watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 2  (Read 66476 times)

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #500 on: January 26, 2014, 02:48:22 am »
Sana okay naman dun sa pag-e-enroll-an ko sa mga kids ko. Dun ako sa incoming grade 4 ko nag-wo-worry baka mahirapan mag-adjust. Yung incoming grade 1 ko kasi, feeling ko magiging madali lang since grade 1 pa lang.

May arabic subjects ba talaga sa Philippine schools? Iniisip ko kasi pano pa makakasabay yung grade 4 ko sa mga classmates nya, eh ni basic di nya pa alam.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #501 on: January 26, 2014, 12:13:13 pm »
holly,
oo meron. at hindi lang assignments, may projects din sila hahaha. may quiz din. tapos may exam pa 1st, 2nd 3rd 4th quarter. pero easy lang naman, madali naman maka pick up ang mga bata.  ;D

waaa hindi pa ako ready sa mga ganyan! hahaha

@russelsmom, i'm sure magiging ok naman ang kids mo :) si joyce ang makakasagot re arabic lessons hehe

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #502 on: January 26, 2014, 12:45:59 pm »
First day of the week nanaman, pasok pasok mga sis!!

Nabalitaan nyo ba yung teenager na Filipino na nahulog sa 13th floor ng building dito sa Al Nahda, Sharjah? as in sa likod lang pala ng building namin yun. Grabe, nakakatakot. eto ba ang first na sa Pinoy to ngyari?

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #503 on: January 26, 2014, 01:06:43 pm »
^napa-search tuloy ko bigla.. ito ba yun?
http://gulfnews.com/news/gulf/uae/emergencies/suicide-suspected-as-teenager-falls-to-death-from-13th-floor-in-sharjah-1.1281042

suicide daw? kaya takot na ako sa may balcony eh. yung windows nga samin hindi rin namin binubuksan at ang galing ng umakyat ni Rhys. though hindi naman siya fully naoopen, mga 4-5 inches lang yun pag inopen mo. but still, paranoid lang kami..

adikako

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #504 on: January 26, 2014, 01:19:05 pm »
Meron ba may alam sainyo na Fortune Teller based in Dubai? or sino nakapagtry?

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #505 on: January 26, 2014, 01:22:35 pm »
^^ yan nga sis. naisip na din namin na suicide sya. kasi, malaki na ang bata eh. i mean, may isip na. eto yung building ng Almaya, na malapit dito saamin, as per my friend. natakot lang ako dun sa news, sabi 2nd time na to ngyari netong mga nakaraang linggo.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #506 on: January 26, 2014, 01:29:17 pm »
^oo nga daw, 2nd incident na ito :( may nabasa din akong comment dun sa baba na high enough naman daw yung wall ng balcony. nakakalungkot naman :(

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #507 on: January 26, 2014, 01:32:48 pm »
^ sinabi mo pa, nakakalungkot isipin. sabi pa ng isang friend ko, parang first time nya mabalitaan na Pinoy eto ngyari.

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #508 on: January 26, 2014, 03:04:46 pm »
may arabic and islamic subjects simula grade1 (yata).


RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #509 on: January 27, 2014, 01:26:10 am »
may arabic and islamic subjects simula grade1 (yata).

Naku, kelangan ko na pala i-inquire, paano ang set-up nun since ahead na ang mga magiging classmates niya. Baka kelangan ng tutor or advance classes. :)

chockulit

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #510 on: January 27, 2014, 03:12:37 pm »
Sa PEPS mga sis, since KG1 may Arabic lessons na.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #511 on: January 27, 2014, 03:26:11 pm »
^may kilala ka na KG sa PEPS sis? how much daw tuition? hehe
wala kasi akong mapagtanungan ng maayos kasi yung kids ng kakilala namin, malalaki na. TIA :)

chockulit

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #512 on: January 27, 2014, 03:33:25 pm »
Yung daughter ko nag KG1 and KG2 sa PEPS (was PISCO) then ni-transfer namin sa 21st Century nang nag-grade 1 na sya kasi nga malayo ang PEPS, pero quality wise mas maganda sa PEPS kaysa 21st.

Anyhoo, yung tuition niya hindi kami nagbayad ng cash, installment kami.  So 3500 yung downpayment tapos 600 monthly yung bayad.  Yung 600 na yun sis, one-way lang ang school bus na kasama doon, kasi yung husband ko naghahatid sa anak ko papasok sa school.  So roughly around 700+ siguro monthly kasi nga baka nagtaas na sila ngayon ng school bus fee dahil mas malayo na sila. :)

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #513 on: January 27, 2014, 03:42:25 pm »
^thanks sis! :) sana naman hindi pa sila masyado nag-increase. saka pwede palang monthly ang bayad :) sana makapasok ang anak ko sa PEPS. sa mussaffah naman kami nakatira, so most likely, hatid-sundo siya ni hubby. ako na lang ang mag-commute lol


j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #514 on: January 28, 2014, 03:28:26 pm »
richelle,
hindi na kailangan mag tutor. dagdag gastos pa yun. hehe. hayaan mong yung arabic teacher ang magturo haha.


RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #515 on: January 29, 2014, 01:18:45 am »
richelle,
hindi na kailangan mag tutor. dagdag gastos pa yun. hehe. hayaan mong yung arabic teacher ang magturo haha.

Haha. Sana lang maging kasing galing ni Jing si Henrych ko. Kahit behind sa arabic lesson ay nag-excel pa. :)

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #516 on: February 02, 2014, 02:09:48 pm »
I'm back! hehe

super busy last week...

tin,
thanks sa pag order ha. I'm so happy na nagustuhan niyo lahat ng gawa ko. sana magmeet na tayo next time.  ;D

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #517 on: February 04, 2014, 08:35:08 pm »
Hi Joyce!!! I am super happy sa sansrival cake and sa cupcakes! Sobrang benta samin. dapat kakainin namin ang cupcakes Friday pa, hindi na natiis ni hubs, kinain na namain ang kalahati, tapos hindi ko na nadala ang half sa park kasi nakakahiya naman na 6 pcs nalang natira. LOL. sobrang like nila ang sansrival mo, mauulit to soon, promise!

Last week naka bakasyon ako, we checked out some schools na. Nakapunta na ako ng FEPS and NFPS. nakausap din namin ang registrar para sa mga requirements at tuition fee for KG1.

Nabisita ko din ang UIPS, The Westminster School sa Al Ghusais.

Most people na nakakausap ko, nirerecommend sakin ang Pristine Private School. I called kanina, naku November pa pala ang start ng registration, tapos ngayon, puno na ang slots at almost 300 na ang nasa waiting list. No chance na kame dito, and, the tuition fee, sobrang mahal! for KG1, nasa 13k + 5k na school bus. Lumpo! hahaha. Pero, madami daw Filipino teachers dito.

I wanna check out din yung The Philippine School, parang eto ang bet ko na school pero sa may Rashidiya to. at, morning slot nalang ang available. baka mahirapan ang anak ko :(
« Last Edit: February 04, 2014, 08:42:22 pm by simplykristine08 »

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #518 on: February 05, 2014, 02:19:49 am »
^Sis, TPS and UIPS ang pinagpilian naming school. Nung nag-inquire kami nung November ngayon daw ang reservation ng TPS. Maganda yung TPS, para ka talagang nasa Pilipinas. Pagpasok ko ng school parang feeling ko transported ako sa Pinas. Haha. Puro Pinoy ang mga kuya guards and employees. Pati yung nakapaskil sa may gate nakalagay Paunawa: bawal ang naka-shorts etc Mas mahal nga lang kesa UIPS tapos gusto ni hubby yung UIPS kaya dun kami nagpareserve. Sungit kasi nung registrar sa TPS, di kami masyadong inasikaso. Hehe

Speaking of Sansrival ni Joyce, gusto ko din um-order. Si Hubby ko napa-wow sa picture nung sansrivsl cake. :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #519 on: February 05, 2014, 03:57:34 pm »
^ sis, kahit ang cupcakes ni Joyce, superb! as in! si hubs bilib na bilib sa icing ng cupcake. hahaha. ang ganda daw pagkakagawa, tapos ang sarap pa! fave ko ang brazo cupcake and choco cupcake nya. yummm talaga!

ah sis, sa UIPS na kayo? anong grade na anak mo? open na ba sila for registration? maliit lang ang school ano? oo, mas mahal ang TPS, 7500 na ang kg1 pero morning slot nalang ang available so di pa kame sure kung paano ba ang gagawin. tapos 4k+ ang school bus from our place.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close