Author Topic: How to deal with your husband's friend/s?  (Read 3110 times)

popi

  • Guest
How to deal with your husband's friend/s?
« on: May 14, 2013, 09:02:07 am »
Hi mga sis!

I'm newly married and so far happy with my husband.  I'm currently preggy at 3 months so medyo malaking adjustment for both of us itong stage na ito.

Medyo irritated lang ako sa friend ng husband ko.  Kababata nya & still our neighbor now (we're living at his parent's house pa).

Itong si friend kasi, masyadong emo and ma-drama. He's a guy pero kung mamrublema sa love life, daig pa mga friends ko na babae.  Tapos paulit-ulit pa ang topic, para bang ninanamnam nya yung mga issue nya sa buhay  ::)

Okay lang sana kung sarili nya lang ang naaabala, kaso nadadamay kaming mag-asawa.  Pano ba naman, 2-3 times a week pinuputahan sa bahay ang asawa ko para mag "consult" sa kanyang heart problems, minsan kahit weekday ginagabi sila sa mga session nila.  Good thing naman kasi hindi pumapayag ang asawa ko na sabayan ng inom, lalo kung may pasok the next day.  Kaso shempre napupuyat din sya saka pati ako na din kasi hirap pa ako makatulog ng wala sya (sya yata pinaglilihian ko e. hihi  ;)  )

Hindi naman ako makapag-reklamo kasi childhood friend nya yun, kung tutuusin mas matagal pinagsamahan nila kesa sa amin, and ayoko naman maging selfish sa asawa ko.  Especially since pag may lakad kami ng friends ko, hatid-sundo nya ako, minsan kahit pinapaalis namin sya kasi for girls only, okay lang sa kanya, tambay lang sya somewhere hanggang magpasundo ako  :-*

Kaso lately itong si friend mas lumala - pati ako gusto na isama sa sessions nila.  Para sa female point of view daw.  Alam naman nya na buntis ako, nasa stage na antukin at madaling mapagod (we explained this to him already one time), pero di nya pa din ma-gets na sana wag na kami idamay sa mga drama nya sa buhay.

Medyo nagrereklamo na ako konti kay hubby na bakit ganun yung friend nya, masyado ma-drama tapos medyo nakakaa-abala na.  Eh itong si hubby ko, masyadong mabait. Pagbigyan na daw si friend at mukhang naiinggit sa amin - sya na lang kasi ang single sa barkada nila. 

Gusto ko sana intindihin kaso apektado na ako physically.  Kagabi napuyat na naman kami dahil sa kanya.  Ang hirap pa pauwiin, nakailang paalam na kami, ayaw pa din tumayo  :o

Ano kaya magandang gawin ko?  :-\

nessy

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #1 on: May 16, 2013, 07:44:04 am »
Sis, dapat si Hubby ang kausapin mo with regards to that. Kasi siya ng friend ni Guy. While it is understandable na your Hubby needs to be there for Him, ---- siyempre childhood friend tapos brokenhearted pa, para nga naman shoulder to cry on si Mister. Hehe Pero dapat you and Hubby set things straight, na dapat may boundary na kasi nga iba na situation ninyo ngayon. Married na kayo at dapat more time ninyo for each other than your friends. And please, for the love of your child, huwag ka na lang makisali sa usapan nila. Kapag nandiyan siya at alam mo na it's getting late na, punta ka na lang sa room niyo, rest or matulog na. Si Hubby pabayaan mo na lang as long as nasa house lang siya, He should be fine. And pag in-insist ni friend na sumali ka, say in your most polite way na you can't na, kasi nga preggy ka. Don't risk you and your baby's health. It is not worth it. Ako talagang I keep on eye on Hubby's friends when they are around. Kasi ayoko na ma-invade ang privacy namin. Meron din si Hubby na girl friend. As in close talaga sila. So, nakipag friends din ako sa girl pero I alway talk to Hubby sa mga rules on still being friends with His old friends at mga boundaries kasi mahirap na.

Talk to your Hubby about it. Be firm on setting rules din ha.

alexsy

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #2 on: May 16, 2013, 09:25:36 am »
sabihin mo sa friend ni hubby, "alam mo  ayaw ng mga babae sa lalaki na emo, nagpupuyat, nangangapitbahay" LOL

aquacharly

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #3 on: May 17, 2013, 09:13:35 am »
Be firm. Give him an hour or so, better if you can double-task. . Kain, listen, hinagps, console, advise.
Then, be firm:we are sleepy, we gotta rest. Go rest too, things always look better in the mornings. Goodnight. 

May24

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #4 on: May 17, 2013, 12:39:30 pm »
Hindi kaya "bading" yang friend nyo? Baka naman naghahanap sya ng time with your husband. Before ba ganyan na sya? Medyo alarming yan. Siguro it would be best if you set limits and tell him nicely that things are not the same anymore. Why not set-up a bonding night with him once a week or whenever you feels like..... and not when he just feels like he wanted to see your husband.

popi

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #5 on: May 18, 2013, 09:55:35 am »
^haha. Natanong ko na yan kay hubby.  Kasi nakakaduda nga na lagi na lang pumupunta sa amin.

Pero sabi nya since teenagers sila, ganun daw talaga yun.  "Boy drama" nga daw bansag ng barkada sa kanya.  Saka hindi lang naman daw kay hubby nangungulit yun, malamang sa ibang tropa din.

Kakainis lang, may gys pala na ganun  ::)

popi

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #6 on: May 18, 2013, 09:57:34 am »
sabihin mo sa friend ni hubby, "alam mo  ayaw ng mga babae sa lalaki na emo, nagpupuyat, nangangapitbahay" LOL

LOL! Magawa nga ito next time :p

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #7 on: May 21, 2013, 04:02:37 pm »
sabihin mo sa friend ni hubby, "alam mo  ayaw ng mga babae sa lalaki na emo, nagpupuyat, nangangapitbahay" LOL

LOL. Benta sakin to. :D

Seriously, talk to your husband sis. Set some limits sa usapang madrama nila about sa broken hearted nyang childhood friend. Iba na rin yung noon sa ngayon. Noon wala pa asawa mister mo eh ngayon ikaw na dapat priority nya. Granted na mas matagal silang magkakilala pero sana ipaunawa din ng hubby mo na may pamilya na sya.

vani88ty

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #8 on: May 22, 2013, 01:30:02 am »
sis, isara ang front door ng maaga. magkulong kayo sa kwarto, patayin ang ilaw. kinabukasan pag nagtanong siya, sabihin niyo, maaga kayo natulog kasi puyat lagi. set a day in a week na pwede kayong magkwentuhan hanggang madaling araw. conditioning lang iyan, training for him.

popi

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #9 on: May 22, 2013, 08:22:17 am »
^Thanks mga sis!

Actually si hubby eh nagrereklamo na din kasi naiistorbo din sya.  Kaso non-confrontational kasi sya, kumbaga hangga't maari pagbibigyan nya kasi ayaw nya ng mga diskusyon  *sighs*

Anyway, si friend eh nabasted ng nililigawan nya kaya mejo tahimik ngayon, nag e-emote siguro.  hehe  ;D

iceheaven31

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #10 on: May 22, 2013, 02:49:10 pm »
isang close na guy friend ko rin from college ganyan rin. almost similar, yung tipong icchat lang ako sa fb pag may magulong nangyayari sa love life niya. tapos pag bibigyan mo ng advice di naman gagawin. nakaka-aksaya ng effort sa pagcomfort. di na kami masyado nag-uusap ngayon kasi napapagod ako sa kadadrama niya. hahaha.

yang si friend na nabasted.. pano ba yan hindi mababasted e ang emo masyado.  ;D  :P  :-X

cristina

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #11 on: May 22, 2013, 03:23:38 pm »
ako i make it ba point na 1 day lang ang barkada night ni hubby na walang time limit pero if talagang hindi maiiwasan may curfew sila otherwise pagagalitan ko sila

sabihin mo dun sa friend ng husband mo ayaw ng babae sa sobrang sensitive na guys parang bading hehe

grace0619

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #12 on: June 20, 2013, 10:04:04 am »
Hahaha buti na lang walang ganyang friend ang husband ko. Pero kung magkaron man, babalikan ko 'tong thread na 'to for the advice that you guys gave. HAHAHA

fairywinkle79122

  • Guest
Re: How to deal with your husband's friend/s?
« Reply #13 on: June 21, 2013, 04:21:38 pm »
baka naman wala siyang ibang mapagsabihan kaya kay hubby mo lumapit..kaso naman ang emo nga ;D
nakakainis nga yung ganyan..

ako naman naiinis sa friend ni hubby na pag nagpupunta dito sa amin,walang bukambibig kundi yung gf niya,laging binibida,nakaka irita lang na oo alam ko naman proud siya,pero hindi naman kailangan na maya-maya sasabhin mo pa sa asawa ko yung tungkol sa gf mo..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close