watch now

Author Topic: UAE Job Hunting  (Read 65527 times)

amihan07

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #180 on: September 01, 2014, 10:21:04 pm »
Pasali mga sisses! :)

Papunta rin ako ng Dubai on a visit visa sa October. Pero balak ko dito pa lang sa Pinas ay nag-aapply na ako a few weeks before I leave. Yung tita ko maraming connections sa Dubai dahil sa mga big time clients sa company nila so sabi nya matutulungan nya ako makakuha agad ng trabaho tulad ng anak nya. Wag lang daw ako sobrang mapili kasi tumatakbo ang metro ng visit visa. Lol. Kaso yun yung mga jobs na just to get by lang. Hindi ko talaga passion.

Actually, sales ang background ko. Kaso gusto ko sana hindi na sales kasi 6 days ang work ng sales. Nakakapagod din. Iniiisip ko subukan ang marketing para kahit papaano related sa sales. Pero sa totoo rin lang gusto kong maging financial analyst or nasa finance sector like forex trading or stock trading kasi nahihilig ako rito kaso hindi naman related sa finance ang course ko nung college. Though insurance agent/financial advisor ako ngayon and I took several financial planning and investing courses dito sa Pinas. Willing ako kahit magstart sa umpisa or at least mid. Habol ko rin kasi yung training. Pero sana makahanap ako ng work na ganito na pays well or at least reasonable. Haaayyyzzz... Good luck talaga sa akin. Super pray talaga.

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #181 on: September 02, 2014, 01:51:19 pm »
^ tama sis si tita mo, tumatakbo ang metro ng visit visa. 2 months lang, tapos exit ka for a month bago makabalik ulit. Anong salary bracket hanap mo dito, sis? Goodluck! Medyo malamig na yun. Keri na commute commute!

amihan07

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #182 on: September 02, 2014, 07:27:58 pm »
^ Sabi nga ng tita ko dapat in 1 month makahanap na ako ng work. 2 months visit visa kinuha nya. Kasi yung other month para sa pag-asikaso sa medical, residency visa, etc etc. Gusto ko nga sana ng trabaho na yung salary at least 10,000 aed para makapag-ipon ipon naman. Nakita ko naman sa mga salary averages dyan for a particular job ay possible naman yun. Dating sa akin depende sa company na mapasukan mo. Kung swertehin ka kahit wala ka pang gulf experience. Pero medyo matagal din naman na working experience ko rito sa Pinas. At least na ang 5000 aed kung wala talaga. Possible kaya sis makakuha ng job na 10k aed for a start kahit wala pa gulf experience? Ano masusuggest mo?  :)
« Last Edit: September 02, 2014, 07:29:30 pm by amihan07 »

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #183 on: September 02, 2014, 07:55:02 pm »
^ hmmm, di ko alam sis. possible, siguro oo naman kahit walang gulf experience, pero depende talaga sa company eh. yan ang masasabi ko. anong position ang gusto mong pasukan? 5k is possible talaga kahit walang gulf experience pero 10k, depende na yan sa company. okay ba sayo ang 5k na starting? i mean, baka mas malaki kita mo dyan satin?

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #184 on: September 02, 2014, 08:06:57 pm »
^posible nga siguro yung gustong sweldo ni sis amihan07 kung samahan ng madaming dasal at swerte  :) usually nakaka kuha ng ganyan na starting na sahod e civil engineer at CPA. yung friend ko dati, CPA sya tapos magandang kumpanya pa napasukan nya kaya more or less naka kuha sya ng ganong sahod. yung ibang friends ni hubby mga CE naman sila.

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #185 on: September 02, 2014, 08:32:06 pm »
^ chaka sis pag nakapasok sa semi-gov't or gov't companies. malaki talaga. naku sis, ako may ibang kilala na CPA, nasa 6k lang sahod. kaya depende talaga sa company eh. pero agree ako, pag mga engineers, kadalasan malaki ang bigay :)

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #186 on: September 02, 2014, 08:38:25 pm »
^oo sis depende talaga sa company. yun accountant sa company ng sister ko wala pa yata sa 10k pero pang ilang trabaho nya na yun. british company pa sila.

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #187 on: September 02, 2014, 09:17:54 pm »
^ yup, may kakilala naman ako, finance clerk sya pero 10k sahod nya. semi-gov't nga lang. depende talaga. sa old company ko, british company din at naka husband's visa ako pero less than 4k lang bigay sakin. sakit sa bangs! pero 2 years din ako dun ah. haha

amihan07

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #188 on: September 03, 2014, 01:19:54 am »
^ Sis, dahil nasa sales ako, kaya kitain ang 5k aed sa atin or more pa. Pero syempre sales yun. Kung wala kang benta, wala kang komisyon. Hehe.. Yes dating sa akin depende talaga sa company regardless of the position. May kaibigan nga ako nag-work sya 21 days lang as sales rep sa isang store ng isang kilalang mamahaling brand, 10k aed na agad ang sahod nya dun. Sales rep yun, at hindi tipong engineer or cpa.

Gusto ko anything to do with travel or finance na work. Both kasi ito ay interests ko. Kaso ayoko na sa sales kasi 6 days work sya. Ayoko na ng 6 days. Iniisip ko either mag-career change ako to marketing kahit start as marketing assistant ng isang successful company or maging trainee or assistant muna sa isang finance-related company (iniisip ko tipong stock or forex brokerage). 5k aed ok pa sakin kung wala na talagang choice and aayusin ko na lang situation ko once may residence visa na ako. Kasi computed ko na lahat ng gastos ko and lumabas 5k talaga ang realistic salary for me may kasama nang konting savings. Kaso konti lang yun and wala akong wants na isinama sa 5k kaya gusto ko sana 10k para mas marami maipon at matugunan ko rin yung ilang wants ko. Hehe.. :)

May nakita ako na possible ang 10k as marketing assistant pero it will all depend kung saang company. Sabi naman ng kaibigan ko malaki raw magpasweldo ang British and Arab companies dyan sa Dubai. Mababa raw kapag Indian companies. Yun pala hindi rin masyado kapag British. Lol.

Gusto ko nga rin i-try mag-apply sa government nila, para mas mahaba ang bakasyon (hehe) and yun nga feeling ko nga malaki ang sweldo na cinonfirm mo naman. May mga kaibigan yung isang matalik kong kaibigan na sa government sila nagwowork. Buti possible makapagwork ang Pinoy sa UAE government offices. :)
« Last Edit: September 03, 2014, 01:26:52 am by amihan07 »

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #189 on: September 03, 2014, 02:02:28 am »
^siguro sis kung marami ka ng kakilala dito na pwede mag refer sayo sa magagandang companies much better. Kasi kapag visit since ang pinaka goal mo is makahanap work in a short span of time eh baka 5k or less mapagtyagaan muna sa umpisa.

Ako naman andito nako, under husband's visa. Di ko pa kinakarir pag apply pero nagtitingin tingin na ako. Wala kami masyado kakilala dito kaya online application lang talaga ako aasa. Ayoko pa mag walk in at medyo mainit pa saka baka maligaw pa ako hahaha....

Yung classmate ko nandito din pala at sa sales sya work (fragrance). Balita ko maganda sahod nya baka daw nasa 8k. Siguro nga kasi maluho din sila ng hubby nya based sa fb posts at nakapagpundar na ng car at apartment.

amihan07

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #190 on: September 03, 2014, 12:14:24 pm »
^ Oo nga sis e. Pati mga kakilala ng mga kakilala ko nagpapatulong or magpapatulong ako. Hehe.. Actually medyo let's just say malakas ang loob ko kaya kahit di ko kakilala pero makakatulong sa akin sa paghanap ng job na gusto ko ay hahanapin ko at kikilalanin ko. Hehe.. Ang nireresearch ko lang ngayon ay sinu-sinong companies ang malaki magpasweldo sa Dubai and in line naman sa interests ko yung business nila. :)

Wish ko nga rin naka-husband's visa or father's visa ako pero not applicable. Para mas mahaba-haba ang oras makapaghanap ng work at makapamili pa ako. Pero mga tita lang ang meron ako dyan.

Iniisip ko nga kung makahanap ako ng work pero 5k aed lang tapos i-accept ko because of time constraint ay maghahanap ako ng ibang work while nandun sa job na yun. Magpapatagal siguro ako hanggang 6 months dun. Kaso yun nga ayoko ma-ban. Ok lang naman sa akin magbayad ng charges for not finishing the contract basta keri lang or reasonable naman yung fees, at sana makakuha ako ng NOC sa employer. Hehe.. Kaya nga napapaisip ako kung sa freezone ako maghanap din para anytime pwede magresign at makakalipat ng gusto kong work without paying anything or needing to get NOC. Sa ngayon, I'll just do my best to find my kind of work na ok ang pay and to know the right people. Hehe.. :)

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #191 on: September 03, 2014, 12:32:14 pm »
^ sis, marami ka naman palang kamag anakan at kaibigan dito, tama ang ibang sis natin, pa refer ka. kasi ang dami din talagang applicants dito, dameng kompetensya. sa 5k sis, kasama na rent + dewa mo? or may titirhan ka dito?

sa Sales, alam ko malaki magpasahod ang Chalhoub. sigurado ako dyan. maganda pa benefits! pero kung tipong Alshaya or Azedea, alam ko starting nila sa sales eh 3400-4k, mas malaki ang bigay sa ibang lahi (Brits, South Africans, Americans, etc). my husband works in Alshaya pero sa logistics department.

Ako sis, nasa Auditing firm. Okay bigay dito samin. partida, receptionist lang ako dito. try mo din mag apply online dito sa company na pinapasukan ko, pasok sa finance work na gusto mo.

Kung plano mo magpalipat lipat ng work, talon ka sa FZ company. or, dapat more than 5k ang sahod ng lilipatan mo. basta something like that.

^^ sis, sa Dubai ka or AUH? Nag aapply apply ka na? Never ako ng walk in! kasi receptionist ako eh, pag may nagbibigay sakin CV, kadalasan di nman kinukuha ng HR. kaya tapon lang :(

amihan07

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #192 on: September 03, 2014, 09:28:48 pm »
^ Yes ginagawa ko rin yun sis. Nagpaparefer ako pero just anything like else di lahat syempre nag-e-effort talaga. Like isa kong tita sinabi, sige titingin daw sya pero alam mo di naman talaga tumingin. hehe.. Yung isang tita ko naman na nag-asikaso ng visa ko kaya malamang yun nag-eeffort kasi mom and dad ko na ang nagsabi sa kanya plus maraming favors nagawa parents ko sa kanya and sa buong family nila, so syempre giving back lang.

Yes, isang company under Chalhoub yung tinutukoy ko na yung kaibigan ko ay malaki ang sinweldo na 21 days lang pero 10k aed na at sales rep sya dun. Not a highly technical position pero ang taas na ng sweldo. Kaso may kaibigan naman ako na nagwowork sa al tayer sabi marami raw na taga-Chaloub na nagtatransfer sa kanila at nagstestay nang matagal. You might guess na baka ibig sabihin nya ay mataas nga magpasweldo dun pero ang environment ay di ganun ka-friendly.

Anong company mo sis? Pa-PM sa akin. :) Kaso hindi finance or accounting ang course ko nung college so given that, ok lang sa akin magsimula from the start or assistant or trainee para matutunan ko muna ang pasikot-sikot. Sana may opening sa inyo for that. :)

Hindi ko naman balak magpalipat-lipat. Ibig sabihin ko lang let's say yung mga offer na makuha ko ay sa mga usual jobs na kailangan mo talaga tapusin yung term ng contract tapos nagkataon hindi ko sila hilig, napapaisip ako kung mag-aapply din ako sa mga freezone companies para kung magkaroon ng offer sa freezone at di ko rin hilig, at least madali lang umalis kapag nakita ko na yung job and company na hilig ko talaga. Gusto ko na kasi mag-work na gusto ko talaga yung ginagawa ko. Ayoko yung hinihintay ko na lang mag-uwian na or yung weekend. Hehe.. :)

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #193 on: September 03, 2014, 09:38:54 pm »
^ alam ko nga, Al Tayer at Chalhoub, malaki talaga magpasahod. di ko nagets yung friend mo na 21 days palang 10k na ang sahod. 21 days sya dito nkahanap na sya work sa Chalhoub or 21 days syang nagwork sa Chalhoub at 10k sahod nya? part time ba sya or full time sa Chalhoub may friend ako Supervisor sa Chalhoub, pero nsa 13k-15k lang ata sahod nya. pero maganda benefits. family status kasi. PM kita :)

amihan07

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #194 on: September 03, 2014, 09:54:08 pm »
^ part time lang yun sis. Parang may time na nangailangan ng promo sales people yung isang brand ng chaloub for 21 days and ganun yung sinuweldo nya. Hehe.. Pero nandito na sya sa Pinas. May isa pa akong friend na nasa al tayer din na 6 years na sya nagwowork dun pero starting salary nya 6 years ago ay 5k aed lang. Baka mas malaki pa rin talaga sa chaloub. Pero now syempre lampas 10k aed na sya. Ayaw nya lang sabihin yung saktong amount. Hahaha.. :)
« Last Edit: September 03, 2014, 10:05:27 pm by amihan07 »

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #195 on: September 04, 2014, 04:00:33 am »
Sis kristine- dubai ako. Dito lang kami sa DG. Di pa ako nag aapply sis pero sine save ko yung mga nakikita ko na gusto ko applyan hahahah... Kupad eh noh. Baka pwede mo din pm sakin sis yung name ng company nyo para try ko din dyan. :)

Nakakalula mga sis ang sahod sa sales. Sa sales nalang din kaya ang applyan ko hahaha kaso naman feeling ko di para sakin ang sales. Kumbaga kung ayaw ng customer bumili, eh di wag! Naku, eh di nga-nga din ako baka di ako maka quota pag ganun hahaha.... Plus, gusto ko same sched kami ni hubby importante ang quality time with him. Naks!hahaha

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #196 on: September 04, 2014, 12:44:19 pm »
^^ oo sis, tama kasi alam ko 500 per day ata ang ganyang part time sa Chalhoub. niyaya na ako mag ganyan dati, di ko lang gusto kasi on call yan. pano naman yung regular na work ko diba? di ko kayang isacrifice kasi pag di na kelangan ng part time, waley ka na din work.

^ sis, sa Deloitte & Touche ako nagwowork. one of the Big 4! :) 2 weeks palang din ako dito sa work ko. Front desk/admin ang work ko dito.

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #197 on: September 04, 2014, 05:12:39 pm »
Naku sis baka may hiring pa dyan for admin or hr tee hee!... :D

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #198 on: September 04, 2014, 06:58:31 pm »
^ sis, pasensya ka na ha. talagang online lang daw ang application dito samin. dame nagpapasa ng CV dito pero hindi nila tinatanggap. online lang :( punta ka sa website ng deloitte middle east.

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #199 on: September 04, 2014, 08:08:19 pm »
Eto sis nag register na ako. Oks lang at least nagka idea ako ano oks na company dito. Shukran sis! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close