http://www.pep.ph/news/38952/charice39s-ninong-robert-ybera-says-singer-will-lose-almost-100-million-after-coming-outansamantalang nawala sa eksena si Robert Ybera nang aminin ni Charice na siya ay isang tomboy.
Si Robert ang ninong ni Charice, at siya ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may hidwaan ang kanyang inaanak at ang ina ng singer na si Raquel Pempengco.
(Read: Robert Ybera confirms Charice's rift with mom Raquel)
Nabanggit ang pangalan ni Robert sa exclusive interview ni Boy Abunda kay Charice sa The Buzz noong Linggo, June 2, dahil tinanong ang 21-year-old singer kung galit ito sa kanyang ninong na isa sa mga nagsalita sa media tungkol sa hidwaan nila ng kanyang ina.
Sagot ni Charice, “Ninong ko po siya. Marami po akong nakita na comments niya, na sinabi niya sa media, sa mga tao, pero nirerespeto ko siya. Nirerespeto ko siya as a person, as my ninong.
"Malaki yung utang na loob ko sa kanya, honestly.
“Hindi ko alam kung bakit hindi ako galit sa kanya. Kahit na isipin ko po na dapat akong magalit dahil sa mga sinabi niya, pero hindi.
“Nag-stay po kami sa bahay niya, mga small things, kasi siya nagturo sa akin mag-drive.
“Basta ang sa akin lang po, kilala niya ako bilang isang tao, at kilala ko po siya.
“At nirerespeto ko siya, malaki ang utang na loob ko sa kanya."
(Read: Charice: "Opo, tomboy po ako.")
Pagkatapos ng panayam ni Charice sa The Buzz, nag-post agad si Robert ng saloobin niya, in capital letters, sa kanyang Facebook account.
Pinasalamatan niya si Charice dahil hindi raw sa kanya nanggaling ang kumpirmasyon na tomboy ang inaanak.
Pero nagpahayag si Robert ng panghihinayang sa malaking halaga ng pera— “halos P100 million”—na puwede pa raw kitain ni Charice kung itinago muna nito ang katotohanan.
Hindi naman idinetalye ni Robert kung paano mawawalan ng ganun kalaking halaga si Charice dahil sa ginawa nitong pag-amin na isa siyang tomboy.
1 2 NEXT
Read niyo comments ng readers, mukha daw pera yung Ninong. ha ha ha .