Cliche man pero naniniwala ako na if you're unhappy alone, you can never be happy with someone.
Nung may bf ako buong college, i was contented with my status. Di ako nagentertain ng ibang manliligaw, lahat ng labas ko with friends filtered ni bf, even decisions ko sa school and when i started working, nakadepende sa kanya.
Nung naghiwalay kame, dun ako nagdecide na kelangan kong maging independent. Dun ko narealize kung ano yung mga namiss ko sa buhay nung together pa kame. Habang yung mga barkada ko nung college eh panay sa boy hunting at pacute sa campus, ako tahimik lang coz i was committed to my partner. Yung mga gimik and out of towns na hindi ko napuntahan dahil hindi nya ko pinayagan. Maraming pang iba. Kaya nung naghiwalay kame, sobrang nagenjoy talaga ako. Ang dami kong nagagawa for myself. Ang posts ko nun sa fb mostly is yung mga concerts na pinapanuod ko (na madalas ako lang mag-isa), mga travel, food trip alone or with friends. Para akong nakawala sa kulungan. Freedom talaga. At i swear naenjoy ko yun. Nakipagdate ako with people, whether potential partner or not. I YOLO-ed, kumbaga. Those were definitely the best years of my life.
Until narealize ko that i'm ready to share my life again with someone.
Tapos nameet ko yung current partner ko. Sabi nya sa akin, he was attracted to me kase i seem so interesting (kase nagtatravel ako magisa, at medyo 'kakaiba' daw trip ko, etc). And i believe na mas healthy ang relationship namin kase established yung personality ko. Yunf lifestyle ko is same pa din when i was single, except that now may partner ako. So minsan sinasama ko sya sa mga adventures ko, minsan din gusto ko ako lang. Kung niyaya ko sya at di sya pwede/ayaw nya, walang hassle sa kanya kase kaya ko pa rin ang sarili ko without him. Kumbaga i don't desperately need him to be with me, pero when he's with me, i appreciate. Ganun.
So what im saying is if you're single, you have to be genuinely happy. Doon mo mas makikilala ang sarili mo eh. Sure meron ding defense mechanism lang yung kunwari masaya, pero more than anything dapat talaga "mahahanap" mo ang sarili mo on your own, without validation from anyone.
Advantages ng single, daming pera. Haha. Lahat ng sahod ko nuod sa sarili ko lang ginagastos. I can spoil myself. Pag may jowa, yung gastos you have to plan it for two na kaagad. So bihira ko na nasspoil sarili ko ng bongga. Pero i make sure na nagagawa ko pa din yun. Siguro yung cuddles and sexy time, pwede din advantage. Pero ako kase id rather go out and see the world kesa magstay sa room to cuddle haha.