Author Topic: Still Childless  (Read 80715 times)

zanabee

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #520 on: May 18, 2017, 05:34:49 pm »
hubby and i are still childless ing our **  years of marriage.
nakakainis lang kasi hindi ko na nararamdaman tong ganitong feeling before dahil unti unti ko ng natanggap na hubby and i will be happy and will live forever with or without kids.
ang nakakainis lang minsan ay yung mga pabidang officemates ko na porke may madaming anak akala mo sila na ang queen of the world. kadadating lang ng mga company benifits namin today and some of them are not even thankful na meron kaming extra bonus, they are just ranting na kulang pa daw pambayad ng tuition, pambili ng gatas and the likes. the worst part is ang swerte ko daw buti pa ako akin lang ang pera ko kasi wala akong anak na pinagkakagastusan.
i don't think it's fair na i compare nila life nila sa life ko. i bet they wouldn't even like to be on the same situation like mine.
kagaya ng isang sis natin dito, lagi nalang nilang ginagawang excuse ang pag-aalaga ng bata and they are expecting me to be an excellent employee kasi daw wala naman akong inaalagaan sa bahay.
sila na! kung maka compare sila ng sitwasyon nila sa akin akala mo sila lang ang nag iisang nanay sa mundo. i hate being with these people na walang empathy. na kung maka compare ng financial status akala mo ako na ang pinakamayan dahil wala akong ginagastusan na anak.
sorry for ranting. ang sakit lang kasi sa pakiramdam.

shinies

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #521 on: May 18, 2017, 06:23:23 pm »
I even resorted to telling a friend that I'm thinking about wars and worldwide hunger and I don't want my kids to witness those things. Valid naman yung reason ko I know. but I just got a "naisip mo pa yun."

Nakakaaliw makakita ng ganito din magisip :-* At ganyan din comment nila haha!

baby_chichay

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #522 on: May 18, 2017, 07:25:22 pm »
^lol. Am i crazy for thinking about these things considering nangyayari naman talaga sya diba. I have 3 pets and i am seriously planning carefully how i evacuate with them should a big catastrophe happen. How much more if kids? (I am not comparing pets to kids here ha) I just can't imagine or bear the terror and the fear and the risk these kids will go through. Parang ako kasi i don't want to invest in that kind of love for a child that is mine then i will be helpless to protect them, no matter how much i prepare. I know hindi ko kakayanin and call me morbid or what pero big issue saken these things talaga.

And yes sa work talaga dito ang daming ganyan na pinapayagan maaga umuwi or magleave ng mahabang panahon dahil "sa mga bata", "walang yaya", "maysakit ang anak ko". Not saying they are not valid reasons pero unfair talaga na mas malaki ang expectations sa mga child-free. Mas flexi ka dapat, mas malaki dapat contribution mo, whether cash pa yan or effort or time. And if you refuse, wala kang consideration. Super unfair because our lives are dictated by choices and i should not be burdened in any way dahil sa choices ng iba. My previous job, i was even made to explain extensively bakit kailangan ako ang magbantay sa pamangkin ko sa ospital eh hindi naman daw ako "immediate" family. Wala daw ba parents yung bata. Pero yung kawork ko na hindi nakapasok for a week dahil nilayasan syang yaya nya, okay lang no questions asked.

Well, ranting na nga ako. But it's just so sad why hindi mabigyan ng same level of respect ang choice to go child-free. Especially for us women. We support almost the same causes but this one remains the exception. There's always this questioning, downgrading, accusing treatment we get. And kahit alam natin na we are not hurting anyone naman by our choices, whether free will or because of certain circumstances, we tend to have this defensive feeling which leads us to tell stupid excuses just to please others. Ang hirap lang magpakatotoo. I want to tell my parents, relatives, family, in-laws, friends na ayaw ko magka-anak at wala akong malalim or intelligent at justified na rason. But i simply can't kasi i will be judged. Sad noh?

chinkywinky

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #523 on: May 19, 2017, 12:58:07 am »
^actually, sa western countries, hindi issue kung wala kang anak. I know a lot of foreigners without kids because they chose to not have one - and they are just normal people. Yung mga may anak naman, they can't wait for their children to reach emancipation so they could kick them out of the house. My previous manager is a foreigner and he keeps on ranting about their children na sana mag 18 na at ng mapaalis na nila sa bahay at ma-enjoy nilang mag-asawa yung buhay nila. Another white girl asked me kung may anak ba 'ko and when I said wala, sabi nya sa akin 'good for you.' May anak sya ha. So different strokes for different folks. Sa Asian culture lang talaga big deal ang pag-aanak na yun nga, ang hirap kumawala lalo na pag traditional yung logic ng makakausap mo.

momlory

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #524 on: May 19, 2017, 07:48:29 am »
hubby and i are still childless ing our **  years of marriage.
nakakainis lang kasi hindi ko na nararamdaman tong ganitong feeling before dahil unti unti ko ng natanggap na hubby and i will be happy and will live forever with or without kids.
ang nakakainis lang minsan ay yung mga pabidang officemates ko na porke may madaming anak akala mo sila na ang queen of the world. kadadating lang ng mga company benifits namin today and some of them are not even thankful na meron kaming extra bonus, they are just ranting na kulang pa daw pambayad ng tuition, pambili ng gatas and the likes. the worst part is ang swerte ko daw buti pa ako akin lang ang pera ko kasi wala akong anak na pinagkakagastusan.
i don't think it's fair na i compare nila life nila sa life ko. i bet they wouldn't even like to be on the same situation like mine.
kagaya ng isang sis natin dito, lagi nalang nilang ginagawang excuse ang pag-aalaga ng bata and they are expecting me to be an excellent employee kasi daw wala naman akong inaalagaan sa bahay.
sila na! kung maka compare sila ng sitwasyon nila sa akin akala mo sila lang ang nag iisang nanay sa mundo. i hate being with these people na walang empathy. na kung maka compare ng financial status akala mo ako na ang pinakamayan dahil wala akong ginagastusan na anak.
sorry for ranting. ang sakit lang kasi sa pakiramdam.

Sis I think masaya sila na may anak sila but don't you think napapagod din sila. And they are ranting na nahihirapan sila sa sitwasyon nila. Choice nila magkaanak so be it. I think some form of jealousy na rin na may masisi lang sila sa sitwasyon nila. Sabihin mo nalang na choice nila yan at panindigan nila. Walang basagan ng trip kanya kanya yan.

I learn to to be happy with my situation. Marami benefit ang walang anak. Kagaya ng rant ng offismate mo. Totoo yun naenjoy natin ang benefits dahil wala tayo anak. We have time, energy and money for ourselves. Nakakatulong pa tayo sa relatives.

Unlike kung may anak i think pati relatives natin nakafocus ang attention sa kids. Knowing these days na ang hirap magkaanak. Talagang ubos ang resources. Hindi lang time and energy




izabelle

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #525 on: May 19, 2017, 08:37:43 am »
^as per catholic teaching kasi "humayo kayo at magparami" Yan naging discussion namin  ng husband ko kagabi.

Yun nga e so yung iba kahit walang pera, anak ng anak. Ang ending kawawa ang bata. Nawala na ang essence ng family planning.

Dito sa Pinas sobrang big deal kapag wala pang anak.

May isa kaming anak and masasabi ko na sobrang saya ang may anak pero yung friends ko na walang anak, hindi and never ko sila hinusgahan or tinanong bakit wala pa silang anak. Buhay nila yun e at choice nila.


^sa ganyan salita ako naiinis na kawawa ang bata or malungkot kapag only child na judge na agad ang buhay ng bata. Ang nakakatwa pa madalas un nag cocomment maraming anak tapos hindi naman maibigay ang tamang needs ng mga anak. Mahihirapan siguro ang only child kung ang magulang iasa nya ang pangkabuhayan nila sa only child kapag ganitong only need din paghandaan ang retirement. Ako perosonally gusto ko sana isa lang pero si hubby gusto nya 2 sabi ko malalaman namin sa tamang panahon.


Hindi ko din magets bakit ganon ang tingin nila sa only child? kawawa daw. Kaloka. Saken kasi ang kawawa yung walang makain at palaboy. Hindi naman ganon ang anak ko. :D Pero yun nga kawawa daw.

Minsan ang sarap barahin din ng mga ganyan. Aanuhin mo marami kung tag gutom at tag hirap. Be practical lang din.


Dito kasi sa atin, hindi nag mamatter ano ang tama at mali, mas nagmamatter ano nakasanayan ng karamihan. Kapag yung decision mo or situation mo hindi yun ang "normal" sa culture, parang mortal sin na.  :P

Shadow Angel

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #526 on: May 19, 2017, 10:41:04 am »
^agree ako dyan na stuck ang pinoy sa ganyan mentality. Isa pa sa motto nila na kahit mahirap basta masaya at sama sama. Kaya pala daming OFW.

thebratinella

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #527 on: May 19, 2017, 03:01:09 pm »
Unlike kung may anak i think pati relatives natin nakafocus ang attention sa kids. Knowing these days na ang hirap magkaanak. Talagang ubos ang resources. Hindi lang time and energy

I agree with this. Having one child is enough and convenient for us at this time. We're both busy with work. We can't find a yaya. Kasama namin sa house mother and brothers ko who are also busy and a lola who is turning 84 na nagsuffer na sa mild stroke and accident early this year. Buti na lang daughter namin is quite independent at 7. She takes the school van alone and spends most of her time in school. When she gets home, focus na kami sa homework/project niya or review if may quiz. Weekends namin are allotted for her activities, family time and pagmanage sa shop namin. I cannot imagine getting pregnant/having another baby with this type of situation. Yun nga lang pag may sakit daughter namin, nakakastress na. What more if 2 or 3 sila.

I remember during our daughter's toddler days, napag-usapan namin ng husband ko na what if wala pa kaming anak, we could have travelled, saved more, bought a different car etc. Or during times na pagod na pagod na kami. I have a lot of friends in their early 30s who are still single (no bf/gf), no kids and happy sa career kaya siguro kami ng husband ko okay sa arrangement namin. Kudos to those who have a lot of kids and can manage pretty well. Kanya-kanyang trip yan eh. At tama walang basagan. In the end, it's your life and happiness at stake. Walang ibang taong makakasabi kung paano ka mabubuhay. The choice/decision is yours kaya deadma na sa mga pakialamera at mga mahilig magbigay ng unsolicited advices. 

drag0nfly

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #528 on: May 20, 2017, 08:09:57 am »
^Same kayo ng isang cousin-in-law ko sis.  Adamant talga sya na isa lang yung pamangkin ko kahit ok naman ang trabaho nila pareho ng pinsan ko.  Same lang din kaming pressured.  Kung ako pine-pressure na magkaanak ng relatives, sya naman pressured na sundan na yung panganay kasi yung ibang pinsan namin na kasama nila sa bahay eh mga buntis ngayon LOL.

cosmochick

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #529 on: May 21, 2017, 01:22:38 pm »
^I would have said, "And why do you treat your kids like they are investments? Nag-anak para me mag-alaga pagtanda? That's not right!"

Exactly sis, sinagot ko rin yan that its not our kids obligation to take care of us when we get old.

Tapos meron pang nagsasabi na its our duty daw to give anak to our husband and di complete ang marriage if walang anak. Kaloka lang.

izabelle

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #530 on: May 23, 2017, 05:33:24 am »
Kanya-kanyang trip yan eh. At tama walang basagan. In the end, it's your life and happiness at stake. Walang ibang taong makakasabi kung paano ka mabubuhay. The choice/decision is yours kaya deadma na sa mga pakialamera at mga mahilig magbigay ng unsolicited advices.

True! Whatever works best para sa family. Iba iba kasi ng situation yan and I think iba iba ng standards sa buhay.

Kami din naisip namin dati, what if wala pa kaming anak? saan na kaya kaming mga lugar nakapunta (mahilig kasi kami magtravel dati.) pero syempre, at the end of the day, para sa amin ng asawa ko, walang hihigit pa sa happiness na nabigay sa amin ng daughter namin. Even if it means less time for ourselves, less travel, etc.  Talaga sya ang ultimate happiness namin.

Pero para sa amin yun. May couples na ang happiness nila nakukuha nila sa ibang bagay. Maaring hindi sa pagkakaroon ng anak.

Basta ako, pagdating sa ganyan usapan, I always keep my mouth shut. Hindi ako nagtatanong bakit wala pang baby ang isang couple. Katwiran ko, buhay nila yun. Whatever the reason bakit wala pa silang anak, none of my business na yun.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #531 on: May 25, 2017, 03:03:48 am »
Kami gusto namin magkababy at pinalad naman kami, pero kung hindi ok lang din sa amin. Challenging ang magka anak dahil sa lahat ng adjustment hindi lang physical at emotional lalong higit financial. Ganun pa man hindi namin kinakalimutan na maging couple at isipin din ang retirement namin dahil wala rin kami plano na umasa sa anak pagdating ng araw. Sa totoo lang masaya rin ang walang anak. Stress free talaga at hindi mo masasabing ang anak ang kokompleto sayo o magpapasaya nasayo un kung anong standard ng happiness mo. Kami meron o wala happy pa rin. 

Yal

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #532 on: April 13, 2023, 02:52:25 pm »
Dati takot ako magkaanak kasi dahil matanda na ako at baka disabled anak ko. Sana hindi na nga ako nag-anak, kasi disabled nga siya.  :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close