watch now

Author Topic: UAE Job Hunting  (Read 65482 times)

amihan07

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #200 on: September 04, 2014, 11:13:38 pm »
Ako naman may talent sa sales especially if b2b or sa businesses nagbebenta pero ayoko kasi nga 6 days and syempre pressure yung quota. Every month na lang iisipin mo yung quota mo. Ang maganda lang kapag nameet ko na yung quota ko nang maaga, hayahay na for the rest of the month. Ang ayoko lang sa sales ay di ko magets bakit kailangan 6 days ang work kung kaya mo naman abutin yung quota mo for a 5-day work week or even less than that. Dapat may incentive na hindi pumasok pero bayad pa rin yung mga nakakameet ng targets nang maaga. Anyway, I'm busy right now doing a personal assessment of myself para swak na swak talaga sa gusto ko and sa hilig ko yung mga pag-a-applyan ko dun. Hehe.. :)

Senorita fifi

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #201 on: September 09, 2014, 03:12:37 pm »
Sis I know of a reputable agency who has a job opening in UAE for Senior Planning Engineer, Planning engineer, Contracts/Claims Consultant, Autocad Draughtsman, Quality Manager, Secretary, Quantity Surveyor, HR Officer, Sales Executive, Programmer, VB Programmer, Graphics Designer, Accountant, Media Specialist, Junior lawyer and Senior Lawyer. Nice salary!
Pm me nalang for those who are interested :)

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #202 on: September 25, 2014, 11:59:21 pm »
Hi mga sis.

Dito na kame ni boyfriend sa Dubai 3 days na. Di pa kame nag walk in, online lang muna. Naglilipat din kasi kame ng house di na kasi pwede dagdag sa dating house ng ate ko.

Anyway kamusta yung mga naghahanap ng work? Any update?

Sideways ko na din, haha. baka may ma refer kau Accounting ako or any office work will do. Thank you!
« Last Edit: September 30, 2014, 03:49:56 pm by hermione28 »

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #203 on: October 02, 2014, 09:10:18 pm »
^ hi sis, welcome to dubai? kamusta ang IO sa Pinas?

4 days Eid break kaya enjoy enjoy muna ulit kayo. Musta pala pag aapply nyo ni bF?

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #204 on: October 04, 2014, 08:29:33 pm »
Hello po. Wala kame naging problem sa IO. Sabay kame lumapit at nagbigay ng passport and visa. Naestablish siguro namen yung relationship at nakita siguro ng IO na mag tour lang talaga kame.

Oo nga eid ngaun so pahinga din mga HR kaya walang tawag.

Wala pa kame nahahanap na work. Si bf wala pa interview. Ako may offer pero hindi na dito sa Dubai, sa Ajman na. Pero di pa sure kasi wala pa naman offer letter, sabi nya lang process nya working visa ko after Eid holiday. Tapos medyo nakakatakot din kasi bago lang yung company, as in itatayo palang.

In God's name sana makahanap ng mas OK na company here lang sa Dubai.

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #205 on: October 07, 2014, 01:31:21 pm »
^ back to job hunting ka na sis, may pasok na lahat. hehe. mag tour lang ba talaga kayo or maghahanap ng work? anong field ng work hanap mo, sis?

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #206 on: October 08, 2014, 12:16:41 pm »
Maghahanap ng work sis. Accounting kame parehas but syempre willing to accept kahit Admin lang or Executive Secretary basta OK ang salary, benefits and yung Company din.


2 weeks na kame. Wala pa din. Medyo sad na. :( pero pray lang. God will provide.

lovely_carrot

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #207 on: October 08, 2014, 01:06:00 pm »
Pano if nasa Pinas ka pa, kino-consider din kaya ng Chalhoub or Al Tayer yung applications? Nagsubmit ako ng resume dun sa 2 website although I know there's a slim chance since wala pa naman ako Visa etc, we'll see..

kireinachean

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #208 on: October 08, 2014, 04:39:41 pm »
sis hermione ok lang yan matatawgan ka din, minsan talaga super matagal magtawag ng mga companies dito.
mga sis may mga group din kayo makikita sa fb na meron mga kabayan na nagpost ng job hiring, eto yung iba.

JOBs WANTED FOR MY KABAYAN ''FB'' FRIENDS IN THE GCC
UAE Ads for All Kabayan
Pinoy Ako sa UAE

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #209 on: October 09, 2014, 12:20:06 am »
Oo nga sis eh. Iniisip ko nlang halos lahat naman nagdaan dito.

Thanks sis sa binigay mong FB page.

Update: may tumawag kanina, may interview ako bukas sa Cargo Village in dubai airport. Sana makapasok in God's will if para dun talaga ko.

Goodluck sa mga ibang naghahanap. Update update nalang. :)

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #210 on: October 15, 2014, 12:19:08 am »
Gusto ko lang ilabas yung inis ko mga sis.

May scheduled interview ako kanina. Ang aga ko dumating, 30mins early. Nilakad ko na from our house to metro sa sobrang hirap makakuha ng taxi at sa takot ko ma-late. Muntik pa ako masagasaan dahil may biglang sumulpot na car na humaharurot nung patawid ako.Basang sisiw na ako sa init.

Pagdating ko dun sa office nila katok ako ng katok, email sa hr na nasa labas nako ng office nila at call ako sa landline. Walang lumalabas para pagbuksan ako wala din sumasagot sa phone. I waited for almost an hour at sabi ng guard nakita daw nila yung pinay na nag ooffice dun eh lumabas ng building.  Ilang beses ako nag akyat baba from their office to reception area para magtanong though may elevator naman.

Around 12noon at wala na ako dun sa area, nagreply sa email yung pinay na hr, pasensya na daw at may biglaang meeting sya sa labas. (Sana manlang sinabihan nya ko pwede naman ako mag antay kung sakali). So sabi ko no worries, baka pwede pa ituloy yung interview ng afternoon para makabalik ako since di pa naman ako nakkalayo sa area. Hala, no response na. Next time, pag malaman ko kabayan yung mag iinterview sakin di ko na sguro pupuntahan. first interview ko din kasi eh pinay ang hr, grabe kahit kami nalng dalawa talagang pinipiga ako sa english at daig pa nya yung nag interview sakin na ceo sa isa ko pang interview before.


simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #211 on: October 15, 2014, 12:25:34 pm »
^ sis, wag mo nalang lahatin, Pinoy din nag interview sakin dito sa current job ko kasi pinoy ang HR manager dito, super okay naman sya. english kung english pero pagtapos ng interview, nagtanong pa ko kung kamusta ang interview ko at binigyan pa ko ng feedback. Pero, totoo yan, dati takot ako magpa interview sa Pinoy, kasi alam ko mabusisi sila at metikoloso, pero badtrip nga yang HR na kausap mo, napaka unprofessional! may mga pinalampas akong interviews dati sa Dafza dahil Pinoy din ang mag iinterview. mas nakakatakot kasi sila kesa sa ibang lahi. hehe

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #212 on: October 15, 2014, 12:42:12 pm »
Nakakainis talaga sis. Hindi ko nga pinuntahan yung isa kong interview na urgent din daw kasi nga parang mas gusto ko itong sinasabi ko. Pagkatapos ganun ang mangyayari. A simple [textspeak!] nga will do kahit pa mismong oras ng interview sya mag message sakin ok lang. Nag work din ako sa HR before under recruitment and hindi ko magagawa yun siguro sa applicant. Kasi I know most of them are struggling talaga to have a job lalo sa atin na marami nghihiram pa minsan ng pang apply na damit makapunta lang sa interview. Paano nalang kung ang natapat sa kanya eh tipong naka visit dito na talagang binabudget mabuti yung dala nya money tapos nasayang dahil sa pagka unprofessional nya. Pati oras nasayang. I hope di na nya maulit yun sa ibang applicant and last na sana yun ngyari sakin. Tsk tsk tsk

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #213 on: October 15, 2014, 01:01:08 pm »
^ sinabi mo pa. panget ang ginawa nya! sis, PM mo sakin, whatsapp pala ang company na yan. Kalurkey si Ate!

fall2pieces

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #214 on: October 19, 2014, 09:10:03 pm »
hi marami po bang job opportunities for business course graduate? ano po minimum salary dito? saka ano po hinihingi na docs sa immig dito sa pinas? thanks po

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #215 on: October 22, 2014, 11:18:20 am »
Hi mga sis, Update lang I have 2 offer na. Yung isa sa Bank yung isa sa Hospital. Bank ang experience ko and mas malaking company si bank tapos puro filipino pa kasama ko then halos same sila ng offer saken ni Hospital, so parang gusto ko na talaga sya kunin. but yung position na inooffer saken is Data Entry Clerk.

Yung sa hospital, di sya masyadong kilalang company pero malaki din naman, ako lang babae, ako lang filipino, kaya parang ayaw ko na sya tanggapin, pero maganda yung position na offer saken, Accountant.

In the end pinili ko si Hospital, at lahat ng relatives ko un ang mas pinili for me. Kailangan ko nalang pagtyagaan na ako lang babae at ako lang ang filipino kahit medyo mahirap. Hanggang ngaun nga parang napapaisip pa din ako if sana si Bank nalang ang kinuha ko na offer.


Hayy... bahala na. In Jesus name sana lang tama yung desisyon ko. 😌

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #216 on: October 22, 2014, 01:20:01 pm »
^ hi sis, if you don't mind, anong companies yan? And, magkano offer sayo at mga benefits na kasama?

amihan07

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #217 on: October 22, 2014, 01:20:40 pm »
^^ Wah buti ka pa sis may offer na. Ako 4 rejections, oo. Haha! Pero ok lang dun sa mga na-reject ako, understandable naman kasi kulang ako sa experience pero tinry ko lang. Kaya kong gawin yung work and naiintindihan ko, pero experience-wise kulang sa years. LOL.

Anyway, sana nga magkaroon man lang ako ng interview. Oct 10 ako dumating dito. Mag-2 weeks na ako sa Friday. Wala pa rin call for interview. Kaloka yung nangyari sa akin. Na-offeran ako ng work. Sa London daw. Mukhang legit sa una. Pero nung nagresearch ako, may ginaya silang ibang company! Kaloka! Sayang din yun, ang laki ng panahon na ginugol ko dun. Kazar. :(

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #218 on: October 22, 2014, 01:29:18 pm »
^share ko lang ulit. Yung pinay na nagsched sa akin ng interview tapos pagdating ko dun eh wala sya, nag email ulit sakin nung Sunday pinapabalik ako. So bilang nainis nako sa kanya ng konti, tinanong ko na muna if ok lang malaman salary range eh yung CEO daw magsasabi nun. Kaya di ko na nireplyan.

Last Saturday naman, pumunta ako sa isa pang interview bale final interview na sya kasi CEO na kumausap sakin. Matanda na sya kaya mukhang need na ng hearing aid. Lahat yata ng sinabi ko kailangan ulitin at pakalakasan ko talaga hahaha.... so after the interview, papatawagan nalang daw ako sa assistant nya. Eh di alis na ako. Maya maya tumawag na, pwede daw ba ako bumalik the following day for 3 day trial period. Medyo naloka lang ako. Now lang ako naka encounter ng ganun. Kasi wala naman daw pay at after ng trial period saka palang malalaman kung i-hire nila ako or hindi. Kaya di na ako bumalik. Hahaha... nghihinayang din ako dun kasi nagustuhan ko na nga un office kasi maganda naman talaga saka ok din naman ang work. Kaso parang, bakit may ganun pa na trial period.

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #219 on: October 22, 2014, 01:34:07 pm »
Sis amihan, ingat ingat nalang sa pag apply sis. Yung cousin din ni hubby naka visit ngayon. Nagmessage sa kanya may interview daw the other day kaso bogus daw pala. Di lang nadetalye paano naging bogus.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close