watch now

Author Topic: Scared of NSD, prefers CS  (Read 18555 times)

chubbycheeks

  • Guest
Re: Scared of NSD, prefers CS
« Reply #60 on: June 30, 2014, 04:17:02 pm »
I'm scared of NSD too but I'm now more scared of recovery pain from CS. I'm just praying for no complications so I can have the painless NSD option. 

cruelgirl

  • Guest
Re: Scared of NSD, prefers CS
« Reply #61 on: July 01, 2014, 11:20:03 pm »
I had an emergency CS due to eclampsia and I was SO surprised that the pain was very minimal. I even stopped taking painkillers right away. Uncomfortable lang siya the first few days. I was groggy and dizzy for a week and the area is oh so itchy but everything else was ok. Mas nasaktan pa ko sa injections sa butt area but that was for my eclampsia. IMO, I have low pain tolerance. So not sure if it's because I got the general anesthesia. My sis in law who gave birth said hers hurt but she got twilight anesthesia kasi.

chubbycheeks

  • Guest
Re: Scared of NSD, prefers CS
« Reply #62 on: July 02, 2014, 12:00:07 am »
^ sis, bikini cut ba yun sayo? Sabi nila yun daw yun mahirap to recover from?

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Scared of NSD, prefers CS
« Reply #63 on: July 07, 2014, 12:17:43 pm »
I have nothing against CS din pero preferred ko pa rin NSD. First, mas mura. Hehe. Honestly, bago ako manganak, sobrang takot na takot ako sa pain. Not sa contractions, but yung pain na mararamdaman mo pag lumabas ang baby. Parang, i-imagine mo pa lang na yung ulo ng bata dadaan dun and mapupunit ka, sobrang sakit na (I didn't know then about the epid). Pero takot din naman ako sa CS, yung bubuksan ka, mas nakakatakot. Tsaka sa pagbasa basa ko, matagal daw maka recover pag CS, mas mahirap mag breastfeed at kumilos, masakit ang tahi, may possibility bumuka ang tahi (my God), etc. mas lalo akong natakot. Wala ka ngang naramdaman nung nanganak ka, yung after naman ang pagdudusa, and mas mahirap na yun kasi may aalagaan kang bata. So for me, sobrang pray talaga ko na sana NSD lang. Kasi after manganak, mag isa lang ako mag aalaga sa baby. Boyfie is working so mahirap pag CS, aalagaan ko pa yung sarili ko.

Sa ultrasound namin ni baby at 36 weeks, nakita na may double cord coil sya. Yung OB ko, hindi naman nag decide agad agad na mag CS. hindi naman daw indicator yun na CS agad, as long as okay naman yung heartbeat and everything else, ibig sabihin, hindi compromised ang safety ni baby. For now. Pero syempre, worried pa din ako. Kasi may mga nababasa ako na na emergency CS kasi cord coil, isa pa nga lang. Ako double na. So hinanda ko na din sarili ko sa CS kasi malaki chance talaga ma CS. Pero pray pa din NSD.

Nung nanganak ako, induced yun. Simula ng na admit ako, at after 4 hours labor, hindi ako umalis sa 4cm. nagpa epid nako kasi sobrang hindi ko na kaya yung pain. Buti na lang hindi naman naapektuhan ng epid ang labor ko, if at all, mukhang napabilis pa nga. kasi after epidurial 2 hours lang 7cm na. Then wala pang 30 minutes nailabas ko na si baby. Thank God natupad ang hiling ko na normal. Kahit double cord coil buti na lang nakayang i normal. Upon reading the medical report, tight pa pala yung cord coil niya. And yung sobrang takot ko na painful delivery, kaya naman palang remedyuhan ng epidurial yun. Saya ko. haha. Wala akong naramdaman nung lumabas sya, kahit nung tinatahi ako. sobrang gandang experience sakin ng panganganak ko. And true enough, ang bilis lang ng recovery. 5 days hindi na masakit yung tahi. konting kirot kirot na lang. Next time, gusto ko painless ulit.

Pero hindi naman masama mag CS kung yan talaga ang preferred ng mommy. For us na NSD ang preferred, maganda pa din to have an option magpa CS pag may naging complications. At least there is still a way to save the baby. Pano pag hindi nag eexist ang CS? E di pag may complications bahala na si batman ang magiging ending.

chubbycheeks

  • Guest
Re: Scared of NSD, prefers CS
« Reply #64 on: July 07, 2014, 01:53:45 pm »
^ thanks for sharing, sis! I'm now leaning more on NSD.

cruelgirl

  • Guest
Re: Scared of NSD, prefers CS
« Reply #65 on: July 11, 2014, 01:32:49 am »
^ Vertical cut yung sa kin. Pati sa sis in law ko. Yung recovery siguro depende din sa health and lifestyle mo. Try to meditate din, it helps. Also, instead of painkillers I use herbs. Sabi nga ng OB ko mabilis recovery ko especially in my case. Ang pinakadiscomfort ko lang is nahihilo ako the first two weeks.

Before gusto ko din sanang mag NSD because I want to hold my baby right after he's born and I want to be awake for that but due to my eclampsia, no choice na ko. Either way, totoo yung sabi nila - hindi mo na maiisip yung sakit pag nakita mo na yung anak mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close