Author Topic: Still Childless  (Read 80848 times)

lisse

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #100 on: April 02, 2014, 10:33:54 pm »
BIL's new wife just gave birth to a baby boy...and they chose the name that I have been reserving for our own baby boy sana. This is the 2nd time na na-agawan ako ng baby name - and yes, both times kasi na-kwento ko na eto ang name na gusto ko and why and they (mga pinagkwentuhan ko) all said it's beautiful. Kaya ayan siguro kinuha nila. Wala naman sa lugar kung mang-away ako diba? Sad lang for me and hubby. Happy for my BIL, as in, kasi he deseves to be happy again.

We will visit them this weekend. Sana I'm still okay.

chinkywinky

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #101 on: April 03, 2014, 01:39:43 am »
5 years na kaming kasal ni hubby, childless pa rin. Ang mahirap, affected yung asawa ko sa peer pressure, which I am not. May anak o wala, I am okay. Pero gusto ko pa rin ng anak to satisfy my husband. At this point, parang ayoko na rin mag-anak because I am not young anymore. I just want to explore quality time with my husband, travel, and be happy. Nakakainis lang yung pag may relatives kayong mame-meet, laging issue ang pag-aanak namin. My hubby's cousin even said "baka mainip na si tito" (yung papa ni hubby). Gusto ko sabihin, di si papa pag-anakin nyo. Kakapikon lang minsan. May mga anak kasi sila, kaya malalakas ang loob. Naisip ko kung wala rin silang anak, I don't think may guts silang pag-initan kami.

lisse

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #102 on: April 03, 2014, 03:41:20 am »
^I feel you sis.

One time sa FB, I have this elem school classmate. Hindi sa panliliit or what pero she made choices na alam namin na pinagsisisihan niya now and super hirap sila sa buhay to the point daw na umiiyak na sa gutom mga anak nila (according to my mom na nautangan niya once). Anyway, I posted a pic of me and the hub celebrating our 2nd wed anniversary in Asia, as well as yung wallet from a high-end brand na gift niya sakin which alam ko naman na pinag-ipunan niya talaga. Then I think medyo na-inggit siya and she posted lots of pictures of her kids from infancy to present na toddlers na sila. I wouldn't really bother with it pero she made this caption na "kahit wala kaming yaman, kahit hindi naman afford mag-travel o bumili ng ______ (brand of my wallet), buo naman ang pamilya namin at kasama ko mga anak ko. Ang mga anak ang tunay na yaman!"

I know patama sakin yon. I just put her on my restricted list. kasi p[ag block ko siya masyadong obvious. so restricted lang para hindi ko na mabasa mga post niya.

evilwoman

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #103 on: April 03, 2014, 07:01:49 am »
^ang sama naman nun.nagbayad na ba ng utang sa nanay mo?sarap sagutin ng "wala akong batang pinapaiyak sa gutom".medyo hb ako sa mga nagaanak ng madami tapos di naman kaya..

chinkywinky

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #104 on: April 03, 2014, 10:12:40 am »
^^whether they admit it or not, kahit may anak sila pero kung di nila maibigay yung mga pangangailangan, may frustrations din sila sis. Di ko alam kung ano feeling ng may anak kasi wala ako non, all I know masarap ang may anak lalo na kung hindi sila nagugutom.

chelgeneroso

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #105 on: April 03, 2014, 10:55:48 am »
I've been childless for 9 years . . . found myself NOT attending binyag at birthdays ng mga kakilala ko. I blame myself for being sick. Naaawa ako sa mga parents namin mag-asawa dahil on their late 50s, maski isang apo wala pa sila, hoping na kami ang magbibigay sa kanila.
After the work-ups and nothing happened, we stopped. Ang laki pala ng gastos namin sa work-up, so nagkaroon kami ng extra extra money, i studied masters, after that wala na so shopping ever naman. Naging maganda ang buhay namin mag-asawa, we get to buy whatever we want, go places . . . spend money like its ok, may extra pa kami.

One Sunday, inside the church, i kneeled and thank God for all the continuous blessings after that i prayed for a child, a healthy, normal, happy baby either biologically or not, after that wala na ako masabi, for a moment naka-luhod lang ako without saying anything, a thought popped inside my head, I can't have everything . . . i started praying agaid, i told God, i am ready na mawala yung maraming blessings at matira nalang sa amin ay tama lang para pantaguyod ng pamilya. Handa akong humingi ng supporta sa magulang namin, magkaroon lang kami ng isang malusog, maayos at magandang anak . . .
everytime i pray, ganun lang parati ang tangi kong hiling. 9 years of praying, crying for mercy. God listens and answers prayers on His own sweet time, God has His reasons and its for our own good :)

happybride

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #106 on: April 03, 2014, 12:37:52 pm »
^ just have faith sis, prayers can move mountains. :)

We also prayed hard for us to have a child, every night and esp during mass yun talaga ang dasal ko and now i'm pregnant na. And naniniwala ako na nakuha talaga namin si baby sa dasal. Kaya were planning na i-name sya ng biblical name. Just have faith and never lose hope. :)

Nakakainis talaga pag nakakarinig ako ng 'magbaby na kayo' or 'di ba kayo naiinggit sa mga may baby na?' . Nakakarindi talaga. Sana marealize nila na hindi nakakatulong yun pag pressure sa couple.


mrsonthego

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #107 on: April 04, 2014, 11:45:50 am »
more than the longing, it's the pressure of society that makes everything worse

read this link, somehow make me feel good

http://www.macleans.ca/society/the-no-baby-boom/

outandaboutph

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #108 on: April 04, 2014, 02:26:13 pm »
^I feel you sis.

One time sa FB, I have this elem school classmate. Hindi sa panliliit or what pero she made choices na alam namin na pinagsisisihan niya now and super hirap sila sa buhay to the point daw na umiiyak na sa gutom mga anak nila (according to my mom na nautangan niya once). Anyway, I posted a pic of me and the hub celebrating our 2nd wed anniversary in Asia, as well as yung wallet from a high-end brand na gift niya sakin which alam ko naman na pinag-ipunan niya talaga. Then I think medyo na-inggit siya and she posted lots of pictures of her kids from infancy to present na toddlers na sila. I wouldn't really bother with it pero she made this caption na "kahit wala kaming yaman, kahit hindi naman afford mag-travel o bumili ng ______ (brand of my wallet), buo naman ang pamilya namin at kasama ko mga anak ko. Ang mga anak ang tunay na yaman!"

I know patama sakin yon. I just put her on my restricted list. kasi p[ag block ko siya masyadong obvious. so restricted lang para hindi ko na mabasa mga post niya.

At nainis daw ako diyan sa classmate mo sis... Sina Adam and Eve, wala pa silang anak noon pero noong ikasal sila ni God, family na ang tawag niya sa kanila. So tingin ko, hindi basehan ang pagkakaroon ng anak para masabi mo or ipamukha mo sa iba na kumpleto ang pamilya ninyo. Parang napaka-insensitive naman niyang classmate. Marami kasi talaga na hindi nauunawaan ang nararamdaman ng mga nasa situation mo sis. Once upon a time, ganiyan din ang feeling ko. Ang daming nagtatanong bakit hindi pa ako nagbubuntis, etc. Noong una, sa totoo lang, hindi consistent mga sagot ko. Kung ano ano lang palusot ko kasi di ko masabi ng diretso na kahit wala naman problem sa amin ni hubby, hindi lang talaga kami makabuo. Kasi iba iba din ang reactions nila. May nagsasabi na wala daw akong matris, or kesyo mahinang klase daw pala ang mister ko, na tumatanda na ako at kung ano ano. May masabi lang ba. Ang lagi lang sinasabi ni hubby that time, hayaan na lang kasi hindi naman nila naiintindihan at wala naman sila alam. I think na normal lang naman sis na mahurt or mainggit tayo kasi ako nga noon ayoko sana ipahalata na nasaktan ako or naiinggit ako noong twice na nagbuntis ang SIL ko samantalang mas nauna pa kami ikasal sa kanila kaso obvious ako, hindi talaga ako nagpunta or bumisita  ;D worried kasi ako baka maiyak ako sa inggit. Pero now, thankful narin ako na hindi agad agad dumating si baby nakapagprepare pa kami talaga. Kasi naisip ko din, if noon siya dumating, baka hindi din namin maiprovide needs niya.

Tingin ko lang sa situation ninyo ngayon, dapat talaga open communication ninyo ni hubby and open minded dapat. Medyo mahirap nga for him siguro kasi nasa kaniya ang problem baka mapressure siya pero dapat isipin na lang din niya na para sa inyo naman dalawa iyon eh. Dapat supportive kayo sa isa't isa. 

lisse

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #109 on: April 04, 2014, 09:28:32 pm »
yun nga sis eh. wala naman prob samin ni hubby, tanggap naman namin whatever our Lord blessed us with. ang hindi ko lang talaga kaya is paano harapin mga ganyang klaseng tao na sobrang below the belt kung tumira. parang kahit anong pag usapan niyo hindi pwedeng hindi ako makarinig ng mga pasaring na ang malas malas ko kasi wala kaming anak.

yena^_^

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #110 on: April 05, 2014, 05:12:59 pm »

I've been lurking on this thread and I feel you mga sis. Been married for almost 5 years, will be 31 y/o this year. I have chronic anovulation syndrome and I am clomid resistant, so nag-oovulate lang talaga ako pag nag-iinject ng HMG for atleast 7x. Lately nga I'm really sober kasi nalaman ko na nagresign na pala OB ko (which I'm seeing for more than a year na) so hindi natuloy ang pagcheck ng tubes ko, then we got the result of my husband's semen analysis which is perfectly normal (so ang sakit malaman na ako talaga ang may deperensya) and I tried to take PT test last night and it was BFN. So I talk with my husband and asked him bakit sa society natin they will make you feel incomplete as a woman if you don't bear a baby. He answered that it is normal kasi we need babies daw for evolution or else maubos yung human species, but it's not good that not being able to bear a child will make you feel terrible as a person. There are things that is out of our control and we should move on.

I really love children. My younger brother's 21 y/o gf just gave birth to a beautiful baby boy last week and my younger sister (will be 27 this year) nabuntis out of wedlock and gave birth to a healthy baby girl last 2012 without even informing us. Last year lang namin nalaman and 1 year old yung baby nya that time. Good thing I never felt bad na naunahan pa nila ako, in fact I'm really happy and I love my niece and nephew so much. Marami na rin akong mga kakilala who married later than me but they are already expecting or have their toddlers already. Minsan may inggit but most of the time I'm hopeful na nagkaanak na silang lahat so ako na ang susunod.

When someone ask me about having a baby, reply ko agad sa kanila is pray for us ha para magkababy na rin kami. When I do that, they become more softer in their responses like, yes we will pray for you or enjoy nyo muna each other kasi iba na talaga if may baby na. Pero minsan may mga rude talaga and sometimes you can't help but feel terrible. Buti nalang supportive yung husband ko, I have someone na pd kung iyakan. Minsan naisip ko rin na buti nga tayo mga sis na nahirapan magkababy kasi our husbands stayed with us because they love us, unlike dun sa iba na their husbands only stayed with them because of the kids.

In God's perfect time magkababy din tayo.  :)

dudzrea

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #111 on: April 05, 2014, 06:45:24 pm »
 :) hi mga sis, nag popost din ako dito per sa TTC thread, mag 5 years na rin kami ng husband ko pero still childless parin, tama kayo mga sis minsan mas apektado pa ang ibang tao sa hindi natin pag kakaroon ng anak, sa totoo lang sino ba naman ang babae na nag asawa na ayaw mag kaanak diba?. ako dumaraan ako sa matinding depression talaga kasi mas nag mamadali pa ibang tao na mag kaanak kami. minsan nasasaktan na ako sa tuwing sasabihin nila kung kelan kami mag kakaanak kung kelan matanda na. sabihan ba ako ng ganyan. magastos talaga ang nag papa work up kaya minsan parang gusto kuna bumigay, pero pag nakikita ko asawa ko naawa ako sakanya syempre sya lahat gumagastos . pero kanina kinausap ko siya dumating na naman kasi period ko this month so mag take na naman ako femara for my 2nd cycle, sabi ko sa asawa ko kung kaya pa namin mga gastos, sabi niya kaya pa niya kahit nakikita ko na nahihirapan rin siya, ok lang sana kung ako lang, eh nag susuport pa siya sa mama niya, minsan side ng husband ko hindi nila maintindahan sitwasyun namin ang akala nila porket wala pa kami anak e marami kami pera. hindi na rin ako nag bubukas ng fb kasi minsan parang pina iingit nila ako na sila my mga anak kami wala.. nakaka inis pa yung brother in-law ko, sinabihan ba naman kami na mas mayaman daw siya kesa sa amin kasi siya my dalawang anak na kami wala yun daw kayamanan niya. tama ba yun.. kaya talaga inis ako dun, walang utang na loob talaga yun samantalang pinag aral siya ng asawa ko hanggang ngaun wala siya tarbaho, asa lang. mga sis diba napaka sensitive natin sa issue about sa pag kakaroon ng anak, sana naman wag tayo husgaan ng ibang tao oh pag tawanan :( BASTAT FAITH LANG DARATING DIN TIME MAG KAKAROON TAYO NG ANAK MABAIT SI LORD. DARATING YUN MANIWALA TAYO SA PANGAKO NIYA :)

myshamiya

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #112 on: April 08, 2014, 01:08:37 am »
Now, naiintindihan ko na kung bakit one of my best friends in college stop communicating with me khit sa fb eversince i got pregnant. 3 years na silang kasal ang nagsama na sila 3 years din before that pero until now wala pa din sila baby. Now i feel horrible remembering na lagi ko siya kinukulit nun if meron na, not knowing na masakit pla sa kanya yun. So insensitive of me. Napadaan lang ako sa thread na thinking na baka meron ako mapupulot na idea na pwede ko ishare sa kanya to get pregnant na, pero may mas importante pa pala ako matututunan sa thread na to yun e yung maintindihan siya. I thought dahil nasa province na siya and busy sa work or may bago ng set of friends kaya parang she's drifting away from our friendship na. Nung unang beses na kala ko i was pregnant na she called me up pa and sobrang happy siya na tipong excited pa siya kesa samin ni bf palang nun. After few more months nung finally nagpositive na talaga and after i gave birth padalang na ng padalang yung communication namin, minsan naglalike din naman siya ng pics ni baby pero wala ng chikahan like before. Just recently i posted a pic of a positive PT which is actually from my first pregnancy and meant it as a joke in time for April Fools Day (stupid me, i know) so kala niya nasundan na ulit si baby and she said naiinggit daw siya. I really feel sorry for her, kung may magagawa lang ako para matulungan siya. I even planned on buying her Anion Napkin before kasi may nakapag sabi na it helps nga daw sa reproductive health kaso ang mahal naman.Sabi niya gusto niya magpatingin sa OB pero di ko lam if tinuloy niya kasi sabi niya wala daw siya budget and time pa. Now i don' t know na tuloy kung panu mag oopen ulit sa kanya ng hindi siya masasaktan or mamasamain ang sasabihin ko.
« Last Edit: April 08, 2014, 01:53:37 am by myshamiya »

mhitchy

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #113 on: April 08, 2014, 01:48:40 am »
happy ako sa state ng relationship namin ng hubby ko. after 10yrs bf-gf and 4yrs of marriage we still dont have kids, but lots of dogs. Okay lang naman sakin, we enjoy all the time we have. We travel and spend more time with our parents. Pero minsan nakakinggit din magkaroon ng kids, like this month, puro graduation, and ang mga post sa FB, moving up, graduation execise, mga kids nila top 1... minsan i really skip na fb para sa mga post na graduations. 
Everyweek din our batch meet for a friendly basketball game and they bring their kids and play basketball also, we bring naman our dogs. Yun na lang para di ako masyado mag dwell sa panonood ng mga kids na nagbabasketball, pero deep inside i know my hubby wants a child who will play basketball with him.

pray na lang tayo lahat

chelgeneroso

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #114 on: April 08, 2014, 09:20:07 am »
ang hindi ko lang talaga kaya is paano harapin mga ganyang klaseng tao na sobrang below the belt kung tumira. parang kahit anong pag usapan niyo hindi pwedeng hindi ako makarinig ng mga pasaring na ang malas malas ko kasi wala kaming anak.

I just smile sa mga taong nagtatanong na hindi ko naman ka-close, I say "no plans" sa mga kapitbahay na chismosa at acquaintances, I say "career muna" sa mga kamag-anak na insensitive. My close family and family friends, they understand even without explanation.

dudzrea

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #115 on: April 08, 2014, 09:59:51 am »
hi mga sis, bastat wag nalang natin sila pansinin, kaya ako iwas talaga ako sa mga tao hindi na nga ako nakikipag usap pag my bday hindi na ako sumasama sa asawa ko kasi alam kuna itatanung ng mga kaibgan niya naririndi na rin kasi ako, nakaka apekto pa yun sa pag co.concieve namin.  ang hirap kasi saka nila usisa sila ng usisa tapos feeling kupa pag nakatalikod ako pinag uusapan ako.. nararamdaman kasi natin talga hindi biro oh gagawing katuwaan ng ibang tao. hindi kasi nila pinag dadaanan ang ganito kaya hndi nila alam pakiramdam bastat husga lang sila ng husga. buti nga at my ganitung thread na naiilabas natin sama ng loob natin.. bastat stay beautiful, stay happy :)

chinnie

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #116 on: April 08, 2014, 10:48:03 am »
Keep the faith mga sis... Nasa ganyang situation din ako, pinagdaanan ko din ang mga yan kaya sobrang naiintindihan ko kayo. We were TTC for almost 9 years, and now I am 7 weeks pregnant. Huwag niyong pansinin ang ibang tao, ang importante kayong mag-asawa. What I did, gumawa ako ng gratitude jar, dun ko nilalagay ang mga happiness and blessings that I received. Keep praying mga sis, God answers in His own perfect time.
« Last Edit: April 08, 2014, 01:27:02 pm by chinnie »

Staying_me

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #117 on: April 08, 2014, 12:25:39 pm »
Honestly naiiyak ako sa thread na ito, I feel you all mga sis. Mag 3 yrs na kaming kasal, I'm 31 and hubby is 36. Yes we are getting old. Just like the other sisses here, marami kaming pera, we got to travel from country to country, buy things we don't really need, give monetary help to others. But we are childless. I'll admit malungkot, nakakainggit. Aanhin namin ang lahat ng ito kung wala kaming anak. I got delayed for 22 days, we thought we already had it, kaso it was a false alarm. Mas masakit pala, yung akala mong meron na, akala mo meron na, na fast forward mo na sa isip mo ang lahat, na plano mo na, na imagine mo na, tapos wala pala, hindi mo pa pala time. Nakakalungkot, we just keep on praying. I will also pray for all of you here in this thread. I know kung gano nyo kagusto magka baby. 100 times more eiger than anyone else. Sana mag ka baby na tayo. Let's pray and hope together  :)

lisse

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #118 on: April 10, 2014, 02:50:02 am »
Mini rant:
Today is my prego cousin's bday. I greeted her. Her response: "thanks cuz, ano wala pa din bang baby? Anong petsa na?"
And people accuse me of being unsociable. Grr!

lalaloopsy

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #119 on: May 07, 2014, 08:44:39 pm »
I don't know if it is okay to post it here but my friend naman is 7 mos pregnant and she is looking for someone willing to adopt..  I have been trying to help her but still no luck yet.. So sad lang that those who wanted to conceive badly cannot at yung binigyan ng gantong blessing ayaw naman..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close