MagBF palang mostly ang mga kwento dito. Tapos ganyan na ang mga BF nyo. Siguro up to you girls to see through your BFs. Sure kayo hindi sya magt take advantage in the future? May direction ba ang buhay nya, may plano ba sya or lahat plano mo nalang para umasenso?
When I was in college, mas well off ang family namin kesa kay BF. Pero pagdating sa lunch or basic needs sa school, hindi namin inaasa sa ibang tao. Kasi BASIC needs sya. Pareho lang kaming student so limited din sa allowance na hindi malaki. There are instances naman na ako na nag iisip ng paraan din how to spend para may pangdate kami. Ako nagbabaon ako ng lunch para ang allowance ko matipid ko para puede kami manood ng movie. Kaso ang BF ko that time, wala daw magp-prepare ng baon nya, so sa canteen sya kumakain ng lunch. So pag magdate kami, maybe 70% of the time ako ang nagsh shoulder. Of course, if you are in love, you won't mind that time. In hindsight, kung magyayaya sya maglunch with me at ako ang papabayarin nya for everything knowing wala syang pera, baka mabwisit ako. If I am in his position, magbabaon ako, or sasabihin ko nalang na I have something to do, kesa harapin ang kahiya hiyang situation. Tapos o-order order pako eh wala naman din akong pera.
Kung baon/lunch nya lang mismo, di nya afford, ang take ko dyan, wala din syang karapatan magGF. Sarili nga nya di nya mapakain, mandadamay pa sya. Kung hindi ka nya, manlibre, OK lang, pareho lang naman kayong estudyante, or pareho lang naman kayong maliit ang sahod. Pero kung pati ikaw pinapagastos nya, hindi ko ito matanggap.
"Hayaan mo kung makaluwag ako" statement is not a convincing statement. Lagi ko iyan naririnig sa mga taong umuutang at never nagbayad.
Hindi naman sa mukhang pera ako na gusto ko lahat lalaki ang gagastos. Pero para sakin, importante na he should be able to stand on his own 2 feet muna bago sya mag isip magGF or magpamilya. Bilang babae, puede ko sya tulungan, pero hindi sya puede maging pabigat. Kasi it shows, how could he have allowed to be in such a situation? Ibig sabihin wala syang foresight? So kung mag-asawa na kayo, it can also happen to BOTH of you, damay ka pa.