mommy,
meron sa daiso. meron din sila gamit, tsaka mga dmc sinulid. hindi ko lang alam kung san daiso ko nakita. haha. kung mirdiff, dubai mall, o abu dhabi.
yung oven thermometer, sa carrefour meron. pero baka meron din sa daiso. may mga gamit din pang bake dun e.
pag napasyal ako sa inyo at hindi mo pa nakapa yung oven niyo, tuturuan kita. hehe
hay nako, wala man nga tumatawag sakin sa school. kahit teacher man lang sana nagtext sa mga parents ng estudyante niya, wala! kundi pa ko tinawagan ni jing e hindi ko malalaman. pati ibang parents walang alam. tinawagan ko yung mga carlift nila walang kaalam alam. kaya sugod din agad sa school.
ay ba! hindi ko pala nkwento. minesage kasi ako nung nanliligaw sa kanya, nung monday ata yun. kasabisabi sakin, "tita baka pwede ko po i date yung anak niyo sa thursday". hahaha.
sabi ko hindi pwede. hehe
e thursday ngayon diba. nako kako, kaya pala mag stay ha. haha.
pinauwi ko agad, sige kako, lagot ka sa daddy mo. suspended na nga e maglalakwatsa ka pa. takot siya. hehe
sa isip isip siguro ni jing, "sana hindi ko na sinabi na suspended ang klase".

agnes,
oo sumusunod naman sakin at malaki takot sa daddy niya. hahaha.
hindi naman siya pinaghihigpitan e. pag nagpaalam yung mga yan na magmomall sila ng mga friends, pinapayagan. tapos gabi na uwi. sinusundo ng daddy niya sa mall. san ka pa. haha.
kaswerteng bata kako. nung ako ang high school, makakapag mall lang kami ng mga friends ko kung magka cutting class kami. at pinakalate na uwi e 6pm. tapos pag sabado, alam na, kung ano anong practice sa school ang paalam namin makalabas lang. hahaha.
itong mga batang to, "tita sleep over kami dyan...." sige kako open ang bahay basta magpaalam muna kayo sa mga mommy niyo.
hahaha! oo nga, amnesia nanaman si mommy. thursday kaya ngayon. ibig niya siguro sabihin, "akala niya friday ngayon". hehe