Author Topic: Ako madalas ang gumagastos :(  (Read 24103 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #40 on: September 14, 2013, 10:23:15 am »

MagBF palang mostly ang mga kwento dito. Tapos ganyan na ang mga BF nyo.  Siguro up to you girls to see through your BFs. Sure kayo hindi sya magt take advantage in the future?  May direction ba ang buhay nya, may plano ba sya or lahat plano mo nalang para umasenso?

When I was in college, mas well off ang family namin kesa kay BF.  Pero pagdating sa lunch or basic needs sa school, hindi namin inaasa sa ibang tao.  Kasi BASIC needs sya.  Pareho lang kaming student so limited din sa allowance na hindi malaki.  There are instances naman na ako na nag iisip ng paraan din how to spend para may pangdate kami.  Ako nagbabaon ako ng lunch para ang allowance ko matipid ko para puede kami manood ng movie. Kaso ang BF ko that time, wala daw magp-prepare ng baon nya, so sa canteen sya kumakain ng lunch.  So pag magdate kami, maybe 70% of the time ako ang nagsh shoulder. Of course, if you are in love, you won't mind that time.  In hindsight, kung magyayaya sya maglunch with me at ako ang papabayarin nya for everything knowing wala syang pera, baka mabwisit ako.  If I am in his position, magbabaon ako, or sasabihin ko nalang na I have something to do, kesa harapin ang kahiya hiyang situation. Tapos o-order order pako eh wala naman din akong pera.

Kung baon/lunch nya lang mismo, di nya afford, ang take ko dyan, wala din syang karapatan magGF.  Sarili nga nya di nya mapakain, mandadamay pa sya.  Kung hindi ka nya, manlibre, OK lang, pareho lang naman kayong estudyante, or pareho lang naman kayong maliit ang sahod.  Pero kung pati ikaw pinapagastos nya, hindi ko ito matanggap. 

"Hayaan mo kung makaluwag ako"  statement is not a convincing statement.  Lagi ko iyan naririnig sa mga taong umuutang at never nagbayad.

Hindi naman sa mukhang pera ako na gusto ko lahat lalaki ang gagastos. Pero para sakin, importante na he should be able to stand on his own 2 feet muna bago sya mag isip magGF or magpamilya. Bilang babae, puede ko sya tulungan, pero hindi sya puede maging pabigat. Kasi it shows, how could he have allowed to be in such a situation?  Ibig sabihin wala syang foresight?  So kung mag-asawa na kayo, it can also happen to BOTH of you, damay ka pa. 








may12

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #41 on: September 14, 2013, 10:35:56 am »
^Kami sis, mag bf/gf palang kami.
And meron talagang time na ako lahat gumagastos. As in dumating talaga ako sa point na nakaka-upset din.

Pero ngayon, baliktad na kami ng situation. Siya na lahat gumagastos, kasi siya na yung nakaluwag ngayon. So I think meron din naman talagang guys na unfortunate lang na gipit for a certain period.

Girltalker2

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #42 on: September 14, 2013, 10:39:51 am »

^ It's a fact of life na may ups and downs. Good na sya gumagastos ngayon.  Pero what if bigla syang mawalan ng job ngayon, may enough savings ba sya para tustusan kayong dalawa?  Point is may direction ba sya?  If yes, then go for it.  Hindi yung gastos ng gastos at walang plano, kasi may pera sya ngayon. Kung walang sweldo, titingala na lang kayo.


quinone

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #43 on: September 14, 2013, 12:58:12 pm »
may quote nga sa clear shampoo facebook:
"a man who is unable to look after himself is unable to look after a woman"

AVIDGOLFER

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #44 on: September 15, 2013, 12:56:20 am »
For me I don't care and I prefer to be the one that shoulder everything when it comes to expenses with my dates or GF.

newbie24

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #45 on: September 15, 2013, 02:45:41 am »
Girls i just want to give my point of view. Sa relationship hindi dapat nagiging issue ang pera kasi mahirap pagyan ang naging issue and besides prerogative nman natin kung gagastos [textspeak!] o hindi. Mejo mahirap [textspeak!] kasi kung responsibility sa atin ang paggastos mejo burden talaga yun.Sa relationship dapat walang bilangan at walang sukatan kung meron ka ok kung wala nman ok lang din ang importante hindi maging burden sayo yung partner mo.Kung walang pera wag muna magdate,kung maliit ang budget tipid muna,ang importante wag pgsimulan ang pera ng hindi pgkakaunawaan.Ako i believe ang love is not about yourself its about what you can give for love.Kung meron ka ishare mo if wala wag mghanap.
That is only my point of view kasi experience ko dati sa GF ko i give her everything but at the end nagkaron sya ng affair sa iba. Pero Ok lang kasi nagmamahal [textspeak!] ng walang dahilan at nagmamahal [textspeak!] para maging masaya.

mrsB

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #46 on: September 15, 2013, 07:01:37 am »
^Money, whether we like it or not, is an essential part of any relationship. Hindi pwedeng hindi maging issue ang pera.

Money can buy gifts, dinners, movies, travels, and other couple's activities -- lahat ng kailangan para manourish ang relasyon ng dalawang tao.

Katulad nga ng sabi ng asawa ko, "you can't make love with an empty stomach." And I agree. Using a Marxist perspective (and Maslow's hierarchy of needs na rin), pag na-overcome na ninyo ang basic needs, then that's the time makakapag-self-actualize kayo.

I am lucky because I first had a boyfriend when I was almost 24. My bf then (now my hubby) was almost 25 naman. We were both professionals already, spending money on dates was never an issue. Btw, parehas din naming first bf/gf ang isa't isa. And sometimes we would wonder, ano kaya ang feeling ng dalawang "bata" na nagde-date, yung tipong sa allowance lang kinukuha ang panlabas. Yun bang Jollibee lang paghahandaan pa. We considered ourselves lucky kasi nga we never had to experience that. Pag gusto namin manood ng sine, pwede. We don't have to commute kasi may kotse kami (hence mas maraming quality time kasi may privacy). Marami kaming kilig moments kasi may pambili ng surprise gifts, etc.

My point is, we were able to sustain our relationship because of money. It's not the money per se, but the advantages that money brought.

Now for TS, you are still young and very much capable of improving your income. Parehas kayo ni bf mo. And I wish you do, or else ma-stuck ka sa misery.

One of my bestfriends married a "jobless" man. Ayun, siya ang nagpo-provide. I don't think she's happy. Kahit bday niya hindi siya mabigyan ng regalo eh. Mawawala talaga ang romance sa relasyon.

may12

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #47 on: September 15, 2013, 10:25:57 am »
^You mean, nung kinasal sila eh jobless na talaga yung guy?

I think that's a big no-no.
I believe na meron lang guys na unfortunate na wala ngayon financially, BUT I also believe na dapat kilalanin mo ang personality niya if siya ba yung tipo ng lalaki na may pangarap naman... at gumagawa ng paraan na matupad ang pangarap na yun.

Example ko lang ulit bf ko ha. Kasi dati he had business naman. Kaso kinailangan niyang iwan for some reasons. So may time na ako lahat gumagastos. Ngayong nakabawi na ulit siya financially, eh ok na kami.

Pero kung ang guy eh wala talagang ginagawa to improve his situation... aba, mag-isip-isip na. Hindi madali bumuhay ng pamilya na ikaw lang mag-isa.

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #48 on: September 18, 2013, 04:44:46 pm »
true! a study actually established that happiness has a price to pay..(share ko lang)

"People say money doesn't buy happiness. Except, according to a study from Princeton University's Woodrow Wilson School, it sort of does — up to about $75,000 a year. The lower a person's annual income falls below that benchmark, the unhappier he or she feels. But no matter how much more than $75,000 people make, they don't report any greater degree of happiness."

kaya nga pansin ninyo mga sis kapag walang pera ang tao parang malungkot o mainit ang ulo?lol. Not that kailangan mukhang pera naman tayo hindi ba? But it just simply means to be able to buy your basic needs to function well, syempre kelangan ng pera.

oops out of topic na..

So if you're thinking longterm with your relationship, importante makita naman rin natin na may capability maging good provider si SO kung wala tayo balak maging sugarmommy in the future.

Ang lalong masaklap kapag naubos na ni boylet ang resources ..e baka maghahanap na yan ng greener pastures kasi ubos na ang damo e.

« Last Edit: September 18, 2013, 04:48:09 pm by Ireneeeeee »

Purple_Power

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #49 on: September 18, 2013, 05:16:33 pm »
We are in same situation pero hindi ko naman naging problema. Iniiwasan na lang namin yung paglabas. May pagka well off kami pero ang bf ko nagwowork so kung dati ako ang gumagastos kasi gastador talaga ako noon pero ngayon natuto na rin akong mag-ingat. Kaya kadalasan ako nagpapalibre sa bf ko kahit na may responsibility siya. Hindi ko masasabi na breadwinner siya kasi 2 lang naman sila ng lola niya saka nagtutulungan sila although madalas siya ang may sagot sa gastusin. Nagpapalibre lang ako kapag alam kong kaya niya. Sinasabi ko rin na wala na akong money kaya siempre hindi na kami gumagastos. Hindi na rin kami mashadong naglalakwatsa unlike before. Kapag sa sinehan naman ang ginagawa ko nagbabaon talaga kami ng sandwich para hindi na kami gumastos. O di kaya madalas naghahati na talaga kami like kung siya sagot niya sine ako sa food or vice versa. Wala namang problema dyan kung pag-uusapan niyo ng maayos yan eh! Madali namang gawan ng paraan yan. Hindi ka naman siguro pipilitin gumastos ng bf mo kung short ka na.

mrsB

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #50 on: September 18, 2013, 08:13:49 pm »
^You mean, nung kinasal sila eh jobless na talaga yung guy?

Sabihin na nating, paraket-raket lang noon. Walang normal job. At wala ring money-making ability. Noong una, ok lang sa friend ko. She's a lawyer eh, feeling niya kaya niyang magprovide. But later on, I know na uneasy na siya. I knew that she becomes 'envious' whenever my hubby would give me an expensive purse, for instance. She can afford to buy herself a Louis Vuitton, pero syempre iba pag asawa mo ang nagbigay. May kahalong kilig eh. Then one time she told me, she also has what-ifs. What if she married a guy who make money? Basta ganun.

In a relationship, may ups and downs naman talaga. It happens na minsan nawawalan ng work (hence, pera) ang partner natin so ok lang na magtulungan, syempre kung sino ang may pera siya muna ang gagastos. Pero kapag naman forever na ganyan ang set-up, haler naman mag-isip na!

kaya nga pansin ninyo mga sis kapag walang pera ang tao parang malungkot o mainit ang ulo?lol. Not that kailangan mukhang pera naman tayo hindi ba? But it just simply means to be able to buy your basic needs to function well, syempre kelangan ng pera.

Korek! For many people, taboo pag-usapan ang pera. But again, money is a HUGE part of our lives and we cannot deny that.

Kaya minsan mas gusto ko sa ibang bansa, like Canada. I find the people there to be courteous and respectful. Pag nakita ka, babatiin ka. Pag nasa mall kayo, ipagbubukas ka ng pinto. Little things na hindi na masyadong nakikita sa ating mga Pinoy kasi karamihan sa atin aburido sa hirap ng buhay.

wildorchid

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #51 on: July 05, 2014, 04:16:13 am »
I dont see anything wrong with this kung bukal naman sa loob mo sis. Alam mo naman ang kalagayan nya. Pero kung hindi bukal sa loob mo, then dont do it. Pagusapan nyo yung issue. :)

imyourangel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #52 on: July 05, 2014, 11:03:49 am »
I'm the threadstarter here and my issue is now fixed though, thanks to everyone who commented! :) to those who are in the same sitch, you are free to post away :) My advice here is, talk! If you really cannot afford going on dates, better adjust. Pwede naman sa mumurahin lang kumain, or if really can't afford sa bahay na lang, chill lang kayo.. that phase too shall pass.

BelleMe

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #53 on: July 06, 2014, 08:01:13 pm »
pwedeng pahelp din ako mga sis? ganto din set up namin ni bf(?) now. actually di ko nga alam kung kami talaga hehe basta parang kinonsider na lang namin (let's say 2 years na kami magkakilala para mapoint kung ilang buwan na). tas ayon nga parang nahihirapan na ako sa set up namin na ganto. ako lagi ang nagastos as in, ni di nga sya nanligaw sakin I think. Pag may occassions lagi ako may present sa kanya pero sya wala sakin. wala din kaming laging date =(( kung meron man twice pa lang tas ako pa gumastos lahat. ahead kasi ako sa kanya kaya ako may work siya kakagraduate lang netong march kaya ako si intindi na lang lagi kaya ako ang naglalabas lagi ng pera. Dahil illegal kami sa part ko ako yung napunta sa kanya, tatlong bayan pagitan namin tas pag galing work kmusta naman ang Manila-kanila ang byahe ko tas paguuwi na ako yung pamasahe pa na binibigay ni mother niya is for him lang talaga tas gang sa may malapit lang sa kanila di ako makuha ihatid kasi wala nga pera. first bf ko sya tas pogi pa hehe pero now parang nawawalan na ko ng gana, sabi ng mga friend ko parang ginagawa lang daw akong sugar mommy =( help naman po. gusto ko na din sana kumawala kaso parang di ko kaya feeling ko kasi magbabago pa sya at sayang din kasi talaga. Don't know what to do na =((

imyourangel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #54 on: July 06, 2014, 09:09:27 pm »
^Bf mo ba talaga siya? Parang medyo naconfuse kasi ako sa story hehe. What I understood is not. If that's the case, stop giving him presents, stop shouldering the gastos, di naman pala kayo nagddate and from the looks of it mukhang walang effort si boy. If being pogi is what's making you stay, sis, there are lots of good looking guys out there with good hearts! :)

And yeah, I've read somewhere that a girl's most believed lie is in 3 words: "He will change"

Girltalker2

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #55 on: July 07, 2014, 01:26:00 pm »
pwedeng pahelp din ako mga sis? ganto din set up namin ni bf(?) now. actually di ko nga alam kung kami talaga hehe basta parang kinonsider na lang namin (let's say 2 years na kami magkakilala para mapoint kung ilang buwan na). tas ayon nga parang nahihirapan na ako sa set up namin na ganto. ako lagi ang nagastos as in, ni di nga sya nanligaw sakin I think. Pag may occassions lagi ako may present sa kanya pero sya wala sakin. wala din kaming laging date =(( kung meron man twice pa lang tas ako pa gumastos lahat. ahead kasi ako sa kanya kaya ako may work siya kakagraduate lang netong march kaya ako si intindi na lang lagi kaya ako ang naglalabas lagi ng pera. Dahil illegal kami sa part ko ako yung napunta sa kanya, tatlong bayan pagitan namin tas pag galing work kmusta naman ang Manila-kanila ang byahe ko tas paguuwi na ako yung pamasahe pa na binibigay ni mother niya is for him lang talaga tas gang sa may malapit lang sa kanila di ako makuha ihatid kasi wala nga pera. first bf ko sya tas pogi pa hehe pero now parang nawawalan na ko ng gana, sabi ng mga friend ko parang ginagawa lang daw akong sugar mommy =( help naman po. gusto ko na din sana kumawala kaso parang di ko kaya feeling ko kasi magbabago pa sya at sayang din kasi talaga. Don't know what to do na =((

Sis, ang bata mo pa naman para maging sugar mommy.  Kung hindi nag-e-effort ang guy, I don't think he is interested. Ang masaklap pa sa story mo sis, mukhang taking advantage pa sya (kahit hindi naman siguro?).

Ang akin lang, kahit estudyante pa iyan, naniniwala ako, kung may will, laging may way.  Puede naman sya magtrabaho on the side, puede din sya mag ipon, puede din sya magbaon, etc etc  That is, kung interested sya makaipon para at least magpa impress sayo. Eh mukhang wala yun sa kanya.  Bakit sayang? Ang dami kayang lalaki dyan na much better than him. Sa pag uugali palang at sa kakapalan ng mukha, maraming mas better kesa sa kanya.

Tapos sa isang taon, 2x lang kayo nagdate?  Tapos huwag mo sabihin ikaw pa ang magbabayad?  Maraming lalaki naman sa mundo, bakit parang kung gumastos ka for him eh parang  sya nalang ang natitirang lalaki sa mundo. Gumising ka na sis!






LGV

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #56 on: July 07, 2014, 02:32:15 pm »
Para sakin lang ha, kahit gaano kabukal sa loob mo, pag magtagal na wala manlang changes, you will really feel uneasy sa ganyan. For me lang ha.

jieunae

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #57 on: July 07, 2014, 03:52:13 pm »
Sa kin mga sisses hindi pwede na ako ang gumagastos.  Guy dapat.  Pag date date or bago pa lang hindi talaga ko maglalabas ng pera.  Kahit bf/gf pa lang kayo dapat ang lalaki may sense of being a provider na.  Hindi din dapat nakikipagtalo sa pera.  Hindi sa pagiging masamang gf huh? Pero pag ganyan mafafall out of love talaga ko.  Matuturn off na ko pag ganyan.  Praktical lang din kasi ako.  Think about your future kung mgpapatuloy si bf na ganyan. If napapansin nyo na parang di na normal or laging kayo ang gumagastos then something's wrong.  Kasi kung matagal nanaman kayo ok lang naman maglabas ka ng pera or ilibre si bf paminsan minsan pero dun sa limit na comfortable ka pa din sa nilalabas mong pera.  Madami akong kakilalang ganyan at kahit ibang tao napapansin yan.  Hindi magandang tignan para sa guy at sa relasyon yun ganyan.  Maybe sinanay nyo din kasi si bf ng ganyan setup which is hindi dapat.

Girltalker2

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #58 on: July 08, 2014, 06:43:17 pm »

^ Tama nga naman, at the minimum, sya dapat gumastos ng basic needs nya. Well, tingin ko at the minimum, iyang mga BFs na iyan, dapat 1) kaya nila paggastusan ang sarili nila at hindi nakaasa sa GF 2) dapat may pangdate sila sa special occasions at the least man lang, otherwise huwag na sila magGF.

Naalala ko ex ko dati. Kahit ako nag iipon ng pangdate namin nung college, nagbabaon ako at tinatago ko allowance ko. Tapos tama ka honeybunny naalala ko rin may sideline ako, nagtututor ako ng grade 1-4. Pero on the side naman ng BF ko, gusto kasi nya may kotse sya, eh since his family is not well off naman, he just had his dad's 2nd hand car, tapos yung panggas palang nya, ubos na allowance nya, tapos sakto din for his lunch.  Kaya pagnagdate kami, sya sagot ng gas, ako ng food/movie. Makikita mo pa during school days kung may "effort" naman sya o wala. But at the minimum, yung pamasahe nya at pagkain, he should be able to shoulder them.






BelleMe

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #59 on: July 09, 2014, 09:41:27 pm »
aww nawarningan ako pano ba magmerge? hehe anyways, thanks sa mga sis na nagreply super appreciate ko po =) ako din nawindang kasi kung iisipin pala talagang parang hindi kami. and nakakasad =( siguro ako din ang may mali kasi parang pinamihasa ko, kasi sa barkada ko ako na lang yung naiiwan sila lahat may partner na, napressure ata ako kaya nagkaganito sa kagustuhan ko ako na gumawa paraan para magkaron ng so called lovelife. Lagi ko iniintindi at sinasaksak sa isip ko na magbabago talaga sya. yun lang naman ang inaantay ko e, sa pag-aalaga no doubt ako sa kanya at pagiging loyal kaso hinahanap talaga ng sistema ko yung effort kasi nasanay akong ineeffortan talaga ng guy.

Di kasi kami naguusap about sa problem then kahapon humingi muna ako ng space sa kanya na ayusin niya muna buhay niya bago namin ayusin yung amin kasi tama kayo sis kung mismong sarili nga niya di niya maayos lalo pa kaya samin? sabi niya magbabago na daw talaga siya pag nagkawork daw siya magbabalikan daw kami, kaso nagkaron na ko ng doubt nung nahubad yung helmet ko sa ulo. pero namimiss ko sya =(((

 

Latest Stories

Load More Stories
Close