Author Topic: Ako madalas ang gumagastos :(  (Read 24176 times)

missreese

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #20 on: June 19, 2013, 10:46:39 pm »
ganito din ang situation same with sis aebrbiyc2009 pero di kame well off hehe. ako lang kasi ang working and siya is student pa. Halos ako din ang gumagastos pag lumalabas kami, may gastusin din ako sa bahay kasi ako lang din ang working, hati kami ng mudra ko sa gastusin sa bahay.

minsan nga nasasabi niya na magwork na lang siya pero ayaw ko naman. mas gusto ko makapangasawa ng engineer kaya gusto ko makatapos siya hehe.

since ako madalas gumastos, siya na mismo magsasabi na sa ganito na lang kumain, pag less gastos minsan wag na lang kumain sa bahay bahay na lang namen which is ok lang siguro kasi nahihiya lang din siya.

natutuwa lang ako pag nagbibigay siya ng gift, mahilig siya magbigay ng tshirt tipong couple shirt na sariling design niya, pati nabili din siya sa ukay.

alam ko babawi siya once na makatapos at makapagwork na siya.

aebrbiyc2009

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #21 on: June 20, 2013, 04:19:46 am »
ganito din ang situation same with sis aebrbiyc2009 pero di kame well off hehe. ako lang kasi ang working and siya is student pa. Halos ako din ang gumagastos pag lumalabas kami, may gastusin din ako sa bahay kasi ako lang din ang working, hati kami ng mudra ko sa gastusin sa bahay.

minsan nga nasasabi niya na magwork na lang siya pero ayaw ko naman. mas gusto ko makapangasawa ng engineer kaya gusto ko makatapos siya hehe.

since ako madalas gumastos, siya na mismo magsasabi na sa ganito na lang kumain, pag less gastos minsan wag na lang kumain sa bahay bahay na lang namen which is ok lang siguro kasi nahihiya lang din siya.

natutuwa lang ako pag nagbibigay siya ng gift, mahilig siya magbigay ng tshirt tipong couple shirt na sariling design niya, pati nabili din siya sa ukay.

alam ko babawi siya once na makatapos at makapagwork na siya.

Engineering din course ng bf ko. Mechanical engineering. :) Eversince we are kids mas angat ako, minsan sinasabi ng iba na hindi daw maganda yung ganun pero I dont care. It's my money to spend not theirs..Nakakatuwa pag sila nageeffort no? Kase puro talaga. Bf ko dn alam ko nagiipon yun lalo na pag major yung mga okasyon. Medyo magastos lang talaga course nya.. We don't do monthsaries, sabi ko mas gusto ko magbilang ng years.  :P  :P  :P Pero about naman sa mga dates, mas nasusunod ako, lalo na nung umuwi ako sa Pinas last April since gusto ko sya magenjoy and try new stuff naman.

imyourangel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #22 on: June 20, 2013, 10:45:32 pm »
Thanks sa replies.. wow dami. Read all of those :)

Anyway. We're still not in the marrying age... we're just in our early 20s and this is only my first teaching job kaya ganito pa lang ang salary (my last job is not in education) and siya din 2nd job niya lang din. Matyaga naman siya, he's looking for a part time pa nga. Medyo nag cut short lang talaga kami nung summer since walang pasok, so no salary. Pero pag may money siya, mabilis siya makaipon. He was able to buy a nice phone and a computer pa nga, all in cash. Medyo nabobother lang talaga ako now na ako lagi.

Aaaand.. I really don't know if pang habang buhay yung responsibility niya sa parents niya. I don't find anything wrong with it naman, as long as hindi niya ko nakakaligtaan.

I guess we should really just be thrifty na muna now. Ang hilig ko kasi gumastos sa food.. need ko magtipid!

aebrbiyc2009

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #23 on: June 21, 2013, 04:14:42 am »
^My bf and I are both 20 years old now. :) Anyway, back to the topic, hindi ka naman siguro nya nakakaligtaan. Remember, give and take na lang din since sabi mo nga ganyan palang yung salary mo.. nagsisimula palang kayo talaga right now. Kailangan ng adjustments at kung hindi talaga kaya, sabihin mo sa kanya na wala ka talagang pera at that time. Maiiintidihan ka naman nya for sure. Hindi ka naman nya siguro susumbatan dahil lang dun. Or kung talagang kailangan, kain nalang kayo sa medyo murang lugar (referring to your first post) or kumain muna bago umalis, pwede ding magbaon. Wala ba syang nasabi about dun? Hindi ba sya nagssuggest kayo kasi nahihiya sya na ikaw lagi nagbabayad?

little_miss_syringe

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #24 on: June 22, 2013, 12:14:59 pm »
Panu ba to mga sis, super kakarelate ako sa topic na to.. parehas naman kaming may work ni boyfie kaso sa twing lumalabas kame ako ang mas madaming contribution.. sa totoo mas malaki pa ang sweldo nya sa'kin kase isa syang TL sa isang well known na BPO.. nahihiya naman ako magpalibre.. hayst panu ba to mga sis? mga frend sko nga lage nila ako nasasabhin na ikaw nanaman gumastos?
« Last Edit: June 22, 2013, 04:57:52 pm by little_miss_syringe »

j.adore

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #25 on: June 23, 2013, 12:04:32 am »
^Bakit di mo siya tanungin? Baka may pinagiipunan o expenses siya na di nasabi sayo?

ragnar_danneskjold

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #26 on: June 23, 2013, 01:23:45 pm »
Panu ba to mga sis, super kakarelate ako sa topic na to.. parehas naman kaming may work ni boyfie kaso sa twing lumalabas kame ako ang mas madaming contribution.. sa totoo mas malaki pa ang sweldo nya sa'kin kase isa syang TL sa isang well known na BPO.. nahihiya naman ako magpalibre.. hayst panu ba to mga sis? mga frend sko nga lage nila ako nasasabhin na ikaw nanaman gumastos?

baka nagiipon pang engagement / wedding ring / surprise wedding. wala ba syang utang na binabayaran? credit card? kung sadyang mahilig lang magpalibre, naku patay tayo dyan.

imyourangel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #27 on: June 23, 2013, 06:56:09 pm »
^My bf and I are both 20 years old now. :) Anyway, back to the topic, hindi ka naman siguro nya nakakaligtaan. Remember, give and take na lang din since sabi mo nga ganyan palang yung salary mo.. nagsisimula palang kayo talaga right now. Kailangan ng adjustments at kung hindi talaga kaya, sabihin mo sa kanya na wala ka talagang pera at that time. Maiiintidihan ka naman nya for sure. Hindi ka naman nya siguro susumbatan dahil lang dun. Or kung talagang kailangan, kain nalang kayo sa medyo murang lugar (referring to your first post) or kumain muna bago umalis, pwede ding magbaon. Wala ba syang nasabi about dun? Hindi ba sya nagssuggest kayo kasi nahihiya sya na ikaw lagi nagbabayad?

Oo nga eh, give and take na lang muna. Hindi naman siya nagssuggest, pero nasabi niya na sakin na nahihiya siya. And babawi daw siya once makaluwag luwag, kasi alam ko naman daw situation nya ngayon... (Nahospital pa bigla father niya ngayon!)

Nciel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #28 on: June 29, 2013, 05:12:31 pm »
I don't know what to say coz i'm i the same situation din po. It's masakit na sa bulsa and sometimes masakit na rin sa puso. hehe!

little_miss_syringe

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #29 on: June 29, 2013, 07:50:53 pm »
oo nga minsan napapaisip kung tama ba talaga na ako ang gumastos?hayst..

iamshiela

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #30 on: June 29, 2013, 10:28:59 pm »
Mga sis if you don't feel comfortable by it tell your partners because there must be something wrong dyan.

airish_2

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #31 on: June 29, 2013, 11:17:23 pm »
hanap nalang bagong work or part time, ngaun nga napapansin ko sya gumagastos dapat talaga may budget din pangdate. hindi yung kung ano matitira after ng ibang savings.

imyourangel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #32 on: June 30, 2013, 10:02:38 pm »
Yay, I'm so happy kasi bf is making up to me those moments na ako yun gumastos. Siya naman madalas na magbayad now :) Talagang medyo ng cost cutting lang siguro siya nung summer. But after this, we'll really look for more work with competent salary! Thanks for the advices. :) Let's help naman our other sisses here with the same situation ;)

secretzzz

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #33 on: July 15, 2013, 01:35:34 pm »
Haha yung tipong masaya nga kayo kasi kasama mo siya... Pero paguwi naman umiiyak ka kasi wala ka nang pera.  :)

Di naman pwde na kayo lagi gagastos, share dapat. Pero kung short yung isa sa inyo yun puwede naman. Pero kung meron naman talaga siya tapos hindi gumagastos LAGI KAYO!! Mali na yun.

Kasi baka may ibang pinag gagastusan na yan. hindi kayo  :)

may12

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #34 on: July 30, 2013, 06:46:43 pm »
For me sis, no... Hanap na muna siya ng work na mas malaki ang sahod na kahit hindi related sa teaching. Like BPO. Hangga't di pa naka-graduate sa college yung isa niyang kapatid, huwag na muna siya magturo. Or gawin na muna niyang part time ang pagturo. Puwede naman kasi siyang bumalik diyan if makaluwag na eh...

At sa family naman niya, ilang taon na ba parents niya? Hindi ba sila puwedeng mag sari-sari store o 'di kaya kahit yung banana cue at gulaman lang every hapon, makakatulong na rin yun.

Kahit nga yung mga kapatid niya na nag-aaral pa, puwede na rin makatulong eh. Nung college ako sis, may classmate ako na siya lang nagpapaaral sa sarili niya. Siya sa tuition, sa boarding house, lahat-lahat. May kaya family niya pero di siya umasa dun. Nagbebenta siya ng kung ano-ano sa school. Like bags, clothes, home-made chocolate... Ngayon, super successful na ang online store niya. Nakakapag bakasyon na siya sa kahit anong lugar dahil lang dun. So, bakit di mo isuggest sa bf mo na gumawa din ng paraan family niya para may pandagdag income?

ashara

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #35 on: July 30, 2013, 07:15:13 pm »
Ako wala naman ako prob sa ganyan. Dahil nung mag gf/bf palang kami ni hubby
Ay siya na talaga gumagastos kahit wala siyang work at ako naman ay student.
Kaso minsan nahihiya nako kasi ayaw niya ako pagastusin.
Pero napipilit ko siya minsan sa pagbayad ng parking eh magkano lang ba parking sa mall.
Yon lang hirap din kasi pag puro siya lang . Kasi parang nanliliit ako sa sarili ko . At minsan nasusumbat
Niya pero ayaw niya naman ako papagastusin!. Example gusto ko magkita kami
Sasabihin niya wala pa siya ipon sasabihin ko ako meron pera ayon sasabihin niya eto nanaman tayo
Diba ayoko gagastos ka . Ayon simula na ng gera! Taas ng pride niya

sweetmegami101

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #36 on: August 01, 2013, 10:02:07 am »
Hello! Sis naiintindihan kita kasi nagdaan din ako jan na ako yung laging gumagastos. Simula pa yan nung College (Education) students pa lang kami; I was a scholar and umaasa sa monthly stipend (na kadalasan late dumating) while he on the other hand, usually walang baon dahil katwiran ng nanay nya, pwede naman daw sya umuwi every lunch time because their house is just 3-5 minutes away from school. Kapag gusto naming gumala, lakad lang kami along Recto, Quiapo and Divi tapos kadalasan tigdadalalawang pisong tinapay and water from water fountain lang kami. Minsan pinagkakaperahan namin classmates namin when there are projects in school so ayun may pang-jollibee kami. :-)

October graduate ako so after off-campus, I tried to apply in several schools pero I wasn't hired kasi wala akong license and magpapasko na kaya karamihan sa companies d na nagha-hire. I tried to apply in call centers but at that time, my skills were not enough so wala rin. I tried tutorials pero binabarat ako and during those times, he saved his allowances for me para may panggastos ako. Then January nag-apply ulit ako, he had been the one who shouldered my financial needs until I got a job as an online teacher for Koreans. Hindi pa natapos jan, matagal din bago sya nakahanap ng work,almost six months after graduation and at that time, napaisip ako kung bakit parang ako ang laging gumagastos. Ayaw na nga nya sanang lumabas-labas kami pero naging mainitin ang ulo nya katatambay sa bahay nila and kahahanap ng job. Until he got a five-month contract sa first job nya na ambaba ng sahod pero pinagtyagaan nya for experience na naging cause ng pag-alis nya sa kanila and nagsama kami (that was another story) Then 2008 ganun ulit, walang work, nagka-work, naterminate. The following year, he decided to pursue his teaching career and natanggap sya sa private school, then August palang nagresign na sya dahil nahihirapan sya sa LET review (Computer major and he needed to review for TLE) pero bagsak. Summer, he took the LET, bagsak ulit. 2010- may work, biglang wala, bagsak ulit sa exam. During these times, mahirap kasi ako lang ang may matinong work and there were times I asked myself if I had made the right decision. So kinausap ko sya, pinahinto sa work to focus on his review and I told him, kapag d sya pumasa sa LET, mag-iba na sya ng line of work. But calling nya siguro magturo. God is good, pumasa sya March 2011 and came June, natanggap sya sa private school na malayo-layo sa bahay kasi bawal ang live-in. However, his contract had not been renewed anymore so ayun wala na namang work.

Nung kinasal kami, sobrang tinipid namin yung mga naipon namin from our earnings kasi he tried to apply in a public school near our boarding house pero hindi naman sya tinawagan. So ang ginawa ko, pinag-TESDA ko sya to boost his credentials and came August last year, tinawagan sya ng principal ng another public school na pinag-aplayan nya. He got a contractual position and madalas hino-hold ang sweldo (last year, November lang sya nakasahod, tapos wala na namang sahod ng January-Feb. This school year, June sya huling sumahod because he got a permanent position na so from local to National government na sya and until now wala pa rin syang salary but I didn't mind at all. He helps me by computer repairs although hindi araw-araw may customers and we just keep praying na sana mapirmahan na lahat ng dapat pirmahan sa papers nya and maforward na sa Deped para makasahod na sya.

Why am I sharing this? Hindi naman natin maiwasan mainis, magdamdam kasi para namang unfair kung babae ang gumagastos lalo na sa society na ginagalawan natin. ButGod is good sis.  As long as the two of you keep God as the center of your relationship, as long as may pangarap kayong dalawa and as long as the two of you help each other. Just keep thinking na “this too shall pass”, nothing is impossible. God bless! ^^

quinone

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #37 on: September 13, 2013, 10:20:48 am »
nung mag bf pa lang kami, may wallet kami na lagi kong dala pati coins/change doon nakalagay. we contribute 250php weekly. kahit nung nagkatrabaho na ako tapos siya estudyante pa rin, nag-stick kami sa ganoong style. ayoko kasi nung kung sino mas may pera siya gagastos, parang hindi equal, buti kung mag-asawa na kami, e mag bf/gf lang naman.

may mga nakasama akong guys na talagang makapal ang mukha. ako kasi ayoko ng nagpapalibre/nililibre ako, so maglalabas ako ng pera kapag bayaran na. yung iba kapag naglabas ka na ng wallet hindi man lang mag offer maki-share. mag-ingat kayo sa mga ganyang guys. kapag ganyan ang partner ninyo, iwan ninyo.

chaka in my opinion, part ng commitment as bf/gf ang mag allot ng budget para sa mga lakad ninyo. use your instincts kung may pagka madamot/kuripot na wala sa lugar ang bf, iwan na. pansin ko andami nang lalaki na ganyan ngayon. pero kung dahil wala lang talagang pera, magtiis o magkipaghiwalay. i do not recommend na isa lang lagi gagastos, mas maganda kung equal ang share sa gastusin (kahit sino pa mas maraming pera/mas malaki ang sweldo), otherwise, overtime magiging bitter ka niyan.

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #38 on: September 13, 2013, 11:06:17 am »
Yes i agree. Hindi dapat puso lang lagi papairalin. you should be practical too. And hangga't maaari, kung bf pa lang naman, don't commit too much financially. Gumastos at mag- ipon ka pa rin nang parang single ka. You should be able to enjoy and invest your hard- earned money. Maganda rin way ito para makita ninyo ang spending habit ni BF so you can gauge if he would be a good provider in the future if you're thinking long term. Dapat hindi sugar- mommy mode lagi.

candacena

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #39 on: September 13, 2013, 01:33:42 pm »
para sa akin dapat guy ang gumagastos. hehe or SHARE.. hindi yung halos girl lahat. hindi ko pa nararanasan ako lahat, na try ko na ako ang gumastos kaso in the end hindi nagwork out.. kung ikaw naman yung type na medyo maluho, naku hindi ka pwede mag BF ng ganun, kung lets say practical ka or matipid, yun pwede pa.  anyways iba iba naman ang situation natin. depende din sa lalim ng pinagsamahan.


Engineering din course ng bf ko. Mechanical engineering. :) Eversince we are kids mas angat ako, minsan sinasabi ng iba na hindi daw maganda yung ganun pero I dont care. It's my money to spend not theirs..Nakakatuwa pag sila nageeffort no? Kase puro talaga. Bf ko dn alam ko nagiipon yun lalo na pag major yung mga okasyon. Medyo magastos lang talaga course nya.. We don't do monthsaries, sabi ko mas gusto ko magbilang ng years.  :P  :P  :P Pero about naman sa mga dates, mas nasusunod ako, lalo na nung umuwi ako sa Pinas last April since gusto ko sya magenjoy and try new stuff naman.

wow. ang swerte naman ng bf mo sis. hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close