Lagi kong sinasabi na mas maganda na kung pupunta kayo dito sa Dubai/Abu Dhabi may work na kayo, instead of visit visa at dito kayo hahanap ng work. Lalo na ngayon na ang daming horror story sa Immigration dyan sa Pinas.
Unless:
1. May immediate family kayo dito na willing to help you during the time na naghahanap kayo ng work. May place sya na pede kayo tumira, and mas maganda if marami na sya kakilala na pwedeng pasahan ng resume mo o irefer ka.
2. Kung may prior experience na kayo dito sa Dubai. Kase plus factor yan. Saka it would be easier for you to go to places kase familiar ka na dito.
Now regarding sa questions mo...
Best time to go? - for me basta wag summer kase mahirap maglakad lakad kapag summer lalo na if first time mo mag-summer dito maloloka ka sa init. Baka ang mangyari di ka na lumabas ng bahay

at saka wag ramadan sa dati kong company less ang hiring nila kapag ramadan.
In demand jobs? - maraming hotels dito kaya marami ring jobs for waiter, waitress, housekeeping, etc. Pero if you want na yan ang work na pasukan mo, better apply sa agency dyan sa pinas para sure ka na may work ka pasukan dito (chesams agency sure ako nagpapadala ng workers dito). Meron din namang ibang work like nurses (although kelangan RN and 2yrs experience ka na para makakuha ng lisensya nila dito. Pwede rin namang wala pero hindi talaga nurse babagsakan), Admin/Secretarial jobs, Sales, etc. Maraming iba't ibang trabaho, kadalasan nga lang kapag visit visa, binabarat nila (unless maganda talaga experience mo or ex-dubai ka na)
Immigration horror stories? - sobrang dami nito! may kung ano anong hinahanap na documents, matataray na IO, may humihingi pa raw ng lagay, etc.
Budget? - if ikaw ang sasagot ng lahat ng gastos:
ticket - depende kung kailan at airline , mag range ng 2,500AED to 4,000AED
visa - alam ko dati around 600AED to 800AED ata ang one month. Not sure.. our other sis here may be able to help you on the exact amount. Pero take note up to one month extension na lang ngayon ata.
accommodation - if hindi ka titira sa kamag-anak mo, prepare for 800AED/month for bedspace. Not sure if hihingan ka ng advance or deposit. but yan ata ang presyo ng bedspacer around Karama ngayon.
pocket money for food and transportation - just to be on the safe side prepare 1000AED or if kaya mo 2000AED. yan ay kung sarili mo lahat ng gastusin. Ang usual na gastos yung phonecard pantawag sa Pilipinas.
------
Ang brother ko, cousin, yung gf ng brother ko at isa pa nilang friend ako ang nagvisit visa sa kanila. Malakas loob ko kase galing sila sa UK so walang Immigration Horror story, at may budget talaga sila to look for a job, at may maganda silang work experience. Pinatira ko sila sa bahay, kasama sa budget ko sa food, DEWA, internet. Sila na bahala pamasahe nila and food kapag lumalabas sila para mag-apply. Nakahanap naman sila ng work, yun nga lang tingin ko talaga binarat sila kase visit visa, pero ok na rin kesa umuwi sa pinas at walang work. Saka minsan dahil kulang sa time (2months) to look for job the tendency is grab mo na lang kahit anong available basta may work lang. Pero happy naman sila ngayon.