Hi mga sis!
I'm newly married and so far happy with my husband. I'm currently preggy at 3 months so medyo malaking adjustment for both of us itong stage na ito.
Medyo irritated lang ako sa friend ng husband ko. Kababata nya & still our neighbor now (we're living at his parent's house pa).
Itong si friend kasi, masyadong emo and ma-drama. He's a guy pero kung mamrublema sa love life, daig pa mga friends ko na babae. Tapos paulit-ulit pa ang topic, para bang ninanamnam nya yung mga issue nya sa buhay

Okay lang sana kung sarili nya lang ang naaabala, kaso nadadamay kaming mag-asawa. Pano ba naman, 2-3 times a week pinuputahan sa bahay ang asawa ko para mag "consult" sa kanyang heart problems, minsan kahit weekday ginagabi sila sa mga session nila. Good thing naman kasi hindi pumapayag ang asawa ko na sabayan ng inom, lalo kung may pasok the next day. Kaso shempre napupuyat din sya saka pati ako na din kasi hirap pa ako makatulog ng wala sya (sya yata pinaglilihian ko e. hihi

)
Hindi naman ako makapag-reklamo kasi childhood friend nya yun, kung tutuusin mas matagal pinagsamahan nila kesa sa amin, and ayoko naman maging selfish sa asawa ko. Especially since pag may lakad kami ng friends ko, hatid-sundo nya ako, minsan kahit pinapaalis namin sya kasi for girls only, okay lang sa kanya, tambay lang sya somewhere hanggang magpasundo ako

Kaso lately itong si friend mas lumala - pati ako gusto na isama sa sessions nila. Para sa female point of view daw. Alam naman nya na buntis ako, nasa stage na antukin at madaling mapagod (we explained this to him already one time), pero di nya pa din ma-gets na sana wag na kami idamay sa mga drama nya sa buhay.
Medyo nagrereklamo na ako konti kay hubby na bakit ganun yung friend nya, masyado ma-drama tapos medyo nakakaa-abala na. Eh itong si hubby ko, masyadong mabait. Pagbigyan na daw si friend at mukhang naiinggit sa amin - sya na lang kasi ang single sa barkada nila.
Gusto ko sana intindihin kaso apektado na ako physically. Kagabi napuyat na naman kami dahil sa kanya. Ang hirap pa pauwiin, nakailang paalam na kami, ayaw pa din tumayo

Ano kaya magandang gawin ko?
