watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 2  (Read 66480 times)

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #520 on: February 05, 2014, 04:08:10 pm »
tin,
thanks naman ang daming compliments hahaha!

richelle,
sana mapa wow din kayo pag natikman niyo hehe.

pag nag eb tayo, alam niyo na ang baon ko. haha!

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #521 on: February 05, 2014, 07:24:30 pm »
^sis naintriga ako hahah... may instagram account ka ba? and how to order?

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #522 on: February 06, 2014, 03:19:20 am »
^ sis, kahit ang cupcakes ni Joyce, superb! as in! si hubs bilib na bilib sa icing ng cupcake. hahaha. ang ganda daw pagkakagawa, tapos ang sarap pa! fave ko ang brazo cupcake and choco cupcake nya. yummm talaga!

ah sis, sa UIPS na kayo? anong grade na anak mo? open na ba sila for registration? maliit lang ang school ano? oo, mas mahal ang TPS, 7500 na ang kg1 pero morning slot nalang ang available so di pa kame sure kung paano ba ang gagawin. tapos 4k+ ang school bus from our place.

Naku, sis, o-order na talaga ako soon. Sana magkaron ako ng reason/excuse para um-order. :)

Oo, nakapag-reserve kami nung December. Isang grade 1 and isang grade 4 ang i-enroll ko. Nung December, 2 slots na lang yung grade 1 kaya ora mismo nagreserve ako. Oo parang mas maliit nga compared sa TPS pero mas gusto kasi ni hubby yung ambience ng UIPS.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #523 on: February 06, 2014, 12:36:44 pm »
^ kahit wala ng excuse sis! LOL. try nyo na :)

meron pa daw available slots ang UIPS for kg1 the last time na nag inquire ako.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #524 on: February 06, 2014, 12:48:53 pm »
joyce, kelan na ang eb? excited na ko sa sweets mo lol

tin and richelle, nagpanic ako! hindi pa namin napupuntahan philippines schools dito sa abu dhabi. march pa kasi ang registration sa PEPS, then PNS naman is sa june pa daw! I'm worried baka maubusan ng slot ang son ko :( eh kelangan na nyang mag-KG because 4 na siya. late na nga siya eh hayyyy

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #525 on: February 06, 2014, 01:16:54 pm »
^ sis, ilang taon na sya sa september? may bracket ang kg1 diba? sa ibang schools nga parang kg2 na dapat si Kenzo sa Sept pero ayaw ko naman kg2 kaagad, di pa nga masyadong marunong magsulat eh :(

Kung yan na sis ang mga schools na gusto mo, go, keri lang kasi March and June pa naman pala ang registration.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #526 on: February 06, 2014, 02:07:10 pm »
^4 yrs and 8 months na siya sa September. kaya hindi ko siya pinasok sa KG nung SY2013-2014 kasi nung tumawag ako sa PEPS and PNS last year, minimum 4 daw ang KG1 nila. so ako naman, pinasok ko muna sa nursery para kahit papano masanay na pumapasok siya and may interaction with other kids. then when I called up PNS yesterday, 3 yrs and 8 months na ang KG1 nila. I saw some articles nga that ADEC issued a memo na 3yrs and 8 months na ang KG1. kaya lang eh di late na ang anak ko :( he'll be too old for KG1 pag nagkataon, so hoping ako na makapasok siya sa KG2.

naku parehas ang kids natin na di pa masyado marunong magsulat :( di nya nahahawakan ang pencil ng maayos, kulang sa diin when he's writing.. usap na lang sila lol.

punta nga kami sa march 1 sa PEPS to register, open naman daw ang office nila pag saturday eh. tinanong ko nga rin pala ang PNS nung tumawag ako kahapon, how much ang tuition nila. for the current SY daw, for KG1 its AED 7300 plus transpo na AED 280 a month (pickup & drop) pero sa loob lang ng Abu Dhabi City. But this will be changed because they are moving outside city premises, hindi pa daw confirmed kung saan but could be Baniyas, Mussaffah or Khalifa City A.. I'll try to call PEPS kung magkano ang tuition nila.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #527 on: February 06, 2014, 02:23:55 pm »
^ grabe na din talaga ang mga tuition fees dito sa uae, ano sis? sabi ng friend ko dapat daw nakakasulat na para makapasok sa kg2. ewan ko lang din po ha. yan eh nabanggit lang saakin. kaya sabi ko si K eh pang kg1 palang talaga. same ang anak natin, di pa mahawakan ng madiin ang pencil or pen. pero nakakasulat naman ng konti, light nga lang.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #528 on: February 06, 2014, 03:11:22 pm »
^naku parehas nga sila. sana naman makapagsulat na sila ng maayos before Sept hehe. pero goodluck sa anak ko, tamad yun eh! kainis! hayyy pano ko ba mamomotivate na mag-practice siyang magsulat? nagpapractice naman sila sa nursery, kaya lang yun nga very light ang pagkakasulat pag nakita ko papers nya. sana naman mag-improve na.

kireinachean

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #529 on: February 06, 2014, 03:13:40 pm »
tin,
thanks naman ang daming compliments hahaha!

richelle,
sana mapa wow din kayo pag natikman niyo hehe.

pag nag eb tayo, alam niyo na ang baon ko. haha!

sis grabe [textspeak!] sansrival mo lakas makatakam talaga!

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #530 on: February 06, 2014, 03:43:46 pm »
^^ actually sis, ngayon, sa whiteboard sya nagsusulat sulat. tamad din anak ko! at, di ko din alam pano mamotivate sila na magpractice magsulat sulat.

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #531 on: February 07, 2014, 04:17:47 am »
Manggagaling kasi ng Pilipinas yung mga boys ko kaya naisipan ko mag-inquire ng requirements ng maaga. Lalo na at kelangan yung baby book, eh na-ondoy yung sa panganay ko kaya tumawag ako sa mgs school para itanong anong pwedeng replacement. Eh sinabi nung UIPS na on-going na yung reservation and 2 slots na lang yung sa grade 1 since una nilang nirereserve yung mga KG2 nila, kaya nagpareserve na kami. Kinabahan din kasi ako na baka mawalan din ng slots since di pa open yung ibang school for reservation. Kaya yun na, agad-agad nagpareserve. :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #532 on: February 09, 2014, 02:57:16 pm »
^ sis, nagbayad na ba kayo ng tuition?

chockulit

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #533 on: February 09, 2014, 03:05:27 pm »
Mga mommies, try ninyo itong mga apps na ito sa Iphone baka makatulong sa pagsusulat ng mga babies ninyo - BT handwriting and iWWW Lite.  Para naman sa prehension ng mga kids like paghawak ng pencils and crayons, google lang ninyo [textspeak!] mga free printable worksheets para sa mga bagets.  I suggest yung mga worksheets na ang theme ay yung favorite nilang cartoon characters para mas maging interested sila.  Use the fat pencils/crayons, mas madali silang matututo kasi mas kaya nilang i-control ito.  :)

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #534 on: February 09, 2014, 05:54:37 pm »
@chockulit, thanks sis! i'll check the apps and thanks sa ideas :) i have printed worksheets na nga for my son, yung iti-trace nya ang letters and shapes. yesterday ko lang siya ni-require that we have to do it everyday. iniyakan ako ng bonggang bongga kasi nanonood siya that time,  but after a while ok naman na hehe. so today, sabi ko kay MIL (siya kasi nag-aalaga sa kids while at work kami), he's not allowed to watch TV pag hindi siya nagsulat or nag-color hehe. like ko nga yung faber castel crayons nya na matataba. nung tumawag ako kanina sa bahay, nagsusulat daw siya :)

sana mapanindigan ko ito lol

chockulit

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #535 on: February 09, 2014, 06:39:21 pm »
^Tama yan, sis.  Yung youngest ko every night naga-activity kami at siya pa mismo ang nagre-remind sa akin na mag-activity kami.  Pero wag natin i-force na matapos ng mga bagets ang isang worksheet.  Remember, maigsi lang ang attention span ng mga kidlets :) 

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #536 on: February 09, 2014, 07:21:57 pm »
^^ sis, san ka nakakuha ng worksheets? gusto ko din magprint :)

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #537 on: February 09, 2014, 07:40:32 pm »
@chockulit, naku yan nga ang ayaw ko, ang i-force siya na matapos agad so katakot takot na pang-uuto and usap ang ginawa namin para lang hindi siya mainip hehe... sabi ko sa kanya, mag-trace ulit kami ng letter when i get home. gusto ko kasi talagang ma-practice ang writing nya coz big boy na siya! hehe tapos isip or i must say, google ako ng mga activities na pwede for him para hindi siya ma-bored kaka-trace lol.

@simplykristine, nag-google lang ako lol. yung tracing alphabets ang pinagkakaabalahan kong iprint ngayon hehe. pm mo sakin ang email mo, email ko na lang sayo hehe.

cind3r3lla

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #538 on: February 09, 2014, 09:25:51 pm »
Napadaan lang. :)

Announce ko lang na magkakaroon ng Color Run Abu Dhabi which is scheduled on March 29! registration opens tom. Am not in anyway connected sa organizers huh. wala lang, na-missed ko kasi ito last year sa Dubai kaya kung merong mga aspiring runners sa Abu Dhabi, gora at register na! :)


RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #539 on: February 10, 2014, 04:29:01 am »
^ sis, nagbayad na ba kayo ng tuition?

Sis, hindi pa. AED 1,000 pa lang, tig-500 silang dalawa to reserve the slot lang. Wala pa din akong binibigay na kahit anong documents. Sa April pa yata kelangan lahat kapag assessment na. Namomroblema nga ako kasi April 7 yung bigayan ng card ng panganay ko, eh april 12-24 ang uwi namin baka hindi ko matapos ang pagpapa-red ribbon sa dfa and attestation sa UAE embassy ng form 137 nya. Gagastos na naman ng LBC. 10k pesos na nagastos namin sa birth certs pa lang... Haay. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close