watch now

Author Topic: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?  (Read 404035 times)

Beng01

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #320 on: January 27, 2015, 08:18:15 am »
hi sis abbmg, dra. Teh mabait naman siya, middle aged woman na chinese looking pero nagtatagalog. Mura lang consultation sa kanya, 300pesos lang and then pag schedule ni baby ng vaccine like 5-in-1, wala ng bayad ang consultation, kaya vaccine na lang babayaran. Mabait din secretary niya.

Nasa New Building siya, 2nd floor, i forgot kung anong room basta near the elevator lang siya sa left side.

Monday to Saturday, 1pm to 5pm consultation.

+arte20+

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #321 on: January 27, 2015, 08:19:07 am »
^^Aaww mas mura pala kay Dra. Zamora. Sayang naman! With Dra. Valen Co kasi naka46k plus din kami less Philhealth.

Beng01

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #322 on: January 27, 2015, 08:25:47 am »
sis ok ba kay dra. Valen Co? Even if kay dra. Zamora ako ayaw na ng mommy ko doon.
CS kasi ako last November 2014 sa kanya pero bumuka, kaya tinahi uli ako this January lang, nirefer niya ko sa isang Surgeon sa CGH din...

akosibulinggay

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #323 on: January 27, 2015, 09:03:10 am »
Sis Beng01 and sis arte20, anong room po yung kinuha niyo sa cgh? Ilang days?

Beng01

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #324 on: January 27, 2015, 10:14:56 am »
Hi sis akosibulinggay, semi private ako. Na admit ako (kasi need na induce, I was overdue na) night of Nov 3. Then Nov 4 lumabas na si baby and Nov 6 umalis na kami.

So that made it 3 days sa CGH.

sallysg

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #325 on: January 27, 2015, 11:19:08 am »
Hi mga sis....

Ask ko lang po if may marecoomend kayo ob gyne sa paranaque. I prefer olivarez hospital, maganda ba dun? Thanks

+arte20+

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #326 on: January 27, 2015, 11:28:14 am »
Nyiii!!! Katakot naman yun sis Beng01! As in bumuka sya paano? Ok naman yun sken kay Dra. Valen Co, after a week tuyo na kaya sabi nya pwede nang basain pero after 2 weeks ko pa talaga binasa. Ngayon going 5 months PP na ako feeling ko mas ok na although I know not totally healed pa din sa loob.

Sis akosibulinggay, 3 days din (Aug.30 night admit/labor, Aug.31 CS, discharge Sept.2) ako semi-private room. I think pag CS ka min. of 3 days required talaga. Depends on you kung kaya na ng body mo madischarge.

Beng01

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #327 on: January 27, 2015, 01:01:55 pm »
hi sis +arte20+, natakot din ako, may isang part na bumuka, hindi lahat. Tapos yung epidermis lang, hindi yung mga iba pang tahi sa loob, so it is not really painful na parang nasaksak haha. Or maybe mataas pain tolerance ko, mas iniintindi ko si baby.

Nung tinahi siya, gasa and paper na tape lang ang nakatakip, so ang instructions sakin araw araw linisin. Wish ko nga sana yung tape na lang na plastic para pag naligo hindi mababasa at OB na lang maglilinis.

(Pasintabi po sa mga kumakain) Nirefer ako sa Surgeon kasi may lumabas na laman :o, kaya dugo ng dugo. Kaya I underwent another operation para alisin yung laman at tahiin. Minor Operation for 20mins.
Then after a week, bumuka iyong isang sinulid, so may maliit pa rin na naka open, kasing liit ng kalahating kuko sa pinky finger natin. Kaya I am taking a 7 day medication, napunit daw yung tissue kaya hindi nakayanan ng sinulid kaya nag open. Sabi ng Surgeon, kung diabetic daw ba ko, sabi ko hindi, or baka daw malnourished (chubby ako haha), pero meron daw ganun yung tabang hangin, inadvisan ako na kumain ng meat, proteins, white ng egg- they aid in muscle repair, at ciprofloxacin 500 every 8hrs for 7 days.

Hopefully, by sunday magheal na, kasi pinagbawalan din ako buhatin anak ko, ni magchange ng diapers nya, kaya lungkot na lungkot ako  :-[

+arte20+

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #328 on: January 27, 2015, 01:34:14 pm »
^Haay kasad ngang hindi mabuhat si baby. But just follow your doctor's advise para magheal na talaga. Curious lang ako, does your OB know what happened to you? Anong sabi nya?
Get well soon sis! ;)

mslcgrey

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #329 on: January 27, 2015, 05:56:53 pm »
I gave birth via CS operation last January 22 at St.John the Baptist Medical Center in Calamba City, Laguna and we spent 50k only. With Philhealth deductions na yan.

abbmg

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #330 on: January 27, 2015, 09:47:37 pm »
sis beng. thanks ha :) yung new building ba yung main building na may rampa or yung sa may puregold? ask ko lang pano pala yun pag nanganak nako irerequest ko na si dra, teh ang pedia ko para sa newborn screening? ano ba ginagawa ng pedia sa baby pagkalabas like may binibigay na bang tests at saka vaccine? gusto ko na din kasi palagyan ng hikaw yung baby ko pagkalabas para di na niya maalala gano kasakit yun. sensha na dami ko tanong hehe... grabe naman nakakatakot pero di ko lang nagets bat daw bumuka? may mabigat ka ba na ginawa or mismong pagkatahi lang ang mali?

mga sis na naka semi private sa cgh, ask ko lang ilan sa room? nag iisip kasi ako kung mag ward or semi private. siguro pag normal ward na lang pag cs semi private, though nabasa ko ward kasi may be up to 9 patients! sabi pa naman ng OB ko ang daming due ng march. huhuhu
« Last Edit: January 27, 2015, 09:53:44 pm by abbmg »

o9kristin

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #331 on: January 28, 2015, 05:37:51 am »
Hello mga sis! Ask ko lang kung may nanganak na dito sa FEU? If so, may I know how much inabot? Gusto ko rin sanang i-consder CGH dahil affiliated dun yung OB ko kaso medyo nalalayuan ako. Sa Fairview kasi kami nakatira. Thanks in advance sa magrereply. :)

Beng01

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #332 on: January 28, 2015, 08:41:19 am »
hi sis abbmg, yung building ng clinic ni Dra. Teh ay yung sa baba non Puregold. I think lahat yata ng clinics nasa New Building na. Sakay ka lang elevator, sa Red Ribbon sa left side, may parang hallway, nandun ang elevator, sakay ka nalang nasa 7thflr si dra. Teh.

Kausapin mo OB mo na si dra. Teh gusto mong Pedia, para alam nya, usually tie up na kasi sa delivery room ang OB-Pedia-Anes, sila sila magkakapartner eversince. You can also visit dra. Teh's clinic ask her secretary na si dra. Teh gusto mo na Pedia para maendorse ka.

Pagkalabas ng baby, ichecheck ng Pedia agad for any abnormalities, check nya sinuses kung may nakabara na amniotic fluids, etc. Pag nasa recovery room ka na, an assistant will ask you if gusto mo na ipa newborn screen si baby and do other tests like hearing test, I asked how much i cannot recall kung sinabi presyo pero I said yes, important iyon eh, so I signed a waiver na later on to be billed. Then pag nasa room ka na, pupuntahan ka naman ng Pedia to check the baby again, magpapakilala siya sayo, then bibigyan ka ng small card na nakaindicate ang next check up ni baby sa kanya, she will instruct you the do's on the baby like breastfeeding every 2hrs, na wag lalagyan ng bigkis para matuyo ang pusod, linisin ng alcohol, etc.

My baby girl at 12 weeks wala pang ear pierce, ayaw muna ng Pedia since need pa muna ng anti tetanus shot included in 5-in-1 vaccine. My daughter received the 5-in-1 last January 4, so I guess isasuggest na nya sa next check up in Feb 4 if I want the ear pierce for my baby, she also has that kasi.

For the rooms, pwede ka magpa tour ng rooms sa nurses on duty or to any maintenance people. I did that tour when I was already 35weeks pregnant. Then I asked the prices. My husband and I decided for a semi private, 2 bed capacity lang at maganda cr.

So there, good luck sis, I hope you have a full term and safe delivery ;)
« Last Edit: January 28, 2015, 08:44:21 am by Beng01 »

Sigma8_2005

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #333 on: January 28, 2015, 12:47:41 pm »
Mga sis may idea kayo kung magkano na ang rate sa st. Lukes qc under dr. Menefrida reyes?

_AiaH_

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #334 on: January 28, 2015, 04:22:04 pm »
o9kristin based sa mga research ko sis and feedback ng mga friends ko, NSD ranges from 70-95k (depende sa doctor and how complicated yung panganganak) and CS from 90-120k.

ang mahal ng rates ng FEU considering hindi ganun kaganda facilities nila although I think mas sophisticated ang ICUs nila. pero fee would largely depend talaga sa OB mo kasi yung iba grabe ang PF.

I have had friends na nakapag NSD dito for 60k kasi na discount ng OB and CS na 90k lang kasi kilala nila OB.

Since fairview area ka, try commonwealth hospital and medical ctr. mas mura rates nila and usually OBs from FEU are also OBs sa CHMC. :) first choice ko kasi FEU sana pero nung sinabi sakin rates ayaw ko na. hehe.

abbmg

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #335 on: January 28, 2015, 06:10:41 pm »
thanks sis beng01 :) excited nako manganak :) siguro on my next visit on monday magrequest ako ng tour ng rooms.

Nicole1234

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #336 on: January 28, 2015, 08:49:37 pm »
Hi sis i had my cs in st. Jude hospital in dimasalang manila my total bill is 35k less na philhealth included na sa bill ang lahat ng pf ng mga doctors ( pedia, ob and anesthesiologist). Very affordable maternity packages  airconditioned room pero may kasama ka. Super kind and accomodating ang ob ko. Im on my 8th month when i transferred to her.  You can text her for details 09239386659

o9kristin

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #337 on: January 29, 2015, 12:41:12 am »
Thansk sis _AiaH_ ! Ang mahal pala pag hindi package.. Mura lang yung nakita kong package for NSD nasa around 30K plus lang for payward kaso di ko pa alam kung ano ichura ng payward nila. Based nga din sa ibang reviews na nabasa ko mukang mahal talaga rates nila.

Sa CHMC ka na ba sis? Ok naman kaya facilities nila? May OB ka dun? (sorry dami tanong :) ) Pag uusapan namin ni hubby kung san ba talaga para makalipat ng ng OB if ever. Di kasi affiliated current OB ko sa CHMC e.

_AiaH_

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #338 on: January 29, 2015, 01:52:56 am »
^pay ward nila sis ang pagkakatanda ko is hindi aircon and 8 yata kayo sa isang room? last time na-duty ako dun as nurse ganun e hehe. ewan ko lang ngayon. kaya ayaw ko dun. ang init kaya :P my friend nanganak sya dun charity sya, charity ward CS 30k yata. yun nga lang hindi ka pwede mamili ng OB. kung sino available sa charity ward that day (absolutely not advisable for high risk pregnancies like mine, hehe. kasi paiba iba OB. wala ka single point of contact in case of emergencies)

yes, lipat ako CHMC. ang ward nila is 3 bed lang sis, may sariling CR and aircon. nung na-confine ako dun walang ibang available na room aside sa OB ward e walang tao sa OB ward so I had the entire room for myself. para akong naka large private, hehe! if you don't have issues naman with sharing rooms like ward, mas maganda ward ng CHMC sis. aircon and 3 ang maximum na tao. 600 per day if I remember correctly. also labor room nila has contraction and fetal heart monitor na ilalagay sa tummy mo during labor. not sure if meron ganito sa FEU ngayon ha, last time kasi wala e pero 2008 pa ako huling na duty dun.

for me sis in terms of rates and facilities, mas preferred ko talaga CHMC kasi mura and not so crowded saka bagong hospital so mas maayos talaga.

yes may OB din ako sa CHMC. however, if very important sayo na dun ka sa current OB mo, you can opt for payward ng FEU.

alam ko packages work only for non complicated cases. kasi i had an OB before na nagpapaanak sa feu, if halimbawa magpapalit ako ng room or magkakaroon ng complications ako or si baby, definitely magiiba daw rates. :/

btw sis quote ng OB ko sakin for NSD is 40-50k small private room na yun. if bababaan mo room classification mo syempre mas mababa :) CS is 80k for small private room, all in na yun. pedia, anes, ob and the entire procedure.
« Last Edit: January 29, 2015, 01:56:11 am by _AiaH_ »

o9kristin

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #339 on: January 30, 2015, 06:16:25 am »
^Thanks sis _AiaH_! Curious lang ako, may divider ba sa ward ng CHMC? kung meron, ok na ko dun! I don't mind sharing rooms naman kaso ayoko naman na parang wala ng privacy. hehe!

Ok yung rates sa CHMC a! 40-50K lang for NSD? Pasok na sa budget!  ;D
May I know sino OB mo dun para if ever? :)

Kino-consider ko din sa Chinese Gen kaso di pa ko nakarating dun and wala din akong kakilalang na-confine or nanganak na dun kaya mejo nag aalangan ako..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close