watch now

Author Topic: Relatives na freeloaders.  (Read 3342 times)

nessy

  • Guest
Relatives na freeloaders.
« on: July 12, 2013, 11:52:34 pm »
Naaawa ako sa Mom ko. Kasi sa kanya nakatira nag pamilya ng kapatid niya. Mula sa kapatid nya, sa asawa ng kapatid niya, mga anak ng kapatid niya hanggang sa mga apo. Yong sister ko doon din nakatira pero nagpo-provide naman siya for her kids at pag may sobra, actually madalas, nagbibigay sa Mom ko pati sa kapatid ng Mom ko pati mga apo nito. Minsan naaawa ako sa Mom ko kasi, imagine, malapit na mag-retire kaso siy apa rin ang nagpapakain sa pamilya ng kapatid niya. And worst, ninanakawan pa siya. Tulad na lang kanina, nawala ng P500 Mom ko, naiwan lang niya pitaka niya sa kama niya. Nakakapasok kasi mga apo ng kapatid niya. Hindi lang ito ang pagkakataon na nangyari iyon, minsan inutusan ng Mom ko ang isang apo ng kapatid niya na mag-withdraw, sabi wala pang sahod  Mom ko iyon pala winithdraw na niya at pinambili ng cellphone nilang dalawa ng boyfriend niya. Minsan din, nawalan ng P8000 sa cabinet niya si Mommy kaso walang mapagbintangan kasi nga wala namang ibedensiya. Marami ng beses na may nawala sa Mom ko, pera, alahas at mga gadget. Oag umaalis Mom ko para magwork, kasi minsan 24 hours and duty sa hospital minsan inaabot pa ng 2-3 days, nagiiwan pa Mom ko ng pangkain nila kasi nananawa na rin sister ko magbigay ng pagkain nila kasi nga mga tamad at ayaw mag work.Gusto ko tulungan Mommy ko, kunin siya doon kahit bahay niya iyon kasi naaaw anga ako, kaso lagi niyang katwiran kamag-anak niya sila. At lagi kasi pinamumukha ng kapatid niya na walang ibang mag-aalaga sa Mommy ko kundi sila lang. Kasi mga ampon lang kami. Minsan nga pati sa sister ko naaawa ako kasi ang bait nila pag may pera sister ko, pag wala ang dami nilang sinasabi lalo na kapatid ng Mom ko chinichismis pa kami sa mga ibang tao. At pag wala sis ko, nasa work halimbawa, lagi nila sinasaktan mga pamangkin ko according sa mga bata na rin. Mainit kasi dugo nila doon sa panganay na anak ng sister ko kasi favorite iyon ng Mom ko, eh ang katwiran ng mga kamag-anak niya, sila daw ang kadugo kaya sila daw dapat ang makinabang.Awang awa ako sa Mom ko kaso wala naman akong magawa kasi minsan feeling ko parang ayaw niya rin tulungan ang sarili niya. Ano ba ang gagawin ko? Naiinis ako sa pamilya niya kasi buong buhay nila inasa na lang nila sa Mommy ko. Noong buhay pa ang Dad ko, ganyan na rin sila pero medyo nahihiya pa. Ngayon grabe lahat na lang sa Mommy ko inasa. Pati nga apo ng kapatid niya at mga asawa ng apo niya nasa bahay namin nakatira.

mrsB

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #1 on: July 13, 2013, 12:18:26 am »
There is NOTHING you can do, sis. Believe me, ganyan na talaga ang sitwasyon at di magbabago. Choice naman yun ng mom mo. I understand na sobrang nakakainis, pero meron talagang mang-aabuso kung may magpapa-abuso. I am sure napagsabihan na ninyo ang mom mo several times pero walang nangyari. Nature na siguro niya ang magpaka-martir talaga sa pamilya and there is nothing you can do to stop it.  :(

nessy

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #2 on: July 13, 2013, 12:32:41 am »
^ You are right. Kaso madalas, pag wala na siyang pera, pag naubos na, sa amin lalapit. Wala naman masama doon, tutulong naman kami ng sister ko, kaso alam mo yon, hindi siya makalapit sa mga tinutulungan niya. Ang masama pinapakain na niya, ninanakawan at niloloko pa siya. At hindi sa lahat ng oras may pera kami. Sister ko may dalawang anak, siyempre priority niya yon. Ako pinilit kong mag-rent at lumayo doon kasi sumasakit ang ulo ko sa kanila ang dami nila sa bahay Mom ko lang at sister ko ang nagwowork. Sister ko hindi makaalis doon kasi hindi rin maiwan Mom ko sa awa sa kanya kahit minsan or madalas siya masisi at awayin ng Mom ko sa mga bagay na kasalanan naman ng kamag-anak niya. Ewan ko ba kasi bakitmay mga taong makakapal ang mukha at abusado.

aquacharly

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #3 on: July 13, 2013, 03:19:46 pm »
Your mom is the problem, she allows all that freeloading to happen.

What you can do only is to limit the cash  hand-outs to your mom. You can instead, give more in kind of what only your mom will use/consume. 

nessy

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #4 on: July 13, 2013, 10:46:33 pm »
^ Ang mga tulong naman na ibinibigay namin sis sa Mom is parang, let'ssay pag kinapos siya. Ganon lang. Hindi talaga support as in since may work naman siya. Ang naiinis talaga ako sa lahat, pag mangungutang mom ko, (siyempre hindi na namin sisingilin yon, parang bigay na lang) kasi kapos na siya pambayad ng kuryente, water bill at pangkain nila, tapos ang mga kamag-anak niya sitting pretty lang sa bahay. Pag hindi pa pork, chicken or beef ang ulam hindi kakain. Akala mo may mga work kung umarte.

Ilang beses ko na sinabihan Mom ko. Minsan nga kahit naririnig na ng mga officemate niya, sinasabi ko talaga na, "Feeling mo yata ikaw si Henry Sy, eh."
Tapos tatahimik lang siya.

Haaay... Siguro talaga wala akong magagawa specially ngayom my Mom is still working at pera niya ang ibinibigay sa kanila. Ang isa pa sa mga worry ko, baka pag tumanda na Mom ko at alagain na hindi naman nila alagaan. Buti sana kung buhay pa ako at ang sister ko that time, siymepre hindi naman natin alam kung hanggang kailan tayo buhay. Baka mauna pa ako/kami ng sister ko sa Mom ko. Kaka-stress lang. Hindi ko maintindihan bakit may mga ganong tao. Ako naman, or kahit sister ko pa, may mga times din na nawawalan kami or kinakapos sa budget. Pero hindi naman namin binibigyan ng burden Mom ko ng ganon. Sobra sobra naman yata. Ang hinihinanakit pa nga ng sister ko, pag kami daw may kailangan, manghihingi sa Mom ko ng pera kahit 200 or 300 lang laging wala siyang pera. Pero yong pamangkin niya, 3 times na nanganak puro caesarian, siya gumastos, kunwari utang wala naman ng bayaran. At mga pangangailangan pang araw-araw Mom ko pa rin. Sabi ko na lang sa sister ko, tanggapin mo na lang na ganon talaga. Wag tayo umasas ng love or affection or all out support form her kasi ampon niya lang  tayo, tulad ng lagi niyang sinasabi pag galit siya sa amin.

Minsan nagagalit at sumasama rin loob ko sa Mom ko. Kasi hindi ko naman pinili na ampunin niya kami, since siya ng may kailangan ng anak, pero alam ko utang na loob talaga namin ang pagpapalaki nila ng Dad ko sa amin. Pero seriously, kailangan ba niya sabihin at ipamukha sa amin na ampon niya kami? Tapos pag kailangan nami ng tulong financially, hindi niya kami bibigyan, katwiran niya wala siyang pera kahit meron.  Pero alam ko at nararamdaman ko, kaya ayaw niya kaming bigyan ng pera kasi ang katwiran niya, tulad ng madalas niyang sabihin, hiidi niya kami kadugo. Pero pag siya ang walang pera at siyempre hindi naman siya bibigyan ng mga kamag-anak niya kasi nga puro kabig lang alam ng mga yon, sa min din siya hihingi.

May dahilan ba ako para magalit minsan sa Mom ko?

aquacharly

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #5 on: July 14, 2013, 12:10:48 am »
Well, it is only but human to feel bad when others are prioritized. 

Sa experience ko, maswerte ang mga ampon.  They are loved much.  But well, there's always an exception.
Though you may have grounds to feel hurt, do not go to being bitter. As to reach that point you say:  "hindi mo naman pinili na ampunin nya kami, since sya ng may kailangan ng anak..."

You cannot change what your mom is, what other people around her are.
Just do your  best to not get drawn into any negativity.  It is good mental health to stay positive, to be grateful for your blessings. 

As you say:  you are not yet in a position to demand changes in the dynamics of your extended family. Magnguynguy ka man 24/7 --  your mom will still encourage/support the freeloading. 
So, just accept what is as is now. 
See, we  cannot say what lies in store for us, only God knows.  So you can't say lahat yan deadbeats, and your mom will never be taken cared of by the freeloaders.   So, just accept what they want to see. Majority rules, until your money gets bigger than all of them -- then you will be the majority all by yourself.  Hahaha. That's how it is. 

So, accept the status quo, save yourself from unnecessary wear & tear by not going grrrr on your mom & her freeloaders.
Mind your own business, focus on advancing your interests.

nessy

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #6 on: July 14, 2013, 01:03:06 am »
Thanks. I think that's what I've been doing naman. May mga bagay lang na nade-destruct ako sa pagde-deadma sa kanila. Like pag dumadaing na ang Mom and all. At eto pang sister ko. Ilang beses ko ng sinabi sa kanaya na wag siyang umasa na maging matimbang kami sa Mom kahit na kami ang tumutulong at nag-aalaga everytime na naoospital siya compared sa mga relatives niya na nanghihingi pa ng pera nasa hospitl na Mom ko. Ewan ko ba bakit kasi asa pa ng asa wala naman mangyayari. Hoping pa rin kasi siguro na mararamdaman niya love ng isang Mom, eh ako matagal ko ng accept na wala talaga eh. Kaya nga siguro nakatagal rin akong hindi umuwi sa house ng Mom ko kahit ilang beses na akong sinabihan na bumalik.

I think ang problem ko ngayon is paano ipapa-realize kay sister ang truth. Kasi may halong awa rin ang nararamdaman ko kapad nakikitang kong down ang sister ko.

X_03

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #7 on: July 14, 2013, 02:19:25 pm »
true ang sabi nang mga sis natin dito. be positive and be thankful for your blessings. Wag mo isipin hindi kayo love pwedeng dahil sa age niya kaya siya ganon magsalita, sa stress or sa naiipit siya sa situation. Pero totoo din na siya ang pumili sa pagpapatuloy nang mga freeloaders sa inyo. kaya accept it with your whole heart but do not forget to help your mom din kasi with your actions she'll know (kahit it'll take a loooong time pa) na you genuinely love her kahit anong situation pa meron siya, na in the end kayo padin ang tutulong at magaalaga talaga sa kaniya kahit ganiyan nangyayari at one point in time she loves both of you and your sister dearly.

agape

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #8 on: July 23, 2013, 09:57:00 am »
Nakakatakot naman sa House ng Mom mo, parang breeding ground na ng mga criminals, puro magnanakaw na sila dyan.

Maybe you can take your Mom to live with you or live somewhere else away from the freeloaders.
Nangyari din yan sa Lola ko, since marami syang cash, balewala lang kahit kinukupitan sya ng mga
anak nya at mga apo nya (isa ako sa mga apo, hehe, pero nanghihingi naman ako, madali lang naman magbigay Lola ko eh, pero tamang halaga lang).

momlory

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #9 on: March 13, 2015, 08:25:50 am »
I don't know how to stop my husband's family free loaders.  Ilang years na kaming kasal ng hubby ko. Until now hindi pa rin namin kaya magka baby. Natatakot kasi ako mag baby na hindi kami handa sa gastos.

May work kami pareho ni hubby kaso kulang pa rin as laki ng gastos dahil sa mga free loaders. Family niya at family ng sister niya ang problema namin. 8 tao silang lahat.

Bumukod kami ng bahay kaso medyo malapit yung tinirahan namin sa mga free loaders. Pag nagaaway kami sinasabi niya hindi niya matiis ang mom niya. Dahil mom niya ang may pakelam sa mga yun the rest walang plano sa buhay.

Im getting olderr at nagaaway na kami ng madalas ng husband ko. I think sa babae pag 35 yr old mahirap ng magbuntis? pano kung hindi kami magaanak? hindi kami makapagmove on sa family dahil sa mga free loaders na to. Please help
« Last Edit: March 13, 2015, 08:30:08 am by momlory »

jeanette01

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #10 on: March 27, 2015, 02:09:36 am »
Siguro when your mom retires, you can get her and support her instead.  Tignan mo nalang kung hindi mapilitan mga relatives niya to work on their own.  Just leave the house to them para wala narin silang masabi.

tealover

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #11 on: April 12, 2015, 05:07:18 pm »
I have the same problem sis. My grandma and uncle lives with us and grabe, laging may away sa house.  To the point na parang kami pa ang nakikitira. You know the feeling na until now, binabayaran parin namin yung utang na loob. Haaay, lifetime ba ang bayaran doon?  :'(

chicafabulosa

  • Guest
Re: Relatives na freeloaders.
« Reply #12 on: April 12, 2015, 08:01:48 pm »
honestly sis there is nothing you can do. Specially you tried talking to your mom already and sya mismo ayaw nya paalisin yung mga freeloaders. what you can do na lang is to protect your mom and always look after her. i know di madali but thats the only thing you can do now. kasi mahirap na ipilit ang gusto mo na paalisin or alisin mom mo sa bahay nya kung sya mismo feeling nya she is "obliged" to take care of them. What she needs to understands now is that she is being taken advantage by her relatives but until then, you cannot do anything talaga. To let her understand it, i dont know how you can do it kung close ang mind nya about throwing them out of her house.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close