Author Topic: ito din ba ang kinakatakutan mo?  (Read 12514 times)

girl24

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #20 on: August 06, 2013, 08:37:03 am »
yes sis mamabear16, nagsasama pa rin kami tsaka that was not the first nor the last time ko siya nahuli. i know i shouldn't complain kasi ito pa rin i still stick it out with him though ang latest eh nitong march lang pinapalayas ko na ayaw pa rin. wala daw siya mapupuntahan. o di ba, problema ko pa titirhan niya. hay!

i try not to tell my bestfriends na rin kasi baka nagsasawa na sila hearing the same problem... i am probably waiting for that big blow (literally). baka pag sinaktan na ako ng pisikal eh magising na ako sa bangungot na ito. until then, i have no peace of mind or heart. pray na lang ako ng pray ke god lalo na pag nauubusan na ako ng lakas kasi wala naman nagpupuno ng love sa akin (aside from the kids). kapit na lang talaga ke lord.

mspepot

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #21 on: August 06, 2013, 09:49:37 am »
i've been there. and now i know my worth. magloko man sya, alam nya dapat ang mawawala sa kanya, at alam kong hindi ako ang mawawalan.   ;)

I agree with this sis. Once ko din nahuli si hubby before bf ko p lang sya then sabi ko sa kanya yes maganda and sexy siya pero hanggang dun lang siya and i also told him na me being married to him doesnt assure him na hindi ko siya iiwan once magloko siya ulit.

Girltalker2

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #22 on: August 06, 2013, 01:42:25 pm »

^^ sis, mapapagod ka rin and through prayers, in time, I am sure things will work out eventually. I myself was stuck in the same situation for years pero for some reason, God gave me a second chance na makawala. Problema ko rin kasi before na ayaw nya kami iwan pero may kabit naman sya. Ano sya sineswerte? So while I was accumulating my guts to get out of my marriage, I prepared myself financially, psychologically and emotionally, hanggang sa natutunan ko na mag let go. 

sis, you may also want to explore counseling, kung hindi man para sa inyong dalawa, at least para sa sarili mo, to keep yourself sane. I remember being in your shoes before and mahirap sya, nakakaloka. 


ayami

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #23 on: August 06, 2013, 07:41:13 pm »
Feeling ko nasa ugali ng asawa yan e. Ako super insecure at ito ang fear ko. I'm 23 now and my hubby just started working-- so ayun madaming co-workers na bata hamak sakin, mas ok manamit and all. He recently added them on Facebook. Narealize ko mas bet nya talaga yung magaganda-- sila yung may mga number nya sa phone compared sa officemates niyang mataba and not totally attractive (lol, sorry pero I'm just being honest). Batch sila of 12 people so I could tell na pinili lang niya ka-hangout nya. Yun kasi mga type niya. And, bata pa siya so di pa yan mature.

Nagsimula insecurity ko nung nagkaroon kami ng episode when I was pregnant and 21 years old. He chose his attractive classmates over me (take note, etong mga to ang matatawag na bimbo) na pregnant sa baby boy namin. I have to admit-- di ko naalagaan ang looks ko nung first time ko magbuntis. Aside from the bad temper due to hormones, ang pangit ko talaga at lumapad ako nang bongga

Fast forward when I got pregnant last year. Strict ako sa weight ko. Hindi ako naggain ng weight gaano and nagpapafacial ako, I wore makeup when going out and I made sure I look very nice kahit nasa bahay lang. I got hubby's full attention. Di rin ako maarte sa sexytime even though I was pregnant. Twice the bad temper ako pero di niya ko iniiwasan. Ewan ko kung natuto lang siya sa drama ko dahil sa nangyari before, pero feeling ko physical looks talaga ang dahilan.

Ngayon balik na ko sa weight ko nung dalaga ako and he's so into me. I'm planning to keep it this way. Though nagaaway kami di na ganon ka grabe na iniignore niya ko. In fact todo suyo na siya compared sa experience ko noon.

justin3

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #24 on: August 28, 2013, 11:21:49 pm »
yeeesh! 1st guy talker na naman ako para maki-sawsaw sa ganitong klaseng topic. ;D

before this post, i posted in this thread:
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,277114.0.html
kung saan idinitalye ko how ACCESSIBLE at kung paano makahanap/makakakuha ng panandaliang aliw ang mga kalalakihan sa pamamagitan ng mga naglipanang WALK sites. 

kaso, i was waiting for the TS na mag-react para ibigay ko sana ang tinagurian kong DIGITAL na payo, eh, hindi pa nagparamdam sa topic na inumpisahan nya eh... kaya, dito ko na lang sabihin siguro.

alam nyo mga sis, at my age, ang dami ko nang nakita at nasubaybayan na mga relationships. may pang tele-novela ang peg. may pang fairytale, may pang action at... yung mas nakakarelate sa thread na to ay yung FICTIONal ang dating. yung di kapani-paniwala baga.

bakit? ilan sa mga batchmates ko, isang kumpare, at 3 former colleagues.
ang gagandang mga lalaki to ha?... pero puutchaa naman oh! ang sa-swangitz ng mga esmi?! :o
que horror! kaya hindi lang pang fiction dapat eh, pang HORROR pa.
baka mag feeling kayo na ang pinaka magandang misis pag ni describe ko pa isa-isa ang mga misis nila. :D
(buti na nga lang ang mga anak hindi nagmana sa mga ina nila ang mukha) ;D ;D ;D

but hey! these guys, alam kong nakatikim rin ng iba't-ibang putahe before.
(yung isa nga, "atsay killer" ang tawag namin nun, kasi sa sobrang hayok sa laman, pati mga yaya ng mga junior schoolmates namin pinapatos. ;D)
pero nung mag-asawa, aba, hindi mo na mayayang mag gurl-hunting.
sa inuman pwede pa o pumasok sa girly bars (sobrang pilitan na). pero to have sex with young, extremely beautiful juicy gurls (kahit na may valid excuse pa kay misis), aba, hindi mo talaga mapilit. to the point na baka masuntok pa ako pag nagpumilit pa.

why i am telling this?
i have noticed two common attributes na meron ang isa't-isa sa kanila sila.

UNA, yung pagmamahal sa asawa at sa mga anak. sa family!
   - definitely, hindi "sex" ang foundation kung bakit sila ikinasal... posible nagsawa na sila sa ibang "karne" before they got hitched. ;D
   - possibleng nagayuma? ::)

PANGALAWA, their faiths in their God.
   - malaking factor talaga yung may pananalig ka sa kinikilala mong Dyos eh. corny nga ano? hindi naman siguro na may takot sila sa Dyos. respect, maybe? ::) ewan ko, hindi ako ganun ka relihiyoso eh.


ang PANGATLO, na feeling ko lang ha?... kinatatakutan nila, yung SOMETHING na mawala sa kanila sakaling magloko sila.
alam mo yung mga bata? sobrang idolo ang mga tatay nila. (have you noticed it sa mga kids nyo mga sis?)
eh, kung ikaw ang ama, sisirain mo ba yon dahil lang sa panandaliang katakawan sa laman?

(hindi gaya ng hubby ng isang sis natin dito. sadyang sagad na ata sa buto ang kahayukan sa laman. recidivist eh. sobrang ganda ang sis natin ha? at her age, kung itabi mo silang mag-iiiina, aba, parang magkakakakapatid nga  lang eh.
ewan ko, sadyang wala ata sa kanya ang 3 factors na na-mention ko.)

hello konsehiyala J! ;D

how about you mga sis, ano ba foundation ng marriage nyo?
nagligawan lang ba kayo sa kalye? sa bar? sa school canteens? sa internet cafe? ...kaya nung pinasok ang flash drive sa USB port, nakalimutang gamitin ang firewall, after 9mos, lumabas ang virus, kaya nagpakasal na? ;D

how about during Sundays? magkasabay ba kayo ng mga hubbies nyong magsimba o magsamba o mag ayuno sa kung sino mang bathala ang pinaniniwalaan nyo?

by the way, hindi naman mayayaman o mga heredera ang mga misis nila para pag interesan ha? though ang iba talagang matatalino, professionals.
at yung mga guys, hindi naman sobrang kagwapuhan naman para gayumahin ng mga asawa nila.

yon lang! :D








ForeverDreamer

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #25 on: August 29, 2013, 12:00:45 am »

hindi ko iniisip o kinatatakutan yung mga ganyan lang.
mas natatakot ako pag tumanda na ako tapos mag-aasawa yung anak ko,
punta sila abroad o kung saan lugar sila titira. pano ako,pano kami ng daddy nya,san kami,ano mangyayari,ano gagawin namin na pareho na kaming matanda na,sino mag-aalaga...mga ganun yung naiisip ko eh!yun hahanga sila sa mas bata,mas maganda,sexy ok lang natural lang yun,sege lang...
pero kung magawa na nya mambabae dahil lang gusto nya yung mas bata,etc....!
bibigay ko sya dun,hatid ko pa,bakit ako mamimilit,diko pagsiksikan sarili ko na magsama pa kami na wala naman ng love!?kasi di masaya yun...ayoko ng ganung buhay!basta ok kami ni baby yun lang,ganun lang kasimple.

m_lim

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #26 on: August 29, 2013, 12:47:30 am »
nope, mas takot ako yung magtitiis ako dahil wala akong pera at kailangan kong makisama sa kanya maski labag na sa loob ko.

little_princess

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #27 on: August 29, 2013, 11:37:13 am »
^ same here or iiwan niya ako ng walang money. so ngayon pa lang, ang money ko, money ko na.

sunako16

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #28 on: August 30, 2013, 12:43:31 pm »
Feeling ko nasa ugali ng asawa yan e. Ako super insecure at ito ang fear ko. I'm 23 now and my hubby just started working-- so ayun madaming co-workers na bata hamak sakin, mas ok manamit and all. He recently added them on Facebook. Narealize ko mas bet nya talaga yung magaganda-- sila yung may mga number nya sa phone compared sa officemates niyang mataba and not totally attractive (lol, sorry pero I'm just being honest). Batch sila of 12 people so I could tell na pinili lang niya ka-hangout nya. Yun kasi mga type niya. And, bata pa siya so di pa yan mature.

Nagsimula insecurity ko nung nagkaroon kami ng episode when I was pregnant and 21 years old. He chose his attractive classmates over me (take note, etong mga to ang matatawag na bimbo) na pregnant sa baby boy namin. I have to admit-- di ko naalagaan ang looks ko nung first time ko magbuntis. Aside from the bad temper due to hormones, ang pangit ko talaga at lumapad ako nang bongga

Fast forward when I got pregnant last year. Strict ako sa weight ko. Hindi ako naggain ng weight gaano and nagpapafacial ako, I wore makeup when going out and I made sure I look very nice kahit nasa bahay lang. I got hubby's full attention. Di rin ako maarte sa sexytime even though I was pregnant. Twice the bad temper ako pero di niya ko iniiwasan. Ewan ko kung natuto lang siya sa drama ko dahil sa nangyari before, pero feeling ko physical looks talaga ang dahilan.

Ngayon balik na ko sa weight ko nung dalaga ako and he's so into me. I'm planning to keep it this way. Though nagaaway kami di na ganon ka grabe na iniignore niya ko. In fact todo suyo na siya compared sa experience ko noon.

OUCH!
sobrang sakit naman niyan sis.. kung ganyan ang gagawin sakin ni hubby baka matagal ko na siyang iconfront sa mga mali niya na nakikita ko at mga bagay na nagagawa niyang nakaka offend sakin.. ang sakit na kailangan pang magpaganda at magpapayat ng sobra para lang pahalagahan ka lalo niya.. samantalang anak niyo namang dalawa ang dahilan kung bakit nagkaganun ang physical aspects mo.. kung mahal ka talaga niya sis.. hindi niya magagwa sayo yun, yung pag add niya sa fb ng mga magaganda at bata without your permission or acknowledgement..

tanong lang naman po sis ha? open ba kayo sa bawat isa? sinubukan mo na bang iopen sa kanya yung mga problema mo sakanya? ano po sinasabi niya sayo?

sunako16

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #29 on: August 30, 2013, 12:46:44 pm »
^^ sis, mapapagod ka rin and through prayers, in time, I am sure things will work out eventually. I myself was stuck in the same situation for years pero for some reason, God gave me a second chance na makawala. Problema ko rin kasi before na ayaw nya kami iwan pero may kabit naman sya. Ano sya sineswerte? So while I was accumulating my guts to get out of my marriage, I prepared myself financially, psychologically and emotionally, hanggang sa natutunan ko na mag let go. 

sis, you may also want to explore counseling, kung hindi man para sa inyong dalawa, at least para sa sarili mo, to keep yourself sane. I remember being in your shoes before and mahirap sya, nakakaloka.

wow strong woman ka sis! i salute you... congrats po..

kaiz

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #30 on: August 30, 2013, 02:27:48 pm »
nope. ang daming magaganda pero sira ang marriages

cdc2006

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #31 on: August 30, 2013, 03:26:30 pm »
^i admire sis ayami, dapat talaga Hindi natin hayaan na masira looks natin kahit tumatanda na. We should age gracefully, physically, spiritually, emotionally and intellectually.

sunako16

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #32 on: August 30, 2013, 07:01:22 pm »
yup sis cdc2006 tama siguro yung ganun kung maayos ang paguugali ng hubby natin.. like hindi siya magbabago kahit na masagwa na ang hitsura natin..

unlike yung kay sis ayami na nag add pa ng magaganda at batang co workers sa fb tapos mas kulang ang attention at pagsuyo just because sa nalosyang tayo..
masakit yun kasi siyempre bilang isang babae napakarami mong kailangang isuko kapag bumubuo kayo ng pamilya lalo na kapag nagkaanak na..

so depende yun sa asawa natin..  ;)

Purple_Power

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #33 on: August 31, 2013, 05:03:56 pm »
In my case naman tiwala ako sa sinabi ng bf ko na kahit anong itsura ko mahal niya ako kasi nga ako ito. Pero ito rin ang masasabi ko. In the first place sino ba siya para umangal at magdemand sa itsura at sino rin siya para i-please ko nang husto sa itsura? Gwapo ba siya? Kung gwapo siya then bakit hindi ba magfade ang itsura niya someday? Yung bang mga teenage crush natin noon crush pa rin ba natin ngayong nagkaka edad na tayo? Tingnan rin kaya nila sarili nilang pagmumukha bago sila manlait ng sarili nilang karelasyon. Kung ganyan ang mentality nila then I could sense that they want to be a Future DOM. Hindi marriage ang gusto nila o ni kahit girlfriend, karelasyon kundi libangan. Kung ganyan huwag na silang magpakasal. Magpayaman na lang sila tapos hangout na lang sila sa night club at least dun kahit gurang na sila tanggap sila ng mga babaeng magaganda at virgin pa. Ang point ko lang huwag nilang dumihan ang kahulugan ng marriage and family.

I am glad na my bf is supportive sa confidence ko at gustong gusto niya na yun ang nararamdaman ko.

sunako16

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #34 on: August 31, 2013, 07:43:54 pm »
nice naman sis purple_power ganyan din naman ang sinasabi sakin ng asawa ko sakin na wala daw magbabago kahit na pumangit na ang physical aspects ko pagtanda ko, dahil di naman daw yun ang dahilan kung bakit niya ko minamahal :) hehe


littlekinselle

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #35 on: September 01, 2013, 06:32:29 am »
Nope I'm not afraid, bcoz he's older than me by the time na we get old mas muka siya matanda :), these days there are so many ways para ma-maintain ang beauty.. What matters most yung love and respect niyo  for each other..

prettygurl00001

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #36 on: September 13, 2013, 07:34:49 pm »
Ako before, nung hindi pa kami nagkakaanak ito rin ang fear ko. I always ask him, what if after ko manganak tumaba na ako, or malosyang? He always tells me na kahit ano pa maging itsura ko, he will still love me and he will still be the same. Then I got pregnant. Luckily I did not gain much weight during pregnancy so in just about a month after giving birth I still look the same pre-pregnancy, actually I got more curves pa nga than before. PERO.. Kahit pala walang nabago sa itsura ko.. Nagbago pa din si hubby. He wasn't the same man as before. I don't know why pero he is not sweet anymore. He got tired of me. Sabi nila ganun daw talaga ang mga lalake pag nagkaroon na kayo ng anak hindi na magiging katulad ng dati ang treatment nila sa wife. Kaso, it's killing me! I feel like my marriage is starting to fall apart!

ayami

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #37 on: September 13, 2013, 09:41:04 pm »

tanong lang naman po sis ha? open ba kayo sa bawat isa? sinubukan mo na bang iopen sa kanya yung mga problema mo sakanya? ano po sinasabi niya sayo?

Hi! Ngayon ko lang to nabasa ;) Confrontational naman ako. Aware siya na naaasar ako. Nung isang araw nga balak na namin umattend ng Retrouvaille kaso walang chance dahil sa work niya. Willing naman to make ammends. Ngayon biglang bawi sa pangalawang anak namin lately, supportive din sa breastfeeding ko and panay puri na naman. Ewan ko kung phase lang ba to na ok kami pero sana tuluy-tuloy na haha. Continuous parin effort ko sa sarili ko :) ngayon pagluluto naman ng mga paborito niyang pagkain ang inaatupag ko

Mama G

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #38 on: September 14, 2013, 11:27:26 am »
Ako yun din ang fear ko.. Lalo na ngayon manganganak ako iniisip ko ano magiging itsura ng tyan ko after. Dati kasi kampante ako sa sarili ko na pretty and attractive ako pero simula nung nagpakasal ako parang hindi ko na maramdaman yun.. O baka siguro syempre nababawasan yung market value ng girl kapag taken na siya.. Lalo na kasal pa.. La na masyado pumapansin o nagkakacrush hehe..Pero in fairness sa husband ko, sinasabihan naman niya ako na maganda pa rin ako kahit ano at lagi pa rin siyang gigil sakin hehe!  :) i just hope yun pa rin sabihin nya sakin after 10, 15 o 20 years.  :)

miss resilient

  • Guest
Re: ito din ba ang kinakatakutan mo?
« Reply #39 on: September 15, 2013, 11:00:19 pm »
hi ts: for me hindi naman siguro ganun kababaw ang pagtingin ng mga husband natin sa tin para iwan tayo dahil tumaba tayo or what..kasi true love looks beyond the physical aspect.

for me ..may mga bagay na maari ring katakutan about married life..pero hindi ang bagay na ito.. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close