watch now

Author Topic: UAE Job Hunting  (Read 65330 times)

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #60 on: July 11, 2013, 04:02:12 pm »
^^Sis Lizi so true lahat ng sinulat mo. Mababa na talaga ang offers esp daw pag visit visa.

Most of those kababayan na maayos ang work dito sa Dubai and earning ok, it took years bago narating yan.  Hindi sya instant nangyari. Yung iba nagsimula sa mababang sweldo.  Kaya kelangan pagpupunta dito sa Dubai, or any other country may game plan ka.  Research research din pag may time :) 

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #61 on: July 11, 2013, 04:21:20 pm »
korek sis Myealexis21, hindi instant nangyayari na maganda kaagad sahod mo dito. meron lang talaga mangilan na swerte na agad pag bagsak dito. ako nagsimula sa 3k pero ang exchange rate nun e nasa PHP 15 pa ang AED 1. that was 2005 yata.

bhey0624

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #62 on: July 11, 2013, 04:28:36 pm »
makikigulo ako dito hehe.

ang ganda nung offer kay viDai09 if totoo. so agree ako sa other sisses here to double check yung company. baka kasi pang akit lang nila :(

@lizi, i actually thought Al Jaber is a good company kasi diba ang laki ng company na yun? nasa construction industry din ako and australian owned so ok lang. mahirap lang sa construction companies pag project based ka, walang kasiguraduhan na may work ka ulit pag natapos ang project nyo. Unlike pag office position ka, mas secured ka. awa ng Diyos, 6yrs na ko dito sa current company ko. gusto na nga akong ilipat ng MD namin sa dubai office, eh kaya lang hindi nya ko mailipat kasi kasama ko ang family ko sa abu dhabi hehe.

naku and I agree na hindi instant na malaki ang sahod! 2005 ako dumating din dito and AED 2000 lang ang sahod ko.


Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #63 on: July 11, 2013, 04:58:29 pm »
sis bhey0624, kala ko rin maganda al jaber. nagiging kliyente kasi namin sila paminsan minsan. tapos kinukuha din sanang kliyente nina hubby sa company nila.
nung 2005, pag 2500 or 3k ang offer sa yo, grab na yun ;D yun isa kong inapplyan 2750 ang offer. di pa ginawang 3k me butal pa ;D

Lizi

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #64 on: July 11, 2013, 05:02:52 pm »
correct! kahit saang country, you should know the demands for the job! tulad na lang kung balak mag-migrate sa canada, just b/c canada yun, basta basta na lang ako susugod. i mean, i need to know kung ano ang magiging buhay or mgiging work ko dun bago ko magdecide na lumipat. im earning okay dito sa uae, tapos baka mababa lang ang sahurin ko sa ibang lugar. so you really need a plan bago sumabak at makipag-sapalaran.

Ganyan kasi mga ngyayari sa kababyan natin na napapahamak sa ibang bansa. masabi lang na nakaalis pero buwis buhay naman. wag naman ganun. it's not worth it.

@bhey0624, ang alam ko at rinig ko based na din sa kaofficemate kong taga-AJ (since Joint Venture project nila ang co. nmin) mababa lang ang sahod nila. Ultimo mga engr maliit lang. parang mga-arabo or arabic speaking lang yata ang kumikita ng malaki duon. Kasi one time, yung PM ng AJ niyaya hubby ko na lumipat sa kanila, pina-pirate ba siya, ang advise ng QC engr. nila " sir, nasa magndang kama ka na humihiga, bakit gusto mo pang matulog sa lapag?" ganun daw ang sabi s kaniya, so i really think, mejo hindi din maganda sa kanila. baratan ba.

When i started sa Qatar, 3K starting ko sa company (which is co. ko padn til now).. at ang palitan pa nuon ay 13Php.
« Last Edit: July 11, 2013, 05:14:01 pm by Lizi »

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #65 on: July 11, 2013, 05:29:14 pm »
korek sis Myealexis21, hindi instant nangyayari na maganda kaagad sahod mo dito. meron lang talaga mangilan na swerte na agad pag bagsak dito. ako nagsimula sa 3k pero ang exchange rate nun e nasa PHP 15 pa ang AED 1. that was 2005 yata.

You are more fortunate than me.. I started with AED1250 + tips + service charge.  Pumapalo din siguro ng AED2000...way back in 2004.  But I do have accommodation + transpo + food.  Typical hospitality industry salary + benefits :)

correct! kahit saang country, you should know the demands for the job! tulad na lang kung balak mag-migrate sa canada, just b/c canada yun, basta basta na lang ako susugod. i mean, i need to know kung ano ang magiging buhay or mgiging work ko dun bago ko magdecide na lumipat. im earning okay dito sa uae, tapos baka mababa lang ang sahurin ko sa ibang lugar. so you really need a plan bago sumabak at makipag-sapalaran.

Same here Sis.  Although may plans din ako for Canada in 5-7 yrs. or if hindi mag-work yan uwi ako ng Pinas.  Or if maganda pa rin ang sitwasyon ko, stay pa rin dito sa UAE.  Ayoko lang kase dito no chance for you to settle here for good. 

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #66 on: July 11, 2013, 05:36:06 pm »
sis Myealexis21, up to now yata ganyan pa rin ang ang sahod & benefits sa hospitality industry. or tumaas lang ng konti. 1300 na nakikita ko yata.

sis Lizi, ganyan din kaya umalis yung friend ko dito. ewan ko kung nasa 40k na sweldo nya dito kasi CPA sya, pero umalis sya kasi sabi nga nya mamatay ka man dito, di ka magiging citizen. hayun nagpuntang SG kaya lang di rin magiging citizen, so ngayon nasa Australia na sya ;D

Lizi

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #67 on: July 11, 2013, 05:48:57 pm »
actually mga sis, niyaya ako ng tita kong nurse mag-migrate sa canada kasi ang naiisip nga niya, matanda na siya at may maiiwang mga ampon na pinag-aaral pa kaya gusto niyang mapa-ganda din ang kinabukasan nila kapag sa canada nanirahan b/c sa mga entitlements kapag naging cotozen na duon. ang sa akin lang kasi lalo na wala akong profession like yung mga nurse or engr. Advertising grad ako but wala akong experience sa ganung field, ayoko naman na mag-work ako sa mag restaurant or hospitality mas prefer ko sa office kasi mas yun ang strength ko hindi ako uubra sa matinding pisikilan na work.

pero tama kayo, hindi pang lifetime ang work dito sa UAE hangga't kailangan ka lang nila. Kaya mas mabuting mag-ipon ako for security eh then tska na lang ako mag-iisip palabas ng middle east kapag talagang it kailangan na. ang gusto ko kasi dito sa middle east,  like yung sa company namin, may housing allowance ka na, libre pa sa transpo. bibihirang company lang din kasi yung marunong mag-alaga sa mga empleyado nila. kaya ayoko pa talaga munang umalis dito. wala pang tax.

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #68 on: July 11, 2013, 05:59:54 pm »
^^40K AED Happy Mom? Siguro nakaipon na sya kaya malakas loob magcross country

Yeah mababa pa rin sa Hospitality industry ang pagpapasahod.  Siguro yung position ko before nadagdagan naman...siguro around 1500AED na :)

^Same concerns here Sis Lizi, baka wala akong mahanap na work dun.  And I want din kase na may ipon ako and extra money din if I ever decided to migrate somewhere. 

Life here in UAE is actually nice.. one job can give you a simple life.  Samantalang sa ibang lugar kelangan pa doble kayod to afford that kind of lifestyle.  Kuntento na ako dito...for now :)

 

entwife

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #69 on: July 12, 2013, 09:41:53 am »
I like reading your posts sisters. So basically, UAE is only for the working people. Not really a place to settle.

How are Filipinos treated naman in UAE? In a workplace, malakas ba ang discrimination or okay lang naman?

Sale and Cepu Pacific. Piso fare to Dubai!

Akeir

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #70 on: July 12, 2013, 01:50:14 pm »
Sabi ng friend ko lakasan daw ng loob sa paghahanap ng work..
Positive na makahanap ng work dyan as admin staff/secretary/pwede rin sa HR.
Dapat ba may prospect na ako na company dyan habang nandito pa ako sa pinas?(current work)

Lizi

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #71 on: July 13, 2013, 12:57:25 pm »
@entwife, hi sis, not only in UAE, lets say sa middle east. as long as they need you, walang prob. tuloy lang ang income. kung gusto mo talaga mag-save, maganda dito kasi they will provide you accommodation and transpo, sa mga construction company, they can even have your lunch free. i have a frined in U.S, mas malaki kinikita niya sakin but she has 3-4 jobs mula umaga until afternoon yata. plus mahal daw ang rent niya sa flat niya.

and discrimination is everywhere. hindi yun maiiwasan. pero in my experience, tolerable naman. yung mga amo namin dito na germans tska mga briton, mas gusto nila tayong mga pinoy kesa jan sa indyano. mga germans naman, kahit mali na sa trabaho, sila pa din ang tama. actually, kahit mga kababayan natin meron din tayong discrimination eh, pag ka mga western we call them sirs/mams pero pag kalahi natin or mga kapitbahay nating bansa, first name basis lang.

@Akeir, your friend's right. im sure makakakuha ka ng work. ang mga pinoy ay maabilidad, so i can guarantee you na you can get a job here. nung nasa Qatar ako, i was on a toursit visa. 1 month valid. naghanap ako ng work kinabukasan with the help of my bf (now husband), everyday i was accepted, namili na lang ako depende sa offer. until sinuwerte at kinuha ko yung offer na same company ng husband ko.

mas madali pa ngang applyan kapag ang interviewee ay ibang lahi, yung mga kababayan natin dito sa offfice ang susungit, koting wrong grammar taas kilay agad. eh yung ibang lahi they dont care as long as they get your point.

Dapat ba may prospect na ako na company dyan habang nandito pa ako sa pinas?(current work)

yes, or you'll end up landing on a wrong job. dapat meron kang target, or sa CV mo pa lang andun na yung gusto mong position. kasi, kapag nagipit ka na sa validity ng visa mo, mamaya nyan kagatin mo na lang maliit na offer kasi you dont have a choice, which is yan ang ginagawa ngayong ng ibang companies. good luck sis.

Akeir

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #72 on: July 13, 2013, 01:35:22 pm »
Thanks sis @Lizi. Ganun pala, kahit kapwa natin pinoy sila pa mismo pwedeng manliit or ayaw umasenso kapwa pinoy. Sige, try na ako mag search ng mga job vacancies dyan. Halos ayaw ako paalisin dito sa work pero my husband and i decided to take another step. Although ako muna aalis with my sister. Sana walang hassle sa IO dito sa pinas!haha yun lang naman ang worry ko since ang dami ko na nabasa about offload..
This thread is so helpful. Sana marami pang sissses na makapag share sa ating lahat na nais makarating at makahanap ng work dyan=)

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #73 on: July 13, 2013, 02:25:57 pm »
sis Myealexis21, yung 40k na alam kong sahod nya e alam ko mababa pa yun sa actual na sahod nya. ayaw nya lang sabihin, nung andito kasi binayaran nya ng buo yung condo nya na ni loan nya sa pinas tapos nakabili pa sya ng 10 hectares na farm sa province nila. umalis lang talaga sya rito kasi nga hindi ka naman pwedeng forever dito. tapos while he was in SG nag apply nga sa Australia, employment visa din sya nagpunta dun.

sis Lizi, tama ka sa mga kabayan natin. misan sila pa talaga ang mapang lait dito at ayaw nila ng nasasapawan. misan naman alam mong pinay ang kausap mo, tapos pag tinagalog mo, ay naku tuloy pa rin sa kaka english kahit halata naman hirap sa kaka english ;D sister ko, mas hirap syang pakisamahan yung pinay na admin nila kesa sa mga amo nilang briton. british co. kasi sila, puro kabayan ang mga empleyado at briton.

gracita13

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #74 on: July 13, 2013, 02:46:07 pm »
hi mga sissies just wanna share my "suntok sa buwan" experienced here in abudhabi.2years na ako last May lang dito.LDR kame ni bf (now my husband) gustong gusto na nya umuwi sa pinas dahil anhirap talaga na magkalayo kame as in 2months na lang uuwi na sya.naisip ko pag umuwi sya ng pinas anong magiging trabaho nya?CSA? magkano lang ba ang sahod sa ganun comparing sa kinikita nya dito.pwede din chef pero anhirap daw talaga lalo na kung hindi mu naman sariling business at may restau kang sarili dahil sa hotels hindi naman talaga ganun kalaki pagod pa daw sya ng sobra.so inopen ko sakanya "what if" ako ang magpunta sa abudhabi try lang.nagpaalam ako from my previous work hindi nila ako pinagresign bibigyan lang daw nila ako ng indefinite leave anytime kung gusto kong bumalik pwede so isip ko walang mawawala kung magtry nga ako sa auh at kung walang makitang work may babalikan naman pala ako.after a week may tourist visa na ako.anhirap makapasok dito kung wala kang kamag anak or syempre kung under agency ka wala ng prob.ti-nry lang ni hubby na i-fiancee sponsorship ako as in suntok sa buwan talaga kung makakalusot ako sa IO naten sa pinas.thanks God nakalusot pero dalawang IO ang nag interview saken andaming tanong ilang years na kame.ano bday nya magkano dala kong pera & so on, hinanapan ako ng mga id's kung san ako nagwowork at nung sinabe kong empleyado ako ni singson ayun natigil din tanong nila  :P nung andito na ko sa auh target talaga namen na sa office ako makapag work dahil kung sa sales paguran at hindi kame magkatulad ng off dahil usually weekdays ang off pag sa sales.sa office naman weekends talaga at ang daming holidays dito so swerte kung sa office talaga  ;D ayun sinwerte after a week natanggap ako as an admin assistant.sagot ang pag exit ko (A to A airport to airport ).after 3mos tinaasan na nila ako at may mga bonus din lalo na pag may new project.kung discrimination ang pag uusapan hindi mawawala yan pero masasabe ko lang in demand talaga ang mga pinoy dito like netong amo ko lahat kame mga pinoy,indiano lang sa typing namen,mas tiwala kasi amo ko sa mga pinoy,masipag at pulido daw gumawa,ganun din sa hubby ko madami din silang pinoy pero mas ok ang company nila hubby kasi french ang amo kesa sa sudanese kong amo hehe ;D OT walang bayad buset! ;D so talagang swertehan lang pag nangibang bansa.swertehan sa amo at yung mga puti ok talaga.
ok manirahan dito magaan ang buhay.may law na sinusunod at dapat sundin talaga.mas feel ko nga mas safe ako dito kesa sa pinas sa totoo lang ;D pero yun lang kahit 30years ka na dito wala silang citizenship.ang mahal pag andito buong pamilya mu.
so sa mga sissies na gusto mag work dito go lang! pray pray pray ang sandata that God will lead you & your plan will succeed according to His will.

Goodluck sissies!!!

entwife

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #75 on: August 22, 2013, 01:54:19 pm »
ano ng nangyari kay sis vidai09?


viDai09

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #76 on: August 24, 2013, 10:01:37 pm »
ayun andito pa din ako sa pinas. wala pa naman akong nilalakad na kahit ano for dubai. parang di pa ako ready malayo sa pamilya lalo na at malakas ang home sick ko. pero as of now my work naman ako as Tech support sa convergys. sana mag tuloy tuloy na ito para at least di na ako umalis kasi makaka ipon naman sa convergys ;) peri kung maganda nag feedback mula sa tita ko baka i-push ko din ang dubai di ko na kasi masyadong kinukulit sa update ee.. pero balitaan ko pa din kayo ;)

entwife

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #77 on: October 01, 2013, 02:46:36 pm »
May makakapagshare pa ba ng exp nila about UAE job hunting?

How did you present youself pala sa Immigration Officers ng Pinas nung palabas kayo?

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #78 on: October 01, 2013, 03:42:30 pm »
^I was hired directly from Pinas so wala ako nyan Sis.  But my brother and his friends nakita ko pano sila naghanap ng work dito sa Dubai.  Sipag at tiyaga, isama na ang lakas ng loob.  Use every way possible - apply online, go to offices and leave your CVs, ask for your friend's referral, etc.

Papunta ka na ba dito Sis? timing hindi na ganun kainit so hindi ka na mahihirapan kapag nag-aapply ka.

Oh and if you apply online, meron ka marereceive na mga emails like you need to go to Ajman... ignore that, I heard its a scam (maybe its legit din, parang agency tapos they will ask money from you para iprocess ang papeles mo)

I use to post my CV at Bayt, monstergulf (may mga tumawag sa akin but I never went to any interviews), yung bro ko even posted his CV at Dubizzle.com and he got several job interviews.

I hope this helps :)

entwife

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #79 on: October 01, 2013, 03:52:10 pm »
Sis this December yung plan. Hindi pa naaayos nung friend ko yung visa kasi nagpalit nga daw ata na naman ng rule. Magiinquire sya uli sa agency.

May account ako sa Dubizzle and I use it to apply online. May nag-email sa akin for an interview, kaso sa Dubai yun eh andito pa ako Pinas.
Nakahanap na ng work yung brother mo sis?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close