watch now

Author Topic: UAE Job Hunting  (Read 65535 times)

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #160 on: June 26, 2014, 06:59:29 pm »
Next month, inshaallah nasa dubai na ako. Sana ibless agad ako ng magandang work pag nag start na ako sa job hunting.

glacy_rein

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #161 on: June 28, 2014, 02:09:03 am »
^yay summer season na sis. goodluck!

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #162 on: June 29, 2014, 03:32:40 pm »
Oo nga sis eh. Mainit pa kaya puro online muna gagawin ko pag aapply. Saka na siguro ako mag walk in kung wala pa din makita saka pag medyo lumamig lamig na. Enjoy ko muna time with hubby pagdating dubeeeyyyy hahaha....

kawen

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #163 on: July 27, 2014, 10:48:06 pm »
Mga sis any idea sa mga graphic designer jobs sa Dubai?

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #164 on: July 29, 2014, 02:10:52 pm »
^^ sis, kamusta ang job hunting mo dito?

Ngayon ko lang nakita tong thread na to. Nagustuhan ko dito sa UAE eh kahit hindi ka degree holder, pwede kang makapagtrabaho sa opisina. Medyo maliit lang ang bigay saakin dito sa pinapasukan ko, British company kame. Jusko, ang kuripot nila! I have friends na nagsasabi na mas malaki daw magbigay ang mga Arabic companies. Ewan ko lang din.

May nabasa ako na comment dito about sa mga nagiinterview na kapwa natin Pinoy, super agree ako. Sila ang mabusisi at mas masita sa grammar. Meron akong interview dapat last year sa DAFZA pero Kabayan ang manager na magiinterview, hindi ko pinuntahan! Nakaka intimidate!

Pansin ko din, pag kapwa pinoy ang naghahanap ng empleyado, tumitingin sila sa school na pinanggalingan natin sa Pinas.

Madalas ako nagpapasa ng CV sa Bayt, Naukri, Nadia, Gulftalent. I had 2 interviews na nakuha nila ang CV ko sa Gulftalent. Yung isa, Charterhouse (agency). Nainterview ako ng HR personnel nila, tapos she calls me everytime may offer na bagay sakin. Kaya nakakatuwa.

Pero kahit medyo maliit pasahod dito samin, parang ayaw kong umalis.. Petiks lang ang trabaho, maluwag sa absent/sick leave, etc.

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #165 on: July 29, 2014, 04:05:01 pm »
Hi sis. Di pa ako nagpapasa ng resume sis. Antayin ko na muna lumabas siguro emirates ID ko.next week papa medical na ako. Then job hunting na. Wohoooo!!!!

di ko pa rin kabisado dito, pero nakasakay na ako train, bus, and taxi kaya paunti unti kinakabisado ko mga lugar. Iniisip ko na nga paano pag may interview na ako kasi di naman pwede lagi mag leave si hubby para samahan ako. Is it safe if mag taxi ako mag isa?

entwife

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #166 on: July 29, 2014, 11:30:26 pm »
I think it's safe. Na-try ko pa nga yung parang mga colorum na sasakyan eh. Yung hindi naman taxi pero naghahanap ng mga pasahero. Pero I don't recommend it hehe.

Mas okay pa rin sa akin yung online application kesa sa walk in. Lakas maka-hina ng loob yung walk-in. Kapagod eh.  ;)

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #167 on: July 30, 2014, 12:15:19 pm »
^ Madalas mga Kabayan ang mga nagcocolorum. Pero, mas mahal kasi sila madalas sa regular na taxi, kaya mas okay mag taxi. Kaya humina na rin ang kita nila eh, kasi nagkalat na ang taxi dito.

chedz.03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #168 on: July 30, 2014, 10:57:59 pm »
Nga pala mga sis, baka may alam kayo vacancy for admin or hr jobs. Please let me know ^_^ TIA

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #169 on: August 29, 2014, 01:19:37 am »
Hi. Ask lang ako mga sis. We'll be in dubai by the end of september for job hunting. Ask ko lang regarding sa Immigration, mahigpit ba ngaun?

Ma-offload kaya kame?
Dalawa kasi kame ng boyfriend ko. Purpose namen is to travel lang.
Brother in law ko ang kumuha ng visa namen. Ako nakuhanan nya ng Affidavit of Support, pero si boyfriend wala kasi relative lang daw ang pwede kunan.

So if wala affidavit of support si boyfriend no chance ba na makasakay sya?

I have Employment Certificate to show na babalik pa ko.
Si bf may business Buy and Sell ng kotse pero wala syang business papers. Sasabihin namen sa immigration na vacation lang kame as couple before we start sa preparation ng wedding for next year so babalik talaga kame. I have enggagement ring naman. (Haha pakita ko pa talaga sakanya)

Tingin nyo ma offload kaya kame?
« Last Edit: August 29, 2014, 02:06:38 am by hermione28 »

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #170 on: August 31, 2014, 03:06:59 pm »
^ hopefully, hindi naman sis. pero minsan talaga depende sa IO yan eh. Anong work hanap nyo, sis?

Update pala sakin. Nakaalis na ko sa old job ko, nakahanap ng mas okay na work but still, same position. better pay and benefits lang. Salamat sa gulftalent :)

hermione28

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #171 on: September 01, 2014, 12:21:36 am »
Worried kame kasi nga walang affidavit of support si boyfriend.

Accounting kasi kame parehas pero ako galing sa bank dito sa pilipinas sa branch ako hindi accounting. Sa gulf talent din kame nag apply sana swertehin.

Good for you sis! Gano ka na katagal dyan sa dubai?

bhey0624

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #172 on: September 01, 2014, 12:01:21 pm »
^tourist visa kayo no? baka it will help if bf has a proof of hotel reservation. kasi most likely ang question nila is where mag-stay si bf mo if he has no relatives in uae.

@simplykristine, congrats sis! ako, hindi pa makaalis.. ok ok pa ko dito.. wag lang nila akong iteterminate lol

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #173 on: September 01, 2014, 12:49:54 pm »
^^ 2 years and 6 months today to be exact! Yes, sa gulftalent ako nakakuha ng mga interviews na from big firms at okay ang pay.

^ thanks, sis! Buti nga nakalipat na, jusko, tatanda ako sa old company ko na walang maiipon! Dito, okay ang benefits, kasama maternity at pag naapprove, kasama si K sa insurance ko at ticket. Hayy, wish me luck, sis!

bhey0624

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #174 on: September 01, 2014, 01:53:51 pm »
^bongga ang ticket for K! sana ma-approve.. kami kasi kasama naman ang maternity sa medical insurance, yung sa kids naman covered ng company nila hubs.. sana maambunan din kami ng pa-ticket nila  ;D wishing lang hehe

sana ok na yang company na nalipatan mo :)

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #175 on: September 01, 2014, 03:29:30 pm »
^ okay naman na sis. MNC sya. so, medyo nahirapan ako sa transition from SME to MNC. Still adjusting pero kaya naman. Inapply ko na maging head of the family ako kasi konti lang taas ng pay sakin ni hubs, baka maconsider nila. pero ang rule talaga ata eh dapat mas malaki ang pay ko kay hubby para automatic na sabit sakin si K. natuwa ako at may Life Insurance! bwahaha! ang babaw.

May isa din akong contact sa Charterhouse (Agency), lage nya akong tinatawagan kung meron bagay na position for me. at pasok sa location at pay na hinihingi ko.

bhey0624

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #176 on: September 01, 2014, 03:40:40 pm »
^galing! eng eng question lang, ano yung SME and MNC?  ;D

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #177 on: September 01, 2014, 04:36:10 pm »
^ Small Medium Enterprise, Multinational Company. bwahahaha!!!

bhey0624

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #178 on: September 01, 2014, 05:29:49 pm »
^ahahaha naku hindi ko nga mapi-figure out yan! buti na lang sinabi mo. good job sis! sana maapprove ang application mo para naman maka-save sa checkups and ticket ni K :)

simplykristine08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #179 on: September 01, 2014, 05:53:07 pm »
^ True, and hindi naman namin plano umuwi yearly. every 2-3 years kame, so pang tuition na din yung tickets naming 2 diba?

May tumawag sakin isang agency just now, may vacant position silang inoofer, Al Futtaim naman. BWahaha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close