watch now

Author Topic: UAE Job Hunting  (Read 65426 times)

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #240 on: November 02, 2014, 06:39:34 pm »
sis ysa- try universal staffing agency sa makati. Refer lang sakin yun ng friend ko ma ex-dubai ofw. Baka sakali meron pwede for you dito or sa ibang country na gusto mo. Good luck! 😊

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #241 on: November 02, 2014, 06:45:37 pm »
Sis hermione- have faith lang may time pa naman si bf mo. 2nd cousin din ni hubby till now wala pa nakukuha. Next week kailangan nya na mag decide kung mag extend or mag exit na sya kung wala pa magiging sure na job offer this week. Kapos na din sya sa budget. Buti ikaw nandyan for your bf yung 2nd cousin ni hubby wala talaga immediate relatives dito. We already extended our help pero syempre limited lang din naman kaya namin itulong.

ONmyWAYhome

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #242 on: November 02, 2014, 08:17:04 pm »
sissies I cant reply sa mga private messages eh.

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #243 on: November 04, 2014, 10:00:37 pm »
Hi sis chedz. Thank you. Oo have faith lang, 2 more weeks for him. Sana makahanap pa kahit sa oman nalang sya mag antay ng visa, at least may inaantay na sya.

Oo nga sis tama ka, mas maraming worst scenario kesa samen. Sobrang thankful ako at may work na ko ma support ko pa sya. Unlike sa walang ng pwedeng tumulong at di pa makahanap.

Good luck din sa ibang naghahanap. Update nalang.
« Last Edit: November 04, 2014, 10:03:43 pm by hermione28 »

SOFIEMAE

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #244 on: November 07, 2014, 04:28:29 pm »
^sis yung friend ko nag post sa facebook niya baka sakaling gusto ng bf mo siya ang mag screening  nasa dubai yung office nila...

"We are looking for a Sales Coordinator/Administrator with knowledge in Accounts, male, preferably Filipino, willing to be assigned in our Abu Dhabi Branch... Please send me your (or your friend's) resume."

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #245 on: November 11, 2014, 07:38:06 pm »
Hi sis. Send you a pm kung saan ko isesend you CV.

Thank you talaga. Sana makapasok na sya don. Mag e-expired na visa nya next Friday, 9 days nalang.  So desperate. 😞

SOFIEMAE

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #246 on: November 11, 2014, 08:05:23 pm »
nabigay ko na yung name ng boyfie mo sa friend ko hindi palang siya nagrereply kung may natanggap na sila hopefully wala pa sis :) goodluck sana matulungan ka niya!

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #247 on: November 11, 2014, 09:40:09 pm »
Thank you sis Sofiemae. Sana nga wala pa, hopefully makuha na si boyfriend.

Update din pala saken, nag exit na ko kahapon sa Oman, A-to-A lang. On employment visa na ko, pero di pa ko nag start kasi mag medical pa daw ako.

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #248 on: November 11, 2014, 09:53:32 pm »
^ goodluck, sis! san ka based? san ang office nyo? not bad na ang starting mo :)

tomatostellar

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #249 on: November 12, 2014, 05:23:31 am »
Iniisip ko na i-try dito.
Pardon my ignorance. .kapag nag agency ba is yung parang dito sa Pinas may cut sila sa sahod mo? Or is it just to process your application?
If via agency magkano dapat i-prepare?

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #250 on: November 12, 2014, 08:18:32 pm »
^ goodluck, sis! san ka based? san ang office nyo? not bad na ang starting mo :)

Hi sis. Dubai Healthcare City ako. Happy nga kasi blessings talaga to.

Update ulit, may tumawag kay bf, pinagstart na sya, training for 1 week then saka mag decide if hire na sya. E malapit na mag expire visa nya, we can't afford to waste time if hindi naman pala sya ma hire. So ayoko sya papasukin.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #251 on: November 12, 2014, 08:36:29 pm »
^yan ba sis yung sa friend ko?

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #252 on: November 12, 2014, 09:12:12 pm »
^^ ahh nice nice. saan ka dito nagstay sa Dubai? Nagstart ka na ba? nga pala, check mong maigi yung kay boyfie mo ha, maraming loko dito na ginagamit lang ang visa ng mha naka visit :( ngyari na yan sa mga kakilala ko.

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #253 on: November 13, 2014, 12:50:11 am »
Sis SOFIEMAE hindi pa sis. Inaantay ko nga yung sa friend mo. Sana don nalang sya. Ayoko na kasi mag risk pa kame don, baka wala lang pala yon, edi sana nag apply nalang sa iba. Madami nanggagamit ng visa.

Sis simplykristine sa Al Barsha ako malapit lang sa Mall of the Emirates. Di pa nga ko nag start, ewan ko bakit ang tagal. I agree sis madami horror stories sa mga nanggagamit ng visa.
Sayang yung natititirang oras nya.
« Last Edit: November 13, 2014, 12:52:54 am by hermione28 »

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #254 on: November 13, 2014, 01:26:53 pm »
^ ah, hindi ba medyo malayo sya sa Dubai Healthcare? sabagay, metro lang naman. nagmahal na pamasahe ng metro!!! >:(

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #255 on: November 15, 2014, 09:00:32 pm »
Kaya nga sis ang mahal na. AED5 na bayad ko 2 zones. Kakainis 😡

Oo sis metro lang naman ako. Ang ayoko lang naman yung nag bu-bus. Hirap kasi pag di ka umabot sa oras antay ka nanaman, tapos ang daming ikot, dami bus stop. Ok na ko kahit malayo, at least lakad lang from metro.

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #256 on: November 16, 2014, 02:05:51 pm »
^ totoo sis, yan ang maganda. nakakinis lang nagmahal ang pamasahe. kelan na ang start mo? how's bf?

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #257 on: November 17, 2014, 01:41:39 am »
Nag start na ko sis nung Thursday. Tapos kanina ang sama pa ng pakiramdam ko, kung kelan nag start na ko ganto pa, dahil ata sa weather change, dami ko kakilala may sakit eh.

Naku sis naaawa ako kay boyfriend. Nag book na kame 1 month stay nya sa Oman, tapos van lang sya papunta don kasi yun ang mura eh. Di talaga sya nakahanap ng work. Grabe kahit willing na sya accept kahit Waiter or Housekeeping wala talaga. Naaawa ako pero wala naman ako magawa.

Tapos ngayon pa wala na yung extension ng Tourist Visa, so pagbalik nya 1 month lang yung chance nya para makahanap. Tapos nagtaas pa yung Visa ng more or less AED100 daw. Grabe na dito sa dubai ang dami ba nagtaas tapos nag strict pa yung Visa!

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #258 on: November 17, 2014, 04:11:19 am »
^sana makahanap na si bf mo pagbalik nya sis. yung cousin ni hubby nasa pinas na. hindi na sya nag extend. At tama ka sa kahit ano tatanggapin na makakuha lang work. Si cousin ni hubby kahit aed1k kukuhanin nya na basta safot ng company ang accommodation at food. Kaso wala pa din.

Nga pala sis, if di natry ni bf mo yung walk in pwede nya subukan  pagbalik. Tutal medyo malamig na. Baka sakali dun nya maswertihan yung magiging work nya. Nabanggit mo kasi sakin sa pm before na online kayo nag aapply di ba. Tyempo din kasi, nakachat ko isang friend ko na nag tourist din dito. Mas nag walk in sya kaysa online. Office sya work. Talaga daw bawat office sa building kinakatok nya para mag inquire kung may vacancy. After 2 weeks nakahanap sya. Ok pa napasukan kasi client nila is government offices kaya ang holiday nila same sa government.

Kapag talaga minsan at patagal ng patagal wala pa nahahanap kakapang hina ng loob. Ako nga may sarili ng visa pero hindi naman lahat or 8 of out 10 ng apply ko di rin tumatawag. May tumawag man barat na barat pa kulang nalang sabihin kawang gawa ang work. Di pa naman malakas loob ko sa pag walk in kanya sa online talaga ako umaasa. Kaso minsan mainam nga rin sa walk in at may vacancy eh pwede maiterview ka agad. Mabuti nalang may napapagka abalahan ako ngayon kaya nabawasan focus ko sa job hunting at stress.

Look at the bright side nalang sis, maswerte pa din si bf mo compared sa iba at may budget pa kayo plus nandyan ka to support him.
« Last Edit: November 17, 2014, 04:18:21 am by chedz.03 »

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #259 on: November 17, 2014, 12:25:34 pm »
^^ sis, madami nga ang may sakit ngayon. sana maging okay na pakiramdam mo. totoo ba yung nababasa ko sa FB na 1 month nalang ang tourist visa at hindi na pwedeng iextend? kala ko di pa totoo kasi di ko pa nababasa talaga na galing sa newspaper.

^ sis grabe na talaga dito sa dubai. ang mahirap minsan kasi ang press release sa Pinas, madali humanap ng work sa dubai. di nila minsan naiisip na hindi lahat ganon ang case :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close