Author Topic: Message to your parents who passed away  (Read 21878 times)

Nhetskii

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 353
  • Happy wife and a happy mom
Message to your parents who passed away
« on: July 30, 2013, 02:36:07 pm »
Wala lang... bigla ko lang silang naalala ..

Mom - Miss ko na long talks natin... yung chismisang walang humpay! Na mimiss kita lalo na pag may nang aapi sakin. Ikaw kasi tagapag tanggol namin eh!

Dad - Sana masaya ka na kasama ang mommy, alam ko na miss mo sya. THank you for all the love... lalo na sa pasensyang binigay mo sakin... talagang pinatunayan mo how much you love me at salamat din sa pagtrato mo sakin bilang isang prinsesa..
"Love begins at home and its not how much we do...
but how much love we put in that action"  - Mother Teresa

frankikay

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 163
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #1 on: July 30, 2013, 02:57:33 pm »
Mom- bakit ang aga mo kaming iniwan? :'( eto o lahat kami may baby na at kahit na ako ay isang ina na rin, i still need you :'(  yung love and presence mo nalang talaga ang kulang sa buhay ko. kahit na masasabi ko ngayon na nahanap ko na yung true happiness c/o hubby and daughter, pero hindi eh. parang may kulang talaga eh and narealized ko na ikaw yun. I Love You so much!

Nhetskii

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 353
  • Happy wife and a happy mom
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #2 on: July 30, 2013, 03:16:27 pm »
sis frankikay naiiyak naman ako... i feel the same way too...  :'( :'( :'( Tagal nyang hinintay na mag asawa ako at magka apo... at ngayon eto na... gustong gusto kong ishare sa kanya itong moment na to... ibang iba siguro kung nandito sya
"Love begins at home and its not how much we do...
but how much love we put in that action"  - Mother Teresa

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #3 on: July 30, 2013, 10:36:16 pm »
Miss you, Pops.

But sometimes, talaga Pops:       Grrrrrr!

babyboo.0326

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 797
  • "Believe..."
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #4 on: August 02, 2013, 08:32:21 pm »
Daddy,

Sana I get to see you in my dreams. Please talk to me. Tell me what to do with my siblings. Hindi ko na alam ano gagawin ko sa kanila since nawala ka. They're still the same. Yung inaalala mo na "Pano nalang kami pag wala ka na", it's happening. Hindi pa rin sila nagsusumikap. Napapagod na ako, hindi ko na ma-focus ang lahat ko para sa mga apo mo. Please help me, Daddy  :'(
"One should always be in love. That is the reason why one should never marry.  -  Oscar Wilde"

twinksdinefave

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #5 on: August 03, 2013, 11:28:10 pm »
PAPA- how i wish i can turn back time so i can more time with you.. grabe hindi ko talaga alam na mawawala ka na samantalang sabi mo wag kami mag alala kasi kaya mo kasi okay ka lang. tapos after pa ng call ko sayo don ka pa nawala. sana andon ako sana mas pinili ko nalang umuwi para nakita kita na buhay ka pa para nayakap pa kita. sobrang namimiss na kita hindi ko alam kung hanggang kelan ko mararamdaman ang sakit ng pagkawala mo. ikaw ang taga pag tanngol ko sa lahat kahit sobrang mali na ang ginagawa ko ako pa din iniisip mo. i cant imagine my bday without you papa this is the first time magbbday ako na wala ka. wala ng maghahanda para sakin. wala na magbabantay sakin sa hospital kapag nagkakasakit ako, wala na akong malalambing na papa. sana lang talaga nakausap pa kita bago ka nawala papa.yan lang talaga. papa thank you kasi kahit sa huli ako pa din naisip mo ako pa din ang pinagbilin mo sa kapatid at kay mama.. pa i love you so much.. i miss you very much and i know i will always miss you papa.. :'( :'( :'(

mhay_khazki19

  • Database Designer
  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #6 on: August 10, 2013, 01:20:22 am »
Salamat sa gumawa ng thread na to...

HI PAPA ko!

I miss you so much papa! i know your watching us from above. Lagi ako napapatingin sa langit mapa araw o gabi, i feel relax and hopeful every time i do that. PAPA, nahihirapan ako ilagay sa maayos na buhay ang family natin. Please guide me pa na kayanin ko to.. :( Feeling ko sasabog na ko, ako bunso pero ako inaasahan sa pamilya. :( Papa, kung nandito ka alam ko sayo takot sila kuya. Matatanda na sila but still wala pang kaayusan sa mga buhay nila. Please guide them Papa. I can only help mama but not them. mga puro pasarap sa buhay. haaaay. I miss you papa so much! Wishing you were here by my side.

Love you! :(

gracita13

  • happywife.vintage. loveshabby.kawaii and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 536
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #7 on: August 12, 2013, 04:35:07 pm »
hi pa sayang hindi ka umabot sa kasal ko wala tuloy akong "father/daughter dance"  :'(
mis na mis na kita  :'(
You may ask me for anything in my name, and I will do it. John 14:14

insta: gracita04

princeza08

  • Certified
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 245
  • believes that true love lasts a life time
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #8 on: August 13, 2013, 12:39:08 am »
to my ever dearest mom,

hi ma, sobrang miss na kita. kung maibabalik ko lang ang panahon, sana mas binigyan pa kita ng time at attention imbis na pakikipag bf ginawa ko dati, sana sa'yo ko na lang binuhos ang attention ko... yun bang nagbonding tayo at nagkaron ng quality time for each other. gustong gusto ko bumawi sa lahat ng pagkukulang ko bilang anak kasi i know hindi ako sweet, hindi ako expressive to my feelings pero alam mo ma mahal na mahal kita. hayy, sana lang hindi ako naging pasaway na anak sa'yo. pero ma, alam kong proud ka at happy ka para sa'kin ngayon, sayang lang hindi mo nakilala yun lalaking pinili kong makasama habambuhay, hindi ko man lang sya naipakilala sa'yo ng personal, pangarap ko pa naman kayo ni papa maghahatid sa akin sa altar pag kinasal ako.. but anyway nandyan na yan eh, may purpose kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay. now na realize ko ang halaga ng isang magulang sa isang anak, lalo na ng isang ina. alam ko lahat ng paghihirap mo para sa amin lahat ng mga sacrifices mo para lang sa amin, hindi lang na namin masyado napapansin yun pero nung nawala ka don ko na realize na sobrang sakit pala talaga mawalan ng isang nanay, ang hirap yun wala kang nanay na kasama, sobrang miss na miss na kita ma... kayo ni lola... miss ko na kayo... i know magkakasama din tayo in God's perfect time. pasensya ka na ma sa mga shortcomings ko. kung hindi ko gaano pinapahalagahan dati mga ginagawa mo. sorry sa mga pagkkaamali na nagawa ko. if only i could turn back time, lulubusin ko ang mga oras na kasama kita para maiparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal at kahalaga sa akin. i love you so much mama... may you rest in peace. i know naman na happy ka na dyan kasama si God sa heaven at si lola at family mo & mahal sa buhay na nauna na din kinuha ni God. i know naman lagi mo lang kami ginagabayan at never mo kami pinapabayaan kahit nandyan ka na. alam kong mahal na mahal mo kami ma. hindi man tayo magkasama physically, pero lagi ka nandito sa puso namin hinding hindi ka mawawala.
damn i never felt like this before i'm so in love...

graZiousa

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 208
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #9 on: August 16, 2013, 10:26:41 am »
Nanay,I miss you badly. may mga nights naaalala kita. lahat lahat sayo tanda ko pa, ang buhok mo, ang super tangos mong ilong, ang mga mata mong masungit... Kaming tatlo magkapatid miss na miss kana. Sa mahabang panahon na pagkakasakit at paghihirap, nakapagpahinga kana... I miss you Nanay ko..

sugardrop

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4471
  • Loving life's simple pleasures.
    • J'adore Rougit
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #10 on: August 25, 2013, 12:58:32 am »
I miss you, daddykins.
A little backreading won't hurt.

J'adore Rougit

Instagram: greenappletini

nessy

  • the drama queen
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 401
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #11 on: August 25, 2013, 05:40:05 am »
Daddy, how I wish you were still here. I miss you so much. :(
Sure God created man before woman.  But then you always make a rough draft before the final masterpiece.

patchuchai

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 392
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #12 on: August 31, 2013, 09:34:45 pm »
my tatay, doods, ido

I miss u so much, when i'm the lowest of low napapanaginipan kita, i think andito ka pa. Sana binigyan kita ng time, masyado akong overtime puro work, I forgot gusto mo pala nung dati, pag dinner nag-uusap tayong pamilya. Namiss ko mga manok mo, I miss sunday may mga tao sa bahay kasi magsasabong kayo. Namiss ko ang paghatid mo saken sa tricycle, gusto kong sumigaw minsan [textspeak!] ang pangit ng feeling na parang inaantay kitang dumating kaso alam ko na hindi na. Ang hirap ngaun, dati kahit pano may aagapay kapag sa pagbudget, ngayun pasan ko ang daigdig, several times gusto ko ng umalis ng bahay pero dahil kay mama hindi ko ito matuloy. sana kasi kalabitin mo naman si Sis, sumasakit na ulo ko sa kaka-budget pano motto nya sa buhay, magbibigay ako kung meron eh wala nga...hayyyyy

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7350
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #13 on: September 02, 2013, 06:12:41 pm »
Daddy,

It's been 21 years Dad, but I still miss you so much. I imagine how different it will be if you are still around. I imagine where we will be and if we will still be doing the things that we're doing now if you didn't pass. You didn't get to see a lot of things I achieved and accomplished, it makes me sad to think of it that way. I'm starting to forget your voice, I only hear it in my  mind. I'm not sure if it's the same as your real voice. I can never thank you enough for giving us a wonderful life and for ensuring that even beyond your passing, we will all still be ok. I'm proud to have you as my dad, even if it was just for a short time. I will love you forever and I will miss you everyday.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

carlijn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 70
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #14 on: September 04, 2013, 01:05:36 am »
Dad I miss you, how i wish you were here to see your grandkids, i'm sure you would love them and spoil them rotten... how i wish you could see me now, it's not been easy especially with my family had to endure these past several months... just please look over us always

superjuzh

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 150
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #15 on: September 04, 2013, 04:54:11 am »
hi papa. siguro sa ngayon magulo pa ang buhay ko pero promise ko sayo na one day magiging proud ka sakin dahil nalagpasan ko lahat ng pagsubok at magiging successful ako. hindi ako titigil sa pagpupursige.

eyorro

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #16 on: September 19, 2013, 10:42:27 am »

Daddy, Miss you so much. Maraming salamat sa lahat ng mga pagsisilbing ginawa mo sa aming magkakapatid. Sayang di mo na nakilala mga apo mo sa akin. Sorry din sa lahat ng mga pagkukulang ko sayo. Sana masaya ka kasama mo na dyan sila lolo and lola.. :( :( :(

sweetcupcakes

  • Probationary
  • Posts: 8
  • haaaay buhay
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #17 on: October 05, 2013, 01:13:46 am »
Dang namimiss na kita sobra sobra. Ang sakit sakit na isipin na wala ka na, at di ko kayang tanggapin pa. Sobrang biglaan ang pag iwan mo sa amin. At yun ang masakit isipin. Madalas naaalala ko pa rin yung time na nasa hospital ka, naalala ko lahat ng pain mo, na minsan iniisip ko sana ako na lang kasi ako naman ang sakitin sa family natin kaya hindi ko kaya na ikaw ang nakikita kong nagkaganon.

Daddy sana magpakita ka naman sa panaginip ko, gusto kong makita ka ulit, marinig ulit ang boses mo, mayakap ka, mahalikan kita ulit at masabi ko na mahal na mahal kita. Sorry kasi di ako madalas nakakauwi ng probinsya noon, 7 mos din kita hindi nakita bago nangyari yun, at isa yun sa pinagsisisihan ko. Daddy, hanggang ngayon nasasaktan ako pag naaalala ko yung time na sinabi mo na "simula maliit pa ako, hindi na ako nakaranas ng kaginhawahan" daddy alam ko na sobrang daming mong obligasyon simula ng maliit ka pa. Sana dadi naparanas man lang namin muna na kami naman ang nagtatrabaho para sa inyo ni mommy. Daddy, hindi ko na magagawa ang pangarap ko sa inyo ni mami. Gusto ko sana pahinga na lang muna kayo at madalas ko kayo itotour domestic or out of the country pero di ko na magagawa yun na kasama ka. :'( Kahit anong pilit ko na idivert ang atensyon ko sa ibang bagay, ramdan ko na may kulang pa rin at ikaw yun. Mahal na mahal kita daddy, alam ko na mahal na mahal mo rin kami at never mo kami pinabayaan.

Daddy, hindi ko talaga napaghandaan ang situation na ito. Sobrang nahihirapan ako mag adjust. Pero daddy pinapangako ko sayo na na hindi ko pababayaan mga naiwan mong obligasyon. Kay mami, kay inay, at sa mga iba naming kapatid. Itutuloy namin magkakapatid yun dang kasi alam namin na yun ang gusto mo. Tutuparin pa rin namin yung pangarap mo lalo na sa family business.

Dang, sana kung nasaan ka man ngayon masaya ka kasama si Jesus. Sana masaya ka na rin na kasama iba pa nating family na nasa heaven na. I am always praying na sana iparamdam lang sa akin ni God na nasa heaven ka, ill try my best na maging okay na kahit wala ka na. Yun lang naman sana eh, gusto ko nasa masayang lugar ka na, yung walang pagod, sakit, lungkot, yung pure happiness lang at sa heaven lang yung lugar na yun.

Wag ka mag-alala hinding hindi namin pababayaan si mami, alam ko kung gano mo kamahal si mami. Mahal na mahal ko rin sya at mas narealize ko na dapat talaga mas magspend ng time sa mga mahal natin sa buhay. Kasi alam naman natin na mahal tayo ng isang tao pero iba pa rin kung binibigyan ng oras para makasama at maparamdam kung gano kamahal.

Daddy i love you so much. Sana sana lang dang magpakita ka na sa panaginip ko. Please miss na miss na kasi kita. I love you. We will try our best na magpakastrong kasi alam ko yun din ang gusto mo sa amin. At daddy magpapalakas na ako, ayoko ba maging sakitin kasi alam ko ayaw mo nang nagkakasakit ako at ayaw mo na mag alala rin sila sa akin. Dang ikaw ang best dad in the world for me. You will always be my king. I love you.
LOVE me for ME

red_one

  • mrs.architect
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 224
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #18 on: October 09, 2013, 05:21:51 pm »
Ma, miss na kita!

wineforwinter

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 82
Re: Message to your parents who passed away
« Reply #19 on: October 09, 2013, 05:47:20 pm »
i miss you, mama. every day.
"Difficult people are very important - they teach you tolerance and acceptance."

 


Latest Stories

Load More Stories
Close