watch now

Author Topic: Charice (Thread 5)  (Read 28206 times)

kutingpie

  • Guest
Charice (Thread 5)
« on: June 02, 2013, 05:47:12 pm »
at last, she admitted that she's a lesbian..somehow, i feel for her, she's struggling..i hope in time people will accept her..eventually they will

purpleblush18

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #1 on: June 02, 2013, 06:02:49 pm »
naiyak ako sa interview ni Charice. hehe. Somehow naintindihan ko na rin sya. Hirap nga naman kasi ng may tinatago.

hotmom

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #2 on: June 02, 2013, 06:15:36 pm »
dami naman lesbian na successful hayaan nlang natin if saan siya masaya ....

chicafabulosa

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #3 on: June 02, 2013, 06:37:42 pm »
Finally she admitted it. There is nothing wrong being lesbian or gay naman kasi...

But i hope she will fix her issue with her family.. Because at the end of the day, family will be the one to protect you pa rin.

Btw, I dunno, i just find it na di sya kasing charming ni Aiza. Parang for me siguro nasa mind ko pa yung X factor and previous interviews nya na parang may angas sya. Unlike si Aiza na humble pa rin. Maybe its just me..

But im glad rin na umamin na sya. Let us be happy na lang for her. As long as masaya sya go lang sya.

manhattanite

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #4 on: June 02, 2013, 06:38:45 pm »
naiyak dn ako waaah  ;D  nainis ako sa kanya nung naglabasan yung boyish pics nya, pero when i watched the interview kanina, parang lumambot puso ko lol.  kita kasi na sincere sha sa pagsagot, lalo na when she said na alam nyang merong fans na baka talikuran na sha pero naiintindihan nya sila.  mabuhay ka, charice, and sana magtuloy tuloy ulit ang success mo. 

oh and when boy abunda asked her to sing, kalurx ang ganda pa dn talga ng boses nya!

monbla

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #5 on: June 02, 2013, 07:16:44 pm »
I think it's a big deal that she came out and Im really happy for the LGBT community that this happened. This is a message to the youth that being gay is nothing to be ashamed of. The gay youth needs better role models.

As for Charice's career, a quick scanning of twitter and we know this turned out to be a good PR move din. Positive responses all around.

iampennylane

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #6 on: June 02, 2013, 07:30:45 pm »
I also felt the sincerity sa interview nya kanina, and I salute her for doing that. Naiyak din ako bleh! Let's just wish her luck. Tama naman yung sinabi nya na yung hitsura nya lang yung nagbago, the talent is still the same.

MisCalculus

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #7 on: June 02, 2013, 09:39:10 pm »
Si alyssa quijano pala ang kanyang special someone... now i remember si alyssa yung nag audition sa x-factor phils., (aka jam member) and si charice pa talaga ang nakaalala sa kanya that time na magkasama sila dati sa show ni sarah g. Nagkadevelopan din pala.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #8 on: June 02, 2013, 10:36:46 pm »
I still think her being a lesbian is not her biggest problem. Now, if she truly still has career in the US, I am curious as to how they are going to package her.

Bellerina

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #9 on: June 03, 2013, 12:30:41 am »
Im so proud of her. Nailabas na niya yung nasa loob niya. Theres nothing wrong kung lesbi sya or not. Nakakaiyak yung vid interviews niya.

superbubly

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #10 on: June 03, 2013, 12:33:59 am »
finally malaya na si Charice, hoping na may career pa rin kahit lesbian na siya officially, I'm still a fan, go Charice or Charlie whatever your screen name is I'm still your fan, sana nga lang din balik na yung dating humble na charice and always smiling in front of strangers

j_in_tokyo

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #11 on: June 04, 2013, 10:21:29 am »
curious din ako kung pano ipapackage si charice now na she revealed her identity na.
Kakanta pa kaya sya ng mga Whitney Houston-Celine Dion songs?
Or mag-aala-Aiza Seguerra sya?

stameygirl

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #12 on: June 04, 2013, 10:34:00 am »
She's currently being investigated by the BIR daw bec she recently made a one-time deposit of Php 700M. Kaya pala she was quoted as saying that she'll be ok even if she doesn't work in the next ten years! I truly hope she doesn't squander her monies on her girlets!

younis

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #13 on: June 04, 2013, 11:47:35 am »
she's still a talent no matter what. wag lang sana simutin ng babae nya ang hard-earned money nya.

glowstick

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #14 on: June 04, 2013, 03:29:28 pm »
I read she has 750 million in the bank! Whoa! Kaya pala she said na kahit 10 years siyang hindi kumanta, she still can afford to eat.

Anyway, i hope she collaborates with good composers like Bruno Mars and make a hit album. Sayang ang golden voice!

leilaniandson_onlineshop

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #15 on: June 04, 2013, 04:39:01 pm »
http://www.pep.ph/news/38947/charice39s-coming-out-makes-it-to-international-news-headlines
Headline ngayon sa international newspapers, online sites, at magazines ang pagtatapat ni Charice na tomboy siya.

"Charice Pempengco is gay" ang headline ng OK! Magazine; "Charice Pempengco Confirms She's a Lesbian" ang news item ng Us Weekly; "Glee's Charice Is Out Of The Closet As A Proud Lesbian " ang banner story ng celebrity blogger na si Perez Hilton; "Charice Pempengco, former 'Glee' actress, Comes Out " ang report ng CBS News; "Philippine pop star Charice says she's a lesbian" ang headline news ng New Straits Times ng Malaysia; at "Charice, former 'Glee' star; comes out as lesbian in tearful TV interview" ang balita ng New York Daily News; "'Glee' alum Charice comes out" ang sabi naman ng Entertainment Weekly.

Inamin ni Charice ang tunay niyang pagkatao sa The Buzz ng ABS-CBN noong Linggo, June 2.

Sa isang bahagi ng exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya, sinabi ng 21-year-old international singing sensation, “[M]eron po akong chance na gawin po lahat ng ito internationally... pero pinili ko po rito [sa Pilipinas] dahil malaki po ang utang na loob ko sa mga Pilipino dahil na-feel ko na gusto kong sila yung makaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako…”

(Read: Charice: Opo, tomboy po ako.")

Napatunayang totoo ang sinabi ni Charice dahil kahit sa isang local talk show niya inamin ang pagiging tomboy, naging laman ng international news ang kanyang rebelasyon.

leilaniandson_onlineshop

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #16 on: June 04, 2013, 04:40:55 pm »
http://www.pep.ph/news/38952/charice39s-ninong-robert-ybera-says-singer-will-lose-almost-100-million-after-coming-out

ansamantalang nawala sa eksena si Robert Ybera nang aminin ni Charice na siya ay isang tomboy.

Si Robert ang ninong ni Charice, at siya ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may hidwaan ang kanyang inaanak at ang ina ng singer na si Raquel Pempengco.

(Read: Robert Ybera confirms Charice's rift with mom Raquel)

Nabanggit ang pangalan ni Robert sa exclusive interview ni Boy Abunda kay Charice sa The Buzz noong Linggo, June 2, dahil tinanong ang 21-year-old singer kung galit ito sa kanyang ninong na isa sa mga nagsalita sa media tungkol sa hidwaan nila ng kanyang ina.

Sagot ni Charice, “Ninong ko po siya. Marami po akong nakita na comments niya, na sinabi niya sa media, sa mga tao, pero nirerespeto ko siya. Nirerespeto ko siya as a person, as my ninong.

"Malaki yung utang na loob ko sa kanya, honestly.

“Hindi ko alam kung bakit hindi ako galit sa kanya. Kahit na isipin ko po na dapat akong magalit dahil sa mga sinabi niya, pero hindi.

“Nag-stay po kami sa bahay niya, mga small things, kasi siya nagturo sa akin mag-drive.

“Basta ang sa akin lang po, kilala niya ako bilang isang tao, at kilala ko po siya.

“At nirerespeto ko siya, malaki ang utang na loob ko sa kanya."

(Read: Charice: "Opo, tomboy po ako.")

Pagkatapos ng panayam ni Charice sa The Buzz, nag-post agad si Robert ng saloobin niya, in capital letters, sa kanyang Facebook account.

Pinasalamatan niya si Charice dahil hindi raw sa kanya nanggaling ang kumpirmasyon na tomboy ang inaanak.

Pero nagpahayag si Robert ng panghihinayang sa malaking halaga ng pera— “halos P100 million”—na puwede pa raw kitain ni Charice kung itinago muna nito ang katotohanan.

Hindi naman idinetalye ni Robert kung paano mawawalan ng ganun kalaking halaga si Charice dahil sa ginawa nitong pag-amin na isa siyang tomboy.

1  2  NEXT

Read niyo comments ng readers, mukha daw pera yung Ninong. ha ha ha .



leilaniandson_onlineshop

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #17 on: June 04, 2013, 04:44:33 pm »
 I do not think pera lang habol ni Alyssa. Matagal na silang magkakilala. Syempre kasama na rin sa relasyon maintenance ng girl pero hindi naman siguro pera lang habol niya kay Charice.

Marin

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #18 on: June 04, 2013, 05:39:43 pm »
Pakisabi po kay Charice, ayan at nag-out na siya eh hinay hinay na sa tattoo- wala naman sa dami o laki  ng tattoo ang patunay kung sino o ano siya.

Pakisabi rin sa girlfriend, huwag gawing habit na umaligid sa interviews/appearances. SORRY pero hindi maiiwasan na manggagamit ang maging tingin sa kanya.  Bihis na bihis ang ateng sa 2 interviews recently kay Charice ( Boy Abunda & pa- charity event sa dating school ni Charice) Mas pa-celeb pa si Alyssa kesa kay Charice. 

Pakisabi rin kay Boy Abunda nakalimutan niya itanong ang mahalagang tanong na kung kailang naramdaman ni Charice na iba siya. I'm curious when did she start to struggle with her identity. I don't mind if she's really a lesbian pero hindi ko rin matanggal na pwedeng phase/experimental stage ito. Andami na ring cases na nag-out o pumasok sa g-g relationship pero nagbago eventually.

stameygirl

  • Guest
Re: Charice (Thread 5)
« Reply #19 on: June 04, 2013, 06:39:27 pm »
^ Charice said in a subsequent interview that she knew na when she was 5. Odiva?!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close