Mga sis, baka may maitutulong kayo sa akin.. Mejo mahaba ang mababasa ninyo ha..
Im on my first trimester now, and nakikitira pa kami sa bahay ng parents ko. (we acquired a property to be built 20 months from now) and para makatipid sa expenses ng rentals, dito muna kami sa bahay namin since ito ang malapit sa work ko. I am living with just my mom and dad, husband go here every weekends lang kasi nasa malayo naman din ang clinic niya.
So my problem is here, super LONG standing problem na actually.
Itong bahay namin, mga 70% ng laman ay TAMBAK. Literal na tambak, mga boxes, kung ano ano ang laman, mga damit, bags, towels, books, na pilit na ini-store lang. yung isang room namin dito naging bodega na sa daming box. Pero yung room ng parents ko, parang mini bodega na din. Nagrereklamo sila sa init ng aircon, paano ba naman, kailangan palamigin ng aircon din ang napakaraming gamit nila dun.
Sabihin na nating both of my parents are hoarder. Typical Filipino home na andaming plato, baso, kaldero, mga display etc etc. Ang problema ko, very dirty na talaga yung bahay namin. Andaming daga na hindi macontain, may mga amag, anay, ipis.. Etc. kahit na anong linis ng bahay.. HINDI talaga magawang itapon or ipamigay ng mga magulang ko yung mga bagay bagay dito. Sirang transistor, sirang blender, sirang oven.. Bumili na ako ng bagong washing machine, yung kumang washing machine nakatambak pa din. Bumili na ako ng bagong set ng mga kawali kaldero, yung lumang set, anjan pa din. AYAW ITAPON. SWEAR. Yung mga towels, linen, mga damit na pagkarami rami, nakatambak lang hindi ginagamit. Inaanay na lang.
Naffrustrate ako na kada kinakausap ko sila ng matino, literal na wawalisan, papagpagin and pupunasan lang. Pero andun pa din ang mga boxes! Hello hello pa din ang mga alagang daga and anay.
Alam ninyo yung US series dati na parang home make over? Naka ilang pintura, renovate, extend extend ang bahay namin, pero masikip pa din sa dami ng tambak. Gusto ko ng ipagiba literal ang bahay namin. Pero alam nio yung sa palabas na yun, tipong makikipag bargain pa yung mag home make over sa may ari para ibenta yung mga gamit? Tipong iiyakan yung mga walang kwentang kalat kasi di mai let go? Ganun ang nanay at tatay ko.
Hindi maganda ang exposure ng baby sa maduming environment, alam naman nating lahat yan. Pero hindi ko din mapakiusapan ang mga magulang ko na ipamigay na yung mga gamit namin na hindi na nagagamit. Sabi ko sa kanila, if may damit sila or bag or shoes na hindi na nagamit the past 5 years, ipamigay na yun kasi for sure the next 5 years, they will not be needing it. Oo lang ng Oo pero anjan pa din sila. Parang na eempacho na yung bahay namin sa daming tambak.
Ang sabi ni husband, if ayaw pa din nila ipamigay ang mga gamit dito or itapon, magrerent na lang daw kami. Kasi pag lumabas ang baby, ma eexpose din sya sa dumi. Sa totoo lang, ayaw ko namang magrent din kasi unang una, gastos din yun and pangalawa, aminin ko man or hindi, mas gusto kong kasama ang parents ko sa mga times na hindi naman kami everyday magkasama ni husband.
Nawawalan na ako ng pagasa mga sis, hindi na liveable ang bahay namin. Ang dami kong frustrations.
and for the record, hindi ako katulad nila na may special attachment sa mga gamit. Yung kwarto ko lang dito sa bahay namin ang malinis at maaliwalas sa totoong buhay. Every month nag dedeclutter ako, ang nanay ko, literal she'll get into my garbage bag, and save whatever she can save. Kahit na tinapon ko na.
And kahit na anong saway ko, hindi ko talaga sya mapagsabihan. Hindi mo naman masasabi mga sis na mahirap ang buhay namin kaya etong nanay ko eh tambak nh tambak. Hindi ko talaga maintindihan bakit ganun sila.
Sinabihan ko na sila na makakasama sa pagbubuntis ko yang mga tambak. Ganun pa din, linis lang punas pero anjan pa din sila.
:-(
Mag rent na lang ba ako?