Hi mga sis, just got back from Boracay! Super ganda ng beach!
We were there from Aug. 18-21, kasagsagan ng bagyong Maring dito sa Manila. Luckily, lumalabas si haring araw nung panahong un, tapos uulan ng malakas bandang hapon pero humihinto sa gabi.
We stayed at Station 1, sa Blue Waves Boracay, katabi lang ng Ambassador. Maliit lang syang hotel, pero maganda ang service, malinis ang room at mukhang bago pa. Masarap din ang free brekky nila. Ang drawback lang, hightide pag umaga tapos walang madadaanan sa likod papuntang highway. Anyways affected naman ng hightide ang halos lahat ng station 1 sa umaga. Malayo din to sa station 2, siguro mga 25 mins. namin nilakad from hotel to d’Mall nung 1st day namin. Nung mga sumunod na araw, kaya na namin lakarin ng 15 mins. lang. Keri lang para samen ang mga lakaran na ganyan, enjoy nga kame ni bf kasi ang sarap maglakad sa tabing dagat lalo na sa gabi. Romantic ang dating. hehe
DIY lang kame ni bf sa mga transfers. Eto ang mga expenses namin:
Papunta (Caticlan Airport arrival)
Caticlan airport to Tabon port – 80php good for two pax (tricycle – tingin ko pwede sumakay mga apat dun)
Terminal fee Tabon port – 25php/pax
Environmental fee – 75php/pax
Tabon port to Tambisaan port – 25php/pax (boat)
Tambisaan port to hotel – free courtesy of the hotel

Pabalik (Kalibo Airport departure)
Tambisaan port to hotel – free courtesy of the hotel

Environmental fee – 20php/pax
Tambisaan port to Tabon port to Kalibo – 275php/pax (Soutwest tours ito, boat ride + bus going to Kalibo)
All in All, 920php lang ang nagastos namin sa transfers, kaming dalawa na ni bf un. Malaking bagay yung libreng transfer papuntang hotel.

Sorry po napahaba ang post.