watch now

Author Topic: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)  (Read 70960 times)

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #520 on: November 18, 2013, 04:34:27 pm »
mommy,
bawal ang pork... bawal ang beef. hahaha! sansrival pala ing paorder da neh.  ;D

hindi naman bumaha dito pero super lakas ng ulan. sila jay nga nasa rooftop pa daw ng mirdiff kahapon, nagsand storm din pala noh. dito hindi ko napansin at busy ako. ano nga ba ginagawa ko kahapon hahaha. nagluto lang naman ako arroz caldo, makulimlim. yun lang naaalala ko. tapos biglang dumadagundong yung mga bintana. umuulan na pala. haha.

hindi pa naman ako nabatukan ni jing (subukan niya), hehe. pero nagtutulakan kami. haha. para kang nakakita ng magbarkada talaga. kung hindi ako kilala ng makakakita samin, iisipin kaibigan lang ako. haha.

agnes,
wala pa kasi silang balak tumira dun sa metrogate. kaya try nila ibenta lot nila kung may bibili. kung wala naman bibili e ok lang din sa kanila. hehe. hintayin natin siya mapadpad dito at ask natin siya regarding metrogate. busy siguro yun.

ako naman, mas pagod pa ako pag weekend dahil andito sila lahat. hahaha. pag weekdays kasi e medyo napapakat ang likod ko sa sofa o kaya sa kama. pag layas nilang mag aama, nagliligpit na ako, nagpapahinga konti tapos gawa nanaman dito sa bahay, nakaluto na ako nun pagdating nila sa hapon.

ako na nga unang nagigising, ako pa huling natutulog. hehe. pag friday, friday mall ang tawag namin kasi nun lang kami magmomall. haha. jusme, ang day off ko e sa grocery.

ay nabanggit din sakin ni hubby yan. yung noodles na pinamudmod ni pinoy, may picture niya ata o pangalan. parang ganun. bakit?? para san?? sabi ko nga, kung idinagdag nalang niya sa pinamigay niyang tulong yung ipinagawa niya ng personalized noodles na yun e di mas marami makikinabang. just saying. hehe

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #521 on: November 18, 2013, 04:43:45 pm »
Ah ganun ba, sayang naman maganda pa naman ang metrogate kapag nadevelop na talaga. At for sure mahal na ang per sqm nun.

Ewan ko anong drama ni Mr Prseident hehe...hindi man nya nilagyan ng name, obvious na obvious na sa kanya galing.

Wow sis Joyce ang schedule mo hindi ko keribels hahaha...anyway medyo lessen na rin siguro ang ibang household chores since may dalagita ka na. And mukhang magandang bonding nyo ay cooking sis. Kami ng anak ko ang bonding namin ay usapang minions kasi un ibang words nya pang minions pa. Friday namin ay family day, since minimalist si hubby at intorverts din sya un malling sa bahay na lang napupunta at sya na lang ang magbabantay kay shine at ako gawin ko ang gusto ko pero sa loob lang din ng bahay hehe.

Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #522 on: November 18, 2013, 04:48:30 pm »
di ko pa nabasa yang noodles na naka yellow ribbon. nakita ko yun ke binay na me sticker nya yung plastic ng relief tapos kanina yung ke korina na mga slippers na me pangalan korina pero di ko binasa kasi di ako natutuwa ke koring :P

agnes kahit dito hindi kaya ang malakas na ulan dahil wala rin proper na drainage. ngayon pa nga lang nag lalagay sa iabgn kalsada.

joyce nag sand storm nga dito kahapon. tapos biglang lumamig pero ngayon mainit na naman, dala pa naman akong sweater. exicted :P hay magulyan na ku nga. kalaut ning sansrival king cheese cake ;D indamne pa naman ning pinsan ku ing mixer ku ene pa binalik.

***naunahan ako mag post ni agnes ;D ***

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #523 on: November 18, 2013, 05:00:42 pm »
agnes,
muka nga maganda dun sa metrogate. tsaka matagal na yung subdivision na yun diba. san na nga hubby mo sa pampanga? ikaw taga san ka? ilan sqm yung lot na nabili niyo sa metrogate?

isa pa palang reason kung bakit nila benta yung lots nila dun (dalawa lot magkatabi yung sa kanila), kasi hindi nila maisasama ang alaga nilang dogs dun. business kasi nila yun.

sabi ko nga, kung yung puhunan na ginamit para sa pagpersonalize ng noodles niya e dinagdag nalang sa puhunan pambili ng ipamimigay niya, mas makakabusog pa. haha. oo yung kay binay din daw may pangalan sa mga plastic. yung tsinelas ni korina hindi ko pa nakikita. hahaha.

ay anong lessen? hahaha. hindi ako tutulungan nun kung hindi ko siya tatawagin. haha. ok lang naman sakin na ako lahat gagawa dito sa bahay, wag lang silang magkakalat.  ;D pero yung kwarto niya, lilinisin niya. sabi ko kahit yun lang gawin niya. makabawas man lang sa gawain ko.

mommy,
itang kitchenaid ku, ali ke pa agamit. haha. kailangan daw ng converter sabi ni jay, sa 110 kasi dapat isasaksak. puro 220 saksakan namin dito. haha. sabi ko kay jay, abay bumili ka na agad. wag mo na paabutin sa pasko. haha.


Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #524 on: November 18, 2013, 05:13:13 pm »
^tanungin nga sana kita kung nagamit mo na kitchen aid mo. oo nga pag galing US 110 lang no. kala ko pa naman nagamit mo na last order mo.

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #525 on: November 18, 2013, 05:21:08 pm »
^haha, hindi pa. nasa box pa rin siya. binubwisit nga ako ni jay, ilalagay pa daw niya sa christmas tree yun. hehe.

agnes, nawala ka na. haha

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #526 on: November 18, 2013, 05:21:51 pm »
Hindi rin ako fan ni korina, generally I'm not a fan of Kapamilya, kapuso kasi ako hehe. Saka napansin namin na bias sa ABSCBN at talagang prinoprotektahan nila si Pnoy dahil kapatid ni Kris at kasangga ni Mar Roxas na asawa ni Korina.

Naiinis ako kay Kim Henares - Chief ng BIR na para i-charge pa nya for taxes ang imported goods na donation. San napunta ang isip nya? Natangay na ata ni Yolanda. Meron nga nagsabi sa akin na un friend nila ay may naipon na donation in kinds siguro ilang container din un para sa nasalanta ng bagyo, free lang sa LBC ang padala pero ayaw na daw kunin ng LBC kasi nagkakaroon sila ng problema sa customs dahil daw sa tax.

Mommy Fritz naunahan ba kita, ibig bang sabihin ay madaldal talaga ako hahaha. Pagpasensyahan nyo na mga sis wala kasi ako makausap dito hehe

Sis Joyce - sa Dau si hubby at ako nun dalaga sa manila :) soon sa Angeles na kami hehe
Meron lang ako ng mga negative views na naririnig na kahit nakatira ka sa Metrogate may bayad ang gamit ng mga amenities nila, na supposedly ay kasama un na maeenjoy sa pagbili ng lot sa kanila. I don't think na bawal ang puppies doon kasi un Auntie ko business din nila un. Pero madalas na makakuha ng complain dahil maingay daw hehe. Naalala ko na 2010 kami kumuha at binayaran namin in a year lang un lot para zero interest, 150 sqm un. 2011 tapos na kami.Pero ang release ng Land Title inabot ng mahigit isang taon 2013 Feb or March ata namin nakuha un title. Sa next vacation namin magpapatayo na kami ng house. Pero meron din kami bahay sa Dau, Roxas kakatapos lang namin napagawa bahay un ng hubby ko pero since isa lang sya na lalaki sa kanya na din daw un at kami lang din dun at si papa sa bahay kapag bakasyon pumupunta lang ang inlaws ko.

Kayo sis san kayo sa Pampanga?



MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #527 on: November 18, 2013, 05:23:39 pm »
^haha, hindi pa. nasa box pa rin siya. binubwisit nga ako ni jay, ilalagay pa daw niya sa christmas tree yun. hehe.

agnes, nawala ka na. haha

sis andito lang ako hahaha matagal lang magreply kasi mahaba ang sinasabi...madaming daldal lang lol

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #528 on: November 18, 2013, 05:52:44 pm »
agnes,
nakatyempo talaga kami ni mommy fritz ng kadaldalan. haha. ikaw na!

ako naman, mas gusto ko ang abscbn dahil lang sa mga palabas na teleserye. kristv, gusto ko din. tsaka showtime. yung mga yan. kaya lang wala na kami tfc kaya hindi ko na napapanuod pati tv patrol. puro replay nalang ng mga teleserye sa cinema1 ang inaabangan ko.

yung sa metrogate, hindi ko alam na separate pa pala ang bayad sa amenities ng subdivision. dapat kasama nga talaga yun, pero dapat magbabayad ka ng association dues. nung nag inquire kami sa heritage villas, actually kahit san subdivision, privilege mo na magamit ang mga amenities ng subdivision.

regarding sa pag aalaga naman ng aso sa subdivision, siguro consideration nalang din nila sa mga neighhbors. madami kasi sila alaga. siyempre pag nagtahulan pa yun sabaysabay, plus siyempre minsan hindi naman mawawala ang amoy aso kahit madalas mo paliguan. iwas reklamo nalang. haha. parang sa amin sa cabanatuan, marami din kami alaga aso, business din. nagrereklamo din minsan yung katabi namin dahil maingay daw. haha. ganun talaga.

yung lot ng ka sis natin dito, nakalimutan ko na kung tig 120sqm yun. o dalawang 90sqm. haha

sa may friendship kami. labas lang ng clark. 5min away sa sm clark.  ;D

Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #529 on: November 18, 2013, 06:02:14 pm »
dat kapuso din kami pero nung mawala ang GMA sa OSN hayun ka pamilya na bigla. no choice eh. miss ko na nga eat bulaga ;D

sabe dine deny yung pag tax sa ga relief goods. di ko alam. parang natangay ng hangin ang utak ng mga nanunungkulan sa tin. makita mo active na tumutulong e maga foreigner. minamasama pa. pinakita nag ng kapatid ko kagabi yun inteview ke mar roxas na hindi daw kailangan maraming doctor dahil enough na yung personnel nila. katuwa nag yung bading na nagpots nun. lahat ng sagot ni mara roxas, sinasagot din. okray to the max.

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #530 on: November 18, 2013, 06:17:43 pm »
About sa issue ng bayad sa amenities ang sabi ay may problema daw un metrogate kasi ayaw nila i-pa handle totally sa homeowners association. Actually nalaman ko lang un sa dahil un hubby ko memeber sya sa group ng Home Owners Association ng Metrogate Angeles dun ko nakikita un mga problema. Well sabi ko nga titingnan ko sa bakasyon yang mga issue na yan. Pero last vacay nga gusto ko mag-swimming dun 50pesos daw per head sabi ko sa asawa ko magrerent na lang ako ng isang private pool. Kaloka!

Sabagay may point sya dun na hidni pwede kasi resdiential un pwede siguro 2 para bantay mo na rin pero un madami talaga eh medy ibang usapan na nga naman un. Siguro mapilit lang ang Auntie ko at alam ko na di pwede kasi nga resdiential area un. Not bad kung makuha un 90sqm na un sis

Madami ngang nagkakagusto sa teleserye ng ABS, hindi kasi ako mahilig sa ganun more on documentaries ako at panalo ang GMA pagdating sa ganun hehe at talagang nag-PLUG pa ako lol

Nadaanan namin ang friendship na yan itinuro sa akin ni hubby, naalala ko tuloy nun wala pa si shine pa-motor motor lang kami ni hubby kaya naikot ko ang clark at dyan sa banda sa mabalacat. Nun bakasyon imbis na single ang gamit namin, tricycle hahaha nasira ang porma ni hubby kasi di nya magamit un motor nya hehe.

Mommy Fritz OSN din kami dati pero ginive-up namin kapalit ng GMA. Namimiss na daw ni hubby ang UFC, Discery Sciece, Animal Planet at si Shine ang Disney Channel. Sabi ko i-download ko na lang sila ng mga gusto nilang palabas hehe...si Shine na-download ako ng mga 10 episode ng Mickey Mouse Clubhouse. Pero natutuwa naman ang anak ko ke Ryzza - alam na nya sayawin ang look up look up

Totoo un sa pag-hold nila un nablita un mga germans may dala silang relief pero di sila makapasok na-hold sila sa customs.

Ang yabang ni Mar Roxas puro satsat hindi na nya ipag-pasalamt na may nag-volunteer..nabasa ko nga pumasok ako sa thread ng Yolanda mahirap makisali dun kasi HB ang mga sisters dun dahil personally na may mga kamag-anak sila na super affected ng yolanda kaya hidni rin naman sila masisi bakit sila nakakapagsalita ng di maganda sa government natin. Pero napansin ko rin mabagal talaga na mabigay ang relief, chinicheck pa daw kasi un expiration hahaha (LOL - joke lang)

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #531 on: November 18, 2013, 06:22:56 pm »
mommy,
tomo! ako nahihiya sa mga pinag gagagawa ng mga politicians satin. sila na nga kako tinutulungan hindi pa pasalamat. may napanuod pa ako video, tinawag silang epal. totoo naman. bakit kailangan harangin yung mga tumutulong. kesyo sila dapat ang mag abot. hahaha. natatawa ako. ayaw talaga magpatalo. gusto pa e sila lang mabango pangalan. galing sa ibang bansa yung mga tulong, pero gusto sila magpamigay. hahaha

agnes,
ako naman yung mga drama ang peborit ko. kahit luma pa yun, ok sakin. hahaha

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #532 on: November 18, 2013, 06:36:37 pm »
May point naman din ang sa government kung sila ang magbbgay ng relief kasi bansa natin un pero kung gusto ng mga tumutulong sila ang mag-abot personally I respect na lang sana nila at tulungan nila na maiabot sa mga nangangailangan. Nakakahiya un asta nila pero personal nilang pagkatao un and aware naman ang  bansa na may problema na sa mga namumuno sa atin.

Mahilig di ako sa drama sis joyce pero ayaw kong gawing career kasi nake-carried away ako. Kahit ano naman ang pinapanood ko affected ako masyado, nanood ako ng news about sa Yolanda iyak ako ng iyak sabi ni Shine mama why? sabi ko shhh mommy is crying, kiniss na lang na ako. Pagpasok ni hubby sa room namamaga un mata ko sabi nya bakit, naiyak na naman ako kasi sabi ko daddy naawa ako sa kanila. At nanood kami ng Eat Bulaga Pinoy Henyo bwiset na bwiset ako kapag medyo mahina ang lumalaban hahaha..etc etc..hays masyado pa-apekto lang mga sis. Kaya iniwasan ko na manood na nakaka-affect sa akin. Super explain talaga noh! Kaya nag-focus na lang ako sa documentaries at un na lang ang gusto ko gawing career hahaha

Sis more on tagalog drama ba? Like ko rin un Love story :) un kinikiligkilig ako hahaha parang teenager lang  :-*

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #533 on: November 18, 2013, 06:40:35 pm »
agnes,
oo yung mga tagalog movies gustong gusto ko. hehe.

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #534 on: November 18, 2013, 06:51:51 pm »
Napanood mo na ba un She's the one (Dingdong, Bea) ???

j27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #535 on: November 18, 2013, 06:59:48 pm »
^panonoorin ko palang. hehe meron ako na DL. napanuod mo na yan?

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #536 on: November 18, 2013, 07:22:38 pm »
Hindi ko pa napapanood pero un review ng friend ko 3star daw para sa kanya means un story ay very common daw. I-enjoy mo nalang sis panoorin iba-iba naman ang taste and preference natin. Minsan kasi un maganda sa kanya hindi pasok sa akin at un di nya like ay 5 star sa akin.

Happy Mom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #537 on: November 18, 2013, 07:38:45 pm »
agnes, kami di namin pwedeng give up ang current plan namin ngayon para magka GMa kami. kasi si hubby, baliw sa UFC at sa PBA.

ngayon pa nga lang ako nakatapos talaga ng telesere pero hini lahat ng episode e napanood ko. yung bukas na lang kita mamahalin. wala ako natatapos na palabas kasi mas gusto kong matulog kesa manood ;D

hay naku! parang wala pa kong narinig mula sa gov't na nagpapasalamat sa foreign aid na dumarating. puro mga ginagawa lang ng mga pinoy na pasasalamat ang nakitakita ko sa fb.
lumabas ang pagka incompetent lalo ng mga politicians natin sa nangyaring ito.

me nabasa pala ako sa stunning facts, me nangyari na daw ganito dati sa tacloban. 1898 yata yun. :o or early 1900. mas mas madami ang patay nun.

MrsNocom

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #538 on: November 18, 2013, 07:54:40 pm »
MOMMY FRITZ, SAD NGA AKO KASI PARANG DI HAPPY SI HUBBY DAHIL WALA NA NGA UN LAGI NYANG PINAPANOOD DI MAGAGANDA ANG KA-TANDEM NA CHANNEL SA MY-HD TV :(

SABAGAY NGAUN MAS GUSTO KO NA LANG MATULOG KESA MANOOD AT MAG-NET KAYA LANG DIKO MAGAWA KASI PAGDATING KO FROM WORK 5 PM AALIS NA SYA SO AKO NA MAG-AALAGA KAY SHINE.

kaye27

  • Guest
Re: Kapampangan GT Branch #19 Tana! :)
« Reply #539 on: November 18, 2013, 08:06:58 pm »
hello!! im back after mag hibernate sa FB at GT..

joyce, kita ko nga kitchen aid mo.. tweet tweet naman ni MIL :D kakatuwa si jing ang sexy na.. ok na yung katawan nya now wag na magpapayat masyado..

mommy, manyaman kaya mangan.. aku din magdiet ku kasu madalas masisira ali ne midagdagan ing 2kilos a binawas ku.. dapat makapagbalik ku below 50.. asna ku talaga kataba na..


hi Agnes;) Kaye here

 

Latest Stories

Load More Stories
Close