watch now

Author Topic: Problems during pregnancy  (Read 340947 times)

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #540 on: August 16, 2016, 10:35:56 am »
Sana may mga mommy sale pa! 🤗🤗 Mag separate savings ako for that. Pak!

damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #541 on: August 16, 2016, 11:22:44 am »
Madami pa yan sis. Although yung nakita ko na next sale ni Mommy Mundo is sa Davao and Cdo tapos sa November 5 naman sa Glorietta. So punta ka dun. :)

Moonbeam17

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #542 on: August 16, 2016, 11:29:45 am »
Sis damonsgirl ano blog mo?:)

stylus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #543 on: August 16, 2016, 11:32:30 am »
Yey! Paupdate din ng info kung san may sale. So far marami na kami nabili pero di pako masaya. Nakakatuwa kasi mga baby clothes. Super cute! Sabi ni hubby grabe daw parang basahan lang yung size pero ang mahal. Haha!

OT: may masakit sa loob ng katawan ko kagabi pa. Tinatamaan ni baby pag sumisipa. As in napapasigaw ako sa sakit.. pero okay lang. Sabi ko kick pa more. Tiisin ko na lang basta active sya :)

damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #544 on: August 16, 2016, 11:55:39 am »
sis Moonbeam17, nag pm ako sayo ng blog link. bawal kasi lagay dito. :) hindi ko pa nauupdate yung items na nabili ko ang pricelist. gagawin ko palang ngayon hehe. :)

sis stylus, 3 day sale nalang siguro ang keri mo puntahan kasi diba Nov din due mo? kung kaya mo pa sa Nov 5, sa Glorietta meron daw :) korek sis, kahit nakakagulat at napapasigaw at napapa ihi tayo, basta gumagalaw sya masaya tayo :)

stylus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #545 on: August 16, 2016, 12:44:35 pm »
^ true sis. Kaso minsan pag 3 day sale yung mga pang baby hindi masyado sale. Kaya para di na lang hassle na marami tao sa malls, namimili kami kahit hindi sale. Yung crib, stroller and car seat most probably october or november kami bibili. ;)

damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #546 on: August 16, 2016, 12:51:49 pm »
sis stylus nakakakuha naman ako ng mga sale sa baby company hehe. ok na din yung less 10% na minimum discount :). madami dami din ako nakuhang items na naka sale sa sm. :) punta ako 10am para may additional discount sa first 2 hours on aug 19. :)

sis MedChic and sis Moonbeam17, updated na ang blog ko with pics and price lists. :)


MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #547 on: August 16, 2016, 01:02:24 pm »
Pwede na ako siguro by November magpunta jan sa mga sale sale na yan.

Nakapag shopping na ako ng para sa sarili ko, mga lotions, maternity dresses, vitamins etc.. Kasi feeling ko sa susunod maguiguilty na ako if hindi puro kay baby yung bibilhin ko. Ay. hehe.

May recent problem ako this pregnancy.. Uso ba ang nightmare sa inyo mga sis? Parang mejo nakakaworry. 5 weeks pa lang ako pero I had two episodes of super toxic night mares na, the first one nagising ako crying and continued crying mga 20 more minutes, all my relatives died daw. The second one is last night, wala ako maalalang particular dream, pero si husband woke me up kasi nag hyhyperventilate daw ako and naninigas buong katawan ko. I always keep my self well hydrated and relaxed talaga during day time, kasi ayaw natin ng stress.. Kapit kapit baby kumbaga, pero naisip ko, pag sa gabi, nasstress din ang buong katawan ko sa mga nightmares na ito. I read some literatures na common ang bizarre dreams during pregnancy, pero is that really this common? Wala lang. Naisip ko lang. Baka weird lang talaga. Pero before sleeping lagi naman akong nagppray, nagbabasa ng book and naka continue pregnancy playlist para chill lang.

damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #548 on: August 16, 2016, 01:28:27 pm »
yes sis ako din pero mas madalas panaginip ko na dinudugo daw ako. may dream din ako kagabi na binaril daw daddy ko. grabe. pero ganun talaga ako managinip super detalyado.

stylus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #549 on: August 16, 2016, 02:02:13 pm »
Ako din sis nung first trimester! Nanaginip ako na nakunan daw ako. As in yung baby nasa palad ko. Tapos iyak daw ako nang iyak. Weird. One time naman may humahabol daw sakin. So tumatakbo daw ako paakyat ng building kahit preggy ako. Dumating talaga sa time na every night nagdadasal ako na sana hindi masama yung panaginip ko kasi nakakapagod..

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #550 on: August 16, 2016, 02:26:29 pm »
Virtual hugs. Di pala ako nagiisa. Mejo common naman pala ito maybe because of pregnancy talaga.

Dreamer talaga ako mga sis, pero ewan ba, etong lately, grabehan ang mga dreams. Parang di din nakakarest pag gabi. Hay. Makapanood na nga lang ng mga cartoons for good vibes.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #551 on: August 16, 2016, 04:33:56 pm »
Haha. Ako din grabe mga panaginip ko din nung first trimester. Pero lagi ako nanaginip na may chics daw si hubby kaya paggising ko masama loob ko sa kanya kahit panaginip lang naman. LOL

damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #552 on: August 16, 2016, 05:35:21 pm »
^lols sis. Wawa naman si hubby hahaha. Umaga palang galit ka na sa kanya hehe.

simang

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #553 on: August 16, 2016, 05:50:40 pm »
Experienced quite a few vivid nightmares din when I was pregnant, and it continued on until mga 2 weeks post partum. I tried my best talaga to not think about anything ugly or negative and I kept myself busy with happy things. Feeling ko kasi these nightmares are unconscious fears. Kaya kahit masaya tayo or we avoid stress meron at meron pa din. Medyo mas scary yung post partum nightmares ko kasi ilang beses ko napanaginipan na i was being choked by familiar people -- a friend, a cousin, basta ganun. Nakakatakot. Buti na lang it stopped.

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #554 on: August 18, 2016, 10:13:49 am »
Mga sis, baka may maitutulong kayo sa akin.. Mejo mahaba ang mababasa ninyo ha..

Im on my first trimester now, and nakikitira pa kami sa bahay ng parents ko. (we acquired a property to be built 20 months from now) and para makatipid sa expenses ng rentals, dito muna kami sa bahay namin since ito ang malapit sa work ko. I am living with just my mom and dad, husband go here every weekends lang kasi nasa malayo naman din ang clinic niya.

So my problem is here, super LONG standing problem na actually.

Itong bahay namin, mga 70% ng laman ay TAMBAK. Literal na tambak, mga boxes, kung ano ano ang laman, mga damit, bags, towels, books, na pilit na ini-store lang. yung isang room namin dito naging bodega na sa daming box. Pero yung room ng parents ko, parang mini bodega na din. Nagrereklamo sila sa init ng aircon, paano ba naman, kailangan palamigin ng aircon din ang napakaraming gamit nila dun.

Sabihin na nating both of my parents are hoarder. Typical Filipino home na andaming plato, baso, kaldero, mga display etc etc. Ang problema ko, very dirty na talaga yung bahay namin. Andaming daga na hindi macontain, may mga amag, anay, ipis.. Etc. kahit na anong linis ng bahay.. HINDI talaga magawang itapon or ipamigay ng mga magulang ko yung mga bagay bagay dito. Sirang transistor, sirang blender, sirang oven.. Bumili na ako ng bagong washing machine, yung kumang washing machine nakatambak pa din. Bumili na ako ng bagong set ng mga kawali kaldero, yung lumang set, anjan pa din. AYAW ITAPON. SWEAR. Yung mga towels, linen, mga damit na pagkarami rami, nakatambak lang hindi ginagamit. Inaanay na lang.

Naffrustrate ako na kada kinakausap ko sila ng matino, literal na wawalisan, papagpagin and pupunasan lang. Pero andun pa din ang mga boxes! Hello hello pa din ang mga alagang daga and anay.

Alam ninyo yung US series dati na parang home make over? Naka ilang pintura, renovate, extend extend ang bahay namin, pero masikip pa din sa dami ng tambak. Gusto ko ng ipagiba literal ang bahay namin. Pero alam nio yung sa palabas na yun, tipong makikipag bargain pa yung mag home make over sa may ari para ibenta yung mga gamit? Tipong iiyakan yung mga walang kwentang kalat kasi di mai let go? Ganun ang nanay at tatay ko.

Hindi maganda ang exposure ng baby sa maduming environment, alam naman nating lahat yan. Pero hindi ko din mapakiusapan ang mga magulang ko na ipamigay na yung mga gamit namin na hindi na nagagamit. Sabi ko sa kanila, if may damit sila or bag or shoes na hindi na nagamit the past 5 years, ipamigay na yun kasi for sure the next 5 years, they will not be needing it. Oo lang ng Oo pero anjan pa din sila. Parang na eempacho na yung bahay namin sa daming tambak.

Ang sabi ni husband, if ayaw pa din nila ipamigay ang mga gamit dito or itapon, magrerent na lang daw kami. Kasi pag lumabas ang baby, ma eexpose din sya sa dumi. Sa totoo lang, ayaw ko namang magrent din kasi unang una, gastos din yun and pangalawa, aminin ko man or hindi, mas gusto kong kasama ang parents ko sa mga times na hindi naman kami everyday magkasama ni husband.

Nawawalan na ako ng pagasa mga sis, hindi na liveable ang bahay namin. Ang dami kong frustrations.

and for the record, hindi ako katulad nila na may special attachment sa mga gamit. Yung kwarto ko lang dito sa bahay namin ang malinis at maaliwalas sa totoong buhay. Every month nag dedeclutter ako, ang nanay ko, literal she'll get into my garbage bag, and save whatever she can save. Kahit na tinapon ko na.

And kahit na anong saway ko, hindi ko talaga sya mapagsabihan. Hindi mo naman masasabi mga sis na mahirap ang buhay namin kaya etong nanay ko eh tambak nh tambak. Hindi ko talaga maintindihan bakit ganun sila.

Sinabihan ko na sila na makakasama sa pagbubuntis ko yang mga tambak. Ganun pa din, linis lang punas pero anjan pa din sila.

:-(

Mag rent na lang ba ako?

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #555 on: August 18, 2016, 10:25:53 am »
May tawag pala sa problema ko, living with parents with an illness called COMPULSIVE HOARDING. Ang galing. Sakit pala sya. Sa tingin ko both of my parents have this problem.

Haaaay. Minana pa nila siguro ito sa parents din nila. Our ancestral homes sa province, with both of my mom and dads side, ganun din ang mga bahay. Puro tambak. Hindi na sya matatawag na collections eh. Puro na mga kalat. :-(


damonsgirl

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #556 on: August 18, 2016, 10:47:52 am »
Ang hirap naman nyan sis. Ako as much as possible gusto ko minimalist lang talaga. Yung kung ano lang kailangan ang magstay sa akin. Lahat ng mga maliliit na damit binibigay ko agad sa mga pinsan kong payat lalo na ngayon buntis ako. Wala ng pag asa na bumalik ang katawan ko sa payat clothes ko. Hehe. I suggest rent ka nalang yung halfway sa work nyo ni hubby. Tapos mag visit nalang ang parents mo dun every once in a while para may guidance pa din nila ang pregnancy mo and ang apo nila pag anjan na si baby. Mahirap talaga pag ganun kagulo ang bahay. Lalo na pag may baby. Dapat maaliwalas. Baby proofed ang bawat sulok para iwas aksidente kay baby.

britzm

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #557 on: August 18, 2016, 10:56:09 am »
sis medchic, i think you should rent your own space na lang. first and foremost, bahay ng parents mo yan. sila ang dapat mag decide kung ano gusto nila sa loob ng bahay. i experienced this first hand pero nung nag rent ako, naramdaman ko din yung frustrations from people telling me that i should arrange my house like this, i should do it like that... etc. so ayun, i came to respect my parent's turf.
yung gastos sa rent, that's nothing compared sa stress na pagdadaanan mo.

MedChic

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #558 on: August 18, 2016, 11:15:02 am »
Sis britzm, i understand na wala akong jurisdiction sa bahay namin when it comes sa tambak nila. Kasi totoong nakikitira lang ako.

Pero, nga pala, ako pala ang nagbabayad ng lahat ng bills. Meralco, tubig, grocery.. BUT i am really trying my best to talk about my frustrations, kaso parang sakit na talaga. Haaaaay.

Gusto ko din sana na maturuan sila na maglinis ng bahay, kasi sooner or later, sila din ang mahihirapan dito pag nag move in na kami sa bahay na pinapagawa namin. And gusto ko din na makaspend ng time sa kanila kasi matatanda na din sila.

Sis damonsgirl, totoo yan. Ilang beses ko na sinabi sa kanila yan. Pakiramdam ko nga kaya walang tumatagal na helper dito sa amin kahit na ambait na talaga namin, kasi santambak talaga ang kalat. Haaaaay.

Yung mga google pictures ng Obsessive Hoarding. Ganun kadumi ang bahay namin.

Sa sala may isang rack na sila na nandito na ang mga damit. Biruin mo, nasa sala na namin ang mga damit nila.

Wala na kaming masabi sa mga bisita kundi constantly na nirerenovate kasi ang bahay namin. Minsan hindi ko na nga alam if ang rerenovate ba talaga kasi sobrang kalat everywhere. Hay.

Bad vibes sa umaga. Pasensya na mga sis. Ambigat lang netong dala dala ko ngayon.

tinytins

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #559 on: August 18, 2016, 02:03:15 pm »
Hi sis medchic.  Naalala ko tuloy nung nasa psych rotation ako at sabi ng consultant namin na.  Hoarding is new sa dsm dati under sya ng OC.  Ngayon separate na. At sabi pa nya may case daw sa US ata yun namatay dahil [textspeak!] mga hoard na gamit bumagsak sa kanila.  Mahirap nga talaga yung situation mo. Pero totoo sabi ng mga sisses natin, baka mas ok pa nga na mag rent na lang kayo kesa naiistress ka ng ganyan. Plus buntis ka pa. Lalo kung mahirap ka mag buntis with all the pregnancy symptoms.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close