I have nothing against CS din pero preferred ko pa rin NSD. First, mas mura. Hehe. Honestly, bago ako manganak, sobrang takot na takot ako sa pain. Not sa contractions, but yung pain na mararamdaman mo pag lumabas ang baby. Parang, i-imagine mo pa lang na yung ulo ng bata dadaan dun and mapupunit ka, sobrang sakit na (I didn't know then about the epid). Pero takot din naman ako sa CS, yung bubuksan ka, mas nakakatakot. Tsaka sa pagbasa basa ko, matagal daw maka recover pag CS, mas mahirap mag breastfeed at kumilos, masakit ang tahi, may possibility bumuka ang tahi (my God), etc. mas lalo akong natakot. Wala ka ngang naramdaman nung nanganak ka, yung after naman ang pagdudusa, and mas mahirap na yun kasi may aalagaan kang bata. So for me, sobrang pray talaga ko na sana NSD lang. Kasi after manganak, mag isa lang ako mag aalaga sa baby. Boyfie is working so mahirap pag CS, aalagaan ko pa yung sarili ko.
Sa ultrasound namin ni baby at 36 weeks, nakita na may double cord coil sya. Yung OB ko, hindi naman nag decide agad agad na mag CS. hindi naman daw indicator yun na CS agad, as long as okay naman yung heartbeat and everything else, ibig sabihin, hindi compromised ang safety ni baby. For now. Pero syempre, worried pa din ako. Kasi may mga nababasa ako na na emergency CS kasi cord coil, isa pa nga lang. Ako double na. So hinanda ko na din sarili ko sa CS kasi malaki chance talaga ma CS. Pero pray pa din NSD.
Nung nanganak ako, induced yun. Simula ng na admit ako, at after 4 hours labor, hindi ako umalis sa 4cm. nagpa epid nako kasi sobrang hindi ko na kaya yung pain. Buti na lang hindi naman naapektuhan ng epid ang labor ko, if at all, mukhang napabilis pa nga. kasi after epidurial 2 hours lang 7cm na. Then wala pang 30 minutes nailabas ko na si baby. Thank God natupad ang hiling ko na normal. Kahit double cord coil buti na lang nakayang i normal. Upon reading the medical report, tight pa pala yung cord coil niya. And yung sobrang takot ko na painful delivery, kaya naman palang remedyuhan ng epidurial yun. Saya ko. haha. Wala akong naramdaman nung lumabas sya, kahit nung tinatahi ako. sobrang gandang experience sakin ng panganganak ko. And true enough, ang bilis lang ng recovery. 5 days hindi na masakit yung tahi. konting kirot kirot na lang. Next time, gusto ko painless ulit.
Pero hindi naman masama mag CS kung yan talaga ang preferred ng mommy. For us na NSD ang preferred, maganda pa din to have an option magpa CS pag may naging complications. At least there is still a way to save the baby. Pano pag hindi nag eexist ang CS? E di pag may complications bahala na si batman ang magiging ending.