa lang. Ang ginagamit nilang surname is yung sa Lolo namin pero illegitimate sila kasi nga hindi kasal ang parents nila. Ang nakakainis pa rito yung Nanay ko pa tumutulong sa kanila nung nagkakasakit Nanay nila. Naging issue pa nga yung choice nila na sa private ilagay mother nila tapos kung makahingi sila sa Nanay ko ganun ganun lang. Hindi ako nakialam rito dahil siempre pinaubaya ko na lang sa parents ko pero actually karapatan ko nang makialam rito dahil hihingi hingi sila sa pamilya ko tapos lilibakin lang pala nila kami? Ngayon yung kapatid nitong pakialamerang pinsan ko may bukambibig na magpapakasal na at the early age. I told my mom already not to spend anything sa wedding baka mamaya kung ano pa idemand. It is my mother so I have the right. Wala akong pakialam kung yung Tito which is half bro ng tatay nila ang mag spend sa gastos huwag lang magulang ko. Again the bottomline here is iba na ang treatment ko sa pinsang hilaw I even remove her sa list ng relatives dun sa facebook dahil biologically naman hindi ko sila kaano ano at all. Ayoko ng masyadong feeling ng wala sa lugar.

Better thing to do now is kapag humingi na ng tulong yung mismong Tita mo then you may do so. Hayaan mo na yung Tita mo ang magsalita tungkol sa mga anak niya. Pero dahan dahan ka sa mga pinagcocomment mo dahil baka mapaaway ka sa pinsan mo lalo na sa asawa niya. Kung ako nga minsan I was surprised nung makita ko yung mga pamangkin ko na babies pa eh umiinom na ng coke. 1 and 3 years old. I am worrying siempre sa health nila pero sa nakita ko naman mukhang tolerable naman sa cousin ko which is parents nila then hinayaan ko na lang kasi tiwala naman ako sa cousin ko na she can manage her kids well. of course andyan rin yung gusto kong makialam. Pero sa mga anak ng Kuya ko may times  na nakikialam ako like yung isa I am telling her na wala dapat butil o tira kapag kumakain. Pero siempre alam ko kung kailan na dapat hindi makialam.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close