^ Ang mga tulong naman na ibinibigay namin sis sa Mom is parang, let'ssay pag kinapos siya. Ganon lang. Hindi talaga support as in since may work naman siya. Ang naiinis talaga ako sa lahat, pag mangungutang mom ko, (siyempre hindi na namin sisingilin yon, parang bigay na lang) kasi kapos na siya pambayad ng kuryente, water bill at pangkain nila, tapos ang mga kamag-anak niya sitting pretty lang sa bahay. Pag hindi pa pork, chicken or beef ang ulam hindi kakain. Akala mo may mga work kung umarte.
Ilang beses ko na sinabihan Mom ko. Minsan nga kahit naririnig na ng mga officemate niya, sinasabi ko talaga na, "Feeling mo yata ikaw si Henry Sy, eh."
Tapos tatahimik lang siya.
Haaay... Siguro talaga wala akong magagawa specially ngayom my Mom is still working at pera niya ang ibinibigay sa kanila. Ang isa pa sa mga worry ko, baka pag tumanda na Mom ko at alagain na hindi naman nila alagaan. Buti sana kung buhay pa ako at ang sister ko that time, siymepre hindi naman natin alam kung hanggang kailan tayo buhay. Baka mauna pa ako/kami ng sister ko sa Mom ko. Kaka-stress lang. Hindi ko maintindihan bakit may mga ganong tao. Ako naman, or kahit sister ko pa, may mga times din na nawawalan kami or kinakapos sa budget. Pero hindi naman namin binibigyan ng burden Mom ko ng ganon. Sobra sobra naman yata. Ang hinihinanakit pa nga ng sister ko, pag kami daw may kailangan, manghihingi sa Mom ko ng pera kahit 200 or 300 lang laging wala siyang pera. Pero yong pamangkin niya, 3 times na nanganak puro caesarian, siya gumastos, kunwari utang wala naman ng bayaran. At mga pangangailangan pang araw-araw Mom ko pa rin. Sabi ko na lang sa sister ko, tanggapin mo na lang na ganon talaga. Wag tayo umasas ng love or affection or all out support form her kasi ampon niya lang tayo, tulad ng lagi niyang sinasabi pag galit siya sa amin.
Minsan nagagalit at sumasama rin loob ko sa Mom ko. Kasi hindi ko naman pinili na ampunin niya kami, since siya ng may kailangan ng anak, pero alam ko utang na loob talaga namin ang pagpapalaki nila ng Dad ko sa amin. Pero seriously, kailangan ba niya sabihin at ipamukha sa amin na ampon niya kami? Tapos pag kailangan nami ng tulong financially, hindi niya kami bibigyan, katwiran niya wala siyang pera kahit meron. Pero alam ko at nararamdaman ko, kaya ayaw niya kaming bigyan ng pera kasi ang katwiran niya, tulad ng madalas niyang sabihin, hiidi niya kami kadugo. Pero pag siya ang walang pera at siyempre hindi naman siya bibigyan ng mga kamag-anak niya kasi nga puro kabig lang alam ng mga yon, sa min din siya hihingi.
May dahilan ba ako para magalit minsan sa Mom ko?