Dang namimiss na kita sobra sobra. Ang sakit sakit na isipin na wala ka na, at di ko kayang tanggapin pa. Sobrang biglaan ang pag iwan mo sa amin. At yun ang masakit isipin. Madalas naaalala ko pa rin yung time na nasa hospital ka, naalala ko lahat ng pain mo, na minsan iniisip ko sana ako na lang kasi ako naman ang sakitin sa family natin kaya hindi ko kaya na ikaw ang nakikita kong nagkaganon.
Daddy sana magpakita ka naman sa panaginip ko, gusto kong makita ka ulit, marinig ulit ang boses mo, mayakap ka, mahalikan kita ulit at masabi ko na mahal na mahal kita. Sorry kasi di ako madalas nakakauwi ng probinsya noon, 7 mos din kita hindi nakita bago nangyari yun, at isa yun sa pinagsisisihan ko. Daddy, hanggang ngayon nasasaktan ako pag naaalala ko yung time na sinabi mo na "simula maliit pa ako, hindi na ako nakaranas ng kaginhawahan" daddy alam ko na sobrang daming mong obligasyon simula ng maliit ka pa. Sana dadi naparanas man lang namin muna na kami naman ang nagtatrabaho para sa inyo ni mommy. Daddy, hindi ko na magagawa ang pangarap ko sa inyo ni mami. Gusto ko sana pahinga na lang muna kayo at madalas ko kayo itotour domestic or out of the country pero di ko na magagawa yun na kasama ka.

Kahit anong pilit ko na idivert ang atensyon ko sa ibang bagay, ramdan ko na may kulang pa rin at ikaw yun. Mahal na mahal kita daddy, alam ko na mahal na mahal mo rin kami at never mo kami pinabayaan.
Daddy, hindi ko talaga napaghandaan ang situation na ito. Sobrang nahihirapan ako mag adjust. Pero daddy pinapangako ko sayo na na hindi ko pababayaan mga naiwan mong obligasyon. Kay mami, kay inay, at sa mga iba naming kapatid. Itutuloy namin magkakapatid yun dang kasi alam namin na yun ang gusto mo. Tutuparin pa rin namin yung pangarap mo lalo na sa family business.
Dang, sana kung nasaan ka man ngayon masaya ka kasama si Jesus. Sana masaya ka na rin na kasama iba pa nating family na nasa heaven na. I am always praying na sana iparamdam lang sa akin ni God na nasa heaven ka, ill try my best na maging okay na kahit wala ka na. Yun lang naman sana eh, gusto ko nasa masayang lugar ka na, yung walang pagod, sakit, lungkot, yung pure happiness lang at sa heaven lang yung lugar na yun.
Wag ka mag-alala hinding hindi namin pababayaan si mami, alam ko kung gano mo kamahal si mami. Mahal na mahal ko rin sya at mas narealize ko na dapat talaga mas magspend ng time sa mga mahal natin sa buhay. Kasi alam naman natin na mahal tayo ng isang tao pero iba pa rin kung binibigyan ng oras para makasama at maparamdam kung gano kamahal.
Daddy i love you so much. Sana sana lang dang magpakita ka na sa panaginip ko. Please miss na miss na kasi kita. I love you. We will try our best na magpakastrong kasi alam ko yun din ang gusto mo sa amin. At daddy magpapalakas na ako, ayoko ba maging sakitin kasi alam ko ayaw mo nang nagkakasakit ako at ayaw mo na mag alala rin sila sa akin. Dang ikaw ang best dad in the world for me. You will always be my king. I love you.