watch now

Author Topic: UAE Job Hunting  (Read 65372 times)

entwife

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #40 on: July 09, 2013, 11:05:08 am »
sis jendan03, change of plans ako. May tumawag kasi na agency sa akin. Kaso hindi for UAE. I'm already processing my papers,. hopefully before the year ends makaalis na. But I still check this thread for back up plans just in case. :)

jendan03

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #41 on: July 09, 2013, 04:04:32 pm »
ah good for you... goodluck! :)

viDai09

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #42 on: July 10, 2013, 08:10:30 am »
hehe parang gusto ko na kalimutan ang natapos ko na IT hehe at mag GO GO GO na sa dubai. di ko pa natanong kung anong name ng company pero ang salary range sa 50-70K. dito sa pinas 3-5months kong kikitain ang 70k na un haha..kung hindi receptionist ee sales lady daw un..ok bang trabaho un dyan sa dubai?may work na ako ngayon dito pero kukuha pa din ako ng passport..yung mga pinsan kasi ng tita ko renew na lang ng renew tapos pabalik balik na lang..kasi nga every 6 months yung uwi sagot pa ng company pero baka 2 weeks lang daw un..

sis myaelexis21 ano po bang work nyo dyan?

entwife

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #43 on: July 10, 2013, 10:57:14 am »
Sis vidai09,. Curious lang ako.. Dahil ba dun din nagwowork yung tita mo kaya inoffer sayo yung job? Ang dami ko kasing naririnig na hirap sila maghanap ng work sa UAE. Yung iba halos maexpirean pa ng visa and hindi ganun kalaki ang offer for receptionist.

I dont know since andito naman ako. But goodluck sis.

Akeir

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #44 on: July 10, 2013, 01:26:03 pm »
mga sis how about admin staff? magkano kaya salary? di ba mahirap maghanap ng work?
im planning to go there on september tourist visa. sana makahanap agad ng work.
I've heard na pag tourist visa ang iooffer ng company maliit daw.is it true?

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #45 on: July 10, 2013, 02:48:23 pm »
sis viDai09, tanong mo mabuti kung ano name ng company. parang masyadong mataas ang offer para sa sales lady ang 70k, yung asawa kasi ng pamangkin ko nasa mga 40k lang pero magandang company na dito ang employer nya. pag nalaman mo name ng company research mo. or pwede mo rin banggitin dito kung ok lang sayo para alam namin kung ok nga iyon. pero kung totoo na ganon ang offer, mas maganda. kasi bihira na ang nagbibigay ng ganyang sahod ngayon tapos ang vacation mo every 6 months pa. boggang bongga ang company na yan. ;)

ang medyo mataas ang bigay dito ang sa mga engineer at kung westener or arabic ka.

sis Akeir, ang sister ko sa admin. nasa 66k+ na sya ngayon. 4 yrs na kasi sya sa company nya pero nag start sya sa 35k lang. kahapon naman me nagpapahanap sakin secretary daw, ang bigay nya 35k din.

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #46 on: July 10, 2013, 04:04:28 pm »
hehe parang gusto ko na kalimutan ang natapos ko na IT hehe at mag GO GO GO na sa dubai.
Sis you can always go back to IT.  Stepping stone mo lang yang position na yan.  Like me nagsimula din ako sa receptionist sa restaurant, then nagapply ako for an office position.

yung mga pinsan kasi ng tita ko renew na lang ng renew tapos pabalik balik na lang..kasi nga every 6 months yung uwi sagot pa ng company pero baka 2 weeks lang daw un..

Renew ng renew? ng alin Sis? ng Passport or Visa or Contract?

sis myaelexis21 ano po bang work nyo dyan?

Sa Admin ako Sis.  Personal Alalay LOL!

mga sis how about admin staff? magkano kaya salary? di ba mahirap maghanap ng work?
im planning to go there on september tourist visa. sana makahanap agad ng work.
I've heard na pag tourist visa ang iooffer ng company maliit daw.is it true?

magkano kaya salary?
Admin Salary naglalaro yan from 3k to 20k :) depende kung anong admin position.  Yung 20K are long time PA of top top people in the company / Executive Assistant / Admin Manager / Office Manager.

Iba ang offer ng nasa hospitality industry, mas mababa pero nagsisimula na ata from 2.2K + accommodation + transpo + food.  Kaya sabi ko dun sa gf nung bro ko dati if you are starting here you really need to look for a job na may accommodation kase if 3K lang sila and no accommodation lugi ka.

di ba mahirap maghanap ng work?
Mahirap kung mahirap kase its a new place for you.  Iba ang culture. Pero wala namang mahirap sa taong masipag, matiyaga at pursigido.

But you really have to go out there and use all resources - walk in, apply online, etc. 

I've heard na pag tourist visa ang iooffer ng company maliit daw.is it true?
It's somehow true na maliit ang inooffer ng company if you are on a tourist visa, as I wrote previously.  But if ex-Dubai ka na, or if maganda talaga ang work experience mo then you may be able to get a better package.  Pero don't worry may mga sinuswerte naman at nakakaland ng magandang job offer. 

sis viDai09, tanong mo mabuti kung ano name ng company. parang masyadong mataas ang offer para sa sales lady ang 70k, yung asawa kasi ng pamangkin ko nasa mga 40k lang pero magandang company na dito ang employer nya. pag nalaman mo name ng company research mo. or pwede mo rin banggitin dito kung ok lang sayo para alam namin kung ok nga iyon. pero kung totoo na ganon ang offer, mas maganda. kasi bihira na ang nagbibigay ng ganyang sahod ngayon tapos ang vacation mo every 6 months pa. boggang bongga ang company na yan. ;)

I totally agree with Happy Mom.  Yan din ang concern ko pero sabi ko baka ako lang natataasan sa offer :)  Ingat lang tayo Sis viDai09, kase ayoko mawalan ka ng gana pagdating mo dito at hindi yung ineexpect mo ang aabutan mong work at benefits.

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #47 on: July 10, 2013, 04:28:01 pm »
sis Myealexis21, isa pang concern ko, mag po process pa lang ng passport si sis viDai09, kung open yung position na sinasabi nya dito, baka ma unahan sya. sa dami ng nag apply ngayon na nandito na. pwera na lang kung willing to wait talaga yung company para sa kanya. sana malaman nya agad kung ano pangalan ng company.

sis viDai09, wag ka sana mag isip na atat kaming malaman ang name ng company para kami ang lumipat dun dahil maganda ang offer. gusto lang namin maka tulong. kung me trabaho ka kasi dito di ka naman basta basta makaka lipat ng company. joke lang yun mag aapply na kami dun hehe... gusto ka lang namin matulungan na ok talaga yang papasukan mo na company. sabi nga ni sis Myealexis21, baka hindi yung ineexpect mo yung dadatnan mo. sobrang nakaka dismaya yun lalo na kung gagastos ka ng malaki sa pag punta mo dito. 8 years na rin ako dito so more or less me alam na rin kahit konti kung ano dapat expect dito  ;)

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #48 on: July 10, 2013, 05:13:03 pm »
^I think she still has time kase parang may nabanggit sya na sa September pa ata...

Actually nung sinabi ni Sis viDai09 yung 50K-70k, napaisip ako na pwede nga itong range na ito.  Nabanggit kase niya at first 70k kaya lahat tayo nawindang LOL!

I know dati, early 2006 yung katrabaho ko na Uzbekistan nag-aapply sa mall, around 4K daw sahod ng Sales Representative (aka sales lady) sa MOE, sa Debenhams ata yun.  Tapos yung pinsan ng kakilala ko here, earlier this year lang nakajackpot ng position sa Armani ata, around 5K naman ang sweldo.  So possible yan.  Some do provide accommodation, sharing ata sa studio flat (max 3 person) or 4 sa one bedroom apt.

I am curious about the company, but not to the effect na lilipat ako doon.  I am very happy where I am right now.  Sayang din ang gratuity kapag iniwanan ko na less than 10yrs ako dito hehe :)

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #49 on: July 10, 2013, 05:35:02 pm »
^ah ok. september pa pala. kala ko open na sya ngayon, alam mo naman dito. mas marami applicants kesa sa vacancy ;D

usually ganon nga daw yung sweldo sa sales lady sa malalaking shops. 4k + commission yung iba. pero yun asawa nga ng pamangkin ko, 3k or 3500 w/o accomodation. yearly ang vacation with ticket.

sa Armani sigurado mataas talaga sweldo dun.
 

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #50 on: July 10, 2013, 06:09:25 pm »
^Swerte swerte lang talaga Sis. Kaya dapat talaga pag isipang mabuti yung offer.  Minsan kase sa biglang tingin lang maganda.  Parang credit card, ang daming hidden charges hehe.


Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #51 on: July 10, 2013, 06:13:32 pm »
^oo nga, swertihan talaga ang pag aabroad o kahit sa pinas pa. pag isipan at siguraduhun ni sis viDai09 yun offer.

tama ka sa credit card hehe. dami napahamak dyan. sarap mag kaskas pag huli, dusa na kapalit. :-\

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #52 on: July 10, 2013, 06:59:37 pm »
^Isa na ako dun... sarap lang magkaskas pero pag bayaran na iyak.  Use to have 3 - 4 cards, pero now isa na lang active para lang sa online purchases.  Buti na lang nabayaran ko na yan and never ever na ako uulit :)

May mga magagandang offer din sa ibang Emirates ng Dubai mga Sis... I know a friend Pharmacist sya, nag-offer sa kanya yung isang Pharmaceutical company in Ras Al Khaimah, 8K aed + accommodation + transportation.

I have another friend, Medtech in Al Ain.  I think around 8-10K naman sahod nya or baka more than that pa nga.

Good thing about the other emirates is less ang cost of living.  Yun nga lang kapag sanay ka sa City life, maninibago ka.

Akeir

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #53 on: July 10, 2013, 09:06:42 pm »
thanks @happy mom and @Myealexis21..

ok naman pala offer na salary. Kaloka na kasi dito sa work ko. I'm about to resign na this week. hopefully maka pahinga ng one month and anytime soon sa September na target to go sa Dubai.
Baka may alam kayong ma refer na work? hehe..ask ko [textspeak!] friend ko kung san location nya..Sana may makilala ako sa inyo in person=)

princeza08

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #54 on: July 11, 2013, 01:11:25 am »
paano po kukuha ng tourist visa? need ba may kamag anak o kahit wala? paano po kaya process? thanks.

viDai09

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #55 on: July 11, 2013, 07:43:59 am »
mga sis 50k-70k pesos po ata ito haha.. if ever na ganito ang offer ok na po ba iyon para sa isang receptionist or sales lady?

di pa po nagrereply sa company name eh sa chat lang po kasi kami nakapag usap. pero sasabihin ko po dito para mabigyan nyo ako ng backgraoud hehe. ok lang po ba yon?

sabi kasi ng tita ko hiring daw yung company maybe sa september pa kasi parang pinag reready  lang kami haha

sis myealexis21 renew ng contract :)

sis happymom yun din ang nagustuhan ko makakauwi every 6 months sagot pa ng company kaso baka 2 weeks lang yun.

sis entwife parang ganun na nga kaso kinuwento lang naman toh sakin at parang napansin na interesado ako sa salary hehe. kasi pumunta ata dito yung may ari ng agency na may imeet na client from singapore tapos sinabay na din yung paghahanap kasi mag hire daw sila puro kamag anak nga lang daw eh kasi yung pinsang ng tita ko matagal na daw sa company kaya ganun.

mga sis confirm ko na lang yung company name pati agency name. tapos pengeng background ah. as of now focus muna ako sa work ko as tech support sa unang sahod na ako kukuha ng passport hehe. na eexpire din ba yung passport kung hindi ko magagamit or kung hindi ako matutuloy dun sa dubai?

thanks sa concern mga sis :)

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #56 on: July 11, 2013, 01:43:52 pm »
sis Myealexis21, ako 1 lang CC ko, extension lang ako ni hubby pero di ko ginagamit. sister ko gumagamit dati, kasi ayaw namin sya pakuhanan ng sarili nya dahil nga sa dami ng hindi magandang nangyari sa ibang kabayan natin. i have 1 friend na umalis na dito. dami pala naiwan personal loan at sa CC, ako kinukulit lalo n nung DUNIA, ako pala binigya nyang reference ng hindi ko alam :(

oo sa ibang emirates makaka ipon ka dahil mababa nga cost of living. ang mura ng rent ng bahay. yun nga lang tama ka, pag sanay ka sa city life e mahohoemsick ka talaga. si hubby nag trabaho sya sa gov't of RAK. uwian sya araw araw sa dubai. after 6 months bumalik ng dubai ;D

sis viDai09, sige mention mo name ng company dito baka sakaling alam namin. 5 years bago mag expire ang passport. ilang taon ka na nga pala. ok na ok yung salary na 50k to 70k na sahod ng receptionist. ako nga sabi ko, lahat hawak ko na di pa ko abot ng 70k pero malaking kumpanya rin kami :( admin / hr / receptionist / accounts. yan ang tinatrabaho ko :-\ tapos yung sa vacation mo ang nakakatuwa, kasi ngayon lang ako nakarining ng every 6 months ang uwi. kaya magandang kumpanya siguru yan.

sis princeza08, yung visa kahit di mo kamag anak ang kukuha ok lang. agency pwede na ang priblema yung supporting documents mo. kasi sabi ng sister ko, nagka problema yung mga kamag anak nung mga officemates nya. kasi daw gusto ngayon sa immigration e kamag anak mo talaga ang magbibigay ng affidavit of support sa yo. talagang bubulatlatin kung pano mo naging kamag anak. pag di mo ka apelyido ang nagpadala ng affidavit of support e mahihirapan ka daw lalo.

Myealexis21

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #57 on: July 11, 2013, 02:34:08 pm »
Sis Happy Mom, Kaya never na ako uulit dyan sa Credit Card, pag ginamit ko babayaran ko rin the whole amount before ng due date niya.  And speaking of DUNIA...do NOT get any loans or cc from them.  Malaki daw ang interest sobra! my friend took a personal loan sa ADIB just to pay off the loan she got from DUNIA. 

Ngayon nagtatawag yang mga bank kase ok na ulet Economy... pero nung 2008 goodluck di ka talaga bibigyan ng loan.  Nakakaasar na nga minsan yang tawag ng tawag sinabi nang di mo kailangan ang kukulit! hahaha!

Sis viDai09 keep us posted Sis! Yung Airticket mo ba sila mismo yung magbobook for your vacation?

Sa company kase namin binibigay na cash ang Air Ticket namin.  So highest peak Rate of Emirates Airlines ang basehan nila... which if you want pwede ka talaga makauwi ng 2x a year.  But for me once a year lang ako umuuwi kase I save yung sobrang air ticket allowance. 

Pero if yung company namin mismo ang magbobook ng flight ko, ay ofcourse ke-magastos umuwi uuwi ako every six months.  Sayang din yung free ticket noh! hehe!

Yung dati kong company nung nagjoin ako every 2 yrs ang ticket, tapos after I got promoted, every year na.  That time dami gastos kaya di ako makauwi uwi kase kulang budget.  Nung nagpatransfer ako sa sister company I was able to get the tickets that I wasn't able to use.  Ginawa nung sa Ticket dept namin binook niya pareho yung tickets before my transfer, then cacancel ko yun tapos irerebook ko na lang ulet if gagamitin ko na ticket.  Nalibre yung pang thailand ko dati dahil dun :)

Lizi

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #58 on: July 11, 2013, 02:56:23 pm »
hi pajoin po mga sis! don’t want to sound negative since hindi ko pa na-eexperience mag-work sa dubai pero I prefer abu dhabi more kase pag-nagpupunta ko sa dubai, andami nating mga kabayan duon na nagrereklamo sa liit ng saohd nila. parang minimum lang din ytaa equivalent to peso. ang sabi pa, super dami na din ng tao duon sa malakas ang competition and mababa na lang daw talaga mga offers. Lalo na po kapag naka-visit/tourist visa.

For ladies, usually lalo na kung hindi mga engineers, they end up being a secretaries/receptionists/document controller. Yun po ang targetin niyo, ang office base. kase may mga kakilala ako na sa food chains napunta or sa malls. usually ang range ng office staff (sec/receptionist) ranges 25k-35k Php. Sinasama na nila dun yung transpo or accommodation allowance.

Yung landlord namin dito , nag-papunta ng mga pinsan. 2 silang babae. mga fresh grads. isang nurse at isang HRM grad. Yung HRM grad ended up as waitress sa restaurant with a salary of 2,500AED (25K). Since nakikitira siya sa pinsan niyang may-ari ng flat at wlaking distance lang ang workplace niya, so lucky her - solo niya ang sahod.

While yung nurse grad, naging secretary. tapos since she's running out of visit visa vailidity, niloko lang siya ng employer niya, ginamit lang yung natitirang days ng visit visa niya tapos hindi pa siya sinahuran. ayun, nasa nauwi na lang siya sa pinas.

You have to target mulit-national contractor companies. I tell my friends who want to work in middle east, ang targetin nga is engineering company. they will offer you a decent salary + benefits. Huwag sa mga local (arab owned) kasi kuripot din and yung annual leave entitlement mo mostly ikaw pa mgabayayad ng tiket pauwi (Al Jaber).

My bf (now hubby) brought me to Qatar kasi engr siya, hinire siya sa pinas. Same company kami, nag-work ako sa secretary after 2 years nagkaroon kami ng project sa Abu Dhabi kaya andito ko ngayon, 5 yrs na ko sa company they promoted me to purchasing asst. kaya ang salary mejo nadagdagan. engineering contractor (german owned) kaya magnda naman ang treatment sa mga employees.

Happy Mom

  • Guest
Re: UAE Job Hunting
« Reply #59 on: July 11, 2013, 03:36:27 pm »
sis Myealexis21, dami pa daw hidden charges ng Dunia. tapos napaka bastos nung mga tumatawag na naghahanap sa friend ko. malay ko ba dyan kako. ako ba me utang sa inyo. kung makapang harass e wagas! >:( gawan ko daw ng paraan na ma contact nila yung tao. just do it sabi sakin. o diba! e actually, dito ko lang naman naging kaibigan yun. tapos di ko pa alam na ginawa kaming reference >:(

kami ang company namin nag bu book ng ticket kasi me travel agency rin kami. kaya hayun ang pinakamura naman ang hinahanap. masama pa loob ng VP namin pag peak season ka umuwi. me pagka impakto kasi sya ;D sister ko rin bahala sila mag book sarili nila. me budget sila. kaya sis ko laging naghahanap ng mura para me sobra pa sya ;D

sis Lizi, usually talaga mga HRM ang bagsak nila e sa resto or coffee shop tulad nung pamangkin ko. tama pag engineer ka, maganda sahod mo lalo na kung licensed ka. ang medyo mababa yung mga nagtatrabaho sa mga hotel pero libre naman yata lahat from accomodation / food & transpo. so neto na sahod nila.
ok pala work mo sa, procurement ka. hubby ko, dati procurement at logistics hawak nya sa contracting co rin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close