watch now

Author Topic: Problems during pregnancy  (Read 341200 times)

Which is Witch?

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #380 on: June 01, 2016, 10:15:51 am »
sis loidyloids, bakit mefenamic ang nireseta sayo sis? buti hindi mo nga ininom. Ako din lately nakakafeel ako ng menstrual cramps, minsan kasabay siya ng braxton hicks/paninigas ng tummy, minsan naman hindi sumasabay sa pagtigas ng tummy. Aside from duvadilan, binigyan niya ko ng utrogestan. Pagganun kasi contraction daw yun, naapektuhan yung blood flow papuntang uterus. Pero tinetake ko lang siya as needed. Hope maging okay ka na sis! nafifeel ko parin siya paminsan. sana mawala narin yung pain, scary kasi eh.

loidyloids

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #381 on: June 01, 2016, 10:28:09 am »
@which is witch: di ko nga rin alam sis kung bakit mefenamic eh. sana nga mawala na yung pain. hindi din kasi maganda na nagwo-worry or natatakot tayo dahil sa mga nararamdaman natin. sa ngayon okay na ako. yung paninigas meron na din ako paminsan minsa pero hindi ko masyadong pinapansin as long as walang pain na kasama

belle_v2g

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #382 on: June 01, 2016, 10:34:33 am »
masyadong abused ng drs. ang mefenamic. (OT: my friend complained of chest pain and had an elevated bp, mefenamic din daw binibigay ng doctor sa clinic ng call center nila). *i want to faint
my previous and current pregnancy sis, hanggang paracetamol lang talaga kaya kong inumin.
problema ko lately is constipation (severe), sleep deprivation and leg muscle cramps. yan naeexperience ko ngayong last trimestre ko na.

Which is Witch?

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #383 on: June 01, 2016, 11:08:58 am »
loidyloids - onga sis eh, Get well soon!! :)

sis belle, ako din bongga constipation ko. kahapon lang ang recent na stressful experience ko sa pagiging constipated. haha. :) Ayoko pilitin naman kasi natatakot din ako sa hemorrhoid kaya patagalan nalang tambay sa CR ( though di rin maganda yung ganyan kasi nabasa ko it could lead to having hemorrhoid din daw ). at sabi ng mother ko, wag din daw ako umire baka magkamali ako ng pag-ire..

same here, paracetamol lang ang ininom ko for pain and for low grade fever. (aside from antibiotic because of UTI)

belle_v2g

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #384 on: June 01, 2016, 11:38:51 am »
^naku sis, grabe ang constipation ano. nung nakaraan 12am til 1:30am nasa toilet ako. humihilab tiyan ko, di ko tuloy madistinguish kung labor pain ba yun or tae. kainis talaga. hesitant din akong umire kasi baka ulo ng baby ang biglang lumabas haha! :) pero di ko matiis kasi umiiyak na talaga ako at madaling araw pa. sa check up ko sa friday, banggitin ko yan at baka may remedy sila na ibigay sakin.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #385 on: June 01, 2016, 12:49:44 pm »
Lagi ba talagang gutom pag buntis? First trimester pa lang ako pero iba yung gutom ko. Dati pwd ko idelay ang kain ko pag may ginagawa ako pero ngayon diko kaya tiisin. Solo pa naman ako kaya ako din bibili pag nagugutom. Hehe

Ako naman sis nawalan ng gana nung first trimester, nabawasan nga ko ng timbang. Pagdating ng 2nd tri, ayun balik takaw na ulit  :)

sis Which is Witch? , belle_v2g naku napaka-uncomfortable nga nyan, tsaka nakakadagdag sya ng sikip sa loob. Nung first tri ko lang naranasan yan, mula nung nag-avocado ko everyday regular na bowel movement ko, walang ng effort :) try nyo, avocado season pa naman ngayon, tapos nabasa ko rin good sya kainin sa last tri since ok sya sa brain development ni baby.
« Last Edit: June 01, 2016, 12:59:37 pm by aNgelofThEMorning »

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #386 on: June 01, 2016, 01:03:23 pm »
Yes sis. Inuman ko na lang to ng calamansi juice tonight. Nakakabother lang kasi pag nauubo ako ang sakit sa tyan sa part kung nasan si baby. Yung feeling na nagsit ups ka kaya masakit pag umuubo or tumatawa.

Ako nun sis 2 weeks tiniis ko during first trimester ko, awang awa nga ko kay baby nun kase madaling araw hinde ako makatulog kaka-ubo tapos ang sakit na nga sa tiyan. Ayaw naman ako painumin ni OB ng anti-biotic kase I don't look sick naman daw. So iwas talaga sya magpa-inom ng anti-biotic, unless need na talaga. Uminom lang daw ako ng lemon/calamansi juice at madaming water. Tapos Cecon lang pinainom nya na gamot, safe naman daw sa pregnant to.

belle_v2g

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #387 on: June 01, 2016, 04:04:48 pm »
^sis, ok avocado sa constipation? super tigas kasi ng poop ko. yung type na ayaw pumasok kahit nakailang flush na. parang malalaking bato eh. sorry sa terms na gamit ko ha. hirap na hirap talaga ako.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #388 on: June 01, 2016, 06:00:11 pm »
^ yes sis for constipation. Pero ako kase unang try ko ng avocado mga 2hrs after tumatakbo na ko sa CR, tapos un nga parang nag-diarrhea ako pero once lang yun nangyari. After nun kahit kumakain na ko avocado regular na sya tapos malambot na texture nya. Mas effective sa akin to kesa sa papaya, pineapple or prune juice :)

belle_v2g

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #389 on: June 01, 2016, 07:07:01 pm »
Ok lang ba avocado shake sis? Kasi parang di ko makain ang solid na avocado lang. :(

angelvenus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #390 on: June 01, 2016, 09:21:55 pm »
Sis paano niyo kinakain yung avocado? Fresh lang ba? O pwede may halo gatas kasi parang hindi ko siya kayang kainin na fresh..

belle_v2g

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #391 on: June 01, 2016, 09:29:10 pm »
^same here sis. avocado with milk and ice plus konting sugar haha!

premiemommy

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #392 on: June 02, 2016, 03:16:43 am »
Tama ang hirap nga pag walang halo ang avocado, safe ba sya kainin everyday hirap din ako minsan mag poop, ang sakit sa pwet tas minsan masakit pa sa tummy Kaya minsan natakot din ako. Sa 1st pregnancy ko date as in natakot na ako mag poop kase my blood na minsan, parang na Virgin-an ako,bute ngayon Hindi pa nangyare na sana wag naman kase ang hirap.

May ask pala ako sisses safe ba tayo maligo sa gabe?my MIL kase sa 1st preg ko pinag bawalan ako kase lalamigin daw ang baby mag kakapulmon daw.e ngayon nakabukod kame naligo talaga ako 2x a day sa night pa ang Isa sa sobrang banas Hindi pa warm pinaliligo Ko. Pero May takot pa din ako minsan Kaya Lang di talaga Kaya feeling ko ma highblood ako pag di ako nag half bath.

stylus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #393 on: June 02, 2016, 06:36:04 am »
^Nung first few weeks ko sis naliligo rin ako sa gabi. Pinagbawalan din ako. Sabi pa nila kung mahal ko daw ang magiging anak ko, bawasan ko daw muna sobrang kalinisan sa katawan. Magpunas na lang daw muna. Dahil nga daw sa lungs ng baby. Di ko din alam kung totoo. Pero dahil naniniwala si hubby dun, sinusunod ko na lang para di ako masabihan matigas ulo ko.

Ang new problem ko mga sis kaninang madaling araw habang natutulog ako, nakapasok pusa ko at umakyat dito sa kama namin. Nung di pa ako preggy ugali nya kasi tumungtong sa tummy ko at dun sya matutulog. Kanina pagstep nya ng isa sa tummy ko naramdaman ko na medyo masakit. Nagising ako at nagising din si hubby kaya pinalabas nya kagad. So hindi buong bigat nya na 3.5kgs ay napatong sa tyan ko. Sa right most part ng tummy. Nag aalala tuloy ako kung safe ang baby. Wala naman siguro sya sa gilid :(

Isa pa mga sis, safe kaya ang strepsils sa preggy? Super kati talaga ng lalamunan ko eh. Bukas la sched ko ng check up kaya bukas ko pa lamg rin mapapatingnan ubo ko.

belle_v2g

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #394 on: June 02, 2016, 08:25:27 am »
^sis, don't worry about taking showers at night and the cat. baby is wrapped in a protective sac that regulates the temp inside and won't feel any bumps or trauma unless severe accident yan, ie car crash, falls etc. take care!

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #395 on: June 02, 2016, 08:28:34 am »
korek para si baby na nasa loob ng zorb ball kaya di yan basta basta ma-hurt. Shock proof. Hehe

simang

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #396 on: June 02, 2016, 08:53:49 am »
Everyday ako naliligo sa gabi when i was pregnant, usually warm shower kasi mas madali ako makatulog, and my baby turned out health naman. Tsaka ang init kaya, lalo na pagdating ng 3rd tri, parang lahat ng tao nilalamig ako naman pawis na pawis. Di ko keri ng hindi magshower sa gabi. Ngayon ako binabawalan maligo sa gabi kasi malamig na yung weather. Kahit magbasa daw ng paa sa gabi, bawal. Hehe

Jeannybaby

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #397 on: June 02, 2016, 09:15:35 am »
32 weeks here! ako naman got my CBC results and anemic ako... 2x/day na ang iron pills ko. Gusto ko sana isupport din with food na malakas sa iron para bago ako manganak (hopefully) hindi na ako maging anemic. Ok lang ba kumain ng maraming ampalaya? Kumakain ba kayo nito during your pregnancy?

re: Constipation naku ganito narin ako. Minsan hindi na nadadala ng prune juice ma-try ko nga avocado suggestion nyo. Nagprescribe sakn si ob ng lactulose which is safe naman daw for pregnancy kahit everyday pa itake pero as much as possible gsto ko idaan sa fruits muna 😊

belle_v2g

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #398 on: June 02, 2016, 10:23:33 am »
^sis kami madalas magluto ng ginisang ampalaya. favorite ulam kasi ng 6 y/o ko yun. :) lakasan mo din sa meat and green leafy veggies.

rhylie10

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #399 on: June 02, 2016, 02:30:57 pm »
hello mga sis! ask lang po, baka ot eh, sabi kasi ni ob may uti daw ako, wbc ko is 8-10 hpf, rbc is 3-5 hpf.. bacteria is moderate, niresetahan niya ako ng cefuroxime zoltax 500mg 2x a day.. masyado ba mataas infection ko? need ko pa bang itake yang gamot? hesitant lang talaga magtake ng antibiotics eh;( 25weeks na pala tummy ko.. hindi ba kaya sa water at cranberry juice? anyone here who took that meds also?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close