watch now

Author Topic: Air Asia 2  (Read 66473 times)

purple_girl

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #440 on: September 13, 2017, 06:35:48 pm »
wala talagang kwenta seat sale ngayon, parang regular fare lang din.

patchuchai

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #441 on: September 26, 2017, 03:28:28 pm »
ano po ba ang hotline number ng Air Asia?

cali_018

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #442 on: February 23, 2018, 11:07:13 am »
hello po... nagbook kasi ako dito sa air asia feb25-28 ang alis namin.. di kasi ako nakapagselect ng seat.. if ever ba kapag maaga kami nagcheck in, possible po ba makapagrequest kami na tabi tabi kami nun mga [textspeak!] ko?

hushush

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #443 on: February 23, 2018, 11:26:47 am »
^yes sis, in my experience. Lalo nat puro bata ang kasama ko. So di dapat magkahiwalay. Wag ka lang sis mag-web check in kasi automatic iaassign yung seats nyo. Kaya possible na magkakahiwalay kayo. It happened to us last flight namin from macau. Nagweb check in ako. Then nagkalayo layo kami. I requested the crew sa check-in counter baka pede baguhin yun seat assignment. Hindi daw pwede yun pag web check in.. Buti na lang napakiusapan ko yun ibang passengers na makipagpalit ng seats para makatabi ko yun 2 bata.

cali_018

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #444 on: February 23, 2018, 01:13:03 pm »
my charge po ba sis kapag nagrequest ka ng magkakatabi ng seat? or free basta maaga ka magcheck in po?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #445 on: February 23, 2018, 02:41:11 pm »
Sa Cebpac maski nagweb check-in payag sila na magchange ng seats. Sa airaisia di ko pa na-try magrequest. Ang nangyari before sa amin nagweb check-in ako for 3 passengers and nahiwalay ako ng upuan. Since di naman puno ang plane lumipat ako sa tabi ng mga kasama ko nung isara na ang doors.

hushush

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #446 on: February 23, 2018, 03:45:01 pm »
^mabuti pa sa cebpac pede magchange ng seats.  Sa airasia indi eh..

^^ walang bayad yun sis. :)

cali_018

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #447 on: February 23, 2018, 05:02:39 pm »
 Thanks much sa info mga sis! kasi my nabasa ako sa isang thread, kapag magcheck in ka na mismo dun sa airport. tapos mamili ka daw ng seat my charge daw. kaya yun mother galit na galit kasi mga anak nya nahiwalay sa kanya eh mga bata pa naman daw.. andami pa naman daw seat na available

barbillie

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #448 on: February 23, 2018, 05:05:41 pm »
Papuntang Korea, nag-auto assign yung seats namin, hindi kami magkatabi at hindi daw possible na palitan. So dahil sa kagustuhan namin na maging magkatabi pauwi, I purchased seats. Haaaay.

Pero so far, okay naman yung experience namin with AA. Hindi delayed yung flight, okay naman yung mga ground crew, okay din yung cabin crews.

luvko23

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #449 on: February 24, 2018, 05:54:11 am »
Based on experience on several of our flights international or domestic for both AA and CP, we always do web check on the day it opens which is normally 7 days before the flight. We don't purchase seat assignment, but since nagweb check in kami agad once it opens lagi kami magkakatabi.
« Last Edit: February 24, 2018, 05:58:32 am by luvko23 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #450 on: February 24, 2018, 06:25:03 am »
Ako web check-in din lagi. Pero sa airaisa ko naexperience na nahiwalay ako sa 2 kasama ko to think na wala naman pala nakaupo sa tabi nila kaya lumipat nalang ako.

cali_018

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #451 on: March 01, 2018, 01:41:57 pm »
kagagaling ko lang boracay kagabi, kapag pala hand carry lang dala mo.. di ka na pipila dun sa counter. pinapaderetso ka na dun sa machine na self check-in.. nagworry pa ako baka maghiwa hiwalay kami apat ng kasama ko.. buti na lang magkatabi pa din kami basta same booking siguro.. smooth naman yun landing namin back & forth.. saka advance pa si air asia papunta.. kaya aga namin nakadating.. kapag morning flight (9:40am) daw wala pang air traffic sa kalibo airport sabi nun flight attendant.


Pansin ko lang, nun nasa naia4 kami di na tinimbang ang hand carry namin.. yun ibang pasahero anlalaki ng bag sobra.. di na nasusunod yun mismong size ng hand carry lang dapat.. tapos nun nasa kalibo naman kami dun nagtimbang ng mga hand carry, kinabahan ako kala ko mag eexcess kami dahil sa ibang damit namin na di natuyo at kalamansi muffins na 8box dala namin.. hahaha! buti di kami nag excess.. hahaha!


saka sa kalibo yun nagpapasok na guard dun sa check in, parang wala siya knowledge na included na sa ticket yun terminal fee ng air asia.. kaloka! kahit ipakita ko yun message ng airasia tru fb, pinapunta pa din nya ako sa counter.. need daw ng tatak churva ng air asia yun ticket namin.. so go lang.. ok naman.. sabi ng air asia included na terminal fee except sa clark daw.. dapat pinapaalam din nila yun sa mga guard nila..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #452 on: March 01, 2018, 08:17:40 pm »
Ang higpit ng airasia sa Kalibo. 2x tinimbang bags and luggage namin. Yung ground staff mismo di aware sa luggage pooling policy nila. Kalerks.

cali_018

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #453 on: March 02, 2018, 09:15:03 am »
Pansin ko nga sis, sobrang higpit sa kalibo airport.. pati mineral water di pinatawad.. pinaiwan hehe! pero sa naia4 go lang ng go.. hahaha!

omneecka

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #454 on: March 05, 2018, 12:25:32 am »
hi sisses,

may red hot sale today ang airasia and pal pero ang mahal pa rin. hehe!

luvko23

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #455 on: March 05, 2018, 10:41:24 am »
KL flights to other countries nakasale din. Got ours KL-YGN (Yangon, Myanmar) RT for Php 2k. KL-Male-KL for 8k. Holy week 2019.

hushush

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #456 on: March 24, 2018, 10:25:51 pm »
Mega sale daw sila ngayon until tomorrow.. So nagbook na ako kanina manila-macau. 2k lang naman natipid ko compared sa ticket price nun indi pa nagsale.. Not bad though.. 30kg baggage may meals at naka-hot seat pa kami roundyrip.. 1st row!! Angsaya! 1st time namin maghotseat/premium seat. 😀😀

keilu

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #457 on: May 25, 2018, 12:13:12 pm »
naka red hot piso sale sila ngayon until may 27, pero parang di ko makita kung how much sya? parang ang mahal pa rin kasi.

or nasanay ako sa sale ng Cebu Pacific?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #458 on: May 25, 2018, 02:14:34 pm »
^Mahal siya sis. Big member ako and nagtry ako nung mismong first day ng sale pero same as regular rate lang lahat maski inuna ko pa yung super layo na date. 2yrs ago ok pa sale nila e, ngayon nganga ang sale nila.

chinablue

  • Guest
Re: Air Asia 2
« Reply #459 on: June 13, 2018, 12:14:53 pm »
First time ko sumakay ng Airasia last month. Delayed yung flight namin to Korea ng 2 hours. Okay naman ang legroom. Mauga yung plane few minutes after magtake off. Medyo natakot ako. Strict pala ang Airasia regarding personal bag. I was used kasi to cuddling my handbag during my travels but the flight attendant told me and my mother to keep it in the overhead compartment. Hindi ko tuloy napigilan to ask bakit even the handbag kailangan ilagay dun. First time ko sumakay ng plane na may ganung rules. Usually kasi handcarry lang ang pinapalagay sa overhead compartment. Then nung may kinuha ako sa handbag ko I tried to store my bag dun sa malapit sa paanan ko. Bawal din and pinalagay ulit sa overhead compartment. Napakaincovenient lang. Sanay kasi ako na within my easy reach lang ang bag ko.Nakasakay naman na din ako sa ibang international airlines and first time ko to experience this. Oh well.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close