sis threadstarter,
ang tawag diyan eh: tumatanda na tayo. ha-ha-ha-ha.
i think 90% of us go through that. when i was in my late teens, my parents would always tell me
"ganyan talaga ang age mo, until your 20s pa, na mas importante ang friends kaysa lahat"
pakikisama ang pinakaimportante sa lahat. na tipong you'll keep a blind eye sa mga red flags na nakikita niyo sa mga tao.
but when life gets complicated, ayan na, matira matibay. ang mahinang samahan, nawawala agad.
lalo na kung yung tao eh kakaiba ang prinsipyo sa buhay.
in the end, when SHTF, 90% of the time, if not 100% pamilya ang tutulong. lalo na kung mabigat ang problema. you'll end up choosing who to be with. na mas gusto mo na handful lang ang friends mo, tunay na friends mo, as opposed dun sa friend ka lang nila sa good time at pangangailangan.
tsaka when we grow old kasi, mas lalo nating nakikilala sarili natin, kung ano gusto natin, kung anong paniniwala. minsan, tayo na mismo ang nag-iiba. or on the other hand, refuse to change.
so if you and your friends do not grow together, talagang you'll grow apart.
like friend #2 mo, for her, being part of the family business is "the way". kaya yun ang pinili niya. on the other hand, may mga tao naman na naniniwala, mahalaga ang mamuhay solo, hiwalay sa lahat. no such thing as family business etc etc. kung iisipin mo sis, pareho lang kayo ng situation: tingin niyo tama kayo. personally, in these modern times, imho pera pera talaga ang usapan. kung sino ang mainggay, yun ang sore loser. if she's mentally harmful, then let her be muna. sa iba sya mag yabang.
as for your friend #1,
hayaan mo siya. may pamilya ka din naman. kung tunay siyang (or sila) friend she'll understand and keep in touch. money matters.:be firm and clear. if you want to be lenient kasi sa samahan niyo, nasa iyo na yan. but tow the line somewhere. and lend only what you can afford to lose.
madaming isda sa dagat. don't worry too much. let go if you need to.