watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 2  (Read 66529 times)

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #460 on: January 20, 2014, 02:21:13 pm »
^nagparegister na kayo? pwede na yata magparegister as early as now eh.
mura na nga yang 10-11k. nung tinignan ko website ng winchester dito sa abu dhabi, nasa 14k ata. may gems sa area namin (mussaffah), cambridge naman. kaya  lang when i called them early january if they are open for registration for KG, full na daw sila :(

alam ko pag international schools, maaga ka pwede magparegister. yung phils schools dito, feb and march pa eh.

sis, sa ibang gems schools, open na for registration. eto yung mga mahal na na gems. yung ina-eye ko kasi is westminster dito sa al ghusais. eto yung cheapest na school ng gems, medyo maliit lang ang campus at medyo luma na ang building. pero okay lang, yan lang din ang afford kahit papano eh. basta ang importante, same curriculum with all the gems schools. sa facilities nalang nagkakatalo. i called them, sa february pa daw ang registration nila. kaya abang abang ako. if di sya pasok dyan, sa far eastern phil school ko sya ipapasok dito sa sharjah. nasa 11k din sahod.

anyhoo, ask ko lang mga sis. kung british curriculum natin ipnasok ang anak natin dito, pano if we wanted to transfer them sa pinas ng high school, maccredit kaya?

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #461 on: January 20, 2014, 02:37:38 pm »
^grabe nga ang ibang gems schools, 30k+ ang sahod! pang mayaman hehe

tanong ko rin yan sis eh, pano kung i-IB ko siya or british curriculum tapos ang ending sa pinas din naman pala nya itutuloy studies nya, baka mahirapan siyang mag-adjust hehe. saka pano kung gusto ko siyang ipasok sa UP lol. kaya decided na ko, sa phils school na lang siya hehe. madami namang good feedback ang nadidinig ko eh. goodluck lang sakin sa assignments. mukang sakin ipapagawa ng anak ko hahahaha

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #462 on: January 20, 2014, 02:56:38 pm »
^ haha, sis, ano ang feedback nila regarding dun sa tanong mo? mahihirapan daw ba ang kids? and, if sa UP mo ba gusto ipasok tapos IB sya ng highschool at gradeschool, di sya tatanggapin sa UP?

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #463 on: January 20, 2014, 03:10:47 pm »
^haha hindi ko pa natanong sa kanila yan. pero natanong ko sila kung ok naman ang filipino schools dito. yung PEPS (Phils Emirates Private School na dating PISCO) ang sinasabi nilang maganda. I know one, yung daughter nya dito sa school na to nag-aral ng elem and high school, valedictorian, so nasa pinas na siya ngayon, UP nag-aaral. OK din daw ang PNS (Phils National School). Kaya lang grade school pa lang yung daughter ng kakilala namin.
Ang mga universities kasi sa pinas, nagsschedule sila ng entrance exams dito sa filipino schools. Kaya naisip ko na sa phils school na lang muna ang kids ko, para if ever pwede silang mag-college satin.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #464 on: January 20, 2014, 03:20:34 pm »
^ lahat yan sis, sa abu dhabi, ano? magkano tuition dun sa peps? tumawag ako sa feps dito sa sharjah, almost 7k ang tuition + books + uniform. okay na, pamahal lang talaga ang service. nasa 4k na ang service :( mas okay sana talaga na tumira malapit sa school to save money.

sis, naintriga ako dun ah. so, pag di Phil school nagaral dito, mababa ang chansa na makapag college sa Pinas? or depende sa schools din sa Pinas? eto ang kelangan kong malaman eh. kasi for sure, hindi magcocollege dito si K.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #465 on: January 20, 2014, 03:41:20 pm »
^ayyy sorry sorry mali naman ang gamit kong words.. parang mas madali kasing makapasok sa university satin pag sa phils school sila nag-aral dito since nakasunod sila ng curriculum natin sa pinas. But, i'm sure pwede pa rin naman sila mag-college satin kahit san pa sila nagschool kasi may mga foreigners nga tayong students diba? I just don't know how it works, pano ang process etc. pero magtatanong tanong pa rin ako.

sabi samin, sa PEPS daw yung grade 1, nasa 14k ang tuition. kasama na ata ang bus transpo dun. pero hindi naman kalayuan ang school sa tinitirhan namin. pwede siyang ihatid-sundo ni hubs kaya lang ako naman ang problema hehe.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #466 on: January 20, 2014, 03:49:42 pm »
^ okay, sis. ang mahal din, ano? pang Ateneo na saatin.

Nagtanong ako sa friend ko, sabi nya, challenging sa bata na from IB tapos ililipat sa Pinas para magaral kasi may Filipino subjects and Phil history, etc etc.

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #467 on: January 20, 2014, 04:16:01 pm »
holly,
nakakapulubi talaga ang magpa aral hahaha.

ngayon nga naniningil nanaman ang school para sa reservation nila sa 2014-2015. tig dh500 para sa dalawang bata.

dapat december palang nagpapareserve ka na talaga ng slot sa school na gusto mo next school year.

nung si jade nun ura urada, abay gusto na agad agad mag school na siya. haha. naswertehan lang talaga sa waiting list. waiting list na pinalista namin nung araw na nag enroll ang ate niya. haha.


simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #468 on: January 20, 2014, 05:12:20 pm »
^ joyce, kelan mo niregister si Jade? anong month?

tumawag ako sa FEPS, next month pa ang registration nila, 1k ang fee :(
nag inquire na din ako sa Westminster dito sa al ghusais, feb din daw ang start ng registration

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #469 on: January 20, 2014, 05:32:40 pm »
^1k na talaga ang fee? hindi pa namin natanong kung magkano sa PEPS dito ang registration fee eh. wala kasing sumasagot pag tumatawag ako. buti pa si hubs, nagreturn call sa kanya nung tumawag siya.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #470 on: January 20, 2014, 05:37:31 pm »
^ oo, ang mahal ano? tapos non-refundable. bwahaha!

ana_banana

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #471 on: January 20, 2014, 06:09:38 pm »
@bhey0624 thanks for welcoming me!

My daughter currently enrolled in 21st Century Private Academy in muroor Abu Dhabi, so far ok naman since malapit sa house namin... medyo di lang ganun kaganda  ang management very disorganized. Malayo talaga sa standard ng mga pretigious school sa Pinas considering parehas din ang tuition pag convert mo.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #472 on: January 20, 2014, 06:31:26 pm »
^pero pag nagpa-register confirmed na ang slot diba? haha nahihilo na ata ako

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #473 on: January 20, 2014, 06:51:20 pm »
^ yata, pero nung tumawag naman ako sa westminster, ireregister online, tapos after a few weeks or days saka palang malalaman kung may slot or pasok. not sure lang if we have to pay the 500 na ba or not yet unless pasok talaga.

eto ang mga schools na chineck ko na pasok sa budget:

Gems Westminster Dubai (Al Qusais)
Far Eastern Private School
The New Filipino Private School
United International Private School (first Filipino school here in Dubai)

Parang sa lahat, i'm leaning towards dito kay UIPS. open na sila for kg1, at may 40 slots nalang! wahhh!

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #474 on: January 21, 2014, 02:38:39 pm »
tin,
second year na ni jade sa school ngayon e. pero kwento ko nalang nangyari nung first time ni jade.

edi dec 2011, sinasabihan na nila ako na magpareserve na kami para kay jade. 3yrs and 10months palang si jade nun pero marunong na siya magsulat ng name niya (pati shapes, numbers and letters), alam na din ang name ng shapes, colors, letters, numbers. pero parang hindi pa ako ready (hahaha, ako talaga yung hindi ready) na magschool siya. kaya hindi ko inasikaso. hehe

march 2012, nanghihingi na ng reservation fee para sa school year 2012-2013 para dun sa ate. napag usapan nanaman yan kung irereserve na din si jade. e parang nag aalangan pa din kami kasi 4yrs and 7months si jade sa pasukan ng september 2012, sa kg2 daw siya agad ilalagay dahil sa Kto12 curriculum. e baka mabigla naman yung bata, prep na satin ang katumbas ng kg2 e. gusto ko sana kung papasok si jade kg1 muna, equivalent sa kinder. edi deadma nanaman. haha.

august 2012, enrollment ng ate. biglang naiinggit ang berat nung makita ang mga binigay na books at notebooks. gusto din daw niya mag school. nagtanong ako sa office kung pwede pa mag enroll. puno na daw ang kg2. so nasa waiting list nalang daw muna kami. maghihintay ng magbabackout. walang hiningi na fee pero willing ako magbigay basta makakuha kami slot.

every week tumatawag ako sa school, naka enroll na daw lahat. wala pa nagbabackout. nakiusap na ako na kahit sa kg1 nalang muna basta makapasok lang. kasi nagstart na ang classes e nangungulit pa din yung maliit, bakit daw hindi pa siya nag i school.

umabot hanggang 3rd week ng sept, ayun may nag backout sa kg1. tuwang tuwang kami. kaya nung sinabing may slot na si jade, nag apura na kami nagpunta ng school para mag enroll. tuloy namili ng school bag, school shoes. excited! hahaha. kinabukasan pumasok na.


bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #475 on: January 21, 2014, 02:59:21 pm »
@ana_banana, naku sorry! na-overlooked ko yung post mo. how old is your daughter? I have 3 friends that kids used to go to 21st. hindi sila masyado happy kaya they transfer their kids na lang sa ibang schools. Isa na lang ang natira hehe. Medyo malapit kasi sa tinitirhan nila. PEPS is in Baniyas East na kasi diba? Then PNS, we heard lilipat na rin ng Baniyas this coming school year.. San kayo nakatira? Are you working? I live in Mussaffah but I work in Khalifa Park Area. EB na tayo Abu Dhabi sisses! :)

@joyce, buti pa si Jade super excited mag-school. may nakikita kasi eh. si Rhys ko, goodluck naman hahaha. tamad nga ata talaga ang boys mag-aral. si Rhys at 4, hindi pa marunong magsulat. Ayokong i-push kasi baka mainis at isipin na hindi enjoyable ang mag-aral. And since enrolled siya sa nursery ngayon, may time na nagttrace sila ng letters kaya pagdating sa bahay hindi ko na kinukulit. I hope in time magkakainteres din siya.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #476 on: January 21, 2014, 03:19:05 pm »
^^ ang galing ni Jade, marunong na magsulat! hehe. si K, alam ang letters pero di pa masyadong marunong magsulat gamit ang pen or pencil. pero kung sa ipad mo pagsusulatin, magaling!

next week mag school visit na kame ni hubs. i asked a friend na andito nagaral ng hs, sabi nya wala daw syang irerecommend na phil school. her niece kasi all went to prestine private school. eto din ang nirerecommend ng isang katrabaho ni hubs, pero naman, sa school bus mamumulubi kame. 5k a year! tuition fee is nasa 8.5k but plus school books, uniforms, etc pa. aabutin din mga 16k. if we don't have loans, kaya sana to. hahaha. puritang purita kame dito sa uae. LOL.

pero napagusapan namin ni hubs na sa mga affordable schools muna, kasi gusto talaga namin sya makapasok ng st. mary's come gradeschool na.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #477 on: January 21, 2014, 04:02:17 pm »
^ang galing naman ni K, magaling magsulat sa ipad. anong app ang gamit nyo sis? ina-avoid kasi namin ang ipad kay Rhys at kung [textspeak!] ano ang pinapanood sa youtube pag hawak na nya - either cars, anything about cars, or cartoons. eh minsan kung makatutok ang bongga!

naku relate na relate ako na purita sa uae. kami din eh! kung mura lang sana ang bahay dito, ang laking ginhawa. kaya lang ang mahal mahal! waaaa

JINJIN:*

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #478 on: January 21, 2014, 05:15:55 pm »
^^ sabi ng friend ko..ang pinaka mahirap na na encounter niya nung mag transfer siya from dubai to phils (college na siya nun) is yung social interaction, kase daw marami daw talagang bully sa school sa Pinas kahit college na, so what more kung highschool palang. So I guess it is best na sa Phil. school nalang ipasok ang mga bata kung alam naten na hindi naman kakayaning ma sustain till college at ililipat din siya ng Pinas for college education. At least kase pag Phil school he can learn Filipino cultutes and values, compared sa zero knowledge kaya sobrang laking adjustment para sa bata. And this info comes from my friend na dito nag aral ng elem and hs at lumipat sa lyceum sa Pinas. And dont forget the fact na malaki ang maiipon nyo kung sa Phil school siya ipasok.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #479 on: January 21, 2014, 05:33:37 pm »
^^ sis, mamaya cehck ko yung apps ha. madami eh. dun sya nakakapagsulat. pero pag gamit ang papel at ballpen or pencil, hirap pa sya. di masyadong madiin pa ang hawak nya. nahihirapan akong i-guide sya kasi kaliwete ang anak ko. LOL. poooorita tayo dito sa uae

^ sis, isa lang ang choice ko na school na British curriculum, at yang school na yan eh almost kpresyo ng mga philippine schools na binanggit ko sa taas. kasi we have a budget lang na dapat sundin. according naman to a friend na dito naghighschool at sa Pinas nagcolehiyo, as long as tinuturuan sa bahay ng Phil culture, values, etc, hindi naman daw ganun kahirap ang magtransfer sa Pinas. yan din ang sabi ng mga kakilala ko. though, mas challenging talaga sakanila ang paglipat sa Pinas kasi baka mahirapan sa Tagalog.

Wala pa din ako kilala na dito nag colehiyo ang anak na Filipino, unless sigurop director sila sa company or sagot ng company ang pagaaral hanggang college ng anak :) Sana lang makahanap ako or si hubby ng company na ganito. hayyy!
« Last Edit: January 21, 2014, 05:36:51 pm by simplykristine08 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close