Naiimbyerna ako.
Grabe lang talaga.
Bear with me. This is kinda long.
Yung pinsan ko at ang asawa niya, feeling mga kabataan pa rin. Naiintindihan ko naman kasi nga biglaan yung pregnancy ni girl at medyo bitin yung experience ng pagiging kabataan, pero ngayon kasi talagang nakakainis na.
Simula nung nabuntis si girl, naghanap na ng trabaho si boy. E di okay naman. Nung manganganak na, ang akala namin ang magbabayad ng hospital bill e si boy, aba si tita ang pinagbayad nya, ang ina na niya na nagkakandakuba kuba sa pagtratrabaho. Widowed na kasi siya and tatlo anak niya. Public school teacher siya. Di sapat talaga yung kinikita nya so kelangan nyang rumaket pa.
Naiintindihan ko kasi di sapat kinikita ni guy sa pagiging crew sa isang fast food.
Aba, nung nanganak na si girl, nagstart na silang maglive in sa bahay ni boy. Ginawan pa ng facebook account ang anak. Okay lang din yun.
Aba, aba, aba.. ang nakakaloka, si boy gusto nya ang gagastos sa LAHAT ng pangangailangan ng bata e si tita. WTF?! Bakit si Tita e nahihirapan na ngang magtrabaho, walang wala na nga. Eto namang si tita, sige lang kasi naaawa siya.
PAGBIGYAN kasi nga hindi ang sapat ang kinikita sa fast food. Aba nung nagkatrabaho na si girl sa isang Ace Hardware, wala man lang support na binigay sa anak o kahit man lang kontribusyon sa bahay mula kinita niya.
WTF?! So ibig sabihin yung sweldo nilang magasawa sa kanila lang yun, while si tita ang gumagastos sa pangangailangan ni baby. Di na tama yun.
Eto pa, bumili ng old-fashioned, decrepit, cheap 2nd hand car si boy at bumili ng mga gadgets si girl. BWISIT talaga.
Sa mga lumipas ganun ang nangyari. Hanggang sa mabuntis ulit si girl. She had to resign.
Nung manganak, osige, si tita pa rin nagbayad ng bills.
Ang lalo kong kinagalit, binilhan ng magasawa si first baby na ngayon ay 3 or 4 years old na yata ng iPad. Inexpose nila agad sa ganun XD ang mahirap pa si baby napakatahimik.. actually di naturuan nung baby, ni hindi marunong magclose open, at napakadalang magsalita. tapos ngayon ang adik adik na sa iPad, alam pa nya kung ano yung mga pipindutin. nagwoworry ako kasi baka maging overly dependent sya mga gadgets at di nya mafocus ang education.
Eto pa ang pinakamalala.... last week nag1st bday si bunso, sa jollibee, pero di ko alam kung sino gumastos pero feeling ko si tita na naman. alam nyo ba kung iniregalo ng magasawa sa bata sa 1st birthday nya?

IPAD MINI!!!!!
I WAS LIKE WTF?!??!?!?!?!?!?!?!?!
Ano bang malay ng one year-old sa IPAD MINI.
Anong klaseng magulang yan? DYOSKO.
Actually, marami pa silang bad traits, finocus ko lang sa parenting nila na EPICFAIL.
Ano tingin nyo guys?